GABAY SA PAGKATUTO (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is a study guide or textbook on the Tagalog language. It covers topics such as the origin of the language, theories of language learning, varieties of language, levels of language, and communication.
Full Transcript
KOMPAN TOPIC GABAY SA PAGKATUTO WIKA ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit ng tao sa komunikasyon na kabilang sa partikular na kultura. -HENRY GLEASON Ayon kay Todd (1987), " ang wika ay isang kalipunan ng mga sagisag na ginagam...
KOMPAN TOPIC GABAY SA PAGKATUTO WIKA ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit ng tao sa komunikasyon na kabilang sa partikular na kultura. -HENRY GLEASON Ayon kay Todd (1987), " ang wika ay isang kalipunan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon at hindi lamang ito binibigkas kundi ito'y isinusulat din. PINAGMULAN NG WIKA BOW-WOW- Hayop at Kalikasan DING-DONG- Bagay POOH-POOH- Emosyon YOHEHO- Puwersa MAMA- mother SING-SONG- Paglalaro, Pagtawa, may musikal HEY YOU! Pagkakakilanlan, Ako! Ikaw! COO COO- Sanggol YUM YUM- Pagkain BABBLE LUCKY- Sinuwerte na mabuo ang mga bagay HOCUS POKUS- mahikal EUREKA!- Inimbento TATA- paalam TEORYA SA PAGKATUTO NG WIKA Teoryang Kognitib Nakasalig ang teoryang ito sa pananaw ni Jean Piaget (1896-1980). Ayon sa kanya ang pagkatuto ng wika ng isang bata ay nakaugnay sa kakayahan nitong mag-isip. Teoryang Makatao Mula sa teoryang na Effective Filter Hypothesis ni Stephen Krashen, sinasabing mapapabilis ang pagkatuto ng wika kung may positibong saloobin ang isang tao na matutunan ito. BARAYTI NG WIKA Yunibersal na Linggwa Franca- Ingles Pambansang Linggwa Franca- Filipino Rehiyonal na Linggwa Franca- Bawat rehiyon BARAYTI NG WIKA 1\. SOSYOLEK- Social/ Group Dialect 2\. DAYALEK- Wika sa pagkakaiba-iba ng lugar o lokasyon (Dimensyong Heograpiko) 3\. IDYOLEK- (Identity Dialect) 4\. EKOLEK- (Ecological Dialect) barayti ng wika na nililikha sa tahanan 5\. ETNOLEK- (Ethnic Dialect) wika ng pangkat etnolingguwistiko 6\. JARGON- Trabaho, larang o gawain ANTAS NG WIKA PORMAL PAMBANSA PAMPANITIKAN IMPORMAL BALBAL KOLOKYAL \*ENGGALOG \*TAGLISH LALAWIGAN BULGAR Pidgin- Nobody's Native Language Suki, ikaw, bili tinda mura. Creole- Nativized \*Chavacano Di-berbal na Komunikasyon Chronemics- oras Proxemics- distansya Kinesics- galaw ng katawan Haptics- haplos Iconics- simbolo Objectics- gamit Chromatics/colorics- kulay Pictics- mukha Vocalics- tono/ di linggwistikong tunog Oculesics - paningin Olfactorics- pang-amoy Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) 1\. Gleason (1961) -- ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. 2\. Finnocchiaro (1964) -- ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya'y makipag-ugnayan. 3\. Sturtevant (1968) -- ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao. 4\. Hill (1976) -- ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura. 5\. Brown (1980) -- ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao. 6\. Bouman (1990) -- ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag. 7\. Webster (1990) -- ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang "lengua" na ang literal na kahulugan ay dila at wika. Maraming kahulugan at kabuluhan ang wika tulad ng; ito ay behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o kahit saan. Instrumento din ito ng komunikasyon sa pamamagitan din ng wika, mabilis na naipapalaganap ang kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat simbolo ito ng kalayaan. Sa kabilang dako, nagkaroon ng ibang kahulugan at kabuluhan ang wika sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo. Ang Wikang Panturo at Wikang Opisyal ay nagkakatulad ng baybay ngunit magkaiba ito ng kahulugan at kahalagahan. Nakapaloob sa Konstitusyon 1987 ng Republika ng Pilipinas ang Filipino bilang wikang pambansa o opisyal na wika. Ang dating wikang Tagalog na napalitan ng Filipino ay patunay lang na patuloy na umuunlad ang ating bansa lalo na ang ating bokabularyo. Bukod sa wikang opisyal tinatawag din itong pambansang lingua franca dahil ito ang ginagamit ng magkausap kapag magkaiba ang kanilang katutubong wika. Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, at Multilingguwalismo) 1\. Henry Gleason -- ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. 2\. Archibald Hill -- ang wika ang pangunahin at pinakamabusising anyo ng gawaing pansagisag ng tao. 3\. Thomas Carlyle -- itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan. 4\. Vilma Resuma at Teresita Semorlan -- ang wika ay kaugnay ng buhay at instrunento ng tao upang matalino at efisyenteng makilahok sa lipunang kinabibilangan. 5\. Pamela Constantino at Galileo Zafra -- ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama --sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika) Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na \"homo\" na ang ibig sabihin ay pareho at salitang \"genos\" na ang ibig sabihin ay uri o yari. Ang homogenous na wika ay ang pagkakatulad ng mga salita. Bagaman magkakatulad, nag-iiba ang kahulugan dahil sa pagbigkas at intonasyon. Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito HETEROGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA 1\. Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad, kasarian, tirahan, gawain, at iba pang salik. 2\. Ito ay ang kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng iba't ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pang mga salik. 3\. Ayun sa mga dalubhasa, ang wika ay binubuo ng isang pangkat ng tao upang magamit at tumugon sa kanilang partikular na pangangailangan. Dahil magkakaiba ang mga tao at ang kinabibilangan ng bawat isa, iba't ibang anyo rin ng wika ang umusbong. 4.Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may dalawang uri o barayti: Ito ay ang permanente at pansamantala Barayting Permanente a\. Dayalekto- Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao. b\. Idyolek-Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika. Barayting Pansamantala a\. Register-Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika. b\. Istilo-Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap c\. Midyum-Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat. Mga halimbawa ng heterogeneous na katangian ng wika 1\. Dayalektong heograpikal ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog Quezon. Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar dito 2\. Dayalektong Temporal Halimbawa: Ang Probinsyano na pelikula mayroon na noon ngunit may bagong pelikulang sumisikat ngayon ang mga manunulat nito ay magkaiba at ang barayti ng wika nito ay magkaiba sapagkat ito ay isinulat sa magkaibang panahon. Register at Barayti ng Wika Ang Filipino bilang isang buhay na wika ay nagtatataglay ng iba't ibang barayti. Batay nga sa kasabihang Ingles, "Variety is the spice of life." Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi nagangahulugang negatibo. Maaari itong tingnan bilang isang positibo, isang penomenong pangwika o magandang pangyayari sa wika. Ayon pa kay Constantino (2002), pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaisa sa pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa. Dito ay hayagan niyang iniugnay ang malaking kinalaman o ugnayan ng wika sa lipunan at ang lipunang ito ay kinasasangkutan ng isang masining na kultura. Dagdag pa niya, "Ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng espiritu/kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa lipunan o komunidad." Dahil sa ang mga tao ang siyang bumubuo sa lipunan at tao rin ang siyang dumidivelop ng kani-kanilang mga kultura, hindi ngayon maiiwasang magkaroon ng pagkakaiba-iba sa paniniwala, gawi, kaalaman pati na rin sa wika. Kung kaya, ayon kay Zosky, mayroong tinatawag na barayti ng wika o sub languages na maaaring iklasipika higit sa isang paraan. Tulad na lamang ng kanyang tinatawag na Idyolek, Dayalek, Sosoyolek, Register, Estilo at Moda, Rehiyon, Edukasyon, Midya, Atityud at iba pa. Lahat ng nabanggit ay ilan lamang sa mga kaparaanan ng pagkaklasipika ng wika ayon sa mga gumagamit nito. Accommodation theory ni Howard Giles. Sa paliwanag ni Constanstino mula kay Giles, may malaking epekto ang pagkatuto ng pangalawang wika sa development ng varayti ng isang wika. Sa teoryang ito pumapaloob ang tinatawag na linggwistik konverjens at linggwistik dayverjens. Ang linggwistik konverjens ay nagangahulugan na ang tao sa kanyang pagnanais na makipag-interak sa iba ay maaaring gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap upang bigyang pakikiisa, pakikilahok, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya ay pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Sa kabilang banda, ang linggwistik dayverjens naman ay 10 nangangahulugang pagiging iba sa gamit ng wika ng isang tao tungo sa pagbuo o pagkilala sa kanyang kaakuhan o aydentiti. Samantala, nadedevelop pa rin ang barayti ng wika sa tinatawag na interferens fenomenon at interlanguage. Tuon naman sa pag-aaral na ito ang pagiging kalahok ng unang wikang sinasalita ng isang tao o lipunan kaugnay sa impluwensiya sa pagkatuto sa pangalawang wika. Ang interferens fenomenon ay tumutukoy sa impluwensiya sa bigkas, leksikon, morpolohiya gayundin sa sintaktika sa pagkatuto sa pangalawang wika. Ang interlanguage naman ay tumutukoy sa mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Dito, nababago niya ang gamit ng grammar ng wika sa pammagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng mga alituntunin. Ayon pa kay Constantino (2002) mula kay Eastman (1971), nahahati sa dalawang dimensyon ang baryabilidad o pagkakaiba-iba ng wika: ang heograpiko (diyalekto) at sosyo-ekonomiko (sosyolek). Ang una ay nagpapaliwanag ng pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba't iba o kalat-kalat na lokasyon ng mga tagapagsalita ng isang wika. Mula rito ay nadedevelop ang barayting pangwika. Samantala, sa ikalawa, nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang wika dahil sa iba-ibang estado ng tao sa lipunan. Kung kaya, mayroong tinatawag na mga wika ng bakla, horse language, elit, masa at iba pa. Sa artikulo naman ni Alonzo batay kay Catford, ang barayti ng wika ay may dalawang malaking uri: permanenteng barayti at pansamantalang barayti. Ang permanenteng barayti ay binubuo ng idyolek at dayalek. Ang idyolek ay ang katangian o gamit ng wika na kaiba o pekulyar sa isang individwal. Ang dayalek naman ay nangangahulugang paggamit ng wika batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Ang paraan ng pagsasalita rito ay bumabatay sa kanyang estado o grupong kinabibilangan. Sa kabilang banda, ang pansamantalang barayti ay tumutukoy sa kagyat na sitwasyon ng pahayag. Bahagi nito ang mga sumusunod: register, moda at estilo. Partikular din sa pag aaral na ito ang maipakita ang iba't ibang barayti ng wikang Filipino gayundin ang lawak ng gamit nito bilang pambansang wika at bilang tugon na rin sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Samantala, ang lingguwistikong komunidad ay tumutukoy sa grupo ng mga taong binibigkis ng iisang wika at pagkakakilanlang kultural. Konseptong Pangwika Ang Unang Wika ay ang wikang katutubo na kinagisnan at natamo mula sa pagkasilang hanggang sa oras na magamit at maunawaan ng isang indibidwal. Sinasabi ring wikang taal ang unang wika sapagkat ito'y umusbong sa isipan ng bawat indibidwal mula sa loob ng isang tahanan at komunidad. Ito rin ay sinasabing likas, ang wikang nakagisnan, natutuhan at ginagamit ng pamilyang nabibilang sa isang linggwistikong komunidad. Ang grupo ng mga mamamayan na naninirahan sa iisang lugar na gumagamit ng iisang wika, na hindi lamang sinasalita bagkus mayroong pagkakaunawaan, ugnayan at interaksyon sa bawat isa. Ang Unang Wika ay tinatawag ring mother tongue, katutubong wika o sinusong wika. Ang wika kung saan nakilala at pamilya ang isang indibidwal kaya nagkaroon ng kakayahang maangkin ito sa tulong ng kinalakhang komunidad. Sa kasalukuyan ang Mother Tongue ay hindi lamang unang wika bagkus ay isa sa mga asignatura mula sa Baitang 1 hanggang 3 upang maging daluyan ng higit na pagkatuto at pagkaunawa sa ikalawang wika. Ayon sa artikulo ni Lee nailathala noong 2013, " The Native Speaker" narito ang mga gabay upang matukoy kung ang isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika. 1\. Natutuhang indibidwal ang wika sa murang edad. 2\. Ang indibidwal ay may likas at instruktibong kaalaman at kamalayan sa wika. 3\. May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng mataas at importansyang diskurso gamit ang wika. 4\. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang wika. 5\. Kinilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang kabahagi ng isang lingguwistikong komunidad. Ayon sa saliksik nina Aguilar, Jennifor L. et al. 2016 mula sa katha ni Krashen (1982), ang Pangalawang Wika ay naiiba sa unang wika, sapagkat ito ay hindi taal o likas na natutuhan ng isang indibidwal sa kanyang tahanan at kinabibilangang linggwistikong komunidad. Ito ay wikang natutuhan sa paaralan o sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao na may kakayahang gamitin ito. Natutuhan ito ng isang indibidwal, matapos siyang mahasa ang kakayahan sa paggamit ng unang wika. Kung gayon, ang pangalawang wika ay mga karagdagan sa mga wikang natutuhan at pinag-aaralan sa mga paaralan. Kung mayroon mang pangunahing distinksyon o kakanyahan ang pangalawang wika (L2) ito ay walang iba kundi ang pagtataglay ng katangiang maaaring matutuhan (learnability) o natutuhan (learned) sa mulat o malay na paraan ng pagsasalin ng prosesong komunikatibo. Gamit ng Wika sa Lipunan (Pasalita) 1\. Interaksyonal - ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao. 2\. Instrumental - ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. 3\. Regulatori - ang tungkulin ng wikang gingamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. 4\. Personal - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion. 5\. Imahinatibo - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. 6\. Heuristik - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng impormasyon. Paraan ng Pagbabahagi ng Wika (Jackobson 2003) Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon. Panghihikayat (Conative) Panghihimok at pag-iimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) Pakikipag-ugnayan sa kapwa at makapagimula ng usapan. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating ang mensahe at impormasyon. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual) Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. Patalinghaga (Poetic) Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO SPEAKING - Salik-panlipunan na dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika ayon kay Hymes. SETTING - Ang lugar ay may malaking impluwensiya sa komunikasyon PARTICIPANTS - Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o kinakausap. Dapat ding magbago-bago ang paraan n gating pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating harapan o di kay'y sinusulatan. ENDS - Sa paggamit ng wika kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap. ACT SEQUENCE - Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan. KEYS - paggamit ng pormal at di-pormal sa pakikipag-usap. INSTRUMENTALITIES - Paggamit ng midyum sa pakikipagkomunikasyon. Lenggwaheng ginagamit o ang instrumenting ginamit upang makipagkomunikasyon NORMS - Mahalagang maisaalang-alang ng isang tao ang paksa ng pinag-uusapan. GENRE - Batid dapat ng tao kung ano ang genreng ginagamit ng kanyang kausap, nang sa gayo'y aalam din ng kausap nang genre na kanyang gagamitin. Kasaysayan ng Wikang Pambansa ilang batas Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 (1937)- ipinahayag na ang tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang Pambansa sa Pilipinas Kautusang Tagapagpaganap Blg.263 (Abril 1, 1940)- isinaad ang pagpapalimbag ng "A tagalog English Vocabulary" at\`\`Ang Balarila ng Wikang Pambansa". Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940. Kautusang Tagapagpaganap Blg 60 (1960) -- nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 (1967) -- nilagdaan ng Pangulong Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng edisyon, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino Kautusang Tagapagpaganap Blg 87 (1969) -- nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-utos sa lahat ng kagawaran, kawanihan at tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon. Kautusang Pangkagawaran Blg.7- Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo\`y kalihim ng kagawaran ng Edukasyon na Si Jose E. Romero na nagaatas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) -- nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-64 ang mga sertipiko at diploma ng magtatapos ay ipalimbag sa Wikang Filipino Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) -- nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin na Ortograpiyang Pilipino Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978) -- paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansang Pilipino. Nilagdaan ni Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports. Kautusang Pangkagawaran Blg. 54 (1987)- Panuntunan ng implementasyon ng patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1987. Batas ng Komonwelt Blg. 570- ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946 Proklamasyon Blg, 12- ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29- Abril 4 (kapanganakan ni Franciso Balagtas.) Proklamasyon Blg. 186 (1955)- Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 kapanganakan ni Manuel L Quezon.) Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6- Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas. Proklamasyon Blg. 1041 (1997) -- Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto, ang buwan ng wikang Filipino. Bahagi ng Sanaysay Simula - Karaniwang naglalagay ng pang-akit, atensyon ang nagsusulat ng sanaysay. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa at sa bahaging ito makakapag-isip ang mambabasa kung magpapatuloy pa sa pagpabasa. Katawan o Gitna - Dito naman nakalagay ang malaking bahagi ng nilalaman ng sanaysay. Nakasaad din ang mga mahahalagang impormasyon o ideya ng may akda tungkol sa paksa. Wakas -- Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay. Dito maaaring magsulat ng konklusyon, buod ng sanaysay o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa. Maaari ring maglagay ng pahayag na hahamon sa pag-iisip ng babasa ng akda. Elemento ng Sanaysay Tema/Paksa -- Sa bahaging ito ipinapahayag ng may-akda ang layunin ng kanyang pagsulat ng sanaysay. Anyo at Istruktura- Ito ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakakaapekto ito sa pagkaunawa ng mambabasa, ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o 7 pangyayari ay makakatulong sa mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay. Wika at Istilo- Elemento ng sanaysay na higit na nagpapayaman sa kaisipan ng mga mambabasa kung kaya\`t higit na mas mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag. Kaisipan -- Mga ideyang nagpapalinaw sa tema. Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay. May masining na paglalahad na ginagamitan ng sariling himig ng may-akda. Damdamin -- Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kanyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.