Filipino Reviewer (Gr7) PDF
Document Details
Uploaded by NourishingFluxus
Tags
Summary
This document is a Filipino reviewer for Grade 7 students. Topics covered include 'Karunungang Bayan', 'Pang-ugnay na ginagamit sa Sanhi at Bunga', 'Tanaga', 'Pantig an Pagpantigan', 'Awiting Bayan', 'Konsensyong Gramatika', and 'Komiks'.
Full Transcript
Filipino Reviewer Topics: Aralin 1 Karunungang Bayan Pang-ugnay na ginagamit sa Sanhi at Bunga Aralin 2 Tanaga Pantig an Pagpantigan Aralin 3 Awiting Bayan Konsensyong Gramat...
Filipino Reviewer Topics: Aralin 1 Karunungang Bayan Pang-ugnay na ginagamit sa Sanhi at Bunga Aralin 2 Tanaga Pantig an Pagpantigan Aralin 3 Awiting Bayan Konsensyong Gramatika Komiks Karunungang Bayan Bugtong – ito ay binubuo ng mga parirala o pangungusap na patula at patalinghaga sa pagtukoy ng iba’t ibang bagay. Sawikain – ito ay salita o grupo ng mga salitang naglalarawan sa isang bagay, Sitwasyon, o pangyayari sa parang di-tuwirang o matalinghaga. Salawikain – ito ay mga parirala o pangungusap na patula o patalinghaga na nagpapahayag ng aral at batayan ng wastong pag ugali. Kasabihan – ito ay mga parirala o pangungusap na patula na sumasalamin sa Mentalidad ng sambayanan na sinasabi ng mga bata bilang panudyo. Tekstong ekspositori – ang akademikong sanaysay ay isang uri ng sulatin na may layong magtalakay ng paksa, magpakita ng datos, at magbigay-kaalaman. - Ang tekstong ekspositori any nagtatalagay ng mahalagang impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay Tinatayang 6 064 744 o 6.01 porsiyento ng populasyon ng pilipinas ay muslim ayon sa senso noong 2020. Calbi A. Asain ang nag sulat ng artikulong “Folk Literature of the Muslim Cultural Communities”. Lahat ng Muslim sa pilipinas ay kabahagi sa Ummah Muslimah, ummah ay tumbas sa salitang “komunidad” Pang-ugnay na ginagamit sa Sanhi at Bunga Sanhi – ay tumutukoy sa anumang maituturong “rason o dahilan” Bunga – ito naman ang tumutukoy sa “epekto o kinahinatnan” Tanaga Ang tanaga ay isang uri ng tulang tugmaan na kabilang sa katutubong panitikan ng Tagalog. Taludtod – ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga salitang inayos sa isang Linya. Saknong – binubuo ito ng taludtod. Ang saknong ay maaaring; couplet (may dalawang taludtod), trecet (may tatlong taludtod), at quatrain (may apat na taludtod). Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. (sa isang tanaga pito(7) ang pantig) Tugmaan – ito ay ang pagkapareho ng tunog ng huling pantig ng bawat linya (bagama’t hindi ito kailangan sa tulangmay malayang taludturan). Pantig at Pagpantigan Ayon sa Manwal sa Masinop na Pagsulat ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang pantig o silaba ay isang uri ng tunog. Maaaring binubuo ang pantig ng isang patinig (P), isang katinig (K). Nakasulat nama sa ibaiba ang ilang tuntunin sa pagpapantig na nakasaad din sa Manwal sa Masinop na Pagsulat: 1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang pantinig sa unahan, gitna, at dulo ng salita, inihihiwalay ang patnig. 2. Kapag may magkasunod na katinig sa isang salita, isinasama ang una sa sinusundang patinig at ikalawa sa kasunod na patinig. 3. Kapag may tatlong magkasunod na katinig sa salita, isinasama sa pantig ng sinundang pantig ang unang dalawa habang isinasama naman sa kasunod na pantig ang ikatlo. 4. Kapag “M” o “N” ang una sa tatlongmagkakasunod na katinig t ang kasunod ay alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, isinasama sa unang patinig ang unang katinig (M/N) habang isinasama naman sa kasunod na pantig ang sumusunod na dalawang katinig. 5. Kapag may magkakasunod na apat na katinig sa salita, isinasama sa sinusundang patinig ang unang dalawang katinig habang sa kasunod na pantig naman ang huling dalawang katinig. Awiting Bayan Ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa musika. Tekstong Akademiko Pagamit ng Salitang Transisyonal – gumagamit ng salitang trasisyonal kung nag-uugnay ng dalawang pangungusap o nagbibigay-patunay sa isang punto o katwiran, nagpapasubali, o sumasaklaw. Ang komposo ay isang katutubong balada, o tulang nilapiata ng musika. Konsensyong Gramatika Lohikal – ito ang kaisahan ng teksto Leksikal – ito ang ang nag-iisa isa Komiks Ito ay isang kwento na nakaguhit. Nagsimula maging popular ang Komiks noong 1920. Si Jose Rizal ang pinaka-unang gumawa ng Komiks na tinawag nyang; matsing at pagong. Ang Komik ay may iba’t ibang parte: Captions Panel Gutter Speech Balloon/ lobo ng pagsalita Sound effects