Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng pagtalakay sa mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral. Binibigyang-diin ang mga konsepto ng kabutihan at tama, na inilalarawan sa konteksto ng mga pangunahing prinsipyo at mga pilosopikal na pananaw. Ang mga aralin ay nakatuon sa mga gabay na prinsipyo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao at pagpapahalaga sa dignidad ng tao.

Full Transcript

# Module 6 ## MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL ### First Do No Harm (Primum Non Nocere) Sinasabi nitong ang unang layunin ng mga manggagamot ay hindi makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo man ang pagkakasabi, at hindi positibo gaya ng "Magbigay lunas," positibo ang nais sabih...

# Module 6 ## MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL ### First Do No Harm (Primum Non Nocere) Sinasabi nitong ang unang layunin ng mga manggagamot ay hindi makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo man ang pagkakasabi, at hindi positibo gaya ng "Magbigay lunas," positibo ang nais sabihin nito: laging may pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente. ### PRIMUM NON NOCERE * FIRST DO NO HARM * Prinsipyo ng mga doktor na laging may pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente. ### Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Tinuro sa atin ng ating mga magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay. Napanood sa telebisyon. Nabasa. Narinig Ang nakamamangha dito ay sa dami ng ating mga narinig, sa dami ng ating nalaman, may maliit na tinig pa rin ng kasiguraduhan sa ating loob na nagsasabi sa atin kung ano ang mabuti. ### Sto. Tomas de Aquino: “Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa sa kabutihan." ### Max Scheler: “Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam." ### Ang Mabuti Ang mabuti ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti. ### Nararamdaman ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama kahit na kung minsan ay parang sinasabi ng isip ko na mali ito. ### At sa kilos ng pakiramdam ko kung ano ang dapat kong gawin, napapanatag ako at natatahimik kapag sinunod ko ang tinig na ito. ### Ang Mabuti * Ang mabuti ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para alamin kung ano ang tunay na mabuti at masama. * Ang Mabuti ay ang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapa -unlad ng sarili at mga ugnayan * Ang isip at puso ang gabay sa pagpili ng mabuti ### Ang Tama * Tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak, at sitwasyon. * Tinitingnan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawing pagpili. ### KABUTIHAN * Ninanasa ng tao ang mabuti at hindi ang masama. * Walang sinuman ang magnanais na mapasama siya. Kahit tinatamad akong mag-aral, alam kong mabuti ang mag-aral. Kahit gustong-gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, hindi ko dapat gawin dahil alam kong masama ito. ### Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili. ### Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon. Tinitingnan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawa ng pagpili. ### Tulad din sa Likas na Batas Moral, preskripsyon ang mabuti, ang tama ay ang angkop sa tao. ### Anuman ang kalagayan ng tao, isa lang ang dapat alalahanin: ang huwag manakit. Ang prinsipyo ng mabuti at tama ay ang pag-iwas na makasakit ng kapwa. Tratuhin ang tao bilang isang tao na may dignidad at hindi bilang isang kasangkapan. ### MABUTING TAO * hindi agad-agad lumulusong sa paggawa nang walang pagtitimpi at pagmumuni sa kabutihan ng gagawin. ### UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS AT IBA PANG MGA BATAS * Mahalagang ingatan ang dangal ng tao. * Ang pag-unlad ng bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na mga karapatan. * Mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang pangkalahatang pagpapahalaga sa tao. * ANG LAHAT NG BATAS AY PARA SA TAO, hindi ang kabaligtaran nito. ### Ang bawat estado (state) rin ay nagsisikap iangkat sa kani-kanilang mga kultura ang pagkilala sa karapatang pantao. ### Ipinapahayag nila sa kanilang konstitusyon ang mga karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng estado na bigyang proteksyon ang mga karapatang ito. ### Ang mga batas naman na niliilikha ng pamahalaan ay mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang unibersal at pangkalahatang pagpapahalaga sa tao. ### Likas na Batas Moral * Laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito * Hindi isang instruction manual o isang utos kung ano ang gagawin sa iba't ibang pagkakataon, sa halip ito ay isang gabay upang makita ang halaga ng tao. ### Ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural Law), gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser