E.S.P Examination Reviewer 10 PDF
Document Details
Uploaded by HealthfulHeliotrope9526
Tags
Summary
This document contains a review of questions and answers for an Ethics and Values education subject. The questions cover various topics related to philosophy and ethics, including moral decision-making and responsibility in Filipino.
Full Transcript
1.Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya? A. Kilos-loob B. Kusang-loob C. Di kusang-loob D.Walang kusang-loob 2.Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kun...
1.Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya? A. Kilos-loob B. Kusang-loob C. Di kusang-loob D.Walang kusang-loob 2.Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama. A. Dignidad B. Kilos-loob C. Isip D. Kalayaan 3. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro? A. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral. B. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase C. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upangsumagot. D. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upangsumagot. 4. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon? A. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain. B. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat. C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito. D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga. 5. Hindi mapananagutan ang kilos ng dahil. A. hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob. B. sa kahinaan ng isang tao. C. sa malakas na impluwensiya sa kilos. D. hindi kayang maapektuhan ang isip 6.Ayon kay may eksepsiyon sa kabawasan sa kalalabasan ng Isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos. A. Agapay B. Aquino C. Santo Tomas D. Aristoteles 7.Alin ang nagpapahayag ng tunay na kahulugan ng makataong kilos? A. Ito ay oblikasyon ng bawat tao. B. Ito ay boluntaryo, pinag-isipang mabuti at malayang naisasagawa. C. Ito ay tumutukoy sa kusang-loob na pagkilos na maaring gawin ng tao nganumang kanyang ninanais. D. Batayan ng makataong pagkilos ang Batas Moral na ginagawa upang magkaroon ng kaayusan ang mundo. 8.Alin sa sumusunod ang unang gawing hakbang sa moral na pagpapasya? A. Isaisip ang posibilidad B. Tingnan ang kalooban C. Maghanap ng ibang kaalaman D. Magkalap ng patunay 9.Saan nakaugat ang likas na kalayaan ng tao sa kanyang makataong pagkilos? A. Pagsang-ayon sa kamalian para maitago ng kahihiyan. B. Pagkaroon ng kalayaan. C. Sariling paniniwala D. Pagkakaroon ng buong kamalayan o kaalaman sa pagkilos. 10.Alin sa sumusunod na mga sensetibong pakiramdam sa pagkilos ang maaring magbunga ng masamang epekto? A. Inggit sa kakulangan ng mga bagay at pandaraya upang makuha angbagayna kinalingitan. B. Kasakiman sa kayamanan at kalasingan sa kapangyarihan C. Pagkagalit sa mga nakikitang mali na ginagawa sa kapwa D. Pagbibinta ng droga dahil sa kahirapan 11. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan? A. Dahil sa kahinaan ng isang tao B. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip C. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob 12. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot? A. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit. B. Ang pagnanakaw ng kotse. C. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok 13. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan? A. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok. B. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon. C. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro. D. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang kanilang guro. 14. Ang ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. A. Takot B. Karahasan C. Masidhing Damdamin D. Kamangmangan 15. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na nadaraig? A. pagtawid sa maling tawiran kahit na bawal turnawid B. pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby C. pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama D. pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit ngunit di-tiyak kung makabubuti ba ito o makatutulong 16. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. A. Invincible B. Kamangmangan C. Kalayaan D. Vincible 17. Ang kamangmangan na ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito. A. Vincible B. Kalayaan C. Kamangmangan D. Invincible 18. Ang kamangmangan na ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman. A. Vincible B. Kalayaan C. Kamangmangan D. Invincible 19. Anong salik na nakakaapekto sa makataong kilos na tumutukoy sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap. A. Invincible B. Kamangmangan C. Masidhing Damdamin D. Vincible 20. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito? A. Kamangmangan B. Karahasan C. Masidhing damdamin D. Takot 21. Aling yugto natatapos ang moral na kilos sa labindalawang yugto ng makataong kilos ni Santo Tomas De Aquino? A. Kamangmangan B. Karahasan C. Masidhing damdamin D. Ikawalong yugto 22. Ano ang unang yugto ng labindalawang yugto ng makataong kilos ni Santo Tomas de Aquino? A. Intensiyon ng layunin B. Pagkaunawa sa layunin C. Paghuhusga sa nais makamtan D. Nais ng layunin 23. Mahalagang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang upang A. gumagabay ito sa buhay. B. magsilbing paalala sa mga gawain. C. magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin. D. mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili 24. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao? A. Upang magsilbing gabay sa buhay. B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin. C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin. D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. 25. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose? A. Nais ng layunin B. Pagkaunawa sa layunin C. Intensiyon ng layunin D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili 26. Gamit ang halimbawa sa Bilang 25. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba't ibang paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary Rose? A. Intensiyon ng layunin B. Paghuhusga sa nais makamtan C. Pagkaunawa sa layunin D. Masusing pagsusuri ng paraan 27. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa cang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang wabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumas siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred? A. Maghanap ng ibang kaalaman B. Tingnan ang kalooban C. Isaisip ang mga posibilidad D. Magkalap ng patunay 28. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kays ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya? A. Maghanap ng ibang kaalaman B. Tingnan ang kalooban C. Umasa at magtiwala sa Diyos D. Magkalap ng patunay 29. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kanyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir? A. Tingnan ang kalooban B. Maghanap ng ibang kaalaman C. Isaisip ang posibilidad D. Umasa at magtiwala sa Diyos 30. Alin sa sumusunod ang unang gawing hakbang sa moral na pagpapasya? A. Magkalap ng patunay B. Isaisip ang posibilidad C. Tingnan ang kalooban D. Maghanap ng ibang kaalama 31. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ito'y makapagpapasaya man sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng hakbang sa Moral na Pagpapasiya? A. Maghanap ng ibang kaalaman B. Tingnan ang kalooban C. Umasa at magtiwala sa Diyos D. Magkalap ng patunay 32. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin? A. Maghanap ng ibang kaalaman. B. Tingnan ang kalooban. C. Isaisip ang mga posibilidad. D. Magtiwala sa Diyos 33. Alin sa sumusunod na mga gabay ang hindi nagpapakita ng makataong klios? A. May kalayaan ang taong gumawa ng anong bagay. B. May katapatan sa pag-iisip, gawa, at naninindigan sa katotohanan. C. Isinasaalang-alang kung ang pagkilos ay para sa kabutihang panlahat o pakikinabangan ng nakararami D. Maaring gumawa ng kamalian sapagkat maaring mapawalang-sala kung hindi sinadya ang nagawang krimen. 34. Alin ang nagpapahayag ng tunay na kahulugan ng makataong kilos? A. Ito ay oblikasyon ng bawat tao. B. Ito ay boluntaryo, pinag-isipang mabuti at malayang naisasagawa. C. Ito ay tumutukoy sa kusang-loob na pagkilos na maaring gawin ng tao ng anumang kanyan ninanais. D. Batayan ng makataong pagkilos ang Batas Moral na ginagawa upang magkaroon ng kaayusan ang mundo. 35. Saan nakaugat ang likas na kalayaan ng tao sa kanyang makataong pagkilos? A. Pagkakaroon ng buong kamalayan o kaalaman sa pagkilos. B. Pagsang-ayon sa kamalian para maitago ng kahihiyan. C. Pagkaroon ng kalayaan. D. Sariling paniniwala. 36. Aling sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita na ang tao ay mapanagutan sa kanyang pagkilos? A. Sa maraming problema mag droga lamang si Dan. B. Sa sobrang pagmamahal ay sumamang makigpagtanan si Claris kay Robin. C. Nakipagsagutan ni Dorothy sa kaklase sa labis na pamimintas sa harap ng maraming tao. D. Si Tom ay naglalakwatsa kasama ang kabarkada kahit na may nakatakdang pagsusulit, ngunit kahit hindi siya nakapagrebyu napigilan pa rin niya ang pangongopya. 37. SI Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay ng gamot na nararapat sa pasyente dahil alam niya na hindi lahat ng gamot ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng linom nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene? A. Kahihinatnan B. Kilos C. Layunin D. Sirkumstansiya 38. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. A. Kahihinatnan A. Kahihinatnan B. Layunin C. Paraan D. Sirkumstansiya 39. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Ang pangongopya ay mali dahil A. kung ano lamang ang nalalaman ang dapat isulat na sagot. B. hindi naman hiningi ang sagot, kusa naman itong nakita. C. hindi dapat kopyahin nang walang paalam sa kanya. D. ang layunin ay makakuha sa pagsusulit. 40. Ang panloob at panlabas na kilos ay hindi maaring paghiwalayin dahil kung A. masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas. B. ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula ito sa panloob. C. maaaring madaraig ng panlabas na kilos ang panloob. D. magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos. 41. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin? A. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon. B. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan. C. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit. D. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon. 42. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos MALIBAN sa A. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa. B. Ang kilos dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito. C. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan. D. Ang kilos ay kailangan ng sapat na nagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang. 43. Habang wala sa bahay ang mga magulang nl Ben ay pumasok siya sa kanilang kuwarto at kinuha ang 1000 piso sa loob ng kabinet. Ang pagkuha ni Ben ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil, A. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang. B. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang. C. ang pagkuha ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto. D. kinuha niya ito nang walang paalam. 44. Ang babaeng nagustuhan at minahal si Cris ay may asawa ngunit sa kabila nito ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon. Ang prinsipyo na sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos na makikita sa sitwasyon ay, A. nakalilikha ng mabuti o masamang kilos. B. hindi maaring gawing mabuti ang masama. C. nakagagawa ng mabuting kilos ang masama. D. nakalilikha ng kakaibang kilos ang mabuli tungo sa masama 45. Kaarawan ni Mang Lolong kaya masaya silang nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling araw. Nainis ang kaniyang mga kapit-bahay sa ingay na dulot nila. Ang prinsipyo na sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos na makikita rito ay maaaring A. makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama. B. gawin ang mabuting kilos na masama. C. lumika ng mabuti o masamang kilos D. gawing mabuti ang masama. 46. Naging pangulo ng kanilang organisasyon si Julla. Simula noon ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at reponsibilidad. Ang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos na makikita rito ay maaaring A. magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos. B. hindi maaaring gawing mabuti ang masama. C. maaaring makalikha ng mabuti at masama. D. lumikha ng mabuti o masamang kilos.ha ng mabuti o masamang kilos 47. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos MALIBAN sa A. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa. B. Ang kilos dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito. C. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan. D. Ang kilos ay kailangan ng sapat na nagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang 48. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. A. Kahihinatnan B. Paraan C. Layunin D. Sirkumstansiya 49. Ang panloob at panlabas na kilos ay hindi maaring paghiwalayin dahil kung A masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas. A. masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, Kahit Mabuti ang panlabas. B. ano ang kilos ng panlabas ay naginumula ito sa panloob. C. maaaring madaraig ng panlabas na kilos ang panloob. D. magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos. 50. Ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay tinatawag na sirkumstanslya. Maaaring ang mabuti ay mas maging mabuti at ang masama ay mas maging masama. A. Paraan B. Sino C. Sirkumstansiya D. Paano 1. D 2. C 3. A 4. D 5. D 6. D 7. B 8. C 9. D 10. A 11. D 12. C 13. B 14. A 15. D 16. B 17. A 18. C 19. C 20. D 21. D 22. B 23. D 24. D 25. A 26. D 27. C 28. B 29. D 30. A 31. B 32. D 33. D 34. B 35. A 36. D 37. A 38. C 39. A 40. A 41. D 42. B 43. A 44. D 45. A 46. A 47. B 48. B 49. A 50. C