Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao (PDF)

Summary

Ang dokumento ay naglalahad ng mga konsepto at mga layunin sa paggawa, tulad ng pagkumita ng salapi at pagtulong sa mga nangangailangan. Tinatalakay din ang tungkulin ng paggawa sa pag-unlad ng tao at lipunan.

Full Transcript

# Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao ## Module 7 - Ayon sa aklat ng "Work: The Channel of Values Education," ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao. - Ito ay maaaring mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay, o larangan ng ideya, katulad ng pag-iisip ng mga ko...

# Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao ## Module 7 - Ayon sa aklat ng "Work: The Channel of Values Education," ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao. - Ito ay maaaring mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay, o larangan ng ideya, katulad ng pag-iisip ng mga konsepto para sa patalastas o pagsulat ng aklat. - Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa. - Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang tulad ng hayop o makina. - Sa simula pa lamang ay inilaan na ang tao upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain. - Ipinagkatiwala sa kanya ang pangangalaga at pamamahala sa lahat ng Kanyang nilikha. - Tao lamang ang may kakayahan gumawa ng gawaing ginagamitan ng talino. - Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa - sa kanyang pag-iral, siya ay gumagawa - ang pagiging bahagi ng komunidad. - Hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para din sa kapwa at pag-unlad nito. - Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa. - Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangahulugan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi, ay magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay. - Ang paggawa ay anumang gawain - pangkaisipan man o manwal, anuman ang kalikasan o kalagayan nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. ## Mga Lay unin sa Paggawa: - Upang kitain ng tao ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang kanyang mga pangunahing pangangailangan. - Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya. - Upang mai-angat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan. - Upang tulungan ang mga nangangailangan. - Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral ng tao. ## 1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan. - Hindi mabubuhay nang maginhawa ang tao kung hindi siya magtatrabaho. - Sa kasalukuyang panahon, mahalaga ang pera dahil sa papel nito sa pagbili ng mga produkto at serbisyong kailangan ng tao. - Kailangan ng taong gumawa para mabuhay. - Hindi maaaring maging katulad siya ng isang *parasite* na laging iniaasa sa iba ang kaniyang ikabubuhay. - Sa pamamagitan ng paggawa, napagyayaman ang kaniyang dignidad. - Ito ang dahilan kung bakit ninanais ng mga magulang na makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak: upang makakuha ng disenteng trabaho ang mga ito at hindi makaranas ng kaparehong kahirapan. ## 2. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya. - Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng talento upang gamitin ito sa pag-unlad niya at ng pamayanan. - Mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang malalim na pagnanais na maibahagi ang kaniyang kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan. - Dahil sa natatanging talino ng tao na ipinagkaloob ng Diyos, napagyayaman ang agham at teknolohiya. - Nakalilikha ang tao ng mga teknolohiya, bunga ng kaniyang patuloy na pag-aaral sa pangangailangan ng tao, na nakapagpapadali at nakapagpapabilis sa kaniyang produksiyon. - Nakikita ang tulong na naibibigay ng agham at teknolohiya upang mapadali ang pamumuhay ng tao at mapaunlad ang ekonomiya ## 3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan. - Hinaharap natin sa kasalukuyan ang reyalidad na maraming tao ang natutuon na lamang ang pansin sa paggawa upang kumita ng salapi. - Nakatuon na lamang ang layunin sa pagsisikap sa paggawa para sa pansariling pag-unlad. - Mahalagang maunawaan na ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto at hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan natin para sa pag-angat ng kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan. ## 4. Upang tulungan ang mga nangangailangan. - Ang paggawa ay isang obligasyon, isang tungkulin ng isang tao. - Kailangang gumawa ang tao upang tumugon sa ninanais ng Diyos at sa pangangailangan na panatilihin at pagyamanin o paunlarin ang sangkatauhan. - Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan, at sa bansa. - Ang lahat ng ito ay malinaw na nagpapaliwanag sa ating moral na obligasyon na tumulong sa ating kapuwa na nangangailangan. ## 5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao. - Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito. - Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit niya ang sumusunod: - nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan; - napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain; - napatataas ang tiwala sa sarili; - nabibigyang-dangal ang kaniyang pagkatao; - nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at makasalamuha ang kaniyang kapuwa at ang mapaglingkuran ang mga ito; - nagkakaroon siya ng pagkakataon na isabuhay ang tunay na pagbibigay; - nabibigyan siya ng pagkakataon bilang indibidwal at kasapi ng lipunan na maipagpatuloy ang kaniyang bokasyon at bigyang-katuparan ito; - nagiging kabahagi siya sa paggawa tungo sa kaganapan sa sarili at ng kapuwa; - nagagampanan niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos. - Nilikha ang teknolohiya upang mapaunlad ang gawain ng tao. - Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang tao sa paglikha ng mga makinarya na makatutulong upang mas maging madali ang paggawa para sa tao. - Ang teknolohiya ay katulong ng tao. - Ngunit dahil din sa mga pangyayaring ito, unti-unti ng nagiging “kaaway” ng tao ang teknolohiya, nawawalan na ng malawak na kontribusyon ang tao sa paggawa, hindi na niya nararamdaman ang kasiyahan at hindi na nahahasa ang kaniyang pagiging malikhain. - Dahil inaako na ng makina ang bahaging dapat gampanan ng tao, hindi na nakikilala ang kaniyang pagkamalikhain at malalim na pananagutan. ## Ang Subheto at Obheto sa Paggawa - Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento, at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto. - Ang nakagisnan ng tao na uri ng paggawang ginagamitan ng kamay, pagod, at pawis ay unti-unti ng nagbabago dahil sa pagtulong ng mga makabagong makinarya, na tao rin ang nagdisenyo at gumawa. - Hindi maipagkakait na ito ang nagdulot ng malaking pagbabago sa sibilisasyon. - Napakalaki ng tulong na naibibigay ng teknolohiya: napadadali nito ang trabaho ng tao at naitataas ang kaniyang produksiyon. - Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa palatandaan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa, ngunit unti-unti ng nailalayo sa tao ang kaniyang tunay na esensiya sa mundo – ang paggawa na daan tungo sa: - Pagbuo ng tao ng kanyang pagkakakilanlan at kakayahan. - Pagkamit ng kaganapang pansarili. * - Pagtulong sa kapwa upang makamit ang kanyang kaganapan. ## Ang Panlipunang Dimensyon ng Paggawa - Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang dimensiyon. - Ang gawain ng tao ay likas na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapuwa. - Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa. - Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba. - Hindi ba't alam naman natin na ang bunga ng ating ginagawa ay para sa kapakinabangan ng mas marami? - Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa ating kapuwa. - Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ang tunay na tataya sa paggawa. - Ito ay dahil hindi magbubunga ang pagsisikap ng tao kung wala ang kaniyang kapuwa, kung walang mga pamantayang pangkaayusan ng lipunan na naglalagay ng limitasyon sa paggawa at sa manggagawa, kung hindi magkaugnay ang mga hanapbuhay, na umaasa sa isa't isa (interdependent) at hindi nagtutulungan ang lahat upang gawing ganap ang bawat isa at ang pinakamahalaga, hangga't hindi magkakaisa lang isip, materyal na bagay at paggawa upang sila ay maging buo. - Mahalagang parang iisang taong kumikilos ang lahat. - Mahalagang naibabahagi ang pag-asa, paghihirap, pangarap, at kaligayahan at napagbubuklod ang loob, isip at puso ng lahat ng tao habang gumagawa. - Sa pagkakataong ganito makakamit ang tunay na pagkakapatiran – ang tunay na panlipunang layunin ng paggawa. - Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya pinagsisikapang hubugin ang pagkatao tungo sa kabutihan. - Hindi ito nakabatay sa anomang pag-aari o yaman. - Mahalagang iyong tandaan na ang paggawa ay higit pa sa pagkita lamang ng salapi; ang pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng kaganapan bilang tao.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser