ESP 10 Q2 WK3 Past Paper PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2024
Josephine Jane A. Daileg
Tags
Summary
This document is an ESP 10 Q2 WK3 past paper from October 14, 2024. It discusses the concept of moral responsibility and accountability based on the philosophy of Aristotle. This paper is likely to be used for secondary school students.
Full Transcript
ESP 10 Q2 WK3 C Josephine Jane A. Daileg October 14, 2024 Ang makataong kilos ay sinadya (deliberate) at niloob ng tao, gamit ang isip, kaya pananagutan niya ang kahihinatnan nito (kabutihan o kasamaan). Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability) ayon kay Aristoteles...
ESP 10 Q2 WK3 C Josephine Jane A. Daileg October 14, 2024 Ang makataong kilos ay sinadya (deliberate) at niloob ng tao, gamit ang isip, kaya pananagutan niya ang kahihinatnan nito (kabutihan o kasamaan). Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability) ayon kay Aristoteles 1. Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito. 2. Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang- ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan. 3. Walang kusang loob. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa. Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito. Ang lahat ng bagay ay likas na may layunin o dahilan. Kung ilalapat sa mga sitwasyon, ang bawat kilos ng tao ay may layunin. Ang layuning ito ay nakakabit sa kabutihang natatamo sa bawat kilos na ginagawa. Ang kabutihang ito ay nakikita ng isip na nagbibigay ng pagkukusa sa kilos- loob na abutin o gawin tungo sa kaniyang kaganapan - ang kaniyang sariling kabutihan o mas mataas pang kabutihan. Ito ay ang itinuturing na pinakamataas na telos (layunin) – ang pagbabalik ng lumikha sa tao, ang Diyos. Makataong Kilos at Obligasyon Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan - ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin. Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos. May apat na elemento sa prosesong ito 1. Paglalayon. Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang makataong kilos? 2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Ang pamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? 3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan. Sa puntong ito, itatanong mo: Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang- alang sa maaaring epekto nito? Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip? Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba? 4. Pagsasakilos ng paraan. Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos. Ngunit hindi nawawala ang kapanagutang ito maliban sa kung apektado ito ng mga salik na maaaring makapagpawala ng kapanagutan. Dahil dito, maaaring mabawasan o mawala ang kapanagutan. Ibig sabihin, ang kahihinatnan ng makataong kilos, kasama na ang pagpapataw ng parusa kung mayroon man, ay nababawasan din o nawawala. Sagutin sa inyong kwaderno. Gabay na Tanong: 1. Tuwing kailan nagiging obligado ang kilos? 2. Ano ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagkilos? Panuto: Sagutin ang katanungan. 1. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin ang karapat-dapat panagutan? Bakit?_______________________ Gawain 1 A. Panuto: Tapusin ang bawat pangungusap. Ilagay sa kahon sa kaliwang bahagi kung mabuti o masama ang kinahinatnan at sa kanan kung may pananagutan ba sa sitwasyon. 1. Niyayaya ang aking kasintahan ng kanyang matalik na kaibigan lumabas tuwing gabi ng silang dalawa lamang kaya’t____________________ ________________________________________________ Mabuti o Masama? May pananagutan o wala? 2. Ang hilig makipagpalitan ng mensahe ng aking kaibigan sa iba kahit may kasintahan siya kaya’t____________________ _______________________________________ _________ Mabuti o Masama? May pananagutan o wala? 3. Binato ako ng tabo ng aking pinsan kaya’t____________________ _______________________________________ _________. Mabuti o Masama? May pananagutan o wala? 4. Binatukan ako ng aking kaklase habang hindi ako nakatingin kaya’t____________________ _______________________________________ _________. Mabuti o Masama? May pananagutan o wala? 5. Minura ako ng aking kaibigan kaya____________________ _______________________________________ _________. Mabuti o Masama? May pananagutan o wala? B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya? a. Walang kusang-loob b. Kusang-loob c. Di kusang-loob d. Kilos-loob 2. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito. a. Walang kusang-loob b. Kusang-loob c. Di kusang-loob d. Kilos-loob 3. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan. a. Walang kusang-loob b. Kusang-loob c. Di kusang-loob d. Kilos-loob 4. Ayon kay ____, “hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari.” a. Aristoteles b. Max Scheler c. Agapay d. Santo Tomas de Aquino 5. Ayon kay ____, “ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito.” a. Aristoteles b. Max Scheler c. Agapay d. Santo Tomas de Aquino