FIL01 - CO1.1 Introduksyon sa Komunikasyon - Mapúa University
Document Details
Uploaded by Deleted User
Mapúa University
Tags
Related
- Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (KPWKP) Midterms PDF
- 2nd Semester Prelim Exam Komunikasyon 2022-2023 PDF
- KOMPAN MIDTERM REVIEWER (PDF)
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Aralin 1: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
- KAKAYAHANG-SOSYOLINGGUWISTIKO (1) PDF
Summary
These lecture notes from Mapúa University are on the topic of Filipino language and communication. The notes cover the meaning, characteristics, and importance of language in Filipino society. Language is crucial for social interaction, understanding, and cultural preservation.
Full Transcript
FIL01 – CO1.1 Kahulugan, Katangian, at Katuturan ng Wika KURSONG AWTKAM Nauunawaan at naipaliliwanag ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino. LAYUNIN NG ARALIN Nakapagsasaliksik ng mga halimbawan...
FIL01 – CO1.1 Kahulugan, Katangian, at Katuturan ng Wika KURSONG AWTKAM Nauunawaan at naipaliliwanag ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino. LAYUNIN NG ARALIN Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan (F11EP – Ie – 31). Kahulugan ng Wika Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Henry Gleason Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang kailangan natin – kung nagugutom, humihingi ng pagkain; kung nasugatan, dumadaing upang mabigyan ng panlunas; kung nangungulila, humahanap ng kausap na makapapawi sa kalungkutan. Bienvenido Lumbera Isang midyum at isang instrumento ang wika na nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan at pag-uunawaan ng mga tao. Joseph Stalin Ang wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga tao sa lipunan. Alfonso O. Santiago Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo. Noah Webster Jr. Ang wika ang pangunahing at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Archibald A. Hill Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Henry Gleason KATANGIAN NG WIKA May Masistemang Balangkas Sinasalitang Tunog Pinipili at Isinasaayos Arbitraryo Ginagamit Kabuhol ng Kultura Nagbabago/ Dinamiko May Masistemang Balangkas may katangiang makaagham ang wika at lahat ay nakaayos sa sistematikong balangkas na ito. Mula sa pagpapalabas ng tunog, pagtukoy sa makahulugang tunog na maaaral sa Ponolohiya, paggamit ng tunog upang makabuo ng salita na maaaral sa Morpolohiya, paggamit ng salita upang makabuo ng mga parirala, sugnay at pangungusap na magagamit sa pakikipagdiskurso. Sinasalitang Tunog Ang wikang pasalita ay nangangailangan ng tunog ng tao na nagmumula sa bibig, ang mga tunog na ito ay bunga ng mga aparato sa pagsasalita natin. Mula sa hanging nanggagaling sa baga patungo sa mga pumapalag na bagay na nakalilikha ng tunog na minomodipika ng resonador. Ang makahulugang tunog na ito ay tinatawag na PONEMA na bumubuo naman sa yunit ng salita na tinatawag na MORPEMA. Pinipili at Isinasaayos sa pamamagitan ng ating utak ay pinipili natin ang bawat salita at maging ang wika na gagamitin sa pakikipagkomunikasyon. Kadalasan ay sa subconscious at minsan sa conscious na pag-iisip nagaganap ang pagpili. Arbitraryo Ang wika ay batay sa napagkasunduan ng komunidad na gamitin. Ang mga karanasan at kultura ng isang komunidad ay nakalilikha ng kanilang sariling pagpapakahulugan sa mga salita na kanilang pinili upang maging kanilang wika. Ginagamit bilang ang wika ay instrument ng tao sa pakikipagkomunikasyon at araw-araw nakikipagkomunikasyon ang tao sa ibang nilalang ang wika ay ginagamit. Ang wikang hindi ginagamit ay namamatay. Nakabatay sa Kultura / Kabuhol ng kultura makikilala natin ang tao batay sa wikang kaniyang ginagamit. Nagiging preserbado rin ang wika dahil sa paggamit ng tao sa lipunan. Nagbabago/ Dinamiko kasabay ng paglipas ng panahon ay nababago ang wika. Nabubuhay at namamatay ang wika batay sa paggamit ng tao kaya ito ay nagbubunga ng pagbabago. Natatangi (KSAF, PUP) Ang bawat wika ay may kaakuhan din na nagpapatangi sa iba pang wika. Tulad ng Nihongo na may tatlong paraan ng pagsulat, ito ang Hiragana, Katakana at Kanji. Ang wikang Filipino naman ay may tinatawag na Verbalizing Power o kakayahang ang mga pangngalan ay maging pandiwa. KATUTURAN NG WIKA Panlipunan Panliterasiya Pansariling Kaligayahan Nagagamit ang wika upang magkaroon ng lipunan. Lipunan na magtataguyod ng isang nasyon at bubuo ng isang bansa. Bansa na nagkakaisa at may pagkakakilanlan. PANLIPUNAN Sa pamamagitan ng wika ay naisasalin ang mga karunungan at gamit din ito ay natututo ang tao. Kinakasangkapan ang wika upang matuto at magturo. PANLITERASIYA Kung ang nagkakaisang tao ay bunga ng pagkakaunawaan dahil sa wika, ang isang tao rin ay nakabubuo ng sariling mundo sa pamamagitan ng wika. SARILING KALIGAYAHAN FIL01 – CO1.1 Introduksyon sa Komunikasyon KOMUNIKASYON Ayon kay Cruz (1988), ito ay proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan. Ingay Tagapagpadala Mensahe Tagatanggap Tugon/ Puna/ Reaksiyon Salamat sa pakikinig! PADAYON