Edukasyon sa Pagpapakatao (Ikatlong Baitang) - Ikalawang Markahan - Modyul 3: Ikaw at Ako: Magkaiba (2020) PDF

Summary

Ito ay isang modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa ikatlong baitang sa Pilipinas. Nagtatalakay ito ng mga aralin at aktibidad tungkol sa paggalang at pag-unawa sa mga katutubo at iba't ibang pangkat etniko. Ang modyul ay naglalaman ng mga gawain at pagsusulit upang masukat ang natutunan ng mga mag-aaral.

Full Transcript

3 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ikaw at Ako: Magkaiba CO_Q2_EsP3_Module3 Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ikaw at Ako: Magkaiba Unang Edisyon, 2020 Isinas...

3 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ikaw at Ako: Magkaiba CO_Q2_EsP3_Module3 Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ikaw at Ako: Magkaiba Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Rina A. Albano Editor: Althea S. Llameg, Arlene U. Lastimoso, Amor A. Sarinas, Arlene C. Mariano, Jocelyn E. Oyog Tagasuri: Edwin C. Pameroyan, Emma Tipudan Esteban, Bryan Ephraem E. Miguel, Rolibeth M. Labadia Tagaguhit: John Mark I. Lambino Tagalapat: Marco R. Abellon, Daryl L. Escobar, Emmanuel S. Gimena Jr. Tagapamahala: Allan G. Farnazo Lorenzo E. Mendoza Mary Jeanne B. Aldeguer Felix I. Antecristo Analiza C. Almazan Ernie E. Agsaulio Ma. Cielo D. Estrada Nelia Q. Madelo Alirna O. Andoy Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ____________________________ Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected]*[email protected] 3 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ikaw at Ako: Magkaiba Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag- aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Ang modyul na ito ay maingat na ginawa para sa iyo. Naglalaman ito ng mga gawain na sadyang ginawa para sa mag-aaral na kagaya mo. Tinatalakay nito ang tungkol sa kalagayan ng pangkat etniko. Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, inaasahan na maipamamalas mo ang kakayahang: 1. Naisasaalang-alang ang katayuan/kalagayan/pangkat etnikong kinabibilangan ng kapuwa bata sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, gamit at iba pa (EsP3P- IIf-g-16). Subukin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Ang sumusunod ay mga mabuting katangian ng isang bata na marunong tumanggap ng katayuan/kalagayan ng pangkat etnikong kinabibilangan ng kapuwa bata, maliban sa isa. a. Pagbabahagi ng mga pagkain, laruan, damit at iba pa. b. Pang-iinsulto at pagtawanan ang ibang pangkat etniko. c. Pagtulong na may pagmamahal at pag-aalaga kahit iba pa siya. d. Pagtanggap ng ibang pangkat, tulad ng Manobo at mga Mangyan. 1 CO_Q2_EsP3_Module3 2. Habang naglalakad kayo ng nanay mo sa isang kalsada, nakita mo ang isang batang katutubo na nanghihingi ng pagkain sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin? a. Hindi kikibo at pabayaan na lang. b. Hahayaan mo ang bata at huwag pansinin. c. Lalakad nang matulin na parang walang nakita. d. Sasabihin sa nanay na bibigyan mo ng pagkain ang batang katutubo. 3. Sa loob ng silid-aralan ninyo ay may nakita kang bagong kaklase. Siya ay isang Manobo. Paano mo siya bibigyang pansin para makilala mo siya? a. Aawayin para makilala siya. b. Lalapitan siya at makikipagkilala. c. Pagtatawanan dahil kakaiba siya sa iyo. d. Hahayaan na lang siya at hihintayin na makipagkilala siya sa iyo. 4. Nakita mo ang iyong kaklase na isang miyembro ng pangkat etnikong Mangyan. Siya ay umiiyak dahil tinutukso siya ng inyong kaklase. Paano mo siya matutulungan? a. Iiwasan siya. b. Hahayaan siyang umiiyak. c. Pagsasabihan ang mga kaklase na huwag tuksuhin ang bago ninyong kaklase na Mangyan. d. Patatahanin sa pag-iyak ang bagong kaklase at isusumbong agad sa guro ang mga nanunukso sa kaniya. 5. Mayroon kang kaklase na mahiyain dahil bago pa lang siya sa inyong paaralan. Hindi siya marunong magsalita ng Tagalog. Paano mo siya matutulungan? a. Lalayuan na lang. b. Pababayaan at hindi papansinin. c. Ipagsasabi sa mga kaklase na hindi siya marunong magsalita ng Tagalog. 2 CO_Q2_EsP3_Module3 d. Kakausapin nang maayos at papayuhan na kung mayroon siyang sasabihin ay maaaring isulat sa papel. Aralin Kalagayan ng Pangkat 1 Etniko Ang mga tao ay nahahati sa iba’t ibang pangkat etniko. Halimbawa, ang Bisaya sa Visayas, Bikolano sa Bikol, Manobo sa Mindanao, at Mangyan sa Mindoro. Hindi natin maiiwasan na mayroon tayong makakasama na ibang bata na kasapi sa ibang pangkat etniko. Paano natin sila mabibigyan ng pansin? Balikan Sa naunang aralin, tinalakay natin ang tungkol sa isa pang paraan ng pagpapakita ng malasakit sa kapuwa. Ito ay ang pagpapakita ng malasakit sa mga taong may kapansanan. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan sa iyong sagutang papel. 1. Bilang isang bata, paano mo naipakita ang iyong malasakit sa mga may kapansanan? 3 CO_Q2_EsP3_Module3 2. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong matulungan ang iyong kapuwa? Ipaliwanag ang iyong sagot. Tuklasin Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Ang Batang Matulungin Sa loob ng silid-aralan, abala ang mga bata sa isang gawain na ibinigay ng kanilang guro. Napansin ni Albert si Mario, ang bago niyang kaklase na isang miyembro ng pangkat etnikong Tagakaolo na mula pa sa barangay Pinalpalan sa bayan ng Malita, Davao Occidental. Hindi mapakali si Mario sa kaniyang inuupuan dahil wala siyang dalang kagamitan tulad ng lapis, pandikit, gunting, at papel. Nagmamadali si Albert na tumayo at pinahiram niya ang kaniyang kaklase na si Mario ng lapis, pandikit, gunting, at papel. Nagpasalamat at naging maligaya si Mario sa ginawa ni Albert. Doon nagsimula ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan. 4 CO_Q2_EsP3_Module3 Panuto: Pagkatapos basahin ang kuwento, sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang pagkakaiba ni Albert kay Mario? 2. Ano ang naramdaman ni Mario habang ginagawa ng buong klase ang ibinigay na gawain ng kanilang guro? 3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Mario, ano ang iyong gagawin? 4. Naranasan mo na ba ang ginawa ni Albert? Ano ang iyong ginawa? 5. Paano ipinakita ni Albert kay Mario ang kaniyang pagmamalasakit? Suriin Ang lahat ng tao ay magkakatulad kahit ano pang pangkat etniko ang kinabibilangan natin. Kaya kailangan nating isipin at bigyan ng mabuting pakikitungo ang ating kapuwa. Idineklara ng United Nations ang pantay na karapatan ng lahat ng tao, ano man ang lahi o etnikong kinabibilangan. Matagal na panahon na hindi patas ang pakikitungo ng ibang tao sa mga nabibilang sa isang pangkat etniko. Panahon na upang baguhin ang ganitong pananaw. Kailangang paigtingin at pagtibayin natin ang ugnayan ng bawat isa, at tulungan ang ating kapuwa sa pamamagitan ng pagpapakita ng suporta at pagmamahal. 5 CO_Q2_EsP3_Module3 Panuto: Batay sa kuwento sa Tuklasin, sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel. 1. Paano ipinaramdam ni Albert sa bagong kaklaseng si Mario na hindi siya iba sa kanila? 2. Maliban sa pagbabahagi ng gamit, ano pang magandang gawi ang ipinakita ni Albert kay Mario? 3. Kung ikaw si Albert, gagawin mo rin ba ang pakikipagkaibigan kay Mario na isang batang kabilang sa pangkat etniko? Bakit? Pagyamanin Gawain 1: WORD HUNT Panuto: Hanapin ang pangalan ng iba’t ibang pangkat etnikong nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. B E M T Y D G M I K I T A I L U K A B E S A S B T H R N A B A U T K A U L O G U Y S M L O K L B O A A U M O R O T O B N R G K Y E H A D O O B I K O L A N O T Y 6 CO_Q2_EsP3_Module3 Isaisip Ang bawat pangkat etniko ay nagtataglay ng pagkakilanlan at katangian. Panuto: Gumuhit ng malaking bilog sa gitna ng iyong sagutang papel, at isulat sa loob nito ang nagugustuhan mo na pangkat etniko. Sa gilid ng malaking bilog, may limang maliliit na bilog kung saan isusulat mo kung paano mo matutulungan at mabibigyan ng mabuting pakikitungo ang mga miyembro ng napiling pangkat etniko. 7 CO_Q2_EsP3_Module3 Isagawa Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon na nagsasaad ng mabuting pakikitungo sa mga pangkat etniko. Lagyan ng tatlong tala ( )kung ito ay iyong ginagawa at isang tala ( ) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Sitwasyon Sagot 1. Nagbibigay ng pagkain sa kaklaseng Manobo na galing sa Mindanao. 2. Nagtuturo ng salitang Tagalog sa isang batang kabilang sa pangkat etniko na hindi marunong magsalita. 3. Nagbabahagi ng gamit sa loob ng silid-aralan sa kaklaseng Ita. 4. Tumutulong sa matandang babae na nabibilang sa pangkat etnikong Bikolano na bitbitin ang ibang dalang gulay. 5. Naghahatid ng tulong sa kapitbahay na Mangyan dahil ito ay nasunugan at nawalan ng mga kagamitan. 8 CO_Q2_EsP3_Module3 Tayahin Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. May isang batang Muslim mula sa Mindanao. Siya ay hindi marunong magsalita ng tagalog. Isang araw, nakita mo siyang umiiyak dahil wala siyang pambili ng pagkain. Ano ang nararapat mong gawin? a. Gawing kaibigan. b. Bibigyan ng pagkain. c. Tuturuan ng salitang tagalog. d. Lahat ng nabanggit. 2. Si Anmar ay bagong lipat sa inyong barangay at magkatabi ang inyong bahay. Siya ay isang bisaya. Isang araw, nakita mong tinutukso siya ng ibang bata. Ano ang nararapat mong gawin? a. Sasali sa panunukso. b. Hahayaan at hindi papansinin. c. Lalakad na lang na parang walang nakita. d. Sasabihin sa mga magulang ang ginagawang panunukso ng mga bata. 3. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa ibang pangkat etniko? a. May paggalang sa ibang pangkat etniko. b. Nagbabahagi ng pagkain, laruan at damit. c. Marunong makipagsalamuha sa ibang pangkat etniko. d. Lahat ng nabanggit. 9 CO_Q2_EsP3_Module3 4. Sa loob ng inyong silid–aralan, mayroon kang kaklase na umiiyak dahil naiwan niya ang kaniyang kagamitan sa paggawa ng proyekto. Siya ay isang Manobo at bagong lipat sa inyong paaralan. Paano mo siya matutulungan? a. Hindi papansinin. b. Ipagsasabi sa ibang kaklase. c. Pahihiramin ng mga kagamitan. d. Tutuksuhin para mas umiyak pa siya. 5. May paligsahan sa inyong paaralan at ito ay ang pagsusuot ng iba’t ibang kasuotan ng mga pangkat etniko. Napili kang maging kinatawan ng inyong klase at ang nabunot mo ay ang pangkat ng Ita. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa kanilang kultura? a. Magagalit sa guro at kaklase. b. Balewalain ang kultura ng mga Ita. c. Pagtawanan ang nabunot na pangkat etniko d. Magsusuot ng naaayong kasuotan ng isang Ita na may burda na gawa sa abaka at mananaliksik kung ano pa ang ibang kultura nila. 10 CO_Q2_EsP3_Module3 Karagdagang Gawain Panuto: Gumuhit ng isang malaking kahoy. Sa katawan ng kahoy, isulat ang napili mong pangkat etniko, at sa bunga naman na hugis-puso ay isulat ang mga katangian na gusto mong ipakita sa pakikitungo mo sa mga batang nabibilang sa ilang pangkat etniko ng ating bansa. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 11 CO_Q2_EsP3_Module3 CO_Q2_EsP3_Module3 12 Karagdagang Gawain Magkaiba ang sagot ng mga bata. Tayahin Isagawa Isaisip Pagyamanin d Magkaiba ang Magkaiba ang MANOBO sagot ng mga sagot ng mga BAGOBO d bata. bata. BIKOLANO d TAUSUG BISAYA c KAULO d Suriin Tuklasin Balikan Subukin Magkaiba ang Magkaiba ang Magkaiba ang b sagot ng mga sagot ng mga sagot ng mga bata. bata. bata. d b c d Susi sa Pagwawasto Sanggunian Maria Carla M. Caraan et. al. Edukasyon sa Pagpapakatao - ikatlong baitang: kagamitan ng mag-aaral sa sinugbuanong binisaya. Unang Edisyon. Edited by Erico M. Habijan at Irene C. De Robles. Pasig City: Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat, 2014, 108-114. 13 CO_Q2_EsP3_Module3 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser