Summary

This document is an overview of Greek and Roman mythology. It includes information about various gods and goddesses, their roles, and their symbols. It's part of a larger module or lesson about mythology.

Full Transcript

MITOLOHIYA IHINANDA NI: BB. RAVEN MAY E. CASTILLO Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong napanood? Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit? Ano ang mitolohiya? Ano ang pinagkaiba ng mitolohiya at epiko? Isa-isahin ang elemento ng mito. Ano ang mitolohi...

MITOLOHIYA IHINANDA NI: BB. RAVEN MAY E. CASTILLO Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong napanood? Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit? Ano ang mitolohiya? Ano ang pinagkaiba ng mitolohiya at epiko? Isa-isahin ang elemento ng mito. Ano ang mitolohiya ng mga Roma? MITOLOHIYA NG MGA ROMA - Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang taga-Rome hanggang sa ang katutubong relihiyon nila ay napalitan na ng Kristiyanismo. MITOLOHIYA NG MGA ROMA - Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. MITOLOHIYA NG MGA ROMA - Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop. Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at MITOLOHIYA NG MGA ROMA - diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura MITOLOHIYA NG MGA ROMA - Isinulat ni Virgil ang “Aenid”, ang pambansang epiko ng Rome at nag-iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. Ito ang naging katapat ng “Iliad at Odyssey” ng Greece na isinalaysay naman ni Homer at tinagurian ang mga ito bilang “Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo”. Ang mga Diyos at Diyosa ng Roma at Greece Zeus (Greek) | Jupiter (Roma) Hari ng mga diyos, diyos ng kalangitan, kulog at kidlat, tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako, asawa niya si Juno. Simbolo niya ang kidlat at agila. Hera (Greek) | Juno (Roma) Reyna ng mga diyos at diyosa at tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa, kababaihan at pamilya. Kapatid at asawa siya ni Jupiter. Simbolo niya ay ang peacock at baka. Poseidon (Greek) | Neptune (Roma) Diyos ng karagatan, tubig, bagyo, lindol at alon. Kapatid ni Jupiter at Orcus (Pluto). Simbolo niya ang kabayo at trident Demeter (Greek) | Ceres (Roma) Diyosa ng agrikultura, kalikasan at panahon. Simbolo niya ang Cornucopia at baboy. Athena (Greek) | Minerva (Roma) Diyosa ng karunungan at pakikipagdigma. Anak nina Jupiter at Metis. Simbolo niya ang kuwago at puno ng oliba. Hermes (Greek) | Mercury (Roma) Mensahero ng mga diyos, diyos paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw at panlilinlang. Anak nina Jupiter at Maia. Simbolo niya ang Caduceus. Ares (Greek) | Mars (Roma) Diyos ng digmaan. Anak nina Jupiter at Juno. Simbolo niya ang sibat at buwitre Apollo (Greek) | Apollo (Roma) Diyos ng liwanag, araw, propesiya, musika, panulaan at panggagamot. Anak nina Jupiter at Latona. Kakambal na lalaki ni Diana. Simbolo niya ang lyre at sisne. Artemis (Greek) | Diana (Roma) Diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at buwan. Anak nina Jupiter at Latona. Kambal na babae ni Apollo. Simbolo niya ang buwan at lobo. Aphrodite (Greek) | Venus (Roma) Diyosa ng kagandahan, pag-ibig at pagnanasa. Anak ni Jupiter at Dione. Asawa ni Vulcan Kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya. Hestia (Greek) | Vesta (Roma) Diyosa ng apuyan. Siya ang panganay na anak nina Saturn at Ops. Nakatatandang kapatid nina Pluto, Ceres, Neptune, Juno at Jupiter. Simbolo niya ang apoy at apuyan. Hephaestus (Greek) | Vulcan (Roma) Diyos ng apoy, panday ng mga diyos at diyosa. Anak nina Jupiter at Juno. Asawa ni Venus Simbolo niya ang apoy, martilyo at pugo. Dionysus (Greek) | Bacchus (Roma) Diyos ng alak, ubas, pagdiriwang at kasiyahan. Anak nina Jupiter at Stimula. Pinakabata sa mga diyos at diyosa ng Bundok Olympus. Ubasan kambing at ang kaniyang mga simbolo. Hades (Greek) | Orcus (Roma) Diyos ng kamatayan at hari ng kabilang buhay. Kapatid nina Vesta, Ceres, Neptune, Juno at Jupiter. (asong may tatlong ulo) ang maiuugnay sa kanya. Eros/Pluto (Greek) | Cupid (Roma) Diyos ng sekswal na pag-ibig at kagandahan. Anak nina Venus at Mars. Maraming salamat sa inyong partisipasyon at pakikinig. Paalam!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser