Kayamanan ng Bansa PDF
Document Details
Tags
Related
- KABANATA 2 - ANG KAPALIGIRAN at KALAGAYAN NG MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS PDF
- Mga Antas ng Paghubog ng Konsensiya PDF
- PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA (ARALING PANLIPUNAN 7)
- Tatlong Uri ng Likas na Yaman PDF
- Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral PDF
- Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga likas na yaman ng Pilipinas. Kasama rito ang mga halimbawa ng renewable energy tulad ng hydropower at solar, mga yamang tubig tulad ng isda, koral at kabibe, at mga yamang mineral tulad ng ginto at apog. Ipinapaliwanag din ng dokumento ang kahalagahan at paggamit ng mga likas na yaman sa iba't ibang sektor.
Full Transcript
## Kayamanan ng Bansa 10. Kayamanan ang mga likas na yaman ng bansa. Bahagi at gabay ang mga ito sa pag-unlad. 11. Malaki ang ginagampanan ng mga likas na yaman sa solar power. Ang sikat ng araw ay nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad ng solar panel. Isa ito sa mga renewable o hind...
## Kayamanan ng Bansa 10. Kayamanan ang mga likas na yaman ng bansa. Bahagi at gabay ang mga ito sa pag-unlad. 11. Malaki ang ginagampanan ng mga likas na yaman sa solar power. Ang sikat ng araw ay nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad ng solar panel. Isa ito sa mga renewable o hindi nauubos na likas na yaman. ### Renewable Energy Examples Renewable energy is energy that naturally replenishes in a short time. * **Wind** * **Geothermal** * **Hydro** * **Biomass** * **Tidal** 12. Mahalaga ang ginagampanan ng mga likas na yaman sa enerhiya. Nabubuo o napoprodyus ang enerhiya mula sa mga likas na yaman gaya ng hangin, tubig, init mula sa geothermal, panggatong, solar radiation, gasolina, at iba pa. 13. Nagbibigay ang mga likas na yaman ng hilaw na materyales sa mga industriya. Kailangan ito sa pagpoprodyus ng mga produkto. 14. Umaasa ang 60 porsiyento ng populasyong global sa mga halaman para sa pagpoprodyus ng mga gamot. Lumilikha ang mga likas na yaman ng kagamitang medikal na kailangan ng mga tao. 15. Umaasa ang mga ecosystem service sa mga likas na yaman gaya ng mga regulatory service. Tumutukoy ito kung papaano nakatutulong sa ating mundo gaya ng klima, cycle ng tubig, at iba pa. ## Tiyakin 9 **Tama o Mali:** 1. Malaking tulong ang mga likas na yaman sa pag-unlad ng bansa. **Tama** 2. Tumutugon ang mga likas na yaman sa ilan sa ating mga pangangailangan. **Tama** 3. May mga produktong nanggagaling sa mga likas na yaman. **Tama** 4. Kailangan ng agrikultura ang ilan lamang na mga likas na yaman. **Mali** 5. Ang hilaw na materyales ay nagmumula sa mga industriya. **Mali** ## Enerhiya mula sa Likas na Yaman Ano ba ang kahulugan ng yamang enerhiya? Tumutukoy ito sa lakas na ginagamit upang mapatakbo at makagawa ng iba't ibang industriya sa bansa. Saan maaaring makuha ang mga enerhiyang ito? Iba't iba ang pinagmumulan nito. Maaaring hydropower, solar, geothermal, hangin, at uling. Ating alamin at pag-aralan ang mga ito. 1. **Hydropower** Nagmumula ang hydropower sa ating mga yamang tubig. Karaniwang gumagamit ang dam ng ilog na may nakaimbak na tubig ang planta ng hydropower. Bumubuhos mula sa dam ang tubig at umiikot sa makinarya. Dito nagmumula ang pinakamalaking renewable energy o enerhiya sa araw, tubig, hangin, at geothermal o init na mula sa ilalim ng lupa. Ilan sa nagpapagana ng hydropower sa bansa ang Talong Maria Cristina (Lungsod Iligan), Kalayaan (CALABARZON), San Roque-Agno (Ilocos), Magat (Cagayan Valley), Pulangi IV (hilagang bahagi ng Mindanao) at Angat Dam (Norzagaray, Bulacan). 2. **Solar** Enerhiya naman ito mula sa init ng araw na gumagamit ng solar panel. Sinasabing pinakamalinis na uri ito ng enerhiya. Isa na rito ang Cagayan Electric Power at Light Company, Inc. na matatagpuan sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental at kabilang sa pinakamalaking solar power na planta sa mundo. ## Mga Yamang Tubig Ang ating mga baybayin, ilog, look, golpo, at lawa ay sagana sa mga isda, koral, at iba't iba pang yamang tubig. * **Perlas ni Allah** * **Tridacna gigas** May humigit-kumulang na 2,000 uri ng isda ang matatagpuan sa ating katubigan. Kabilang dito ang pinakamalaking isda na whale shark (Rhincodon typus) o pating-bulik at ang pinakamaliit na isda na puwedeng kainin, ang tabios o sinarapan (Mistichthys luzonensis) na matatagpuan sa Lake Buhi. Tinatayang may 20,000 uri ng kabibe sa ating bansa. Ang pinakamaliit at pinakamalaking kabibe sa buong mundo ay matatagpuan lamang dito. Ang pinakamalaking kabibe ay ang Tridacna gigas at ang pinakamaliit ay ang Pisidium. Ang pinakamalaking perlas sa buong daigdig, na tinatawag na "Pearl of Allah," ay natagpuan ng isang Muslim na maninisid sa karagatan ng Sulu noong 1934. Tinatayang 600 taon na ang gulang nito nang natagpuan. Tinatayang US$5 milyon ang halaga nito sa ngayon. ## Mga Yamang Mineral Umaabot sa 3,000 ang uri ng punong matatagpuan sa Pilipinas. Tinatayang 1,000 sa mga ito ang ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at bahay. Kabilang dito ang narra, apitong, yakal, tindalo, giho, ipil, kamagong, at puti at pulang lawaan. Ang pagtotroso ay isa sa mga pangunahing industriya sa bansa lalo na sa Mindanao. Maraming troso ang nakukuha sa malawak na kagubatan sa mga lalawigan nito. Ang mga troso ay pinuputol upang maging kahoy. Ang iba naman ay ginagawang plywood at papel. Ang mga produktong ito ay iniluluwas sa ibang bahagi ng ating bansa. Maraming kayamanan ang nakukuha natin sa ating kagubatan at kabundukan. Dito nagmumula ang malalaking kahoy o troso, mga rattan, mga halamang gamot, at magagandang bulaklak ng orkidya, at mga palamuting halaman. Nanggagaling din dito ang mga uway na ginagawang kasangkapan at basket. Nakapagmimina rin tayo sa ating kabundukan. Tanyag ang Pilipinas sa mga yamang mineral na matatagpuan sa ating kabundukan. Isang halimbawa ay ang apog na ginagamit sa paggawa ng semento at rock phosphate para sa pataba. Narito ang ilan pa sa mga yamang mineral sa ating bansa: ### Mga Mineral * **Metaliko** * Ginto * Tanso * Chromite * Manganese * Mercury (asoge) * Zinc * Karbon * **Di-metaliko** * Luwad * Buhangin * Graba * Marmol * Guwano * Silik (ginagamit sa paggawa ng kristal) ## Mga Kakaibang Hayop sa Pilipinas * **Philippine falconet** * Tinatayang pinakamaliit na ibong falcon sa buong mundo * May 6.25 pulgada (inch) ang haba ng katawan at 4.25 pulgada ang wingspan o haba ng pakpak * **Philippine cockatoo** * Kamag-anak ng mga loro * Kayang mabuhay ng 50 taon * Kayang gayahin ang tinig ng tao * **Tipol (Sharpe's Crane)** * Pinakamalaking ibon sa Pilipinas * May 5.5 talampakan (feet) ang taas * Mahaba ang leeg at mga paa * **Mouse deer (Pilandok)** * Pinakamaliit na usa sa mundo * 40 sentimetro ang taas * Matatagpuan sa Palawan * **Paboreal** * May magagara at makukulay na pakpak * **Tamaraw** * Matatagpuan sa Mindoro * Kahawig ng kalabaw ngunit napakatapang * **Katala** * Ibong nagsasalita at umaawit na parang tao * **Philippine eagle** * Isa sa pinakamalalaking agila sa buong mundo * May 3.5 talampakan ang taas * 2 metro ang wingspan * **Pandaca pygmaea** * Isa sa pinakamaliliit na isda sa buong mundo * Walang kulay at malinaw * May habang 8.7 milimetro at timbang na 4.5 miligram o matatagpuan sa lawa at ilog ng Luzon ## Mga Yaman sa Kabundukan Ayon sa DENR, noong 2020, may lawak na 7,226,394 ektarya ang ating kagubatan. Ito ay 53 porsiyento ng kabuoang lawak ng lupa ng ating bansa. Makikitang nasa 2,221,173 ektarya ng lupa ang mga closed forest na kung saan matatagpuan sa kagubatang ito ang nagtataasang malalaking puno. Samantala, ang open forest naman ay binubuo ng 4,693,821 ektarya ng lupa na kung saan ay makikita sa kagubatang ito ang hindi gaanong malalaking puno. ## Mga Hayop May humigit-kumulang 694 uri ng ibon at 25,000 uri ng mga insekto sa ating bansa. Ilan sa mga endemik na hayop dito ay 224 na. Ang kalabaw ang pinakamahalagang hayop sa ating bansa dahil katuwang ito ng mga magsasaka sa kanilang mga gawain sa bukid. Suriin ang ilan pang natatanging hayop sa ating bansa. ## Tiyakin 2 Itala ang mga likas na yamang makikita sa inyong lalawigan: ### Mga Natatanging Halaman ### Mga Natatanging Hayop ## Ang mga pangunahing pananim sa ating bansa Ang mga pangunahing pananim sa ating bansa ay palay, mais, tubo, niyog, abaka, at tabako. Nakapagtatanim din ng kape, kakaw, bulak, at goma. ## Tiyakin 1 Kompletuhin ang mga pangungusap: 1. Nauuri ang mga likas na yaman sa **mga kategorya**. 2. Ayon sa DENR, ang mga halamang tumutubo sa bansa ay **ilan sa mga pinakamahalagang pangunahing likas na yaman ng bansa.** 3. Ang ilan sa ating mga pangunahing pananim ay **palay, mais, tubo, niyog, abaka, at tabako**. ## Mga halimbawa ng halamang namumulaklak Mga halimbawa ng halamang namumulaklak na tumutubo sa ating bansa: sampagita, ilang-ilang, hasmin, gumamela, waling-waling, at rosal. ## Mga punong ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at bahay Mga punong ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at bahay: narra, apitong, yakal, tindalo, giho, ipil, kamagong, puti at pulang lawaan. ## Hinto at Itala Itala sa talaan ang iba't ibang likas na yamang lupa at yamang tubig na makukuha sa ating kalupaan at katubigan. Gamitin ang mapang sa sinundang pahina. | Mga Likas na Yamang Lupa | Mga Likas na Yamang Tubig | |---|---| ## Maggalugad at Tuklasin ### Mga Likas na Yamang Lupa Mayaman at sagana sa mga likas na yaman ang ating bansa. Ang mga likas na yaman ay mauuri sa apat: yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral, at yamang enerhiya. Ang mga ito ay mauuri din sa: nauubos, di-nauubos, at napapalitan. Ang mga mineral na tulad ng langis, ginto, at bakal ay nauubos dahil milyon-milyong taon ang kailangan bago mapalitang muli ang mga ito. Ang lupa, bato, at tubig naman ay hindi nauubos. Napapalitan ang mga halaman. Pag-aralan ang iba't ibang yamang matatagpuan sa bansa. ### Mga Halaman Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) may mahigit 8,120 uri ng halaman ang tumutubo sa ating bansa. May 3,000 uri ng puno at 1,000 uri ng orkidya ang matatagpuan dito. Angkop sa pagsasaka ang humigit-kumulang sa 14 milyong ektarya ng lupain sa Pilipinas. Ngunit, halos kalahati lamang nito ang natataniman.