Tatlong Uri ng Likas na Yaman PDF
Document Details
Tags
Related
- KABANATA 2 - ANG KAPALIGIRAN at KALAGAYAN NG MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS PDF
- Mga Antas ng Paghubog ng Konsensiya PDF
- PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA (ARALING PANLIPUNAN 7)
- Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral PDF
- Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral PDF
- Kayamanan ng Bansa PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay nagpapakita ng tatlong uri ng likas na yaman: Renewable Resources, Non-Renewable Resources, at Inexhaustible Resources. Tinatalakay din ang mga yamang lupa, yamang-gubat, at yamang-tubig bilang halimbawa ng renewable resources. Mayroon din itong mga kapakinabangan ng mga yamang-lupa sa ekonomiya, pagkain, at tirahan.
Full Transcript
Tatlong Uri ng Likas na Yaman 1.Renewable Resources 2.Non-Renewable Resources 3.Inexhaustible Resources Renewable Resources Ang mga likas na yaman na maituturing na renewable ay ang mga yamang-lupa, yamang-gubat, at yamang-tubig. Ito ang mga likas na yamang madaling mapalitan kaya hi...
Tatlong Uri ng Likas na Yaman 1.Renewable Resources 2.Non-Renewable Resources 3.Inexhaustible Resources Renewable Resources Ang mga likas na yaman na maituturing na renewable ay ang mga yamang-lupa, yamang-gubat, at yamang-tubig. Ito ang mga likas na yamang madaling mapalitan kaya hindi nauubos Yamang Lupa Ang Pilipinas na may sukat na mahigit 300,000 kilometro kuwadrado ay binubuo ng iba’t-ibang anyong lupa. Ang Lupang Pang-agrikultura o Pansakahan Lupaing angkop sa pagsasaka o pagpapastol ng mga hayop na itinuturing na pinagkukunan ng pagkain Ang Lupaing Mineral Yaong mga lupaing may sapat na dami at kalidad ng mineral na maaring kunin at linangin nating mga Pilipino. Bukod sa mga pampublikong lupain, ang yamang- lupa ay mauuri din batay sa pribadong gamit nito. Ang pribadong lupain ay maaaring residensiyal o komersiyal na lupain. Ang lupaing residensiyal ay may maayos na mapagtatayuan ng tirahan habang ang lupaing komersiyal ay ginagamit para sa mga layuning pangnegosyo sa halip na bilang tirahan. Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa. Nasa 47% ng kabuuang sukat ng lupain nito ay pang- agrikultura. Sa mga lupang pang-agrikulturang ito, niyog ang umuukopa sa pinakamalaking bahagi na umaabot sa 3.6 na milyong ektarya. Ang pinakakaraniwang hayop naman sa bansa na pinagkukunan ng pagkain ay ang manok, baka, kalabaw, pato, kambing, at baboy. Mga Pangunahing Kapakinabangan sa mga Yamang-Lupa 1. Mapagkukunan ng Pagkain 2. Pang-ekonomiyang Kapakinabangan 3. Pinagkukunan ng mga Hilaw na Materyales 4. Nagbibigay ng Espasyo para sa Tirahan at Iba pang Gawain