ARP 101_Aralin IV. Ang Kultura (Mga Teorya at Konsepto Hinggil sa Kulturang Pilipino) PDF
Document Details
Uploaded by ProgressiveSandDune
Bulacan State University
Haizel Mayen A. Escol
Tags
Summary
Mga tala ng Araling Pilipino na may pamagat na "Aralin IV. Ang Kultura", na tumatalakay sa iba't ibang aspeto ng kulturang Pilipino. Nakapaloob dito ang mga layunin, kahulugan ng kultura, at iba't ibang anyo ng kulturang popular.
Full Transcript
ARALING PILIPINO (ARP 101) IV. Ang Kultura (Mga Teorya at Konsepto Hinggil sa Kulturang Pilipino Inihanda ni: Bb. Haizel Mayen A. Escol Kolehiyo ng Arte...
ARALING PILIPINO (ARP 101) IV. Ang Kultura (Mga Teorya at Konsepto Hinggil sa Kulturang Pilipino Inihanda ni: Bb. Haizel Mayen A. Escol Kolehiyo ng Arte at Literatura Departamento ng Araling Pilipino, Pampanitikan at Pangwika MGA LAYUNIN 1. Naipapaliwanag ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan gamit ang perspektiba ng Araling Pilipino. 2. Natutukoy ang mga konsepto ng kultura na may malaking ambag sa karunungan Pilipino at wikang Filipino. 3. Nagkakaroon ng higit na malalim na pagpapahalaga sa mga sagisag kultura na umiiral sa bansa bilang bahagi ng pambansang identidad. 4. Naipapaliwanag ang kultura sa mas malalim na pag-unawa kung paano ito nauugnay sa ating pang-araw-araw na buhay. 5. Nahuhubog ang kritikal na pag-iisip pagdating sa iba’t ibang espasyo sa panahon ng neoliberalismo at globalisasyon. Aralin 1: Kahulugan at Konsepto ng Kultura A. Materyal at Di-Materyal na Kultura B. Konsepto mula sa Pananaliksik ni Zafra (Produkto, Praktika,Pananaw, Pamayanan, Tao at Wika) Aralin 2: Pagdalumat sa Kulturang Popular A. Iba’t ibang Anyo ng Kulturang Popular Sagutin ang mga sumusunod: Paunang Pagtatáya: Pumili lamang. A1. Kahulugan at Konsepto ng Kultura Ang wika ay kadikit ng kultura. Kultura Materyal Wika Di-Materyal na Kultura na Kultura Produkto Tao Pamayanan Pananaw Praktika Materyal na kultura uri ng kultura na tumutukoy sa mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay, at pagkain. Di-Materyal na kultura uri ng kultura na tumutukoy sa paniniwala, kaugalian, panitikan, musika, sayaw, relihiyon, pamahalaan, tradisyon, at katutubong karunungan ng isang grupo o indibidwal. Wika at Kultura Wika ang nagbibigay ng kahulugan at konsepto sa kultura. Kung gayon, malaki ang papel ng wika sa pagtataguyod at pagpapanatili ng kultura. Sa madaling sabi, wika ang nagsisilbing repositoryo ng kultura (Salazar, 1996)—na kung mawawala ang wika ay maaaring ring mawala ang kultura. At kung mawala ang kultura ay nangangahulugan ito ng pagkawala ng identidad at karunungang Pilipino. Wika Taglay ng wika ang mga kaisipang minana sa mga ninuno at ang mga kaisipang pumasok sa lipunan sa pamamagitan ng mga babasahin at panooring galing sa labas ng Pilipinas, gayundin ang mga kaisipang pinalitaw ng mga tagisan at pagtatalo ng mga palaisip na Pilipino at dayuhan. Kapag sinasabing may “henyo” ang wika, hindi talinghaga lamang ang kasabihan. Kapag binungkal ang wikang ngayo’y kinagawian na nating ituring na isa lamang instrumento, isang dulang ng kaalamang hindi pa natin naaarok ang mabubuksan sa atin (Lumbera 2005:264). Kultura Ayon kay Rubrico (2009) ang kultura ay tumutukoy sa kabuoang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo, at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at sa iba pang bagay na nag-uugnay sa kanila at nagpapatibay ng bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. Malinaw na ang kultura ay batay sa pamumuhay at karunungan ng tao. Kultura Mula naman sa depinisyon ng kultura ni Patrick R. Moran sa kaniyang aklat na Teaching Culture: Perspectives in Practice (2001), “Ang kultura ay isang patuloy na nagbabagong paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng mga tao o pamayanan, binubuo ng pinagsasaluhang mga praktika o gawaing nakaugnay sa pinagsasaluhang mga produkto, batay sa pinagsasaluhang mga pananaw sa mundo, at nakalugar sa tiyak na mga panlipunang konteksto” (Salin ni Galileo Zafra mula sa kahulugan ng Kultura ni Patrick Moran). Wika Bukod sa nabanggit na konsepto ng kultura ni Zafra, maituturing ding konsepto ng kultura, ang wika bagaman nakapaloob ito sa ibang konsepto. Sa lingguwistikong usapin, ang pagkakaiba at pagkakahawig ng mga salita, tono, at punto ay sumasalamin din sa kultura ng bawat lugar at grupo. Sa kabuoan, mayroong anim (6) na konsepto ng kultura mula sa pananaliksik ni Zafra (2016). Produkto Tumutukoy ito sa lahat ng bagay na nilikha ng mga miyembro ng kultura, kasama na iyong mula sa kapaligiran at iyong inangkin mula sa banyagang kultura. Saklaw nito ang mga nahahawakang bagay tulad ng kagamitan, pananamit, gusali hanggang sa mas komplikado ngunit dinaranas pa ring mga likha tulad ng iba’t ibang sining hanggang sa mga institusyon tulad ng pamilya, edukasyon, ekonomiya, politika, at relihiyon. Produkto rin ng kultura ang wika. Produkto Halimbawa: Mangga na natatanging produkto sa probinsiya ng Guimaras, gayundin tanyag din sa bansa ang Mangga ng Zambales. Dahil sa mga produktong ito ay nagkaroon na sila ng mga pista na bahagi ng kanila kultura gaya ng Dinamulag Festival sa Zambales at Manggahan Festival sa Guimaras. Ang pagtatanyag ng produkto sa mga nasabing probinsiya ay manipestasyon lamang ng pagmamalaki ng taga-Guimaras at taga-Zambales sa lasa ng kanilang mga tanim na mangga kompara sa tanim na mangga mula sa ibang lugar bansa. Ano pa? Praktika Mga ginagawa ng mga miyembro ng kultura nang mag-isa man o magkakasama. Kabilang dito ang paggamit ng wika at iba pang anyo ng komunikasyon, mga gawaing iniuugnay sa mga grupong panlipunan, at paggamit ng mga produkto. Praktika Halimbawa: Pagmamano sa mga matatanda ay bahagi ng kultura na karaniwang ginagawa pa rin ng mga Pilipino sa panahon ngayon. Bahagi ito ng kultura ng mga lahat ng Pilipino na nagpapakita ng pagbibigay galang sa mga matatanda. Isang ring halimbawa ay ang sabay-sabay na pagkain ng buong pamilya dahil sa ganitong paraan nabubuo ang ugnayan at relasyon ng isang pamilya. Sa ganitong sitwasyon mas nagkakaroon ng kumustahan at pag- uusap ang bawat miyembro ng pamilya. Ano pa? Pananaw Mga persepsiyon o pagtingin (kung ano ang nabubuong idea batay sa obserbasyon), paniniwala (kung ano ang ipinapalagay na tama at mali), pagpapahalaga (kung ano ang ipinapalagay na mabuti at masama), at saloobin na nagiging batayan ng paglikha ng mga produkto at gumagabay sa mga tao at pamayanan sa paglikha at pagdanas nila ng kultura. Ang mga pananaw na ito ay maaaring hayag o nakatago. Pinagmumulan din ang mga ito ng kahulugan at siyang nagbibigay ng natatanging pagtingin o oryentasyon sa buhay—isang pananaw sa daigdig. Pananaw Halimbawa nito ay ang paniniwala ng mga Pilipino ay ang mahigpit na pagbabawal sa pagtayo sa pintuan o daanan lalo na kung may buntis loob ng bahay dahil naniniwala ang mga Pilipino na maaaring mahirapan ang buntis sa kaniyang panganganak. Sa paliwanag ng mga matatanda, ang pagtayo ng isang tao sa pintuan ay nakahaharang sa espasyong maaaring labasan ng isang tao na naihahalintulad din ito sa panganganak ng buntis na maaaring lumabas ang sanggol mula sa sinapupunan ng kaniyang ina. Pananaw Ang ganitong paniniwala o pananaw ay nabubuo bunga ng konsepto ng pamilya na lubos na pinahahalagahan ng bawat Pilipino. Ayaw nilang mapahamak ang mahal nila sa buhay na lalo kung ito ay kadugo. Kaugnay rin nito, ang paggalang sa matatanda ay hindi lamang maipapaliwanag sa mga praktika gaya ng pagmamano, kundi maipapaliwanag din sa pananaw na ang paggalang sa matatanda ay isa rin paraan upang matamo ang paggalang sa iba pang batang indibidwal sa paglipas ng panahon. Pamayanan Tumutukoy sa mga tiyak na panlipunang konteksto at grupo ng mga taong nagsasagawa ng mga panlipunang gawain. Saklaw nito ang malalawak at pabago-bagong hugis na mga pamayanan tulad ng bansa, kasarian, lahi, relihiyon, uri, henerasyon hanggang sa mas makikitid na pagpapangkat gaya ng lokal na partidong politikal, samahan, pamilya. Ang mga pamayanang ito ay sabayang umiiral sa loob ng isang pambansang kultura at may iba’t ibang ugnayan sa isa’t isa: separasyon, kooperasyon, kolaborasyon, tunggalian. Pamayanan Halimbawa: Ang kabuoan ng bansa ay isang halimbawa ng pamayanan na may sariling kultura. Naiiba ang kultura ng mga Pilipino pagdating sa usapin ng pagkain, pananamit, awitin, at maraming pang iba kompara sa ibang lahi. Tao Tumutukoy sa mga indibidwal na miyembro ng kultura at mga pamayanan. Nananahan ang kultura sa mga indibidwal na tao at sa iba’t ibang panlipunang grupo o pamayanan para isagawa ang kanilang pang-araw- araw na buhay. Ang kultura, kung gayon, ay kapuwa indibidwal at kolektibo. Ang paglahok nila sa kultura ay hinuhugis ng iba’t iban salik gaya ng kasarian, edad, uri, lahi, etnisidad, edukasyon, relihiyon. Tao Halimbawa: Mula sa halimbawa ni Zafra (2016) sa mag-asawang namamalengke. Sino ang umaamoy, bumubusisi, nakikipagtawaran? Sino ang nagbibitbit ng mga pinamili? Kung amo’t kasambahay naman ang magkasama, ano ang ginagawa ng amo at ano ang ginagawa ng kasambahay? Sa panig naman ng nagtitinda, kapag magkasama sa puwesto ang may-ari at ang kaniyang tindero o tindera, sino ang nagpapasiya kung magbibigay ng tawad o kung magbibigay ng dagdag? Isinasama ba ang mga bata sa palengke? May maoobserbahan bang pattern kung ano ang itinitinda ng mga lalaki o babae—karne, gulay, o prutas? Wika Sa ganang una, ang wika ay kakabit na ng lahat ng idea at konseptong umiiral sa kultura at tao. Bawat wika sa bansa ay may impresyon ng kanilang identidad o kultura. Mababakas sa ginagamit na wika ang mayamang kasaysayan, panitikan, at kultura ng isang etnolingguwistikong pangkat. Karaniwang sa paggamit ng wika mababakas ang lipunang kinabibilangan ng isang indibidwal gaya ng paraan ng pagsasalita (punto at tono) at pagpapakahulugan sa mga salita. Wika Halimbawa na lamang sa wikang Hiligaynon na ang karaniwang impresyon ay mga malalambing dahil sa tono at punto ng kanilang pagsasalita. Naiuugnay ang paraan ng pagsasalita ng mga Ilonggo sa kanilang kultura at katangian ng mga taong naninirahan na karaniwang mahinahon at malalambing kausap. Ano ang salin o katumbas ng Filipino sa salitang Ingles na rice? Ano naman ang salin mula sa tagalog patungong Ingles ng yelo? Malinaw na malawak at holistiko ang paksang kultura. Saklaw nito ang kabuoang konsepto ng pagka-Pilipino. Hindi lamang limitado ang usapin ng kultura sa mga katutubong pamayanan, o sa mga bayan-bayan, maging mga taong naninirahan sa urbanisadong lugar ay bahagi pa rin ng kultura ng pagka-Pilipino. Bagaman bawat lipunan, lugar, tao o grupo ay may kaniya-kaniyang natatanging kultura na bahagi ng pansarili at pambansang pagkakakilanlan. Sa pangkalahatan, magkakaugnay ang lahat ng konsepto ng kultura, sa pamamagitan ng malalim na pagsusuri at pagtingin sa ugnayan ng mga ito ay higit na mauunawaan ang kabuluhan at malalim na kahulugan ng kultura ng bansa. A2. Pagdalumat sa Kulturang Popular Ano ang paborito mong brand ng sapatos o Gadgets? Ipaliwanag kung bakit ito ang gusto mo. Kultura at Kulturang Popular Batid natin na ang kultura ay buhay, at patuloy na nagbabago. Pasitibo ito sa lahat sapagkat kakambal nito ang patuloy na pag-unlad ng karunungan ng tao. Natural at hindi mapipiligan ang pagbabagong ito dulot ng bukas at mabilis na pakikipag-ugnayan ng tao sa buong mundo. Globalisasyon ang isa sa maituturing na dahilan kung bakit mabilis na nagbabago ang pamumuhay at pagtingin sa lipunan ang tao. Masalimuot ang pagtalakay sa paksa ng kultura sapagkat sa panahon ngayon ay hindi na ganoon kataas ang pagpapahalaga sa kultura lalo na kung ito ay may kinalaman sa identidad at materyal na kultura. Kultura at Kulturang Popular Kung susuriing mabuti, paano ba nagbabago at hinuhubog ng kultura ang ating sarili? Malamang ay hindi natin napapansin na nabago na ang paraan ng pamumuhay noon at ngayon, sa panahon ng mga magulang, at panahon ng mga bagong henerasyon. Nabago na nito ang ating ideolohiya, at biktima na pala tayo ng gahum/hegemoniyang dulot ng kapitalismo, at pasismo. Ang dating moda na payak at simple ay naimpluwensiyahan na ng kanluraning kultura, at isa sa pinakadominanteng moda sa bansa ngayon ay ang K-POP na makikita sa gupit at kulay ng buhok, pananamit, at maging mga senyas kapag magpaparetrato. Kultura at Kulturang Popular Maging sa pagkain ay naimpluwensiyahan din tayo na kung noon ay hindi hilig ng mga Pilipino ang pagkain tulad ng kimchi at iba pang maanghang na instant noodles, ngayon ay tinatangkilik na ito ng karamihan sa mga Pilipino lalo na ang kabataan. Pasibo itong tinanggap ng kabataan dahil sa puwersang dulot ng kulturang popular. Ang penomenang ito ay resulta ng dominanteng puwersa na umiiral sa lipunan dahil sa mga malalakas na impluwensiya ng malalaki at makapangyarihang bansa. Ilan lamang ito sa mga manipestasyon na laganap sa kulturang popular. Kultura at Kulturang Popular Sa isinulat na artikulo ni Rolando Tolentino hinggil sa kulturang popular ng mga pakiwaring gitnang uri, isinalaysay niya na iba ang sistema ng edukasyon sa kulturang popular. Karaniwang informal ang natutuhan ng mga mag-aaral sa midya partikular sa telebisyon, radyo, computer; at maging kasangkapang pangmidya gaya ng mall, coffee shop at iba pa. Sa mga tinatangkilik na ito direktang umuusbong ang kulturang popular. Kultura at Kulturang Popular Sa kasalukuyang laganap ang tunggalian ng mababa at naghaharing uri sa lipunan, karaniwang kultura ng mga naghaharing uri at gitnang uri ang kulturang popular. Samantala ang masa ay humaling na humaling na yakapin ang kilos, produkto, nakagawian, at pag-iisip ng mga dominanteng ideolohiya sa lipunan. Kung ano ang katanggap-tanggap sa lipunan. At kung saan tayo tatanggapin ng lipunan bilang “in” at hindi katawa-tawa sa pagtingin ng nakararami. Kultura at Kulturang Popular Teknolohiya ang isa sa behikulo ng mabilis na paglaganap ng kulturang popular. Ang social media ay tinuturing na plataporma ng iba’t ibang konsepto tulad ng produkto, karanasan, edukasyon, impormasyon, entertainment, komunikasyon, relihiyon, imoralidad, at krimen/panloloko. Milyong-milyong tao na ang kaya at nakaka-access na sa teknolohiya at internet. Ang mga platapormang gaya ng facebook, twitter, instagram, tiktok, etc. ay ilan lamang sa mga plataporma na nagmula sa mayayaman at makapangyarihan. Ang pagkakaroon ng access sa internet at teknolohiya ay nagbibigay ng uring panlipunan (social class). Marami ang gustong magkaroon ng facebook atbp dahil sa kagustuhan na umangat ang sarili at makabilang sa lipunang ginagalawan ng gitnang uri at/o mga naghaharing uri. Nangangahulugan ito na hindi mayaman lamang maaaring makaakses sa facebook at iba pa kundi halos lahat ng tao ay maaaring magkaroon nito. Kultura at Kulturang Popular Ayon kay Jose F. Lacaba ang penomenang ito sa manipestasyon ng kulturang popular sa konsepto ng “bakya.” Tinukoy ni Lacaba ang paggamit ng salitang “bakya” sa pagtutuya ng uri ng “kulturang” tinatangkilik ng masang anak-pawis. Ani Lacaba: “Tinutukoy na bakya ang puwang sa mga uring panlipunan sa Pilipinas…. Kadalasan nga na ang mga maralitang nasa lungsod at kanayunan ang nagtatamasa, yumayakap, sumusuporta at umiidolo sa mga “bakyang” materyales. At ang mga mayayaman ang siyang tumutuya, lumalait nang may matinding pangmamataas.” Kultura at Kulturang Popular Nagaganap ang ganitong reaksiyon ng mga naghaharing-uri sa kulturang popular o sa “bakya” dahil sa labis nitong akses sa kultura ay nagkakaroon siya ng pananaw na bumubuo sila ng pamantayan ng “mas mainam na kultura”. Dahilan kung bakit ito tinatangkilik ng mga abang uri. Ang ganitong pagtingin ay “likas” na ugnayan ng nakaaangat na uri sa abang uri sa panlipunang batayan. Kultura at Kulturang Popular Sa pagtalakay sa kulturang popular, mahalagang maunawaan na ang kulturang popular ay dinamikong sistema ng kultura bunga ng mabilis na pag-unlad na pamumuhay ng ito. Karaniwang produkto, paniniwala, kapangyarihan, sining, panitikan at iba pang salik ng kultura ang patuloy na nagbabago sang-ayon sa panlasa ng mga tao. Hindi limitado bagkus ay mabilis na tumutugon ang kulturang popular sa panlasa ng tao. Mula sa kasuotan, pagkain, moda at iba dominanteng pananaw na nagbibigay ng etiketa sa isang indibidwal upang masabing kabilang siya sa lipunang may pamantayan na itinakda ng mga nasa gitnang uri, burukrata, kapitalista at imperyalista. Ang Katangian ng Kulturang Popular 1. Kulturang Popular ay nakaugat sa panitikan ng bansa 2. Kulturang popular bilang bahagi ng sosyolohiya 3. Kulturang popular bilang produkto ng midya 4. Ang kulturang popular bilang bahagi ng Araling Kultural 5. Kulturang popular bilang gahum (hegemony) at kontra- gahum (counter-hegemony) Ang Katangian ng Kulturang Popular 1. Kulturang Popular ay nakaugat sa panitikan ng bansa Pelikula, sanaysay, babasahin (komiks), soap opera, pelikula, OPM o Original Pilipino Music. Ayon kay Reyes, layunin ng antolohiya na maglaan ng puwang sa akademikong pag-aaral ang mga bagay na lantad ang malaburgis na oryentasyon ng pag-aaral ng panitikan kultura. Ang Katangian ng Kulturang Popular 2. Kulturang popular bilang bahagi ng sosyolohiya Ang pag-aaral ng kulturang popular ay maiuugnay rin sa larang sosyolohiya. Binibigyan diin nito ang estruktura ng lipunan sa lente politikal puwersa bilang gahum. Para maging popular ang isang kultura, kailangan nito ng plataporma para makilala ang isang bagay o gawi. Maaaring matukoy ang popularidad sa pamamagitan ng numerikal na datos tulad ng bilang o dami ng tumatangkilik dito. Ang kaibahan lamang nito sa aktuwal ay may partikular na panahon, lugar, panahon o grupo ng tao ang kulturang popular Ang Katangian ng Kulturang Popular 3. Kulturang popular bilang produkto ng midya Bilang plataporma ng kulturang popular at institusyong panlipunan, marapat na responsable ang midya sa paglalatag ng impormasyon sa lipunan sa pagpapanatili ng tiwala ng masa at ng estado dito. Dahil halos lahat ay nakaugnay na sa iba’t ibang daluyan, malaki ang epekto ng midya sa paghulma ng magiging pananaw, gawi, at kilos ng tao depende sa itatakda nitong impormasyon. Ang Katangian ng Kulturang Popular 3. Kulturang popular bilang produkto ng midya Mabuting halimbawa dito ang isinagawang pagsusuri ni Michael Andrada sa Pinoy Big Brother (PBB), ang PBB ay ekstensiyon ng post-modernong estetika't politika ng globalisasyon batay sa pagpupuwesto sa iba't ibang etnisidad at identidad sa loob ng kahon ng kapangyarihan ng bahay ni Kuya o ang PBB House. Ang programang ito ay eksklusibong itinatanghal sa mga mayayamang bansa gaya ng Amerika at Inglatera. Kung sisipating mabuti ay naiiba ang kultura at kalagayan ng dalawang bansa bilang mayayaman at makapangyarihang bansa kompara sa Pilipinas. Gayunman ay niyakap pa rin ito ng mga Pilipino at sa katunayan ay mas marami pa ang nagnasa na makapasok sa bahay ni kuya bilang kalahok ng programa. Ang Katangian ng Kulturang Popular 4. Ang kulturang popular bilang bahagi ng Araling Kultural Sa artikulo ni Gary Devilles, ipinaliwanag niya sa apat na bahagi ang pag- aaral sa kulturang popular bilang bahagi ng Araling Kultural. a) Una ang kulturang popular bilang espasyo na gumagalugad sa kasaysayan, uri, kasarian, kapangyarihan, panlasa at pasya ng masa. Binigyang-diin ni Devilles ang kulturang popular bilang isang espasyo sapagkat dito nagtatagpo ang uri ng tao sa lipunan--naghaharing uri, gitnang uri at abang uri. Ang Katangian ng Kulturang Popular b) Sa ikalawang bahagi naman binigyang diin niya ang kulturang popular bilang sityo ng komersiyo o kapital laban sa interes ng sumusubaybay. Maituturing na isang gahum ang interes ng komersiyo sa kulturang popular dahil dito napapanatiling kimi at pikit-mata ang pagtangkilik ng tao bilang manonood, at konsyumer, halimbawa Regent Company vs sa mga manggagawa Ang Katangian ng Kulturang Popular c) Sa ikatlong bahagi, ang kulturang popular bilang bahagi ng espasyo ng globalisasyon, pagtangkilik ng mga produktong wala sa konsepto ng mga Pilipino, matutunghayan ito sa kanilang pananamit, pagkain, at iba pang luho na wala sa unang pamumuhay. Halimbawa ay malling at pagkain sa mga banyagang restaurant. d) Ikaapat na bahagi, kulturang popular bilang bahagi ng katawan at sekswalidad. Halimbawa ay ang isyu ng kasarian at estado sa lipunan. Kung paano ginagamit ang katawan ng kababaihan bilang pangunahing sangkap sa pagbebenta ng alak at ibang produkto ng bisyo. Ang Katangian ng Kulturang Popular 5. Kulturang popular bilang gahum (hegemony) at kontra-gahum (counter- hegemony) Ang kulturang popular bilang gahum at kontra-gahum ay konsepto ng pagtangkilik o pagtanggi sa mga dominanteng bahagi ng lipunan. Magkaiba ang antas ng pagtanggap sa idea ng kulturang popular samakatuwid nakasasalay sa kahandaan ng indibidwal kung paano siya lumusong sa kulturang popular. Batay sa pahayag ni Michael Andrada, “walang masama na lumusong/lumangoy sa kulturang popular, ang mahalaga ay alam mo kung paano ka aahon.” Iba’t ibang anyo ng Kulturang Popular 1. Komodifikasyon ng Luho Bilang Pangangailangan. 2. Politika ng Tunay, Politikal sa Tunay 3. Intelektuwal Bilang Ubod ng Gawaing Kultura. 4. Kultural Bilang Gawaing Politikal Iba’t ibang anyo ng Kulturang Popular 1. Komodifikasyon ng Luho Bilang Pangangailangan. Ipinakita sa bahaging ito na hindi na lamang basikong pangangailangan ang nais ng tao bilang komoditi. Ipinaliwanag ni Tolentino na sa kulturang popular, itinuturing na ring komoditi ang luho. Ilan sa mga ibinigay niyang halimbawa ay ang gadgets tulad ng cellphone (maaaring basahin ang artikulo ni Rolando Tolentino upang malaman ang iba pang uri ng luho na komoditi na sa tao). Iba’t ibang anyo ng Kulturang Popular Ang cellphone ay naa-anthropomorphize na bahagi ng ating pagkatao kung maiwanan ito sa loob ng bahay ay para bang kulang na ang ating pagkatao. Bukod pa diyan, ikinokonsidera na rin ng tao ang “brand” sa pagbili ng produkto, hindi sapat ang cellphone lang kung hindi isaalang-alang ang kompanya nito. Sa kulturang popular, madalas ay ang preperensiya o kagustuhan ng mamimili ay nakadepende sa uri ng produkto na sikat o mas tinatangkilik ng mga nasa gitnang uri. Iba’t ibang anyo ng Kulturang Popular 2. Politika ng Tunay, Politikal sa Tunay Ang kulturang popular ay hindi lang materyal na konsepto na nasasalat. Maaaring ding maituring na anyo ng kulturang popular ang politikal na aspekto. Ang paggamit ng retorika ay salik sa pagtangkilik sa pananaw ng mga makakapangyarihan at naghaharing uri. Kalimitan ay gumagamit din ng dahas upang puwersahang baguhin ang pananaw ng katunggaling ideolohiya. Iba’t ibang anyo ng Kulturang Popular Halimbawa, masasalamin ang kulturang popular sa pangangampanya ng mga politiko bilang pangunahing instrumento sa eleksiyon. Batid ng mga politiko na nakukumbinsi ang mga botante sa husay at nakakaantig na campaign ads gaya ng campaigns ads ng isang senador “nakaligo ka na ba sa dagat ng basura” na nais kumbinsihin ang masa na siya ay dating mahirap at batid niya ang hirap na dinadanas ng mga mahihirap. Gayundin ang taguring “Mr. Palengke” na nagpapahiwatig ng pagiging makamasa dahil sa konsepto ng palengke na pangmasa. Hindi lamang limitado ang larawan ng kulturang popular sa retorika kundi maging sa paggamit ng dahas ay matutunghayan din ito. Hindi bago sa balita ang pagpaslang, pagpapakulong, o maging pagpatay sa mga kalaban sa politika o partido. Praktika ito ng karamihan sa politika upang patahimikin o pasunurin ang kalaban. Iba’t ibang anyo ng Kulturang Popular 3. Intelektuwal Bilang Ubod ng Gawaing Kultura. Ito ang anyo ng kulturang popular na laban sa mga namamayaning kapangyarihan. Ayon kay Tolentino, kung ang politika ay tumutukoy sa pamamalakad ng pamahalaan na nilalahukan ng palitan ng pabor, ang politikal ay katawagan sa transformatibo tungo sa mas egalitaryong kaayusan hanggang sa anti-estado. Maaring isipin ang kultura-kultural sa ganitong pagpapakahulugan: na ang kultura ay tumutukoy sa ideolohiya at praktis ng namayaning kapangyarihan ng estado at negosyo, at ang kultural ay ang transformatibong panlipunan. Iba’t ibang anyo ng Kulturang Popular Halimbawa ng intelektuwal bilang gawaing kultural, ang mga dokumentaryong pelikula—na ang pangunahing layunin ay magsiwalat ng katotohanan sa lente ng masa, at laban sa puwersa ng mga makapangyarihang sistema ng burukrata at kapitalista. Isa ito sa paraan bilang kontra-gahum na nagpapaantas sa pagsusuri at kritikal na pag-iisip ng masa sa mga isyu, pangyayari, at politikal—mga salik panlipunan, at historikal na kamalayan, pag-oorganisa, at pagmomobilisa. Iba’t ibang anyo ng Kulturang Popular 4. Kultural Bilang Gawaing Politikal Ayon kay Tolentino ang kultural na pananaw sa politikal na isyu at kaganapan bilang paraan ng konsolidasyon ng muestra at pagkilos. Binigyan-diin din niya ang gawaing kultural bilang politikal sa antas ng aktibismo. Tulad ng pagwewelga ng mga manggagawa, at iba pang grupong kultural at politikal na nais ipaglaban ang kanilang karapatan at paantasin ang kamalayan ng masa; at imulat ang lipunan sa realidad. Binanggit din ni Tolentino ang mga ganitong gawaing kultural bilang gawaing politikal ay imperatibo sa pambansang kondisyong malakonyal at malapiyudal na sistema ng pamamahala sa lipunan-- Iba’t ibang anyo ng Kulturang Popular ---na laganap ang pang-aabuso, krimen, at pagnanakaw sa karapatan na dapat ay tinatamasa ng taumbayan tulad ng-tumataas pang bilang ng politikal na pinaslang, at walang nakukulong, nasasakdal at napaparusahan sa isang banda, at tumitindi pang pagbaba ng suweldo at kawalan ng seguridad sa trabaho, pabigat na kahilingan ng gawain, call center at pag-OCW bilang tanging kambal na opsyon ng bagong graduate, pagbukas ng pinakamalalaking malls. Sa kabilang banda, ang ganitong gawaing kultural bilang kulturang popular ay kontra-gahum na naggaganyak sa mamamayan para sa rebolusyon laban sa pasista sistema pumapabor sa mga naghaharing uri. Maglahad ng opinyon... Mapalad na matatawag ang dalawang mag-aaral na nakatali ang buhok, magsimula sa dulo ☺ Magbigay ng isang kulturang popular na laganap sa panahon ngayon at ipaliwanag kung paano ito nakaapekto sa iyo at sa lipunan iyong kinabibilangan? MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG! Maikling Pagsusulit at Gawain