Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (SAINT FRANCIS OF ASSISI COLLEGE)
Document Details
Uploaded by BestKnownRosemary
Saint Francis of Assisi College
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon ng mga materyales sa Filipino 12. Ang talakayan ay nakatuon sa mga akademikong sulatin, mga katangian nito, at mga halimbawa.
Full Transcript
SAINT FRANCIS OF ASSISI COLLEGE SAINT ANTHONY SCHOOL PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK 1 Academics. And beyond. MAGANDA NG BUHAY “ PANALANGIN 3 “ 4 “ BALIK -ARA...
SAINT FRANCIS OF ASSISI COLLEGE SAINT ANTHONY SCHOOL PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK 1 Academics. And beyond. MAGANDA NG BUHAY “ PANALANGIN 3 “ 4 “ BALIK -ARA L 5 MODYUL 2 Pagkilala sa iba’t ibang Akademikong Sulatin 6 Mga Layunin ◈ Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian, at anyo 7 Mga Layunin ◈ Maisaalang-alang ang mga etika sa binubuong akademikong sulatin 8 Mga Layunin ◈ Makapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko 9 Tatlong Layunin ng Akademikong Sulatin: Magpabatid Manghikayat Mang-aliw 10 MAGPABATID Ito ay makikita sa mga sulating impormatibo na nagbibigay kaalaman o nagpapaliwanag. Halimbawa: encyclopedia 11 MAGBIGAY ALIW SA MAMBABASA Mas kilala bilang personal o malikhaing akda. Halimbawa: Rebyu, Pagsusuri, o Talang Pangkasaysayan 12 MANGHIKAYAT SA MAMBABASA Layunin nito na kumbinsihin o papaniwalain ang mambabasa sa konsepto na nakapaloob sa isang babasahin. Halimbawa: Konseptong Papel, Posisyong Papel 13 Mga Huwaran sa Akademikong Pagsulat ◈ Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. Halimbawa: ang pormal na depinisyon ng “kalayaan”, mga salitang kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito. 14 ◈ Enumerasyon – pag-uuri o pagpapangkat ng anuman na nabibilang sa isang uri o klasipikasyon. Halimbawa: pag-iisa-isa ng mga uri ng turista at paglalarawan sa bawat isa. 15 ◈ Pagsusunod-sunod- kronolohiya ng mga pangyayari o proseso Hal. Kronolohiya ng mga pangyayari sa Pilipinas mula 1896 hanggang 1898 16 ◈ Pagtatambis ng Paghahambing at Pag-iiba Pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao (Benigno Aquino III at Gloria Macapagal-Arroyo), lugar ( Coron at El Nido), pangyayari (EDSA I, EDSA II, at EDSA III), konsepto ( katarungan at hustisya), at iba pa. 17 ◈ Sanhi at Bunga Paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto nito. Halimbawa: pagsusuri sa sanhi at bunga ng lumalaking populasyon sa bansa. 18 ◈ Problema at Solusyon Paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito. Halimbawa: Ang suliranin ng bansa sa polusyon sa mga anyong-tubig nito at ang mga kongkretong lunas dito. 19 ◈ Kalakasan at Kahinaan Paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon, o pangyayari. Halimbawa: Kalakasan at kahinaan ng programang K to 12 sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. 20 Mga Katangian ng Akademikong Sulatin ◈ Pormal ang tono ◈ Karaniwang sumusunod sa kumbensiyon sa pagbabantas, gramatika, at baybay ◈ Organisado at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya ◈ Hindi maligoy ang paksa 21 Mga Katangian ng Akademikong Sulatin ◈ Pinahahalagahan ang kawastuhan ng mga impormasyon ◈ Karaniwang gumagamit ng mga simpleng salita upang maunawaan ng mambabasa ◈ Hitik sa impormasyon ◈ Bunga ng masinop na pananaliksik 22 Anyo ng Akademikong Sulatin ◈ Kritik- detalyadong pagsusuri ng mga merito, kalakasan at kahinaan, katotohanan kagandahan at iba pang aspekto ng isang akdang iskolarli, akdang pampanitikan, o likhang-sining. 23 ◈ Manwal – kalipunan ng mga panuto na paggamit ng isang kasangkapan, pagpapairal ng isang proseso at iba pa. ◈ Ulat- mahalagang datos ng ibinabahagi sa isang pangkat o organisasyon. 24 ◈ Sanaysay – akdang naglalaman ng sariling pananaw ng may-akda tungkol sa isang paksa ◈ Balita- artikulong naglalaman ng mahahalagang pangyayari na ngayon lamang naganap at mahalagang malaman ng madla. 25 ◈ Editoryal - artikulong nagpapahayag ng sariling pananaw ng patnugot tungkol sa isang napapanahong isyu. ◈ Encyclopedia - sangguniang aklat na naglalaman ng masusing impormasyon tungkol sa isang paksa. 26 ◈ Tesis- isang saliksik na ginagawa ng isang mag-aaral sa kolehiyo o sa antas masterado bilang bahagi ng mga kahingian sa kaniyang programa. ◈ Disertasyon- ginagawa ng mag-aaral sa antas doktorado bilang ambag niya sa larangan pagbuo ng sariling teorya. 27 ◈ Papel-pananaliksik – inilalathala sa isang dyornal o binasa sa isang kumperensiya. ◈ Rebyu ng mga pag-aaral - pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang saliksik o pag-aaral upang matukoy ang mga paksang hindi pa gaanong nagagawa ng pag-aaral: ang mga kaalaman di-nagtutugma sa mga ito; at ang mga temang karaniwang sa mga ito. 28 ◈ Pagsasalin - pagtutumbas ng isang teksto mula simula lengguwahe papunta sa tunguhang lengguwahe na may pagsasaalang-alang sa nilalaman, estruktura, estilo, at kultura. ◈ Anotasyon ng Bibliograpiya - tala ng mga sanggunian na nagbibigay ng isang talatang paglalarawan o pagtataya sa bawat isa. 29 ◈ White Paper - masusing tumatalakay sa isang suliranin at sa solusyon makatutugon dito upang mahikayat ang mga mambabasa na tangkilin ang solusyon, produkto, o serbisyong inihahain. ◈ Korespondensiya Opisyal - dokumentong naglalaman ng opisyal na impormasyon na gamit sa komunikasyon sa loob at labas ng isang kompanya, organisasyon o institusyon. 30 ◈ Autobiography - talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat. ◈ Memoir - salaysay na nakatuon sa tiyak na yugto ng buhay ng tao. 31 ◈ Konseptong papel - nagpapaliwanag ng panukalang saliksik o panukalang proyekto, lalo na kung hinihingi ito ng pagsang-ayon o ng pondo. ◈ Mungkahing saliksik – panukalang saliksik na karaniwang naglalaman ng panimula, mga kaugnay na pag-aaral at literatura, at metodolohiya. 32 Pagbasa ng Teksto Pagsasakapangyarihan sa mga Babaeng Tauhan sa “Kabilang sa mga Nawawala” ni Ricky Lee 33 Gawain Basahin at Sagutin: Ilapat ang Natutuhan 2.3: Subukan ang Natutuhan Pahina 16 34 MARAMING SALAMAT! 35