Filipino 10 Unang Markahan – Modyul 2: Parabula mula sa Syria PDF
Document Details
2020
Tags
Summary
This Filipino 10th-grade module details parabula stories from Syria, focusing on the Mediterranean literature style. The module aims to improve comprehension and learning in a classroom or self-learning environment.
Full Transcript
10 Filipino Unang Markahan – Modyul 2: Parabula mula sa Syria (Panitikang Mediterranean) CO_Q1_Filipino10_Module2 Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan (Panitikang Mediterranean) – Modyul 2: Parabula mula sa...
10 Filipino Unang Markahan – Modyul 2: Parabula mula sa Syria (Panitikang Mediterranean) CO_Q1_Filipino10_Module2 Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan (Panitikang Mediterranean) – Modyul 2: Parabula mula sa Syria Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Emelaine M. Areola, Alvin D. Mangaoang Editor: Luisito V. Libatique Tagasuri: Arabella May Z. Soniega, Virgilio C. Boado, Editha T. Giron, Gina A. Amoyen, Gemma M. Erfelo, Rowena R. Abad, Renato R. Santillan, Maria Teresita R. Gapate Tagaguhit: Rodel R. Rimando, Maeludi M. Manongdo, Charles D. Mabalot Tagalapat: Alvin D. Mangaoang Tagapamahala: Tolentino G. Aquino, Arlene A. Niro, Gina A. Amoyen, Editha T. Giron, Atty. Donato D. Balderas Jr., German E. Flora, Virgilio C. Boado, Alejo R. De Sesto Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: [email protected] 10 Filipino Unang Markahan – Modyul 2: Parabula mula sa Syria (Panitikang Mediterranean) Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. ii Alamin Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Sabik ka na bang magpatuloy sa iyong pag-aaral? Marahil ay oo...kaya humanda ka na, sapagkat ang pag-aaralan nating aralin ay susubok sa iyong malalim na pag-unawa sa iyong babasahin. Ang Modyul 2 ay tatalakay sa Parabula mula sa Syria. Matapos mong mapag- aralan ang Mito mula sa Rome, Italy, ikaw ay gagabayan naman ng mga mensaheng matututuhan sa akdang pampanitikang umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay – ang Parabula. Ang Syria ay isang bansa sa Timog-Kanlurang Asia. Nasa hangganan ng Lebanon, Israel, Jordan, Iraq at Turkey. Sa Ingles, ang pangalan “Syria” ay dating magkasingkahulugan sa Levant (kilala sa Arabic bilang al-Sham) habang sumasaklaw sa mga modernong estado ang katatagpuan ng ilang mga sinaunang kaharian at imperyo. Naglalaman ang araling ito ng Parabulang pinamagatang “Ang Tusong Katiwala” mula sa Bagong Tipan. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay – pagsisimula, pagdadaloy ng pangyayari at pagwawakas na makatutulong upang maunawaan mo ang mensaheng nakapaloob dito. Handa ka na ba? Halika na’t simulan mo na. Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod: Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) 1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal. (F10PN-lb-c-63) 2. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong at binasang mitolohiya. (F10PB-Ib-c-63) 3. Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresiyong ginamit sa akda at ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin(F10PT-Ib-c-62) 4. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas). (F10WG-Ib-c-58) O ano pa ang hinihintay mo? Halika na’t simulan na natin ang paglalakbay. 1 CO_Q1_Filipino10_Module2 Subukin Marahil ay batid mo ang kahalagahan ng mensahe o mahahalagang kaisipang dapat mabatid sa anomang uri ng babasahin. Kaya, pagtuonan mo ng pagsusuri ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. PAUNANG PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga pahayag sa loob ng kahon. Sa iyong sagutang papel, gayahin ang talahayan sa ibaba at isulat sa tamang hanay kung ang mga pahayag na nasa loob ng kahon ay katotohanan, kabutihan o kagandahang-asal ng isang tao. nakatapos sa pag-aaral matulungin sa kapwa pagmamano sa mga magulang nakikinig sa mga guro sumusunod sa health protocols pagmamahal sa magulang nagpapasa ng modyul sa takdang araw gumagawa ng gawaing bahay pagsasabi ng ‘po’ at ‘opo’ sa nakatatanda Katotohanan Kabutihan Kagandahang-asal B. Panuto: Suriin mo ang sumusunod na mga larawan. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel. 2 CO_Q1_Filipino10_Module2 1. Ano ang ipinakikita ng bawat larawan? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng bawat larawan? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Makatutulong ba ang mensaheng nakapaloob sa larawan sa paghubog ng magandang ugali ng isang tao? Pangatuwiranan ang sagot. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Maliban sa sinuring mga larawan, magbigay ng iba pang sitwasyong nagpapamalas /kakikitaan ng kagandahang-asal. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ C. Panuto: Basahin mo ang maikling teksto. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay. Piliin at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. Isang araw, kinausap ng isang mag-aaral ang kanilang guro. Sinabi niya sa guro na ang kaniyang mga kaklase ay nagkakaroon ng alitan sa isa’t isa. Kaya sa 1. (huli, sumunod) na araw ay ipinatawag niya ang mga ito. 2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng guro ang pinakapangulo sa klase, 3. (saka, pati) ito pinagpaliwanag ukol sa nakarating sa kaniya na alitan ng mga mag-aaral. 4. (Gayon din, Pati sa) ang ginawa sa isa pang grupo ng mga mag-aaral. Nalaman ng guro ang dahilan ng pag-aaway ng mga mag-aaral 5. (kung gayon, kung kaya) pinayuhan niya ang mga ito na maging malumanay at pag-usapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Nakinig naman ang mga mag-aaral sa kaniya at nanumbalik ang maganda nilang samahan. Magaling! Natutuwa ako at mahusay mong naisagawa at nasagutan ang mga paunang pagtataya. Binabati kita! Kaya, magpatuloy na tayo sa susunod na gawain. 3 CO_Q1_Filipino10_Module2 Aralin Parabula mula sa Syria 1.1 Panitikan: Ang Tusong Katiwala Balikan Sa nakaraang modyul, natalakay natin ang kahulugan ng mito at ang pokus ng pandiwa. Nabatid nating ang mito ay isang akda kung saan diyos at diyosa ang kadalasang mga tauhan. Bilang pagbabalik-tanaw sa kasanayan sa nakaraang modyul, inaasahang isasagawa mo ang gawain gamit ang konsepto ng pandiwa. Handa ka na ba? Magsimula ka na. Gawain 1: Larawan ng Kabutihan Panuto: Tukuyin ang kilos o galaw na makikita sa bawat larawan at kung anong pamantayang moral o kabutihang-loob ang ipinahihiwatig nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Kilos o Galaw: 2. Kilos o Galaw: 3. Kilos o Galaw: _____________________ _____________________ _____________________ Kabutihang-loob: Kabutihang-loob: Kabutihang-loob: _____________________ _____________________ _____________________ 4. Kilos o Galaw: 5. Kilos o Galaw: _____________________ _____________________ Kabutihang-loob: Kabutihang-loob: _____________________ _____________________ Muling iginuhit ni Maeludi M. Manongdo (2020). Aninong larawan ng kabutihan. Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Magpatuloy ka lang at magagawa pang mapalago ang iyong kaalaman. 4 CO_Q1_Filipino10_Module2 Tuklasin Sa bahaging ito, susuriin mo ang isang magandang halimbawa ng parabula. Nais kong bigyan mo ang nilalaman nito para masagot mo ang pokus na tanong na – Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan? Suriin ang akda gamit ang iyong kasanayan sa pakikinig sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na kaparaanan: a. Basahin nang malakas ang akda. Tiyaking naririnig ang sariling pagbasa; b. Ipabasa sa isang kapamilya o kaibigan; c. Buksan ang link at pakinggan sa https://www.youtube.com/watch?v=DSyrVjcl2To. Ang Tusong Katiwala (Lukas 16:1-15) Philippine Bible Society 1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang alaga, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.” 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.” 3) Sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili, “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.” 4) “Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.” 5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, Muling iginuhit ni Rodel R. Rimando (2020). Larawan ni Hesus na nagsesermon “Magkano ang utang mo sa aking amo?” 6) Sumagot ito, “Isandaang tapayang langis po.” Kaya sabi ng katiwala, “Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu.” 7) At tinanong naman niya ang isa, “Ikaw, magkano ang utang mo? Sumagot ito, “Isandaaang kabang trigo po.” “Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang”, sabi niya. “Isulat mo walumpu.” 8) Pinuri ng amo ang madayang katiwala dahil sa katusuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas tuso kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito. 5 CO_Q1_Filipino10_Module2 9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?” 13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Hesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam- suklam sa paningin ng Diyos.” Kumusta mahal kong mag-aaral? Naunawaan mo ba ang iyong binasa o pinakinggang parabula? Kung naunawaan mo, maaari ka ng magpatuloy sa sumusunod na gawain pero kung hindi ay maaari mong basahin muli ang parabula. Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Basahin ang mga pahayag na hinango sa binasang teksto. Suriin at tukuyin ang damdaming namamayani sa panig ng nagsasalita at sa kinakausap batay sa paraan ng pagpapahayag. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. 1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.” Nagsasalita Kinakausap 2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.” Nagsasalita Kinakausap 3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.” Nagsasalita Kinakausap 4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.” Nagsasalita Kinakausap 6 CO_Q1_Filipino10_Module2 5. “At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?” Nagsasalita Kinakausap Ngayon naman mahal kong mag-aaral ay susubukin natin ang iyong pag- unawa sa iyong binasang parabula. Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang suliraning kinahaharap ng katiwala? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may obligasyon sa kanilang amo? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng katiwala para sa inyong negosyo? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa kasalukuyan? Patunayan ang sagot. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong nalulugi ang iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 6. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 7. Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga mensaheng ibig ipabatid ng binasang parabula? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 8. Sa anong bilang matatagpuan ang pangunahing mensahe ng parabula? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 9. Paano nakatulong ang bawat bahagi ng parabula sa pagpapalutang ng mensahe nito? Patunayan. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 10. Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 7 CO_Q1_Filipino10_Module2 Gawain 4: Mga Bahagi…. Suriin Panuto: Ang parabula ay naglalahad ng makatotohanang pangyayari o kaganapan. Nagsisilbing patnubay at lumilinang sa mabuting asal ang aral na mapupulot dito. Ang mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Gamit ang grapikong presentasyon, suriin mo ang mga pangyayari sa parabula batay sa nilalaman, elemento at kakanyahan nito. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel. Pinaghanguan : https://www.google.com/search?source=univ&tbm=isch&q=mga+bahagi+ng+parabula Parabula Nilalaman Elemento Kakanyahan oo Gabay na tanong: 1. Para sa nilalaman, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang kapupultutan ng ginintuang aral at nagtataglay ng matatalinghagang pahayag? 2. Para sa elemento, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang nagpapakita ng mga makatotohanang pangyayari na maaaring maiugnay sa iyong buhay? 3. Para sa kakanyahan, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang may tonong mapagmungkahi? Gawain 5: KKK Panuto: Batay sa nabasa o napakinggang parabula, magtala ng mga kaganapang nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahang asal ng isang tao. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Katotohanan Kabutihan Kagandahang-asal Gawain 6: Ugnayang Pangyayari Panuto: Isulat mo sa tsart ang mga pangyayari sa parabula at mga pangyayaring maaaring maiugnay sa iyong sariling karanasan o sa tunay na buhay. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa Sarili mong Buhay Muling pagbati sa iyo mahal kong mag-aaral sa lumalawak mong kaalaman at pag-unawa sa ating aralin! 8 CO_Q1_Filipino10_Module2 Suriin Basahin at unawain mo ang kahulugan ng Parabula upang iyong matuklasan kung paano nakatutulong ang parabula mula sa Syria sa pagpapaunlad ng sariling pag-uugali at maging ng panitikang Filipino. Gayon din upang masagot ang pokus na tanong na – bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan? Alam mo bang… Parabula ang tawag sa isang akdang pampanitikang nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. Ito ay galing sa salitang Griyegong “parabole” na nangangahulugang pagtabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Ang nilalaman ng parabula ay maikli, praktikal at kapupulutan ng mga ginintuang aral. Gumagamit ito ng tayutay na simile at metapora o matatalinghagang mga pahayag upang bigyang-diin ang kahulugan. Ang kakanyahan ng parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo. Mga Elemento ng Parabula 1. Tauhan – kadalasang ang karakter nito’y humarahap sa isang suliraning moral o gumagawa ng kaduda-dudang mga desisyon at pagkatapos ay tinatamasa ang kahihinatnan nito. 2. Tagpuan - Ito’y nagpapakita ng tagpuan, naglalarawan ng aksiyon at nagpapakita ng resulta. 3. Banghay – Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Parabula 1. Unahin isulat ang aral o mensahe ng iyong gagawing aprabula. Ito ang magiging sandigan ng iyong parabula upang makabuo ka ng isang kuwento. 2. Kilalanin kung sino ang iyong mambabasa. Ito’y mahalaga upang ang bubuoing parabula ay aangkop sa kanila. 3. Maglaan ng sapat na oras sa pagpapaunlad ng iyong parabula. 4. Hindi laging tao ang tauhang gumaganap. Maaari mong gamitin ang kalikasan o hayop upang magbahagi ng kuwento. Maging malikhain sa pagpapakita ng diyalogo. 5. Gawing payak. Ang mga parabula ay higit na mabisa kung ito ay maikli lamang. Mahusay! Marami kang natutuhang impormasyon tungkol sa parabula. Ipagpatuloy mo lamang ang pag-aaral mahal na mag-aaral. 9 CO_Q1_Filipino10_Module2 Pagyamanin Sa bahaging ito, pagyayamin pa natin ang iyong kaalaman sa Parabula. Iyong babasahin ang isa pang halimbawa ng parabula. Basahin at unawain mo ito upang masuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong. Mensahe ng Butil ng Kape “The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean” Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina. Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok. “Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?” tanong ng ama. “Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak. Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. “Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama. “Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama. Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga. “Higupin mo ang kape,” utos ng ama. “Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog, at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon. Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito. “Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak. “Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama. “Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na 10 CO_Q1_Filipino10_Module2 nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama. “Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama. “Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari? “Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama. Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape…” katulad mo mahal na ama. Mula sa Elements of Literature nina Holt et al. 2008. Texas, USA Gawain 7: Unawain Mo Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong at pahayag sa iyong sagutang papel. 1. Paghambingin ang Carrot, Itlog at Butil ng Kape nang mailahok ito sa kumukulong tubig. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Isaisip Gawain 8: Dugtungan Mo Panuto: Dugtungan ang sugnay batay sa iyong natutuhan sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Nalaman kong ang parabula ay… ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Maisasabuhay ko ang mensahe ng parabula sa pamamagitan ng… ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 11 CO_Q1_Filipino10_Module2 Isagawa Gawain 9: Sino Ako? Panuto: Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan sa naging kalagayan ng mga tauhan sa binasang parabula. Magtala ng natutuhang mensahe sa pangyayari sa buhay. Gamitin ang kasunod na grapikong presentasyon sa pagsasalaysay ng mga pangyayari. AKO BILANG… Carrot Itlog Coffee Bean Pangyayari Pangyayari Pangyayari ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ 12 CO_Q1_Filipino10_Module2 Aralin Wika at Gramatika: 1.2 Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay Balikan Binabati kita sa iyong masigasig na pagsagot sa mga katanungan sa bawat gawain. Kaya naman, ipagpapatuloy mo ang pag-aaral. Sa bahaging ito ay mag-aaral ka ng kaugnay na wika ng ating aralin. Ito ay ang mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay. Bago tayo magtungo sa talakayan, sagutin muna ang gawain. Gawain 1: Isalaysay Mo! Panuto: Balikan ang parabulang “Mensahe ng Butil ng Kape”, ibuod ito sa pamamagitan ng pagsasalaysay gamit ang story boards. Ang galing! Binabati kita dahil nagawa mo ang gawain. Sa pagkakataong ito iyong tutunghayan ang talakayan sa pagsasalaysay at ang ginagamit upang maging mabisa ito. 13 CO_Q1_Filipino10_Module2 Tuklasin Alam mo bang… Pagsasalaysay ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may layuning magkuwento o magpahayag ng sunod-sunod na mga pangyayari. Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao. Isa sa mga mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang magandang salaysay ay ang pagkakaroon ng magandang pamagat. Ito ang unang nakapupukaw sa interes ng mga mambabasa. Layunin ng Pagsasalaysay 1. Nagbibigay kaaliwan o libangan 2. Nagmumulat sa katotohanan 3. Nakapagdaragdag ng kaalaman at karunungan 4. May kakayahang bumuo ng isang pangyayari Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay 1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon. 2. Mahalaga ang paksa o diwa. 3. Maayos at hindi maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 4. Kaakit-akit sa simula. 5. Kasiya-siyang wakas. Gawain 2: Tukuyin Mo! Panuto: Basahing mabuti ang talatang nasa kahon. Isulat sa sagutang papel ang mga pang-ugnay na ginamit sa dito. Unang lumaban si Sulayman sa halimaw na umalipin sa mga kaawa- awang taga-Maguindanao. Sumunod naman sa pakikipaglaban si Indarapatra.Sa dakong huli si Indarapatra ang nagwagi sa laban sa mga halimaw. Sa madaling sabi, nailigtas nina Indarapatra at Sulayman ang mga taga-Maguindanao. Binabati kita, muli mong naisagawa ang gawain. Sa bahaging ito ng aralin, ay pag-aaralan mo ang mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay. Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang idea sa mga kasunod na idea. Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita. Sa komunikatibong gramatika ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang mga ito. 14 CO_Q1_Filipino10_Module2 Suriin May mga angkop na pang-ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay. Tunghayan mo ang mga nakatalang impormasyon tungkol dito upang mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang pampanitikan. Alam mo bang… Pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o dalawang sugnay. Ang mga pang-ugnay ay maaari ring magsilbing mga panandang pandiskurso na maghuhudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Uri ng Pang-ugnay 1. Pangatnig – ang mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap o ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Mga Halimbawa: Kataga – at, na, o, ni Salita – kahit, bagkus, ngunit, subalit, dapatwat, sakali, samantala, liban, maging, habang, kung, sana, palibhasa, sapagkat, kasi, tuloy, bunga, pati, saka, bago, upang, nang Lipon ng mga salita – sa halip, kung bagaman, kung hindi, sa katagang sabi, sa bagay na ito, dahil sa, kung kaya, kaya naman, gayon din 2. Pang-ukol – kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa iba pang salita sa pangungusap. Mga Halimbawa: ng, sa, nasa, kay/kina, para sa/kay/kina, ayon sa/kay/kina, tungkol sa/kay/kina, laban sa/kay/kina, hinggil sa/kay/kina, ukol sa/kay/kina, alinsunod sa/kay/kina, 3. Pang-angkop – ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, -ng, -g). Sa ibang salita, ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan. a. na - Ito ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Ihinihiwalay ito. Napagigitnaan ito ng salita at ng panuring. Halimbawa: mapagmahal na tao b. –ng - Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita. Halimbawa: mabuting nilalang c. –g - Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa n. Ikinakabit ito sa unang salita. Halimbawa: mahanging gabi 15 CO_Q1_Filipino10_Module2 Gamit ng Pang-ugnay 1. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din. 2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga. Gawain 3: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika A. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari upang makabuo ng isang maikling salaysay. Isalang-alang ang mga salitang pang-ugnay na ginamit sa bawat bilang. Isulat ang titik A, B, C, D, E, F, G, H. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. _________________ 1. Kung kaya pinagsasampal ng mayamang ginang ang matandang lalaki. _________________ 2. Isang matandang lalaki na may bitbit na bayong ang pumasok sa bangko. Luma ang damit niya. _________________ 3. Nang ilabas ng matanda ang salapi sa counter ay nagulat ang lahat. _________________ 4. Sapagkat bungkos-bungkos na lilimandaaning piso ang idedeposito niyon. _________________ 5. Kaya bahagyang nabangga ng matanda ang isang ginang na marangya ang kasuotan nang papalabas na. _________________ 6. Dahil sa may kalabuan na ang mata ng matandang lalaki. _________________ 7. At gayon din, humingi sila ng dispensa sa matandang lalaki. _________________ 8. Sa dakong huli, nalaman nila na ang matanda ay ang mayamang may-ari ng napakalaking bukirin sa kanilang bayan. Simple lamang manamit ang matanda kaya napagkamalang kung sino lamang. B. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang-ugnay ang salita/mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa iyong papel. _________________ 1. Maraming mga tao ang nagkalat na sa kalsada nang maideklarang MGCQ na ang lungsod. _________________ 2. Ayon sa IATF, kinakailangan pa ring sumunod sa quarantine protocols at social distancing measures. _________________ 3. Marami buhay na ang nawala dahil sa mapaminsalang COVID-19 na iyan. _________________ 4. Nakikipagtulungan sa maykapangyarihan ang mamamayan upang masugpo ang banta ng COVID-19. _________________ 5. Nagbigay ng ayuda ang ating pamahalaan sa mga mahihirap na mamamayan. _________________ 6. Ang tiwala ni Juan kay Pangulong Duterte ay malaki. 16 CO_Q1_Filipino10_Module2 _________________ 7. Tumutupad lamang ang mga frontliners sa kanilang mga tungkulin kung kaya intindihin natin sila. _________________ 8. Mabilis silang lumayo sa welga dahil dumating na ang hukbo ng mga pulis. _________________ 9. Ginagawa lahat ng pamahalaan ang kanilang buong makakaya para sa ating kaligtasan. _________________ 10. Alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act o RA No. 11469, binibigyan nito ng “special authority” ang pangulo para malabanan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa. _________________ 11. Maging panatag at malusog tayo habang hinihintay ang lunas para sa mapanganib na _________________ 12. Ikaw at ako ay magkasama sa paglutas ng problemang ito. Pagyamanin Lagi mong tatandaan mahal kong mag-aaral na ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo at umaakay sa tao sa tamang landas ng buhay na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. Gayon din na pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng mga salitang pang-ugnay. Gawain 4: Opinyon Ko, Mahalaga! Panuto: Sa sagutang papel, pumili ng isa sa mga paksang nasa kahon at sumulat ng isang salaysay gamit ang mga pang-ugnay na may kaugnayan sa mga binasang parabulang kapupulutan ng aral. Isulat mo ito sa iyong sagutang papel. Mga Paksang Pagpipilian: Insidente ng Bullying sa Paaralan Paggamit ng Social Media sa Paaralan Teenage Pregnancy Buhay sa gitna ng COVID-19 32,mk3 nm 17 CO_Q1_Filipino10_Module2 Isaisip Gawain 5: Parabula, Mahalaga Ka Panuto: Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong presentasyon sa iyong sagutang papel. 1. Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula? Nakatutulong ba ang pag-unawa sa mensahe sa pagkilala sa bansang pinagmulan nito? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Isagawa Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa mga nagdaang araw tungkol sa parabula at mga pang-ugnay sa pagsasalaysay, isagawa ang paglalapat sa hiwalay na sagutang papel. Gawain 6: GRASPS Ikaw ay gagawa ng isang sariling-likhang parabula gamit ang mga Goal panandang pandiskurso. Ikaw ay isang manunulat at tagapapagpalaganap ng mga Role mabubuting aral. Audience Guro, mga kapwa mag-aaral. Ipagpalagay na ikaw ay mangangaral sa mga bata at naatasan kang Situation sumulat ng isang parabula upang ito’y maisalaysay at maibahagi sa kanila. Sariling-likhang Parabulang ginagamitan ng mga panandang Product pandiskurso. A. Kaugnay ng paksa …………..………….………………….… 20 puntos B. Nagtataglay ng holistikong dulog.……………………..….. 20 puntos C. Sang-ayon sa pamantayang moral…………….....…..….. 30 puntos Standards D. Paggamit ng mga panandang pandiskurso….…………...20 puntos E. Dating sa mambabasa…………………………………………10 puntos Kabuoan.……….………………………………….…………...100 puntos 18 CO_Q1_Filipino10_Module2 Tayahin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. Panuto: Isulat mo ang T kung tama ang pahayag sa iyong sagutang papel at kung mali, isulat ang salita o mga salitang nagpamali sa pahayag at ibigay ang tamang salita sa sagutang papel. _____ 1. Ang parabula ay maikling salaysay na hango sa Banal na Kasulatan. _____ 2. Idealistiko ang uring banghay ng parabula. _____ 3. Ang parabula ay umaakay sa tao sa tamang landas ng buhay. _____ 4. Nagtuturo ang parabula ng kinikilalang pamantayang moral. _____ 5. Ang parabula ay nagtataglay ng tonong mapagmataas. B. Panuto: Basahin ang teksto at piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang- ugnay. Isulat ito sa sagutang papel. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian 1. (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis, 3. (saka, pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan. 4. (Gayon din, Dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo. 5. (Dahil sa, Upang) kadayaan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. C. Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng tamang pang-ugnay sa bawat patlang upang mabuo ang talata. Isulat sa sagutang papel ang sagot. tungkol sa na ayon sa kung kapag gayon din ng -g upang at o ukol kay sapagkat maging -ng 19 CO_Q1_Filipino10_Module2 1. ___________________ aming guro, ang edukasyon ay pagpapaunlad ng sariling katangian 2. ___________________ ang isang tao ay maging karapat- dapat sa lipunang kaniyang ginagalawan. Samakatuwid, ang edukasyon ay walang patid 3. ___________________ pag-aaral sa buong buhay ng isang tao. Maraming naniniwalang ang pag-aaral ay matatamo lamang sa paaralan at sa pamamagitan 4. ___________________ pagbabasa ng mga aklat 5. ___________________ pakikinig sa leksyon ng mga guro. Dapat malamang ang edukasyon ay matatamo hindi lamang sa paaralan. Ito ay matatamo rin sa labas 6. ___________________ nariyan din ang mga taong nakapaligid sa ating paaralan. Ang unang edukasyon ay natatamo sa ating tahanan. Ang ating mga unang guro ay ang ating mga magulang. Sa kanila natin unang natutuhan 7. ___________________ ano at alin ang mabuti at masama. Ang ating tahanan ay hindi nag-iisa sa pagbibigay sa atin ng mabuti 8. ___________________ edukasyon. Ang pagtamo ng mataas na marka sa bawat asignatura ay hindi nangangahulugan 9. ___________________ nakakuha tayo ng mataas na edukasyon 10. ___________________ ang edukasyon ay hindi nagsisimula at nagtatapos sa silid-aralan. Binabati kita mahal kong mag-aaral dahil masigasig mong natapos ang araling ito. Batid kong nakapapagod ngunit napakagandang pagkakataon namang madagdagan ang iyong kaalaman sa Parabula ng Syria at kung paano nagagamit ang mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay. Ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 3 (Sanaysay mula sa Greece). 20 CO_Q1_Filipino10_Module2 CO_Q1_Filipino10_Module2 21 PAUNANG PAGTATAYA A. Katotohanan Kabutihan Kagandahang-asal pagmamano sa mga nakatapos sa pag-aaral matulungin sa kapwa magulang nagpapaalam sa pagsasabi ng po at opo nakikinig sa mga guro magulang sa mga nakatatanda nagpapasa ng modyul gumagawa ng gawaing bahay sumusunod sa health protocols B. Iba-iba ang sagot C. 1. sumunod 2. unang 3. saka 4. gayon din 5. kung kaya ARALIN 1.1 (Panitikan: Ang Tusong Katiwala) BALIKAN Gawain 1: Larawan ng Kabutihan Iba-iba ang sagot. TUKLASIN Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Iba-iba ang sagot. Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa Iba-iba ang sagot. Gawain 4: Mga Bahagi…Suriin Iba-iba ang sagot. Gawain 5: KKK Iba-iba ang sagot. Gawain 6: Ugnayang Pangyayari Iba-iba ang sagot. SURIIN Gawain 7: Unawain Mo Iba-iba ang sagot. ISAISIP Gawain 8: Dugtungan Mo Iba-iba ang sagot. ISAGAWA Gawain 9: Sino Ako? Iba-iba ang sagot. Susi sa Pagwawasto CO_Q1_Filipino10_Module2 22 ARALIN 1.2 (Wika at Gramatika: Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay) BALIKAN Gawain 1: Isalaysay Mo! Iba-iba ang sagot. TUKLASIN Gawain 2: Tukuyin Mo! Unang, Sumunod, Sa dakong huli, Sa madaling sabi SURIIN Gawain 3: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika A. B. 1. D 5. C 1. Pangatnig 7. Pangatnig 2. A 6. B 2. Pang-ukol 8. Pangatnig 3. E 7. G 3. Pang-angkop 9. Pang-ukol 4. F 8. H 4. Pangatnig 10.Pang-ukol 5. Pang-angkop 11.Pangatnig 6. Pang-ukol 12.Pangatnig PAGYAMANIN Gawain 4: Opinyon Ko, Mahalaga! Iba-iba ang sagot. ISAISIP Gawain 5: Parabula, Mahalaga Ka Iba-iba ang sagot. ISAGAWA Gawain 6: GRASPS Iba-iba ang sagot. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. B. C. 1. T 1. Kaya’t 1. ayon sa 6. sapagkat 2. Idealistiko - 2. Unang 2. upang 7. kung Realistiko 3. T 3. Saka 3. na 8. –ng 4. T 4. Gayon din 4. ng 9. –g 5. Mapagmataas - 5. Dahil sa 5. at 10.gayon din Mapagmungkahi Sanggunian Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc. pa. 44-55. Locano, D.G., Ipong M.L. at Royo, J.L (2015). Parola 10. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc. pa. 87-91. Cordero, A.S. (1998). Sinag III, Pagsulat ng Salaysay. Valenzuela City: JO-ES Publishing & Printing House Inc. pa. 66. Mga Parabula. Nahango noong Mayo 17, 2020 mula sa https://www.kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mga- parabula-parables_189.html. Ang Tusong Katiwala. Nahango noong Mayo 17, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=DSyrVjcl2To. Pagsasalaysay. Nahango noong Mayo 27, 2020 mula sa https://www.academia.edu/34155025/PAGSASALAYSAY Sining ng Pagsasalaysay. Nahango noong Mayo 27, 2020 mula sa https://www.slideshare.net/KasandraCasuyon/sining-ng-pagsasalaysay Mga Pang-ugnay. Nahango noong Mayo 27, 2020 mula sa https://www.slideshare.net/mobile/midnight-jassy/mga-pangugnay-pangatnig- pangangkop-at-pangukol Rimando, Rodel R. (2020). Mga larawan ni Hesus na nagsesermon. Nahango mula sa https://www.pinterest.ph/pin/296745062919499232/ Holt et. al. (2008). Elements of Literature – Story of a Carrot, Egg and a Coffee Bean. Texas, USA 23 CO_Q1_Filipino10_Module2 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]