Aralin-2-3-Agenda-at-Katitikan-ng-Pulong Filipino sa Piliing Larang (Akademik) PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa pagsulat ng agenda at katitikan ng pulong sa Filipino. Nilinaw nito ang mga bahagi, layunin, at hakbang sa paggawa ng mga ito. Tinalakay din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng agenda at katitikan ng pulong.

Full Transcript

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) Kwarter 2 Layunin 01 Naisasagawa nang mataman ang hakbang sa pagsulat ng akademikong sulatin gaya ng agenda. Nabibigyang kahulugan ang mga terminong 02 akademiko na may kaugnayan sa pagsulat ng katitikan ng pulong. 03 Naipaliliwanag ang...

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) Kwarter 2 Layunin 01 Naisasagawa nang mataman ang hakbang sa pagsulat ng akademikong sulatin gaya ng agenda. Nabibigyang kahulugan ang mga terminong 02 akademiko na may kaugnayan sa pagsulat ng katitikan ng pulong. 03 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsulat ng katitikan ng pulong. AGENDA Listahan ng mga tatalakayin sa isang pormal na pagpupulong. Ayon kay Sudpraser (2014), ang agenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng agenda ng pulong. 1. Ito ang nagsasaad ng mga sumusunod na mga impormasyon: 2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong. 3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist. 4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa. 5. Ito ay nakatutulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG AGENDA 1. Magpadala ng memo 2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo. 3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin. 4. Ipadala ang sipi ng agenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong. 5. Sundin ang nasabing agenda sa pagsasagawa ng pulong. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG AGENDA 1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng agenda. 2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa. 3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan. 4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng agenda. 5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng agenda. Layunin 01 Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikan ng pulong. Nakasusulat ng isang angkop na katitikan ng pulong 02 batay sa tamang konsepto nito. 03 Masusing nasusunod ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong. Katitikan ng Pulong Ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. Ang opisyal na tala ng isang pulong. nagtatataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG 01 Heading 02 Mga kalahok o dumalo 03 Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG 04 Action items o usaping napagkasunduan 05 Pabalita o patalastas 06 Iskedyul ng susunod na pulong MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG 07 Pagtatapos 08 Lagda ANG KUMUKUHA NG KATITIKAN NG PULONG AY KINAKAILANGANG: 1. Hangga’t maaari ay hindi nakaisa sa nasabing pulong. 2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong. 3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong. 4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong. 5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda. 6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong 7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan. 8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos. 9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan. 10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG BAGO ANG PULONG Magpasiya kung anong paraan ng 1 pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin. Tiyaking ang gagamitin mong 2 kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon. Gamitin ang adyenda para gawin nang 3 mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong. HABANG ISINASAGAWA ANG PULONG Ipaikot ang listahan ng mga taong 1 kasama sa pulong at hayaang lasgdaan ito ng bawat isa. Sikaping makilala kung sino ang bawat isa 2 upang maging madali para sa iyo na matukoy kung sino ang nagsasalita sa 3 Itala kung anong oras nagsimula ang pulong. 4 Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos. Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit 5 nito, gayundin ang mga sumang-ayon at ang naging resulta ng botohan. Itala at bigyang pansin ang mga mosyon 6 na pagbobotohan o pagdedesisyunan. Itala kung anong oras natapos ang 7 pulong. PAGKATAPOS NG PULONG Gawin o buoin ang katitikan ng pulong 1 pagkatapos na pagkatapos ng pulong. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng 2 komite, uri ng pulong at maging ang layunin nito. Itala kung anong oras ito nagsimula at 3 natapos. Isama ang listahan ng mga dumalo at 4 maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. Basahin muli ang katitikan ng pulong 5 bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito. Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa 6 kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser