Filipino 8 Reviewer PDF

Document Details

FuturisticFreeVerse3817

Uploaded by FuturisticFreeVerse3817

University of the Philippines Baguio

Tags

Filipino language Filipino literature proverbs expressions

Summary

This document is a Filipino 8 reviewer, covering various forms of expressions such as proverbs, sayings, riddles, and poems. It details the different types of expressions and their meanings, providing examples and insights into the Filipino language.

Full Transcript

FILIPINO 8 (FIRST QUARTER EXAM REVIEWER) Lesson #1: KARUNUNGANG BAYAN Mga Karunungang Bayan: - Salawikain - Sawikain - Kasabihan - Bugtong - Palaisipan - Bulong 1. Salawikain Ang salawikain ay tumutukoy sa mga kasabihan na may layuning magbigay aral. Ito...

FILIPINO 8 (FIRST QUARTER EXAM REVIEWER) Lesson #1: KARUNUNGANG BAYAN Mga Karunungang Bayan: - Salawikain - Sawikain - Kasabihan - Bugtong - Palaisipan - Bulong 1. Salawikain Ang salawikain ay tumutukoy sa mga kasabihan na may layuning magbigay aral. Ito ay base sa mga totoong karanasan o pangyayari sa buhay. Ang mga ito ay naglalaman ng praktikal na payo o kaalaman na maaari nating magamit. Madalas, ito ay maikli lamang, at payak ang mensahe. Ang salawikain ay tinatawag bilang proverbs sa Ingles. Halimbawa: Ang tumatakbo ng matulin, kapag masusugat ay malalim Kahulugan: matutong pag-isipan at intindihin ang kalalabasan ng iyong desisyon. 2. Sawikain Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid, ay masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag. Halimbawa: parang natuka ng ahas - natulala malayo sa bituka - hindi malubha itaga mo sa bato - pakatandaan mahaba ang kamay - magnanakaw 3. Kasabihan Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan. Halimbawa: Tulak ng bibig Kabig ng dibdib 4. Bugtong Ang bugtong ay isang larong pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay inilalahad sa paraang patula na may sukat at tugma. Halimbawa: Isa ang pasukan, tatlo ang labasan - Kamiseta/Damit 5. Palaisipan Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Halimbawa: Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka. - Letter A 6. Bulong Ang bulong ay matandang katawagan sa orasyon. Ginagamit din ito bilang pantaboy sa mga Espiritu. Halimbawa: Tabi, tabi po Lesson #2: EUPEMISTIKONG PAHAYAG Sa Ingles, ito ay tinatawag na euphemism. Ang mga ito ay salita na badyang pampalubag loob o pampalumay upang ito ay hindi masama pakinggan o basahin. Halimbawa: Sumakabilang-buhay Pantay na ang mga paa Kinuha ng Diyos Yumao Pumanaw Lesson #3: PAGHAHAMBING Dalawang Uri ng Paghahambing: - Paghahambing na Magkatulad - Paghahambing na Di-Magkatulad 1. Paghahambing na Magkatulad Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa, at pareho. Halimbawa: - Ang buhok ni Ana ay kasing haba ng buhok ni Elsa. - Ang magpinsang sina Amado at Alfredo ay kapwa mahilig maglaro ng basketball. 2. Paghahambing na Di-Magkatulad Ginagamit sa tuwing ang inihahambing ay may magkaibang antas o katangian. Dalawang Uri ng Paghahambing na Di-Magkatulad: - Pasahol - Palamang 1. Pasahol Ang paghahambing na pasahol ay uri ng di-magkatulad na paghahambing na ginagamit kapag ang inihahambing ay mas maliit kaysa sa pinaghahambingan. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang lalo, di-gaano, di-gasino, di-lubha, at di-totoo. 2. Palamang Ang paghahambing na palamang ay uri ng di-magkatulad na paghahambing na ginagamit kapag ang inihahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang di-hamak, higit, at labis. Halimbawa: - Hindi-hamak na magagaling mag - Ingles ang mga Pilipino kaysa sa mga Amerikano. - Higit na maunlad ang bansang China kaysa sa India. - Hindi-totoong mahirap ang Matematika kaysa sa Siyensya. - Labis ang pagiging malambing ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan. - Lubhang nakalilibang ang panonood ng sine kaysa sa pakikinig ng musika. Lesson #4: TANKA AT HAIKU 1. Tanka: Maiikling awitin na binubuo ng 31 pantig na 5 taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkakapalit-palit din na ang kabuoan ng pantig ay 31 pa rin Paksa: pagbabago, pag-ibig at pag-iisa Nagpapahayag ng masidhing damdamin Pormat ng Tanka: 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7 Halimbawa: Walang magawa Ika’y nasa puso na At di aalis Habang tumitibok pa O, ang mahal kong sinta 2. Haiku: Mas pinaikli na tanka 17 bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit- palit din na ang kabuoan ng pantig ay 17 pa rin. Paksa: kalikasan at pag-ibig Nagpapahayag ng masidhing damdamin Format: Tanaga: 4 na taludtod 1 saknong 7 pantig sa bawat taludtod (7-7-7-7) May tugmaan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser