Ang Wikang Filipino PDF
Document Details
Tags
Related
- Kahulugan at Kahalagahan ng Wika (PDF)
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
- Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas PDF
- Unang-Paksa-Wika-Wikang-Filipino-Bilang-Konsepto PDF - Tagalog
- FILIPINO-G11_Week3 Tungkulin ng Wika PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa wika at kultura ng Pilipinas. Nakapaloob dito ang mga konsepto ng Anthropology, linggwistika at sikolohikal na aspeto ng wika.
Full Transcript
**Ang Wikang Filipino** Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di kat...
**Ang Wikang Filipino** Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang varayti ng wika para sa iba-bang sitwasyon, sa mga magsasalita nito na may iba't ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Ang Wikang Filipino ang pagkakakilanlan ng ating pagkatao kaya, marapat na ito ay bigyang halaga ng bawat mamamayan. Ito rin ang bumubuo sa ating kultura na nagpapatibay sa atin bilang Pilipino, kahit na tayo ay maraming wikang alam hindi ito magiging sagabal upang talikuran ang sarili nating wika bagkus paigtingin mas higit ang paggamit nito hanggnag kasalukuyan. Antropolohiya Ang aghamtao o antropolohiya ([Aleman](https://tl.wikipedia.org/wiki/Aleman): *Anthropologie*, [Kastila](https://tl.wikipedia.org/wiki/Kastila): *antropología*, [Portuges](https://tl.wikipedia.org/wiki/Portuges): *antropologia*, [Ingles](https://tl.wikipedia.org/wiki/Ingles): *anthropology*) (mula sa salitang Griyego na *anthropo* \"pagiging tao\" + *logia* \"salita\") ay ang pag-aaral sa lahi ng tao. (Tingnan ang henerong [*Homo*](https://tl.wikipedia.org/wiki/Homo).) Holistiko ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan. Nasa gitna ng usapin sa antropolohiya ang kultura at ang kaisipan na bumalangkas ang ating uri o espesye sa isang pangkalahatang kakayahan na isipin ang daigdig sa pamamagitan ng mga simbolo, upang ituro at matutunan ang mga gayong simbolo sa pamamagitan ng lipunan, at ibahin ang anyo ng mundo---at ating sarili---na nakabatay ANTROPOLOHIYA Pinag-aaralan ang mga tao sa mga aspeto mula sa biyolohiya at kasaysayan ng ebolusyon ng Homo sapiens hanggang sa mga tampok ng lipunan at kultura na tiyak na nakikilala ang mga tao sa iba pang mga species ng hayop. MGA SANGAY NG ANTROPOLOHIYA PISIKAL NA ANTROPOLOHIYA Ito ay nakatuon sa biyolohiya at ebolusyon ng sangkatauhan. Talakayin ito nang higit na detalyado sa artikulo ng ebolusyon ng tao. 2\. ANTROPLOHIYA NG KULTURA Ang pag-aaral ng mga lipunan at kultura sa buong mundo. Iniaaral ang naiiba ang istrukturang panlipunan, pamantayan, pang-ekonomiyang at relihiyosong organisasyon, sistema ng pagkamag-anak, sistema ng pag-aasawa, kasanayan sa kultura, mga pattern sa pag-uugali,. 3\. LINGGWISITIKONG ANTRPOLOHIYA Sangay ng antropolohiya na nag-aaral ng pagkakaiba-iba ng mga wika sa iba\'t ibang kultura sa mundo at kung paano nakakaapekto o naaapektuhan ng mga kultura at lipunan sa buong mundo. 4\. SIKOLOHIKAL NA ANTROPOLOHIYA Kabilang sa mga lugar ng interes ay ang personal na pagkakakilanlan, pagiging makasarili, pagiging aktibo, memorya, kamalayan, damdamin, pagganyak, pag-unawa, kalusugan ng kaisipan. ![](media/image2.png) Ang **kahulugan ng status ng lipunan** ay ang **katayuan o ang posisyon ng isang indibidwal sa lipunan**. May dalawang uri ang status. 1. **Ascribed Status-** Nakatalaga ito sa isang indibidwal simula nang siya ay ipinanganak. *Halimbawa: Kasarian* 2. **Achieved Status**: Naitalaga sa bisa ng kaniyang pagsusumikap. *Halimbawa: Pagiging isang Titser* Ang **Lipunan** ay ang mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may isang batas, tradisyon at pagpapahalaga. ***Ang Status ay nakapaloob sa Elemento ng Istrukturang Panlipunan.*** **Istrukturang Panlipunan** **Institusyon** - Sistemang Organisadong ugnayan ng isang lipunan. ** Uri ng mga Institusyon** - **Pamilya** - Dito unang mahuhubog ang pagkatao ng bawat isa. - **Edukasyon**- Tinutulungan mapaunlad ang karunungan at kakayahan ng bawat isa upang maging kapaki-pakinabang na mamayan. - **Ekonomiya** - inaaral dito ang mga paraan na matugunan ang pangangailangan ng mg mamamayan. - **Pamahalaan** - Sila ang gumagawa ng batas, nagpapatupad ng batas at naglilingkod sa bayan. - **Relihiyon** - Paniniwala ng bawat isa ukol sa pananampalataya. **Social Groups **- Dalawa o higit pang taong may parehong katangian, nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. ** Dalawang uri ng Social Group** - **Primary** - malalapit na ugnayan tulad ng Pamilya at Kaibigan. - **Secondary** - Pormal ang ugnayan sa isa\'t-isa tulad ng Amo at manggagawa. **Status** - Katayuan o posisyon ng isang indibidwal sa lipunan. ** Dalawang Uri ng Status** - **Ascribed Status** - **Achieved Status** **Gampanin (Roles)** - Tinutukoy ng gampaning ito ang mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunang ddkanyang ginagalawan. **Varayti at Varyasyon ng Wika** Wika, Dayalek, Idyolek at Iba pa **Mga Katangian ng Wika** ANG WIKA AY TUNOG. Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang natutuhan ang mga tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang pagsulat na paglalahad. Ang mga ito ay niririprisinta ng mga titik. ANG WIKA AY ARBITRARYO. Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito'y maaaring gamitin para sa isang tiyak na layunin ANG WIKA AY MASISTEMA. Kung pagsama-samahin ang mga tunog ay makakabuo ng makahulugang yunit ng salita , gayundin naman, kung pagsasama-samahin ang mga salita ay mabubuo ang pangungusap o parirala. ANG WIKA AY SINASALITA. Nabubuo ang wika sa tulong ng iba't ibang sangkap ng pananalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, ngalangala, at lalamunan. ANG WIKA AY NAGBABAGO. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng wika ay patuloy rin itong nagbabago. ANG WIKA AY KABUHOL NG KULTURA Ang kultura at wika ay dalawang bagay na di mapaghihiwalay. Ang wika ay aspekto ng kultura. ANG WIKA AY MALIKHAIN Malikhain ang wika dahil walang limitasyon ang bilang ng mga salitang maaring mabuo. Sa tuwing tayo ay magsasalita, ipinapahayag natin ang ating mga sarili sa ibat-ibang paraan. ANG WIKA AY MAKAPANGYARIHAN Sinuman ang epektibong gumamit ng wika ay nakapagtatamo ng malaking impluwensiya o kapangyarihan. ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG LUMIKHA Ang wika ay nagsisilbing kagamitan sa paglikha ng ating mundo sa pamamagitan ng pagtawag o pagleleybel sa ating mga karanasan. ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG MAKAAPEKTO SA KAISIPAN AT PAGKILOS Ang pagkakaugnay ng pamilya o sistema ng pagkilala ng kulay ay nag-iiba mula sa isang kultura. Ito ay ilan lamang sa mga hal. Kung paano hinuhubog ng kultura ang ating pag-iisip. ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG MAKAAPEKTO SA POLISIYA AT PAMAMARAAN Gamit ang wika ay nagagawa ng tao na magpahayag ng kanyang nararamdaman at naiisip.Nagagawa rin niyang maisakatuparan ang kanyang mga balakin at ang kanyang mga panaginip ay nagiging realidad. **Antas ng Wika** 1.Pormal --Ito ay mga salitang istandard dahil kinikilala,tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na sa mga nakapag-aral ng wika. a)Pambansa --Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika salahat ng paaralan at kadalasang gamit panturo sa mga paaralan at pamahalaan. b)Pampanitikan --Mga salitang malalalim,matatalinhaga at masining at kadalasang nakikita sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula,maikling kwento,nobela at iba pa. 2.Impormal --Mga salitang palasak o karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw ng pakikipag -usap sa mga kakilala at kaibigan. a)Lalawiganin --Mga salitang pangrehiyunal at kadalasang nakikilala sa pamamagitan ng puntong ginamit ng nagsasalita. b)Kolokyal --Mga salitang may kagaspangan ayon sa mga taong gumagamit nito.Maari pakinisin ng taong nagsasalita.Hindi pinapansin ang wastong gamit ng gramatika na tinatangap sa kasalukuyang panahon. c)Balbal/Barbarismo o Jargon --Ito at katumbas ng slang sa Ingles.Hindi sumusunodsa wastong gramatika at kadalasang sinasalita ng mga taong di nakapag-aral,pinakamababang antas ng wika Dayalek Maraming Linggwista ang nagpapalagay na homojinyus ang wika, ang ibig sabihin ay pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ngtaong gumagamit ng wika. Kapansin -pansin ding may mga taga-alawigan na iba-iba ang punto. May tinatawag na puntong bulacan, puntung bisaya, pungtong bicolo puntong maranao. May mga ilan namang gumagamit ng ibang salita para sa isang kahulugan lamang. Idyolek Idyolek ang tawag sa kabuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba't ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan. Varayrti at VaryasyonBawat wika ay binubuo ng higit sa isang varayti. Ang varayti ay itinuturing na higit na mas masaklaw na konsepto kaysa sa tinatawag na istilo ng prosa o istilo ng wika. Ang ilang halimbawa ng varayti ay ang mga sumusunod.Dayalek. Ang varayting ito ay sinasalitang mga tao sa heograpikong komunidad. Sa puntong ito, nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika ngunit nababatid nilang may pagkakaiba ang mga salitang kanilang naririnig. Maari ring iba ang kahulugan ng kanilang salita sa salitang ginamit ng iba. Maari rin namang ang pagkakaiba ay nasa pangungusap na kanilang ginagamit. Halimbawa, sa ialang bayan ng Nueva Ecija ay may salitang hinuhunlapian ng ye. Idinudugtong ang salitang ito sa isang salita gaya ng: 1.Ikawbaye ay hindi sasama? Kahit hindi mo itanong, malalaman mong taga -Batangas ang kausap mo kung gumagamit siya ng salitang ga tulad ng: 2\. Paano baga pumunta sa Subic? 3\. Ano baga itong nangyayari sakin? Sosyolek. Ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Pabiro niyang sinasabi na may varayti ng wika ang grupo ng iba't ibang uri o klasifikasyon ng mga mamamayan. May varayti ng wika ang mga dukha, gayundin ang mga nasa matataas ma antas ng lipunan. Register Ang register ay tinatawag ding istilo sa pananalita. Ang isa tao ay maaring gumagamit ng iba't ibang istilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang kanyang nadarama. **MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO** **PANIMULA** Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na pakikipagsapapalaran ni Juan dela Cruz sapagkat nag-iiwan ito ng kakintalang maaring magdulot ng karanasang magpapatakbo ng kanyang buhay. Ang mga sumusunod na paksa ay mga gawaing pangkomunikasyon karaniwan subalit sa mahalaga sa buhay ni Juan: Gaya nga ng sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang "Chismis", ang tsismis ay ang pambansang *marijuana* ng bansa. Parte na ito ng kulturang Pilipino. Bawat barangay ay mayroong isang grupo ng mga tsismoso/a na nagkikita araw-araw para pag-usapan ang mga 'balita'. Kadalasan naririnig ito sa palengke, bakuran, tindahan at pinapasukan ng mga manggagawa ngunit kadalasan sa mga ito ay mga *housewife* o di kaya mga *middle-aged* na walang magawa. Madalas na maririnig ang mga Pilipino na magsabi ng *"Tara magtsismisan tayo"* o kaya *"Ano ang bagong tsismis?"* Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may mas negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa Ingles na may katumbas na '*gossip'.* Ang *gossiper* ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba samantalang ang tsismosa ay kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento. Paminsan-minsan lamang kung magsabi ng katotohanan at kung totoo naman ang mga kwento ay madalas namang *exaggerated.* Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismoso/a, pero marami rin ang mahilig makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa mga sikreto at baho ng iba. Ang mali sa pagiging tsimoso/a ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit na naging pasimpleng paraan na upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway. Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi kasal o 'disgrasyada', pagiging homoseksuwal, at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang iba't ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman sa pag-aaral. Sa Kodigo Sibil sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na akto, bagamat hindi maituturing na krimen ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon o *cause of action* para sa mga danyos, pagtutol at iba pang kaluwagan: 1. 2. 3. 4. Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon, mababang antas ng pamumuhay, luugar ng kapanganakan, pisikal na depekto at iba pang personal na kondisyon. Ito ay sinang-ayunan sa Kodigo Penal ng Pilipinas sa Artikulo 353, ang Libelo na isang pampubliko at malisyosong mga paratang sa isang krimen o sa isang bisyo o depekto na maaaring makatotohanan o haka-haka, anumang kilos, pagkukulang, kondisyon katayuan o kalagayan na dahilang ng kasiraang-puri, ngalan o pagpapasala sa isang likas na tao o upang masira ang alaala ng isang namayapa na (Salin mula sa Article 353, RPC). Sa barangay, may karampatang multa ang bawat tsismis. 300, 500 at 1000 sa una, ikalawa at ikatlong paglabag na may kaakibat na *community service.* C. **UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Malapitang Salamuhaan** Ang umpukan ay tumutukoy sa isang maliit na grupo ng taong nag-uusap hinggil sa mga usaping ang bawat kasapi ay may interes sa pag-uusapan na maaaring may kabuluhan sa kani-kanilang personal na buhay, katangian, karanasan o kaganapan sa lipunan. Mapapansin sa Kabanata 1 ng Noli Me Tangere, inilarawan ang maraming umpukang naganap sa pagitan ng mga panauhin tulad ng asal ng katutubong Pilipino, monopolya ng tabako, kapangyarihan ng Kapitan Heneral at marami pang iba. Hindi maitatatwa na impormal ang naturang umpukan sapagkat malayang nakapagpapahayag ng kani-kanilang sloobin ang bawat kasapi. Ito ay maaaring maganap sa kalye tulad ng mga tumatambay sa tabi ng kalsada, sa tindahan o kahit sa harap lamang ng bahay. Maaari rin itong makita sa trabahong pinapasukan na kalimitang paksa ay tungkol sa sahod, polisiya, pamumuno at promosyon. D. **TALAKAYAN: Masinsinang Talaban ng Kaalaman** Ang talakayan ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng ideya o kaisipan para sa isang nararapat o mahalagang desisyon. Mayroong nakatalagang tagapangasiwa sa naturang gawain kung kaya'y higit na pormal ang gawaing ito kumpara sa umpukan. Ito ay kadalsang nararanasan sa loob ng isang klase dahil ditto nagkakaroon ng puwang o pagkakataong maipahayag ng mga mag-aaral na maibahagi ang kai-kanilang saloobin o natutunan sa naturang paksa sa loob ng isang oras na kaakibat ang tulong ng dalubguro sa naturang aralin upang tulungan sa pagpapaliwanag ang mga mag-aaral. Sa talakayan hindi maiiwasan ang pagkabagot ng bawat isa lalo na't purong guro ang nagsasalita sa harapan kung kaya narito ang katangian ng mabuting pagtalakay. 1. **Aksesibilidad.** Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa pagtanong at pagsagot sa mga katanungan na walang pangamba. 2. **Hindi Palaban.** Minsan nagkakaroon ng kainitan ang talakayan kung kaya hindi dapat dumating sap unto na ang respeto sa loob ng klase ay mawala bagkus ipahayag ito nang maayos at sa paraang mahinahon na may wastong paggalang. 3. **Baryasyon ng Ideya.** Magkaroon ng pagkakaiba-iba ng ideya na maaaring maging instrumento ng mas mainam pang pakahulugan na nakabatay sa mga sagot ng bawat isa. 4. **Kaisahan at Pokus.** Ang dalubguro ang tagapamagitan ng impormasyon o kaisahan sa klase kung kaya't marapat lamang na handa siya sa pagpapanatili ng kaisahan at pokus sa klase. E. **PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapwa sa kanayang Tahana't Kaligiran** Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang indibidwal patungo sa dalawa o higt pang maraming bahay upang maisakatuparan ang naturang mithiin tulad ng pangungumusta, pakikiramay, paghingi ng pabor para sa proyekto at marami pang iba. Makalipunan ang gawaing ito dahil tuwirang nakikipag-usap ang isang tao. Ang pagbabahay-bahay ay tradisyong nagpamalas ng mabuting pagpapakilala at pagtanggap ng mga panauhin na pinatutunayan sa mahahalagang okasyon sa buhay ng tao tulad ng pista, pasko, araw ng mga poatay at kaluluwa at kaarawan. Sa kabilang dako, ang ebolusyon ng tradisyon ng pagbabahay-bahay ay nagpapakita na ang dating makalipunang konsepto ay nagiging di-makalipunan dahil nawala na ang personal na pakikipagtalakayan. Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon dito dahil na rin sa layuning maraming bahay ang kakailanganing mapuntahan sa loob ng isang araw ngunit ang iba nama'y pinahahalagahan ang kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong pinupuntahan. F. **PULONG BAYAN: Marubdob na Usapang Pampamayanan** Karaniwan itong isinasagawa sa isang partikular na grupo bilang isang konsultasyon sa bawat kasapi at paghahanda sa darating na okasyon o aktibidad. Lider ang nangunguna sa naturang pulong upang pangasiwaan ang maayos na daloy ng pagpupulong tulad ng pagbibigay ng suhestiyon, mungkahi o opinyon. Malaki ang papel ng pulong sa pagsasagawa ng regulasyon at batas na nais ipatupad lalo na't may direktang epekto ito sa mga mamamayan. Bahagi ng proseso ng regulasyon ang konsultasyon sa tao o publiko at inbalido ang anumang batas na maaprubahan kung walang isinagawang pagsangguni sa mga mambabatas. **Mga Dapat Iwasan Sa Pulong** 1. **Malabong layunin sa pulong --** dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba't ibang paksa ang pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakawawalang gana sa mga kasapi. 2. **Bara-bara na pulong --** walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gusting magsalita kaya nagkakagulo, kaya dapat ang "house rules". 3. **Pagtalakay sa napakaraming bagay --** hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong. 4. **Pag-atake sa indibidwal --** may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao ng isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan, kaya't 5. **Pag-iwas sa problema** -- posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng organisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba't iba at walang kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay na problema. 6. **Kawalan ng pagtitiwala sa isa't isa --** walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala at pagbubukas sa isa't isa, dito kinakailangan ang "Iklas" manalig ka sa Allah, palaging alalahanin ang kasabihan: "may Makita kang isda sa dagat na wala sa ilog, at may Makita ka na isda na wala naman sa dagat". 7. **Masamang kapaligiran ng pulong** -- masyadong maingay o magulo ang lugar ng pinagpupulungan kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng lugar 8. **Hindi tamang oras ng pagpupulong --** ang miting ay hindi dapat natatapat sa alanganing oras -- tulad halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho ng mga manggagawa. G. **EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng Masigla at Makulay na Ugnayan** Ang ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pasasalamat, pagbati o pagpapaalam. Sa talastasang Pilipino, ito ang nagbibigay kulay sa mga kwento ng buhay at sumasalamin sa kamalayan at damdamin ng mga Pilipino. **Iba't iba ang ekspresyong lokal na laganap sa bansa. Narito ang mga halimbawa:** 1. 2. 3. 4. Isa rin sa mga di-tuwirang ekspresyon ang pagpapahayag ng biro kaya mayroon tayong birong totoo, may halong hibla ng katotohanan at halos walang katotohanan pero naghahamon o nang-uuyam o fishing tulad ng "Joke lang", "Charot", "Echos", "Charing" at marami pang *\#charotism.* **Iba't ibang Anyo ng Komunikasyong Di-Berbal** Ang komunikasyong di-berbal ay maaring matagpuan sa iba't iba nitong anyo katulad ng mga sumusunod na paksa ng mga pagtalakay. 1. 2. 3. 4. **Paghaplos (Haptics)** -- karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi na maaaring bigyang pakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe sa paraan ng paghaplos nito tulad ng pagtapik sa balikat na waring nakikiramay o pagbati. 5. 6. 7. **Uri ng Komunikasyon** 1. 2. **Kasaysayan ng Wikang Pambansa** Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika. Ang ating mga lider na makabayan tulad nina **Lope K. Santos**, **Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw** at iba pa ay nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gallego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles. Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipakilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito'y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng **Konstitusyon** noong **Pebrero 8, 1935**. Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba't ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito'y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog. Ang sumusunod ay iba't ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika: **Nobyembre 7, 1936-** Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa. **Disyembre 30, 1937 -** Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. **Abril 1, 1940 -** Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940. **Hunyo 7, 1940 -** Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. **Marso 26, 1954** - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon. **Agosto 12, 1959**- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin. **Oktubre 24, 1967-** Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino. **Marso, 1968 -** Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino. **Agosto 7, 1973-** Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974\--75. **Hunyo 19, 1974** - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.