Document Details

ExquisiteRhodochrosite5684

Uploaded by ExquisiteRhodochrosite5684

San Francisco de Malabon Parochial School

Tags

Filipino drama literature play types

Summary

This document contains a study guide in Tagalog, discussing different types and elements of Filipino plays. Examples, including descriptions and types, are included.

Full Transcript

Group One Kabanata 2 Aralin 2 Macbeth Dulang sinulat ni William Shakespeare Mga uri ng dulang pangtanghalan ayon sa anyo Dula Ito ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kan...

Group One Kabanata 2 Aralin 2 Macbeth Dulang sinulat ni William Shakespeare Mga uri ng dulang pangtanghalan ayon sa anyo Dula Ito ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kaniyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinisulat at itinatanghal upang masilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo, o makapagbigay ng mensahe. 01 KOMEDYA Ito ay katawa-tawa, magaang ang mga paksa o tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas. 02 TRAHEDYA Ang tema o paksa nito’y mabigat o nakasasama ng loob, nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa hindi mabubuting sitwasyon, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan. Ito’y karaniwang nagwawakas nang malungkot. 03 MELODRAMA Ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi pawang problema at kaawa-awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito ay karaniwang mapapanood sa mga de-seryeng palabas sa telebisyon. 04 TRAGIKOMEDYA Magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y magiging malungkot dahil sa kasawian o kabiguan ng mahahalagang tauhan. 05 SAYNETE Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kaniyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. 06 PARSE Ito ay puro tawanan at halos walang saysay ang kuwento. Ang mga aksiyon ay slapstick na walang ibang gginawa kundi magpaluan, maghampasan, at magbitiw ng mga kabalbalan. 07 PARODYA Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita, at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit may tama sa damdamin at pagkatao ng kinauukulan. 08 PROBERBYO Ito ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain. Ang kuwento’y pinaiikot sa aral na taglay ng salawikain upang magsilbing huwaran ng tao sa kaniyang buhay. Mga elemento ng dulang pantanghalan Mga Elemento: 01. Simula 02. Gitna 03. Wakas 04. Aspektong Teknikal 01 SIMULA Makikilala ang tauhan at ipakikilala ang tagpuan o ang pangyayarihan ng mga eksena. 02 GITNA Makikita ang banghay o ang maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng dula na ang diyalogo o kaya ang usapan ng mga tauhan. 03 WAKAS Matatagpuan dito ang kakalasan at ang wakas ng dula. Sa kakalasan, makikita ang kamalian o kawastuhan at pagkalag sa mga bahaging dapat kalagin at unti-unting bababa ang takbo ng istorya. Sa pagwawakas naman mababatid ang resolusyon. 04 ASPEKTONG TEKNIKAL Ito ay magbibigay ng buhay at pagkamakatotohanan sa itinatanghal na dula sapagkat ito ay ginaganap sa harap ng madla. Ang mga halimbawa nito ay epektong pantunog, sound effects, musika, pag-iilaw, at iba pa. MGA BAHAGI: 01. Yugto (act) 02. Tanghal-Eksena (scene) 03. Tagpo (frame) Pokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan) POKUS NG PANDIWA Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap. POKUS NG PANDIWA Pinaglalaanan Ito ay tinatawag ding tagatanggap. Kagamitan Ang pokus ng pandiwa kung saan Ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ay ang kagamitang paksa o simuno ng pangungusap ang ginamit sa pagsasagawa ng kilos pinaglalaanan o tagatanggap sa kilos ng pandiwa. na isinasaad ng pandiwa. Halimbawa : Ipinaghanda ng Halimbawa : Ipinambukas niya ng mag-asawang Macbeth ang mga pintuan ang susi ng palasyo. maharlika sa Scotland. Maiksing Aktibidad KAALAMAN PANUTO: Kumuha ng isang papel at sagutan ang mga sumusunod. 1. Isa itong uri ng dula na katawa-tawa at magaang paksa o tema. Ang mga tauhan sa dulang ito ay laging nagtatagumpay sa wakas. 2. Isa itong uri ng dula na sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang walang masayang bahagi sa buhay. Ito ay karaniwang mapapanood sa mga de-seryeng palabas sa telebisyon. KAALAMAN PANUTO: Kumuha ng isang papel at sagutan ang mga sumusunod. 3. Isa itong elemento ng dula kung saan makikita ang banghay o ang maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga tagpo sa eksena. 4. Anong uri ng pokus ng pandiwa kung saan ang paksa or simuno ng ng pangungusap ang pinaglalaanan o tagatanggap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. 5. Sino ang sumulat ng Macbeth? PAG-UNAWA PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong sa isa hanggang tatlong pangungusap. 1. Paano mo ilalarawan si Lady Macbeth bilang isang asawa? 2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mapunta sa posisyon ni Macbeth, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Kung oo o hindi, bakit? Group One Maraming Salamat

Use Quizgecko on...
Browser
Browser