Mitolohiya mula sa Aprika (M1) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Roderic P. Urgelles, Virgina Hamilton
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga kuwento mula sa mga mitolohiya ng Africa, kabilang na ang mga kuwento nina Liongo, Mashya at Mashyana, at iba pa. Ang mga kwentong ito ay nagbabahagi ng mga karanasan at kultura ng mga tao sa Africa.
Full Transcript
**Mitolohiya mula sa Africa (M1)** **Liongo** Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang hig...
**Mitolohiya mula sa Africa (M1)** **Liongo** Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante at hindi nasusugatan ng anumang mga armas. Ngunit, kung siya'y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng ng Pate. Nagtagumpay siya sa pananakop sa trono ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna- unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso at kalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala'y pakana ng hari upang siya ay madakip ngunit muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya. **MITOLOHIYA NG AFRICA** - - - **Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha** Mula sa primebal na hayop na Gayomard na hindi lalaki at babae, nagmula ang ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu na sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd. Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siya ng demonesa sa katauhan ni Jeh. Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mula sa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay ay may tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman at dito nanggaling sina Mashya at Mashyana. Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu. Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na kumalat sa buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan. Maaaring panoorin ang buod ng kwento sa link na ito: [https://www.youtube.com/watch?v=mJP\--8vMB0w] **Maaring Lumipad ang Tao** Isinalaysay ni Virgina Hamilton at isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak. Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi nila maaaring ipaalam sa mga ito kung sino ang nakalilipad at ang hindi. May matandang lalaki na nagngangalang Toby na may mataas na tindig. Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah na may batang nakatali sa kaniyang likod at nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong pangyayari, sinisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa. "Patahimikin mo iyan," sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo hanggang sa ito'y bumagsak sa lupa. Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. "Aalis ako nang mabilis," sabi niya pagdaka. Hindi makatayo nang tuwid si Sarah sapagkat napakahina niya at nasusunog na ng araw ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. "Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami." Naghihimutok na sinabi ni Sarah habang napaupo na lamang sa pilapil. "Tumayo ka, ikaw, maitim na baka" hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo. Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya. "Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat." "Sige anak, ngayon na ang panahon," sagot ni Toby "Humayo ka, kung alam mo kung paano ka makaaalis." "Kum... yali, Kumbuba tambe," at ang mga salita na may kapangyarihan ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntuonghininga. Tumaas ang isang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kaniyang paglipad na hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, ang misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng isang ibon, na animo'y balahibong umiilanlang sa hangin. Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si Sarah, at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na palayan, isang batang lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita ng lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad naintindihan. Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantala siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang nakalipad. Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay "kumkumka yali, kum... tambe!" Pabulong niyang sabi at muli na naman silang nakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may makislap na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig. "Bihagin ang matanda," sabi ng tagapagbantay. "Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya." Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang latigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin si Toby. Natawa lang si Toby, lumingon siya at sinabing "heeee, heee! Hindi ninyo kilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa palayan." At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo. "Buba... Yali\... Buba\... tambe..." May napakalakas na sigawan at hiyawan at ang mga baluktot na likod ay naunat. Ang matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay. Nagsasalita habang nakabilog animo'y singsing, umaawit pero hindi sila magkakahalo. Hindi pala sila umaawit, sila'y lumilipad sa hangin, langkay-langkay na animo mga ibong tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na anino. Tanaw nila ang plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan. Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak, hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila. Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon na makatakbo. "Paalam" ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, "Kausapin mo silang mga ulilang kaluluwa!" At siya ay lumipad at naglaho. Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan. Sinabi nila sa mga bata ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang ngayon. **PAGSASALING-WIKA** - - - - **Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin** 1. 2. 3. 4. 5. **Gabay sa Pagsasaling-wika** 1. 2. 3. a. b. c. d. **Anekdota mula sa Persia/Iran (Panitikan ng Africa at Persia)** **Akasya o Kalabasa** ni Consolation P. Conde Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito'y maitutulad din nga sa paghahalaman. Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod... Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralain sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag- ama. Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. "Halika at makikipagusap muna ako sa punung-guro." "Magandang umaga po sa kanila," panabay na bating galang ng mag-ama. "Magandang umaga po naman," tugon ng punung-guro na agad naming nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?" "E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan." "A, opo. Sa ano po namang baitang?" usisa ng punung-guro. "Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso," paliwanag ni Mang Simon. "Kung gayon po'y sa unang taon ng haiskul, ano po?" "Ngunit... ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya'y makatapos agad, upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa, maaari po ba?" "Aba, opo," maaga pa na tugon ng punong-guro. "Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa." Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama. At... umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: "A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan." **Mullah Nassreddin** Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, "Alam ba ninyo ang aking sasabihin?" Sumagot ang mga nakikinig "Hindi," kung kaya't kaniyang sinabi "Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin," at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng "Oo," sumagot si Mullah Nassreddin "Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras" muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong "Alam ba ninyo ang aking sasabihin?" Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng "Hindi," at ang kalahati ay sumagot ng "Oo," kung kaya't muling nagsalita si Mullah Nassreddin "Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya't kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin," at siya ay lumisan. **Alam mo ba?** *Si **Mullah Nassreddin** ay kilala sa tunay na pangalang Nasreddin Hodja, isang pilosopo noong ika-13 siglo. Pinaniniwalaan na ang kaniyang sinilangang-bayan ay matatagpuan ngayon sa bansa ng Turkey. Kilala si Nassreddin dahil sa kaniyang nakatutuwang mga kuwento at anekdota. Siya'y may matalas na pag-iisip, ngunit palagi siyang tampulan ng biruan. Ang "Mullah" ay isang titulo na ibinibigay sa matatalinong Muslim. Halos lahat ng Muslim ay pamilyar sa mga kuwento ni Nassreddin. Kahit ang mga di-Muslim sa Tsina ay alam din ang kaniyang mga anekdota , at sa wikang Tsino ang pangalan niya ay "Afanti."* **ANEKDOTA** - - **Narito ang ilang katangian ng anekdota** A. B. **Pagbuo Ng Komik-Istrip** - **Mga Bahagi ng Komiks:** 1. 2. 3. 4. 5. **Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Komik Istrip** 1. 2. 3. 4. 5. 6. **Mga Elemento ng Kuwento:** - - - - - - - - **Mongheng Mohametano sa Kaniyang Pag-iisa** Mula sa mga Anekdota ni Saadi Persia (Iran) ni: Idries Shah Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan siya. Nagalit ang Sultan at nagwika "Ang nakasuot ng balabal ay walang pa- kiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob." Kung kaya't ang vizier o ministro ay nagwika "Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?" Sumagot ang Mongheng Mohametano, "Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan." **PAGSASALAYSAY** - Sa pagsasalaysay, ginagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at *strategic*. 1. 2. 3. **Ang mga Mapagkukuhanan ng Paksa** 1. 2. 3. 4. 5. 6. **Mga Uri ng Pagsasalaysay** 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.