ARALING PANLIPUNAN REVIEWER PDF

Summary

This document is a review of climate change and global warming. It details the causes and effects of these issues, as well as the role of human activities. The review also explores the political, economic, and social aspects of climate change.

Full Transcript

ARALING PANLIPUNAN REVIEWER CLIMATE CHANGE - malakihang pagbabago (significant/substantial change) sa average na weather ng mundo, o ng isang rehiyon o lugar sa loob ng mahabang panahon. GLOBAL WARMING - ang pangmatagalang pagtaas ng average temperature s...

ARALING PANLIPUNAN REVIEWER CLIMATE CHANGE - malakihang pagbabago (significant/substantial change) sa average na weather ng mundo, o ng isang rehiyon o lugar sa loob ng mahabang panahon. GLOBAL WARMING - ang pangmatagalang pagtaas ng average temperature sa bahaging malapit sa ibabaw ng mundo na tinatawag ding lower atmosphere. - nagsimulang mangyari ang papataas at patuloy na pag-akyat hanggang kasalukuyan ng average temperature ng buong mundo sa unang bahagi ng ika-20 siglo sanhi ng Rebolusyong Industriyal. - Ayon sa Intergovernmental panel on Climate Change (IPCC) noong 2001, nagkaroon ng 0.6 degree celcius na pagtaas ng temperatura ng mundo simula 1860. - magkakaroon ng 0.5 hanggang 8.6F na pagtaas ng temperatura sa susunod na isandaang taon. 2001 - Pinagtibay ng Intergovernmental Panel on climate Change (IPCC) na may malaking bahagi ang gawain ng tao (human activities) bilang sanhi ng global climate change. 2007 at 2013 - 90% at muli pang itinaas sa 95% na ang aktibidad ng tao ang tagapag-ambag sa mahigit kalahati sa dahilan ng global warming. Greenhouse effect - pangunahing tinutukoy na dahilan ng global warming. - pinababayaan ng greenhouse gases na makapasok ang sinag ng araw subalit hinahadlangan naman nitong makalabas ang init mula sa mundo.  Carbon dioxide – 64%  Methane – 19%  Chloroflourocarbon – 11%  Nitrous Oxide – 6%  Sulfur hexafluoride – 0.4 % 30 bilyong tonelada ng carbon dioxide kada taon ang inilalabas ng pagkakasunog ng fossil fuels sa mga pabrika at sasakyan. 3 bilyong tonelada ng labis na karbon ang sinisipsip ng terrestrial ecosystems 2 bilyong tonelada ang humahalo sa karagatan Dr. James Hansen - dating pinuno ng Goddard Institute for Space Studies at iginagalan na climatologist sa daigdig. - Ang kasalukuyang konsentrasyon ng carbon dioxide sa atmospera ay nasa 400 ppm -Upang maging ligtas sa tao at mga bagay na nabubuhay rito kailangang maibaba sa 350 ppm  2ppm taon-taon ang naidagdag ng mga aktibidad ng tao Dr. Frederick Seitz - president emeritus ng Rockefeller University at dating pangulo ng US National Academy of Sciences - Kanyang inakusahan ang mga bureaucrats at politico ng alterasyon sa report na kung saan ang kanilang inihayag na kongklusyon ay hindi ang nagging consensus ng mga siyentipiko Richard Lindzen - Ng Massachusetts Institute of Technology - Tila ang sistema na ginagamit sa pag-aaral at pagsususri sa maaaring pagbabago ng klima na tinatawag na “General Circulation Models” (GCMs) ay may malaking kakulangan - Ang GCM ay computer programs na may mathematical equations na nakaprograma upang makagawa ng simulasyon (simulation) sa mga nakaraang klima. ang argumento na ang aktibidad ng mga tao ang pangunahing tagapag-ambag bilang sanhi ng climate change ay nakabatay sa sumusunod: 1. Ang pagharang ng greenhouse gases sa paglabas ng init ng araw mula atmospera ng mundo na nagiging sanhi ng global warming 2. Ang mga di-direktang ebidensiya na mula sa pagtataya sa mga pagbabago ng klima sa nakalipas na 1,000 hanggang 2,000 taon 3. Ang mga paghahambing sa aktuwal na klima sa mga computer models kung paanong inaasahan ang klima na tumugon sa harap ng ilang impluwensiya ng mga aktibidad ng tao ASPEKTONG POLITIKAL, PANG-EKONOMIYA, AT PANLIPUNAN NG CILMATE CHANGE Ang mga extreme weather events ay maaaring magbunga ng pagbabago sa nakagawiang pagdating ng ulan, temperatura, at season na maaaring makaapekto naman sa pamumulaklak at pamumunga ng mga halaman. - Nagbabadya bilang malaking panganib ang climate change sa agrikultura, suplay ng pagkain at tubig, kagubatan, coral reefs at mangroves, biodiversity, baybayin at katubigan, yamang-lupa at iba pang pinagkukunang-yaman. Unep at Wmo - nangunguna sa pananaliksik at pagkilos ng mga siyentipiko, pamahalaan at NGOs, at mamamayan sa pagharap sa hamon ng climate change. United Nations Environment Programme (UNEP) World Meteorological Organization (WMO) Wmo - “specialized agency” ng United Nations (UN) na binubuo ng 191 member states at territories para sa atmospera at iba pa  Pebrero 12–23, 1979 - kauna–unahang World climate conference (WCC) sa Geneva, swizz - Nagreresulta sa pagkakatatag ng World Climate Programme at World Climate Research Programme UNEP – ahensiya sa ilalim ng UN na nangungunang awtoridad sa pagtatakda ng global environmental agenda alinsunod sa mga prinsipyo ng sustainable development. Noong 1988, magkatuwang na itinatag ng UNEP at WMO ang Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) upang magbigay sa daigdig ng malinaw na siyentpikong pananaw sa kasalukuyang estado at kaalaman sa climate change. - sa kabuuan, binubuo ang IPCC ng 195 na kasaping bansa. IPCC Assessment Report - Nagsisilbing siyentipikong batayan sa mga pamahalaan ng mga kasaping bansa sa pagbuo ng polisiyang may kaugnayan sa klima (climate related policies). -May katangian ang mga assessment report bilang policy relevant subalit hindi policy perspective. Policy Relevant -Naglalahad lamang ito ng mga projection ng climate change sa hinaharap batay sa iba’t-ibang maaring mangyari (scenarios) at sa panganib na maaring maidulot ng climate change. 2001 - Pinag tibay ng IPCC sa ipinalabas nitong Third Climate Report, ang kongklusyon na may malaking bahagi ang human activities bilang sanhi ng global CC. 2007 - itinaas ng IPCC sa 90% at muli pang itinaas sa 95% noong 2013. - pinangaralan ang IPCC ng noble peace prize kasama ang dating Vice President ng US na si Al Gore. 1992 - Ang mga ito ay tinaguriang Rio Convention. Sa Earth Summit sa Rio de Janeiro, Brazil, pinagtibay ng Intergovernmental Negotiating Committee (INC)  United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC)  UN Convention on Biological Diversity (UNCBD)  UN Convention to Combat Desertification (UNCCD) UNCBD - higit na kilala bilang Biodiversity Convention ay isang multilateral treaty na naglalayong makabuo ng mga pambansang estratehiya. UNFCCC - nagsisilbing pundasyon o haligi ng lahat ng mga sumunod na pandaigdigang kasunduan. Sa tatlong Rio Convention, sadyang nakatuon sa paglaban sa climate change ay ang UNFCCC. 1994 - ganap na naging epektibo ang UNFCCC matapos matugunan ang nakatakdang 50 bansang kinakailangang magpatibay rito. - Sa ngayon, 197 na bansa ang nagsisilbing signatory ng UNFCCC Conference of the Parties (COPs) - Itinakda ng UNFCCC bilang supreme decision-making body. - Binubuo ng lahat ng pamahalaan at regional economic integrated organizations. CMP- nagsisilbing governing at decision making body ng Kyoto Protocol na may 192 kasapi sa kasalukuyan. Kyoto Protocol – Pinakamahalagang pandaigdigang kasunduang pangkapaligiran na nagpatibay ng mga bansa at pamahalaan sa daigdig. - taong 1997 sa COP 3 pinagtibay sa Kyoto, Japan. -tinakdaan nito ang mga bansang nagpatibay sa pangkalahatang komitment sa pangangalaga ng climate change batay sa panuntunan ng "common but differentiated responsibilities" - pagtatakda ng legal binding targets o commitments sa ilalim ng international law sa pagbawa ng emisyon ng GHG. Doha Amendment to the Protocol - walang sapat na bansa ang nag gratipika hanggang 2015 kaya napalitan ng isang bagong kasunduan na kilala sa kasalukuyan na Paris Agreement. - mula 2013 hanggang 2020. COP 16 - idinaos sa Cancun, Mexico napagkasunduan ng mga bansa na limitahan ang global warming sa hinaharap sa pamamagitan ng pagtatakda sa average global temperature sa below 2.0 C. COP 21 sa Paris, France - pinagtibay ang Paris Agreement na pumalit sa Kyoto Protocol at Doha Amendment. - pagbuo ng global action para maiwasan ng daigdig ang mapanganib na climate change. Pebrero 27, 2015 - ang Switzerland ang kauna-unahang nagsumite ng INDC, na may komitment na bawasan ng 50% ang greenhouse gas emissions sa 2030. Oktubre 5, 2016 - 83 parties ang nagpatibay sa Paris Agreement at nagsimulang maging epektibo noong Nobyembre 4, 2016. Pebrero 28, 2017 - isinumite ng tanggapan ng Pangulo sa Senado ang "Instrument of Accession" ng bansa sa Paris Agreement. Marso 14, 2017 - pinagtibay ng Senado ang Senate Resolution 320 na nagraratipika sa Paris Agreement. April 22, 2017 - Earth Day; nagsimula nang maging epektibo sa bansa ang pagpapatupad at pagsunod sa lahat ng probisyon ng Paris Agreement. Hunyo 1, 2017 - inihayag ni Pangulong Donald Trump ang pag-alis at paglahok ng United States sa Paris Agreement.  Ayon sa Global Risk Index ng Germanwatch, nasa unang puwesto noong 2013 at pang-apat noong 2014 ang pilipinas sa listahan ng mga bans ana naapektuhan ng climate change.  Ayon naman sa Climate Change Vulnerability Index (CCVI) ng risk analysis na Verisk Maplecroft, bumaba ang ranggo ng pilipinas sa ika -13 noong 2026 mula sa pangwalong puwesto noong 2015  Pilipinas — nagsisilbing Pangulo ng Climate Vulnerable Forum (CVF) na nag sulong sa COP 21 ng 1.5°C target para sa pag bawas ng CC.  RA 10174 o “Act Establishing the People’s Survival Fund to Provide Long-term Finance Streams to Enable the Government to Effectively Adress the Problem of Climate Change.  - panimulang pondong isang bilyong piso at pagtatakda ng mekanismo sa paggamit nito sa ilalim ng people’s survival fund  CLIMATE CHANGE COMMISSION – ang nagsasagawa ng ebalwasyon, rebuy, at rekomendasyon sa  pag-aproba sa PSF Borad ng lahat ng panukalang proyekto na humihiling ng pagpondo mula sa PSF  pinagtibay ni Pangulong Aquino, ang Excutive Order No. 174, s. 2014 o institusyonalisasyon ng Philippine Greenhouse Gas Inventory Management and Reporting System. Order No. 174, s. 2014 – paghahanda ng bansa sa transisyon tungo sa isang “climate-resilient road to sustainable development” ISYU NG UNEMPLOYMENT Full employment + price stability = katatagang pang-ekonomiya (economic stability) Full employment - posibleng pinakamababang lebel o antas na walang trabaho sa ekonomiya. Unemployment - phenomenon na nangyayari kapag ang isang taong aktibong naghahanap ng trabaho ay hindi makahanap ng trabaho. Natural rate of unemployment - ay ang katanggap-tanggap na antas (acceptable level) ng unemployment. - Sa United States, karaniwang itinatakda sa 5% ng kabuoang labor force ang natural rate of unemployment o full employment. Labor Force - tumutukoy sa populasyon ng mula 15 taong gulang pataas mula sa kanilang huling kaarawan, na may trabaho o walang trabaho. - potential supply of labor at potential manpower/human resources 1. Economically active o labor force 2. Economically inactive - full-time student - stay-home midwife - retiree  Ang OFW ay kabilang sa labor force ng bansa kung saan sila nagtatrabaho. Formula ng Pagkuha ng Unemployment Rate: Unemployment Rate (UR) = (Unemployed persons ÷ Labor Force) x 100 15 years old na... 1. Walang trabaho o walang ginagawa (job) o negosyo 2. Naghahanap ng trabaho (seeking work) 3. Kasalukuyang bukas (currently available) para makapagtrabaho Unemployed = walang trabaho Employed = may trabaho Joblessness = Haba ng panahon na walang trabaho Mga Balidong Katuwiran ng Jobless 1. Naniniwalang walang trabahong bukas (available) o ang mga tinatawag na discouraged unemployed 2. Mga pansamantalang karamdaman o kapansanan (illness/disability) 3. Masamang panahon (bad weather) 4. Naghihintay sa nakaraang “job applications” 5. Naghihintay para sa rehire/ job recall Employment - persons or individuals at work - Sa Labor Force Survey, ang ibinibilang lamang ay ang “persons at work not jobs” at “ang isang tao ay maaari lamang mabilang ng minsan nang hindi isinasaalang-alang ang bilang ng kaniyang “jobs” - Work (Trabaho) - anumang aktibidad na ginagawa ng isang tao para sa bayad (for pay) na maaaring “cash” o “in kind”, sa lahat ng establisimyento, opisina, farm o pribadong tahanan para tumubo (for profit) Employed Persons- lahat ng taong mula 15 taong gulang pataas sa panahon ng reference period ay pumasok ng trabaho (reported at work) ng kahit isang oras lamang sa isang linggo.  Person in Full-Time Employment - isang taong may trabaho (works) ng 40 oras o higit pa sa panahon ng reference period  Person in Part-Time Employment - sinumang may trabahong mas mababa kaysa sa 40 oras sa panahon ng reference week Quality Employment - tumutukoy sa work na may security of tenure at nakatatanggap ng mga benepisyong itinakda ng batas (mandated benefits) Underemployment - Mas mababa kaysa sa kaniyang lebel ng kasanayan (skill level) o iba kaysa sa kaniyang natapos na kurso sa kolehiyo - Naghahangad ng full-time work subalit ang kaniyang nahanap lamang ay part-time job o naghahangad ng karagdagang oras ng trabaho Dalawang Uri ng Underemployed 1. Visibily underemployed - nagtatrabaho ng mas mababa pa sa 40 oras sa isang linggo 2. Invisibly underemployed - nagtatrabaho ng 40 oras o higit pa sa loob ng isang linggo Apat na Uri o Kategorya ng Unemployment: 1.Frictional Unemployment – produkto ng pangmaigsiang paggalaw sa pagitan ng isang trabaho patungo sa bagong trabaho dahil sa paglipat ng manggagawa o dahil sa pagkakatanggal sa trabaho. 2. Seasonal Unemployment – produkto ng regular, paulit-ulit, at predictable na pagbabago sa pangangailangan sa manggagawa ng ilang industriya kada taon gaya ng pista opisyal ,iskedyul ng pag- ani, pagsisimula ng taong-aralan, at iskedyul ng produksiyon ng industriya  Ski resort kapag winter  Beach resort tuwing tag-init  Shopping mall tuwing kapaskuhan 3. Structural Unemployment – produkto ng pagbabago ng teknolohiya at iba pa sa estruktura ng ekonomiya  Pagiging uso ng online shoppingna ginagamitan ng internet, ang mga shopping malls na nasanay sa paggamit ng mga sales lady ay kailangan ng manggagawang may kasanayan sa internet 4. Cyclical Unemployment – Ito ay produkto ng “business cycle fluctuations” na mula sa recessions o economic downturns - Ang recessions ay ang pagbagsak ng real GDP na karaniwang tumatagal ng dalawa o higit pang quarters Skilljob / Industry Mismatch - Mahina at hindi maayos na mga impraestraktura, -Ang kawalan ng industriyalisasyon (industrial base) - Kawalan o mabagal na rural development. - Hindi pa rin matapos-tapos na repormangagraryo - Di pantay na distribusyon na yaman na bunga ng underdevelopment. Huling quarter ng 2016, nadagdagan ng 3 milyong katao ang mga walang trabaho (unemployed sa Pilipinas). - Noong Disyembre 2016, umakyat sa 25.1% o tinatayang 11.2 milyong katao mula noong Setyembre 2016, 18.4% o 8.2 milyon katao ang adult joblessness sa bansa. Unemployment = Kahirapan Sa tuwing tumataas ang unemployment, tumataasang antas ng kagutuman at kahirapan. Maaring mauwi sa matindi at malawakang pagkadiskontento ng maraming tao sa pamahalaan at magbubunga ng: - suliranin sa seguridad - katatagang political - karahasan - kaayusan at kapayapaan - pagtaas ng kriminalidad

Use Quizgecko on...
Browser
Browser