Summary

This document provides an overview of Filipino poetry, including different forms of poems (tula), elements of a poem (anyo, sukat, tugma, taludtod, saknong, etc.), examples of Filipino poems and a discussion of different aspects of Filipino literary forms. The document is suitable for Filipino secondary school aged students.

Full Transcript

TULA - Pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino. - Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. TULA - Ito ay may sukat at tugma. - Malaya man ang isang tul...

TULA - Pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino. - Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. TULA - Ito ay may sukat at tugma. - Malaya man ang isang tula ay nararapat na magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. TULA - Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa rito. - May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. Halimbawa: Ang hindi magmahal sa sariling wika, Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa, Na tulad sa inang tunay na nagpala ANYO - Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo. ANYO - Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat. ANYO - Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinghagang salita. ANYO - Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma. ANYO - May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma. SUKAT - Isang mahalagang elemento ng tula. - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod. Halimbawa: Ang/ /hin/di/ /mag/ma/hal /sa/ /sa/ri/ling /wi/ka/, /Ma/hi/git/ /sa/ /ha/yop/ /at/ /ma/lan/sang /is/da/, /Ka/ya/ /ang/ /ma/ra/pat/ /pag/ya/ma/ning/ /ku/sa,/ /Na/ /tu/lad/ /sa/ /i/nang/ /tu/nay/ /na/ /nag/pa/la./ TALUDTOD - Ito ay linya na nasa loob ng isang saknong. Halimbawa: Ang hindi magmahal sa sariling wika, Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa, Na tulad sa inang tunay na nagpala SAKNONG - Ito ay isang tula na binubuo ng dalawa o higit pang taludtod o linya. - 2 linya– couplet - 6 linya-sestet - 3 linya–tercet - 7 linya-septet - 4 linya–quatrain -8 linya-octave - 5 linya-quintet Halimbawa: Ang hindi magmahal sa sariling wika, Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa, Na tulad sa inang tunay na nagpala TUGMA - Isang katangian ng tula na hindi angkin ng mga akdang tuluyan. TUGMA - Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog. Halimbawa: Ang hindi magmahal sa sariling wika, Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa, Na tulad sa inang tunay na nagpala TALINGHAGA - Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag. TALINGHAGA - Balat-sibuyas — maramdamin; madaling umiyak. - Bukás ang palad — magaang magbitiw ng salapi; galante; hindi maramot. Halimbawa: Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan. Bumaha ng dugo nang ang bayan ay lumaya. Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala. PERSONA - Maaaring ang persona ay babae at ang makata naman ay lalaki. - Maaaring ang persona ay daga o pusa at ang makata ay isang bata. - Ang persona ng tula ay ang nagsasalita sa loob ng teksto/tula, maaaring unang tauhan, ikalawang tauhan o ikatlong tauhan. Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: PANUTO: Suriin ang tula sa ibaba batay sa tinalakay na mga elemento ng tula. 1. ANYO 4. TALUDTOD 5. SAKNONG 2. SUKAT 6. TALINGHAGA 3. TUGMA 7. PERSONA Ang Guryon Ildefonso Santos /Tang/ga/pin/ /mo/ a/nak,/ /i/tong/ mun/ting/ /gur/yon/ /Na/ /ya/ri/ /sa/ /pat/pat/ /at/ /“pa/pel/ /de/ /Ha/pon”/ /Ma/gan/dang/ /la/ru/an/ /pu/la,/ /pu/ti,/ /a/sul/ /Na/ /may/ /pa/nga/lan/ /mong/ /sa/ /git/na /na/ro/on./ Ang Guryon Ildefonso Santos /Ang/ /hi/ling/ /ko/ /la/mang,/ /ba/go/ /pa/li/pa/rin,/ /Ang/ /gur/yon/ /mong/ /i/to/ /ay/ /pa/ka/tim/ba/ngin;/ /Ang/ /so/lo’t/ /pa/u/lo’y/ /su/ka/ting/ /ma/ga/ling/ /Nang/ /hin/di/ /mag/-/i/kit/ /o/ /ka/ya’y/ /mag/ki/ling./ Ang Guryon Ildefonso Santos /Sa/ka,/ /pag/-/u/mi/hip/ /ang/ /ha/ngin,/ /i/la/bas/ /At/ /sa/ /pa/pa/wi/ri’y/ /ba/ya/ang/ /lu/mi/pad;/ /Da/tap/wa’t/ /ang/ /pi/si’y/ /ti/ba/yan/ /mo,/ /a/nak,/ /At/ /ba/ka/ /la/gu/tin/ /ng/ /ha/nging/ /ma/la/kas./ Ang Guryon Ildefonso Santos /I/bi/gin/ /ma’t/ /hin/di,/ /ba/lang/ /a/raw,/ /i/kaw/ /Ay/ /ma/pa/pa/bu/yong/ /ma/ki/pag/da/gi/tan;/ /Ma/ki/pag/la/ban/ /ka,/ /su/ba/lit/ /tan/da/an/ /Na/ /ang/ /nag/wa/wa/gi’y/ /ang/ /pu/song/ /ma/ra/ngal./ Ang Guryon Ildefonso Santos /At/ /kung/ /ang/ /gur/yon/ /mo’y/ /sa/ka/ling/ /ma/da/ig/ Ma/ta/ngay/ /ng/ /i/ba/ /o/ /ka/ya’y/ /ma/pa/tid;/ /Kung/ /sa/ka/-/sa/ka/ling/ /di/ /na/ /ma/pa/ba/lik/ /Ma/a/wa/ing/ /ka/may/ /na/wa/ /ang/ /mag/ka/mit!/ Ang Guryon Ildefonso Santos /Ang/ /bu/hay/ /ay/ /gur/yon:/ /ma/ru/pok,/ /ma/li/kot,/ /Da/gi/ti’y/ /du/ma/git/ /sa/an/ /man/ /su/mu/ot…/ /O,/ /pi/li/pa/rin/ /mo’t/ /i/ha/lik/ /sa/ /Di/yos,/ /Ba/go/ /pa/tu/lu/yang/ /sa/ /lu/pa’y/ /su/mub/sob!/ MGA SAGOT: 1. Anyo – Tradisyonal 2. Sukat - Labindalawang pantig 3. Tugma – May tugmaan 4. Taludtod – Apat na taludtod 5. Saknong –Anim na saknong – Quatrain 6. Talinghaga – Gumagamit ng matatalinghagang salita 7. Persona – Unang Panauhan Ang Guryon Ildefonso Santos Layunin: 1. Natutukoy ang katangian at kaligiran ng Tanaga; 2. Nauunawaan ang Tanaga sa pamamagitan ng ilang halimbawa; 3. Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang diwa/ imahen sa pamamagitan ng pagguhit at pagpapaliwanag. Panghikayat na Gawain: TANAGA Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng mga aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. TANAGA May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig sa bawat taludtod na naglalaman ng isang diwa ng makata. Katumbas nito ang haiku ng mga Hapones. TANAGA Kadalasan itong nagtataglay ng isang tugmaan, a-a-a-a ngunit ang mga makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin ng mga tugma na inipitan -a-b-b-a, salitan - a-b-a-b at sunuran a-a-b-b. TANAGA Ito ay bunga ng pagiging malikhain ng mga Filipino at pagnanais na mapaunlad at madagdagan ang ating mayaman nang kultura, sining at literatura. TANAGA Ang tanaga ay nahahawig sa haiku at muling naging palasak ang mga tanaga noong panahon ng Hapon. HALIMBAWA: IKAW LANG Dasal ko sa Bathala Sana’y makapiling ka Sa luha ko at dusa Ikaw ang aking sigla. HALIMBAWA: KURAKOT Inumit na salapi Walang makapagsabi Kahit na piping saksi Naitago na kasi. HALIMBAWA: KURAKOT Inumit na salapi Walang makapagsabi Kahit na piping saksi Naitago na kasi. BUGTONG - Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at kalimitang maiksi lamang. BUGTONG - Noon, karaniwan itong nilalaro sa lamay upang magbigay-aliw sa mga namatayan ngunit nang lumaon ay kinagiliwan na ring laruin kapag may mga handaan o pista. Halimbawa: Maliit pa si Totoy Marunong nang lumangoy. Sagot: Isda Nagtago si Pilo Nakalitaw ang ulo. Sagot: Pako Halimbawa: Ako’y aklat ng panahon, binabago taon-taon. Sagot: Kalendaryo Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: Tainga PALAISIPAN - Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. PALAISIPAN - Ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo. Halimbawa: Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan nalang ang natira? Sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang baboy at hindi umalis. Halimbawa: May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man lamang nagalaw ang sombrero. Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero. Halimbawa: Ano ang makikita mo sa gitna ng dagat? Sagot: Titik G Halimbawa: Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto. Ano naman ang gumagapang sa kabayo? Sagot: Plantsa Salawikain: Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tunyunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal. Halimbawa: Aahnhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan. Halimbawa: Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. Kung ano ang puno, siya ang bunga. Kung walang tiyaga, walang nilaga. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Sawikain: Ang mga sawikain ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan. Sa ibang sanggunian ay tinatawag din itong idyoma o kaya naman ay eupimistikong pahayag. Halimbawa: Bagong-tao – binata Bulang-gugo – gastador o galante Taingang-kawali - nagbibingihan Kasabihan: Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong ipinalalagay na mga sabihin bata o matatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose Rhymes. Kasabihan: Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan ng kasabihan kaya madaling maunawaan ang mensaheng hatid nito. Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan. Kasabihan: Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat. Para igalang ang magulang, anak ay turuan. Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati. Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser