Aralin 5_ Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PDF
Document Details
Uploaded by OrganizedAppleTree8450
Junior High School
2024
Mr. Ralph P. Lipalam, LPT
Tags
Related
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa PDF
- Kasaysayan ng Retorika (PDF)
- Aralin 5: Heograpiya ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PDF
- Mga Sinaunang Kabihasnan (PDF)
- Araling Panlipunan 8 Modyul 3: Mga Klasikong Kabihasnan ng Africa, America, at mga Pulo sa Pacific PDF
- MODYUL 1 ANG DAIGDIG NOONG PANAHON NI RIZAL PDF
Summary
This document is a lesson plan about ancient civilizations, including topics like geography, Mesopotamia, Indus Valley, China, and Egypt. It's for a Junior High School course in the Philippines.
Full Transcript
Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Paksa 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Mr. Ralph P. Lipalam, LPT 2024...
Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Paksa 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Mr. Ralph P. Lipalam, LPT 2024 0 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig TALAAN NG NILALAMAN SIMULAN NATIN Pamantayan sa Pagkatuto Balangkas ng Aralin Tiyak na Layunin ALAMIN NATIN Gawain 1 TUKLASIN NATIN Mahahalagang Tanong Talasalitaan PAUNLARIN NATIN Gawain 2 Gawain 3 PAGNILAYAN NATIN Gawain 4 ILAPAT NATIN Gawain 5: SAGUTIN NATIN Gawain 6 SANGGUNIAN 1 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig SIMULAN NATIN Introduksyon at overview sa paksa at ang koneksyon nito sa kasalukuyan. Pamantayan sa Pagkatuto Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay Naipamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang 2 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon. Balangkas ng Aralin Ang modyul na ito ay nahahati sa ____: Paksa 1: Ugnayan ng Heograpiya at Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Paksa 2: Kabihasnang Mesopotamia Paksa 3: Kabihasnang Indus Paksa 4: Kabihasnang Tsino Paksa 5: Kabihasnag Ehipsyano Paksa 6: Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Kasalukuyan Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kanihasnan sa daigdig. AP8HSK-Ig-6b Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan. Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. AP8HSK-Ij-10 3 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig ALAMIN NATIN Bago natin simulan ang pagtatalakay, subukan mong sagutin ang inihandang gawain sa ibaba. GAWAIN 1: Sumulat dito.. Panuto: Sumulat dito.. Pamprosesong Tanong: 1. Sumulat dito TUKLASIN NATIN Gawing gabay ang mga mahahalagang tanong at talasalitaan sa ibaba upang higit na maintindihan ang talakayan. Mahahalagang Tanong Sumulat dito.. Talasalitaan Isaisip ang mga kahulugan ng salitang may kaugnayan sa paksa: Lambak-ilog isang malawak at mababang lupain na karaniwang napaliligiran ng mga burol o bundok at pinaglalagusan ng isang ilog. kabihasnan tumutukoy sa anumang organisadong lipunan. lundayan Maaring tumutukoy sa lugar na pinagsimulan Mesopotamia mula sa salitang Griyego na meso (pagitan) at potamos (ilog). “lupain sa pagitan ng dalawang ilog.” 4 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig politeismo Paniniwala sa maraming diyos pagkakawatak nagkakahiwa-hiwalay o nawawalan ng koneksyon sa isa't -watak isa. namayagpag akamit ang isang mataas na antas ng tagumpay o kahusayan. PAUNLARIN NATIN Ngayon ay talakayin at paunlarin natin ang mga mahahalagang dapat malaman sa araling ito. Pagkatapos ay ihanda ang sarili sa mga gawain. Impluwensya ng Heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Ang heograpiya ay isang mahalagang salik sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Ang mga matatabang lupain sa mga lambak-ilog, halimbawa, ay naging mainam upang pagtamnan, dahil sa pagkakaroon nito ng sapat na patubig at irigasyon. Ang ilog ay ginamit rin bilang transportasyon, ruta ng pakikipagkalakalan at nagsilbing natural na balakid sa mga katunggaling pangkat ng tao. Ang pagsasaka at pagpapastol ang mga naging pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang tao. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng mainam na klima ay nagtulak upang permanenteng manirahan ang mga pangkat ng tao sa mga lambak-ilog. Mapapansin din na ang pag-unlad ng ekonomiya ay nakadepende sa likas na yaman. Nilinang ng mga sinaunang tao ang mga pinagkukunang-yaman gaya ng mga mineral na tanso, silver, at ginto upang makabuo ng mga kagamitan, palamuti, at sandata. Mula sa mga simpleng pamayanan ay naging mga lungsod-estado ang mga ito at kalaunan ay naging makasaysayang imperyo ng daigdig. 5 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Ang mga Sinaunang Kabihasnan Ang kontinente ng Asya ang naging sentro ng sinaunang sibilisasyon at itinuturing na “lundayan ng mga kabihasnan.” Mapapansin na ang mga kabihasnang ito ay umusbong sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang kabihasnang Mesopotamia sa pagitan ng mga ilog Tigris at Euphrates, kabihasnang Egyptian sa lambak-ilog ng Nile, kabihasnang Indus sa Indus River, at kabihasnang Tsino sa lambak ng ilog Huang Ho at ilog Yangtze. Kabihasnang Mesopotamia Ang kabihasnang Mesopotamia ay umusbong sa Kanlurang Asya. Bagamat ito ay napapaligiran ng kabundukan sa silangan at disyerto naman sa kanluran, ang mataba at saganang lupain na hugis crescent sa pagitan ng dalawang ilog ang naging lundayan ng kabihasnang Mesopotamia. Kung susuriin, ang Mesopotamia ay mula sa salitang Griyego na meso (pagitan) at potamos (ilog). Kaya’t ang Mesopotamia ay nangangahulugang “lupain sa pagitan ng dalawang ilog.” Dito nanirahan ang mga pangkat ng tao gaya ng mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, at Chaldean. Sa Kasalukuyan, ang Mesopotamia ay ang bansang Iraq sa timog-kanlurang Asya. Ang Kabihasnang Sumer Ang mga Sumerian ang unang nanirahan sa Mesopotamia. Ang kabihasnang ito ay binubuo ng mga malalayang lungsod-estado na napapaligiran ng matataas na pader. Pagsasaka ang naging kanilang pangunahing hanapbuhay. Bukod pa riyan, magaling din sila sa pottery at nakipagpalitan ng kalakal o barter sa mga karatig lugar. Kung susuriin ang lipunang Sumerian, ito ay nahahati sa apat na antas ng tao: ○ Pinakamataas na antas: pari at hari ○ Ikalawang antas: mga manggagawang may kasanayan o craftsmen ○ Ikatlong antas: mga magsasaka ○ Pinakamababang antas: mga alipin 6 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Ang Sumer ay may teokratikong pamamahala, kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng pinuno ng simbahan na tinatawag na Patesi o hari-pari. Politeismo o paniniwala sa maraming diyos ang sinusunod ng mga Sumerian, na makikita sa kanilang istrukturang tinatawag na Ziggurat. Ang Ziggurat ay binubuo ng pitong palapag at itinuturing na sentro ng pamayanan at relihiyon ng mga Sumerian. Nakilala ang mga Sumerians sa mga naging ambag nito sa kasaysayan. Narito ang ilan sa mga ito; Pinakilala ng mga Sumerian ang sistema ng pagsulat na tinawag na Cuneiform. Ito ay ginagamitan ng stylus o matulis na metal bilang pang-ukit sa malambot na luwad. Pagkatapos, ibibilad ito upang tumigas. Sinasabing ang mga Sumerian ang nakatuklas ng gulong at araro. Nagpagawa sila ng mga dike at kanal bilang solusyon sa pag-apaw ng ilog. Gumamit din ang mga Sumerian ng mga kagamitan at sandatang yari sa tanso. Ang sistema ng kalakalan ay barter o pagpapalitan ng produkto. Nagsimulang humina ang kabihasnang Sumer dahil sa kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsod-estado at tuluyang bumagsak nang mapasakamay ito ni Haring Sargon I ng Akkadia. AKKADIANS Dahil sa patuloy na pagkawatak-watak ng mga lungsod-estado sa Mesopotamia, tuluyang bumagsak ito sa kamay ng mga Akkadian sa pamumuno ng magaling at matapang na pinuno na si Haring Sargon I. Pinalawak niya ang kanyang imperyo nang sinimulan niyang pag-isahin ang mga lungsod-estado. Nagsimulang humina ang kabihasnang Akkad nang mapalitan si Haring Sargon I ng mga mahihinang pinuno at sa huli ay tuluyang nasakop ng mga dayuhan. Bagama’t nagawang makalaya ng mga Sumerian mula sa mga 7 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig dayuhang Gutian, hindi nagtagal at bumagsak din sila sa kamay ng mga Babylonian. BABYLON Ang kaguluhan at pagkakawatak-watak sa Mesopotamia ang nagpadali upang masakop ito ng mga Babylonian sa pamumuno ni Hammurabi. Dito ay pinag-isa niya ang mga lungsod-estado at sinimulang itatag ang Imperyong Babylonia. Sa panahon ni Hammurabi, lumawak pa ang imperyo mula sa Persian Gulf hanggang sa baybayin ng Mediterranean Sea. Naging epektibo ang pamumuno niya dahil sa pagtipon at pagtakda ng mga kodigo ng batas para sa kaniyang nasasakupan. Ang Hammurabi Code ay naisulat sa isang batong basalt na may taas na halos 8 talampakan. Pinakatanyag sa batas na ito ang prinsipyong “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Pinanatili ng mga Babylonian ang kulturang Sumerian, gaya ng pagpapanatili ng Ziggurat bilang sentro ng relihiyon. Gaya ng mga naunang kabihasnan, naniniwala sa maraming diyos ang mga Babylonian. Ang lipunan rin ay nahahati sa iba't ibang antas ng tao. Ang mga pari, halimbawa, ay naging tagapayo ng mga hari. Nakilala ang mga Babylonian hindi lamang sa paglililok at pagpipinta kundi pati na rin sa kanilang Epiko ni Gilgamesh, kung saan isinalaysay ang malaking pagbaha sa panahon ni Noah. Bukod pa rito, nakilala rin ang mga Babylonian sa mga sumusunod: Nagpasimula sa paghahati ng linggo sa pitong araw at sa orasan gamit ang tubig. Pinakilala nila ang konsepto ng 360 degrees sa bilog at 60 minuto sa isang oras. Humina ang Imperyong Babylonia nang mamatay si Hammurabi at mapalitan ng mahihinang pinuno. Sa huli, tuluyang bumagsak ang Babylonia sa kamay ng mga Hittite at iba pang dayuhan. ASSYRIAN Ang mga Assyrian ay mahusay sa pakikidigma at tinuturing na malupit at mababagsik na pangkat ng tao na nagmula sa hilaga ng Babylon. Lumawak ang teritoryo nito sa ilalim ng pamumuno ni Tiglath-Pileser I at higit pang lumawak sa mga sumunod na namuno. Isa sa mga dahilan ng pagpapalawak ay upang makontrol ang mga ruta ng kalakalan. Si Ashurbanipal, isa sa mga magagaling na pinuno ng mga Assyrian, ang nagpagawa ng pinakamalaking aklatan sa buong daigdig. Kahit pa namamayagpag ang imperyong Assyrian, ang mga lungsod-estado sa Mesopotamia ay pinamumunuan pa rin ng mga hari. Nagsimulang humina ang imperyo nang pinamunuan ito ng mga mahihinang pinuno at tuluyang nagwakas nang masakop ang imperyong Assyrian ng mga Chaldean. 8 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig CHALDEAN Ang pagbagsak ng imperyong Assyrian ay nagbigay daan upang makilala at umunlad ang Chaldea na matatagpuan sa Babylonia. Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar, muling naging tanyag ang Babylon at kalaunan ay naging sentro ng sibilisasyon. Kaya't tinawag na “Bagong Babylonia” ang imperyong Chaldean na may malawak na teritoryo dahil sa pananakop nito sa Mesopotamia, Palestine, at Egypt. Ang imperyong Chaldean ay nakilala rin sa panahon ni Nebuchadnezzar II matapos niyang ipagawa ang Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa. Matapos ang pamumuno ni Nebuchadnezzar, nagsimulang humina ang imperyo dahil sa pag-aagawan sa kapangyarihan. Ang matagumpay na pagsakop ni Cyrus the Great ng Persia sa Babylon ay nagbigay-daan upang maging bahagi ng imperyong Persia ang Mesopotamia. PERSIA Ang mga Persiyano ay mga pangkat ng tao na mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia. Nagsimula silang magpalawak ng imperyo sa ilalim ng pamumuno ni Cyrus the Great, kung saan naging bahagi ng imperyo nito ang buong Mesopotamia na noon ay pinamumunuan ng mga Chaldean. Higit pang lumawak ang imperyong Persiyano sa ilalim ng pamumuno ni Darius the Great, na umabot ang kapangyarihan sa ilog Indus ng India, Asia Minor, at Thrace sa timog ng Europe. Dahil sa lawak ng kanyang teritoryo, hinati niya ang imperyo sa mga lalawigan na tinawag na Satrapies. Ang mga lalawigang ito ay pinamunuan ng mga Satrap na nagsilbing mata at tenga ng hari. Dahil sa pagkabigo ni Darius na masakop ang mga Griyego, ninais ng kanyang anak na si Xerxes na ipaghiganti ang kanyang ama at mapabagsak ang mga pinagsamang lakas ng mga lungsod-estado ng Gresya. Bagama’t nagkaroon ng maraming labanan sa pagitan ng Persia at Gresya, hindi nagawang matalo ni Xerxes ang mga ito. 9 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Mayroong politeistikong paniniwala ang mga Persiyano sapagkat sinasamba nila ang kalikasan at mga ninuno. Ngunit pagsapit ng 600 BCE, ipinakilala ni Zoroaster ang paniniwalang Zoroastrianismo. Si Zoroaster ang tinuturing na propeta at pinunong pari. Ang salitang Zoroaster ay nangangahulugang “siyang may gintong liwanag.” Ayon sa paniniwalang ito, ang buhay ng tao ay nasa dalawang magkatunggaling pwersa ng kabutihan at kasamaan. Ang mga paniniwala ng Zoroastrianismo ay nakapaloob sa kanilang banal na aklat, ang Zend-Avesta. Sa pamumuno ni Darius III, tuluyang bumagsak ang imperyong Persiyano nang magapi ito ni Alexander ng Macedonia noong 331 BCE. Kabihasnang India Ang mainam at matabang lupain malapit sa ilog Indus ay nagbunsod upang manirahan ang mga tao at bumuo ng sariling kabihasnan. Samakatuwid, ang lambak-ilog ng Indus ang naging lundayan ng sinaunang kabihasnan sa India. Ang mga unang mamamayan sa kabihasnang Indus ay ang mga Dravidians. Sila ang tinuturing na nagtatag ng Kabihasnang Indus. Sa kabihasnang ito, ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ang kilala dahil sa mga nahukay na kagamitan. Ipinagpapalagay na ang dalawang lungsod ay may maayos na sistema ng irigasyon at pagsasaka. Bukod pa rito, ang mga nahukay na artifacts ay nagpakita ng mataas na antas ng urbanidad, gaya ng pagkakaroon ng palikuran at kauna-unahang drainage system sa buong mundo. Ang Citadel na napapalibutan ng mataas na pader at makikita sa loob ng lungsod 10 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig ay naging patunay sa kagalingan ng kabihasnan sa inhinyero. Ang kabihasnang Indus din ay aktibo sa pakikipagkalakan sa mga karatig na lugar gaya ng Mesopotamia. Hindi naging malinaw ang dahilan ng paglaho ng kabihasnang Indus. Pinagpapalagay na nagwakas ito dahil sa pagbabago ng direksyon ng ilog Indus o pagkaubos ng mga likas na yaman. Gayunpaman, ang paglusob ng mga Aryano ay sinasabing malinaw na dahilan ng pagbagsak ng dalawang lungsod. ANG PANAHONG VEDIC Ang panahong Vedic ay mahalagang bahagi ng kasaysayan ng India sapagkat ito ang pundasyon ng kulturang Indiano at panahon kung saan naisulat ang Vedas. Ang Vedas ay tinipong mga himnong pandigma, sagradong ritwal, at ibang kaalaman tungkol sa pamamayani ng mga Aryan sa India mula 1500 BCE hanggang 500 BCE. Ito ang banal na aklat ng relihiyong Hinduismo. Kasabay ng pananakop ng mga Aryan ang pagsibol ng sistemang Caste. Ang sistemang Caste ay nagtatakda o nag-uuri sa tao sa lipunan batay sa katayuan sa buhay. Ang bawat antas ay may kanya-kanyang tungkulin, obligasyon, at karapatan batay sa kanyang pagsilang. May apat na antas sa sistemang Caste: Brahmin: kinabibilangan ng mga pari at iskolar. Kshatriya: mga namumuno, maharlika, at mandirigma. Vaishya: mga magsasaka at mangangalakal. Shudra: mga manggagawa at alipin. Ang mga Untouchables o Outcastes ay hindi kabilang sa caste at sa lipunan. Sila ay pinandidirihan at nakakaranas ng matinding diskriminasyon. Sila, tulad ng ibang antas sa sistemang Caste, ay nakakulong sa antas na kanilang kinabibilangan at tanging kamatayan lamang ang makapagpapalaya sa kanila. 11 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Ang Relihiyong Hinduismo Ang relihiyong Hinduismo ay tinuturing na pinakamatandang relihiyon sa buong mundo at walang tiyak na pagsasabi kung paano at sino ang nagtatag nito. Mayroon itong politeistikong paniniwala. Kabilang sa kanilang mga Diyos ay si Brahma (tagalikha), si Vishnu (tagabuo), at si Shiva (tagawasak). Ayon sa kanilang paniniwala, makakamtan lamang ang kaligayahan sa piling ni Brahma. Gayunpaman, mahaba ang prosesong ito sapagkat ang mga kaluluwa ay daraan sa mahabang proseso ng reincarnation o pagkamatay at muling pagkabuhay. Itinuturo rin ng relihiyong ito ang prinsipyo ng Karma. Ayon sa prinsipyong ito, ang taong nabubuhay nang mabuti ay makakatanggap ng mabuting karma. Ang Pagkakatatag ng Relihiyong Budismo Ang relihiyong ito ay itinatag ni Prinsipe Siddhartha Gautama. Bunga ng kanyang matinding pagnanais na malaman ang katotohanan at makamtan ang walang hanggang kaligayahan, nakamtan niya ang kaliwanagan o pagiging Buddha. Dito ay pinakilala niya ang Apat na Marangal na Katotohanan at ang Walong Daan upang mawakasan ang kapighatian sa buhay. Ang pagkakatatag ng relihiyong Budismo ay nagbigay ng pag-asa sa mga taong nasa mababang antas, gaya ng mga Untouchables. 12 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PAGBUO NG MGA KAHARIAN AT IMPERYO SA SINAUNANG INDIA Ang ilan sa mga umusbong na pamayanan ay naging kaharian dahil sa mahusay na pamamalakad ng mga pinuno nito, gaya ni Bimbisara ng kahariang Magadha. Bukod pa rito, ang ilang bahagi ng India ay napasailalim sa imperyong Persiyano. Nang matalo ni Alexander ng Macedonia ang kapangyarihan ng Persia, umabot ang kanyang kapangyarihan sa India. Gayunpaman, nauwi sa pagkakawatak-watak ang hilagang-kanlurang bahagi ng India dahil sa kawalan ng mahusay na pinuno. Dito naitatag ang mga imperyo sa India. Imperyong Maurya - Tinatag ito ni Chandragupta Maurya, na kilala sa kanyang kakayahan sa militar. Pinag-isa niya ang India at pinahusay ang ekonomiya nito. Bukod sa kanya, ang imperyo ay pinamunuan ng kanyang apo na si Ashoka. Si Ashoka ay kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng imperyong Maurya na kalaunan ay tinalikdan ang kasamaan at niyakap ang turo ng Budismo. Nagsimulang humina ang imperyo nang mamatay si Ashoka at tuluyang bumagsak dahil sa maraming pag-aalsa. Imperyong Gupta - Tinatag ito ni Chandragupta I. Sa panahon ng imperyong ito, sinasabing nakamtan ng India ang “Gintong Panahon” dahil sa malalaking pag-unlad sa iba't ibang larangan. Sa pagsapit ng ika-6 na siglo CE, nagwakas ang imperyo dahil sa pananakop ng mga dayuhan. Imperyong Mogul - Tinatag ito ni Babur, isang Turko-Mongol na prinsipe. Ang imperyong ito ay naghatid sa India ng pagkakaisa at pag-unlad sa kultura, sining, at iba pa. Nagwakas ang imperyong ito dahil sa pananakop ng mga Europeo sa India. 13 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Kabihasnang China Ang mga kabihasnang Tsino ay naitatag sa mga lambak-ilog ng Huang-Ho at Yangtze. Ang Ilog Huang-Ho ay kilala bilang Yellow River at tinaguriang “Pighati ng Tsina” dahil sa madalas na pagbaha nito na nagdulot ng pagkasira ng mga pananim at pagkawala ng buhay. Gayunpaman, ang lupain sa lambak-ilog ay mainam para sa paninirahan ng mga pangkat ng tao. Dito umusbong ang mga dinastiya ng sinaunang Tsina. DINASTIYANG XIA - Habang ang dinastiyang Xia ay malawak na tinatanggap bilang ang unang dinastiya ng Tsina at pinaniniwalaang itinatag ni Emperor Yu, limitado ang mga arkeolohikal na ebidensya upang suportahan ang kanyang pag-iral. Gayunpaman, ang mga kamakailang arkeolohikal na tuklas ay nagbigay ng ilang mga pahiwatig sa pag-usbong ng dinastiyang Xia. DINASTIYANG SHANG - Sa ilalim ng pamumuno ni Tang, umusbong ang dinastiyang Shang. Nagmarka ito ng isang panahon ng pag-unlad sa metalurhiya, partikular sa paggamit ng bronze. Sa panahong ito rin, pinaniniwalaang unang ginamit ang chopstick na naging simbolo ng kulturang Tsino DINASTIYANG ZHOU - Itinatag ito ni Wu Wang. Sa panahon ng dinastiyang ito, pinasimulan ang paniniwalang “Mandate of Heaven” o Anak ng Langit, na nagsasabing ang pamamahala ng imperador ay mula sa Diyos. Sa dinastiyang ito rin isinagawa ang kauna-unahang Civil Service Examination. Nakilala rin ang mga pilosopong Tsino tulad nina Confucius, Lao Tzu, at Mencius, kaya tinuturing na gintong panahon ito ng Tsina. 14 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig DINASTIYANG CHIN - Itinatag ito ni Chao Hsiang Wang. Dito nag-ugat ang pangalang China sapagkat ito ang unang dakilang imperyo ng Tsina. Pinakatanyag na pinuno nito si Shih Huang Ti dahil sa pinag-isa nito ang mga estado upang makabuo ng isang sentralisadong pamahalaan. Kilala rin ang kanyang pinagawang Terracotta Army, isang koleksyon ng mga sundalong gawa sa luwad. Hindi rin matatawaran ang kanyang pagpapagawa ng dakilang pader, ang Great Wall of China, na pinakamahabang estruktura na gawa ng tao. DINASTIYANG HAN - Itinatag ni Liu Bang. Sa panahon ng dinastiyang ito, nakarating ang Buddhism sa Tsina sa unang pagkakataon. Naging maunlad din ang kalakalan ng Tsino dahil sa Silk Road. DINASTIYANG SUI - Itinatag ni Yang Chien. Isa sa mga ambag ng dinastiyang ito ang Grand Canal na nagdurugtong sa mga ilog Huang-Ho at Yangtze. DINASTIYANG TANG - Itinatag ni Li Yuan. Sa panahon ng dinastiyang ito, nailimbag ang Diamond Sutra, ang kauna-unahang aklat. Lumawak ang mga relihiyon sa Tsina, kabilang ang Buddhism, Kristiyanismo, at Islam. DINASTIYANG SONG - Sa panahon ng dinastiyang ito, naimbento ang compass at ang paggawa ng malalaking barko. DINASTIYANG MING - Itinatag ito ni Chu Yuan Chang. Ito ang pinakahuling dinastiya na pinamahalaan ng mga Tsino. Nagawa sa panahong ito ang Forbidden City na matatagpuan sa Beijing. DINASTIYANG QING - Itinatag ni Nurhachi. Ang mga dayuhang Manchu ang namuno sa Tsina. Bagamat umunlad ang Tsina, hindi ito nagtagal dahil sa panghihimasok ng mga Europeo. Si Puyi ang huling emperador ng Tsina. KABIHASNANG EGYPT Ang kabihasnan sa Ehipto ay sumibol sa lambak-ilog ng Nile, kaya't tinuturing itong “Handog ng Nile.” Ang mga lupain sa lambak-ilog ay naging mainam para sa pagtatanim. 15 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Bagamat nakakaranas ang mga pamayanan ng matinding pagbaha tuwing umaapaw ang Nile, natutunan nilang makiayon sa kanilang kapaligiran upang mabuhay. Ang mga Ehipsiyano ay may polytheistic na paniniwala o sumasamba sa maraming diyos. Mapapansin na ang kanilang mga diyos ay may pinagsamang wangis ng tao at hayop. Tulad ng ibang mga relihiyon, sila ay naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Kasaysayan ng Pamahalaan Lumang Kaharian: Ito ang panahon ng mga piramide. Ang mga naitayong piramide ay nagsilbing libingan ng mga paraon. Gitnang Kaharian: Dito muling bumuhay ang pakikipagkalakalan ng Ehipto sa mga karatig lugar. Bagong Kaharian: Tinuturing itong panahon ng imperyo dahil dito nagsimulang lumawak ang teritoryo ng mga Ehipsiyano. Ahmose: Nagtaboy sa mga Hyksos. Thutmose I: Nasakop niya ang Nubia, Syria, at Palestine. Hatshepsut: Unang babaeng namuno sa daigdig at pinanatiling masigla ang kalakalan ng Ehipto. Thutmose III: Nagpalawak ng imperyo hanggang sa mga baybayin ng Euphrates. Amenhotep IV o Ikhnaton: Nagpasimula ng paniniwala sa iisang diyos na si Aton. Tutankhamen: Nagbalik sa paniniwala sa maraming diyos. Ramses II: Ipinagtanggol ang imperyo laban sa mga sumalakay na Hittites. Sa aspeto ng ekonomiya, ang pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang Ehipsiyano ay pagsasaka at pagpapastol. Nilinang din nila ang paggamit ng tanso at ginto. Nakipagpalitan sila ng mga kalakal sa mga karatig lugar. Makikitaan din ng pag-uuri-uri ng mga tao sa sinaunang lipunan ng Ehipto. Ang lipunan ay binubuo ng apat na pangunahing antas: Maharlika, pari, at pantas Sundalo Karaniwang mamamayan Alipin Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Kasalukyan Sumulat dito.. Pamana ng Kabihasnan India Sa India nagsimula ang pinakamatandang relihiyon sa mundo. 16 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Ang pilosopiya ay nalinang din sa India, kabilang ang Yoga—isang disiplina ng isipan at katawan sa pamamagitan ng pagsasanay espiritwal, pati na rin ang konsepto ng karma at reincarnation. Reincarnation - Paniniwala na ang isang indibidwal ay isisilang muli sa ibang katauhan o anyo. Magpapatuloy ito hanggang sa marating niya ang moksha o kaligtasan. Pinagyaman ng India ang panitikan ng daigdig sa pamamagitan ng pabula tulad ng Panchatantra, mga epiko tulad ng Mahabharata (na binubuo ng 18 bahagi o 90,000 na taludtod) at Ramayana, at iba pang mga tulang epiko. Ang mga estruktura tulad ng Taj Mahal sa Agra, na itinayo ni Shah Jahan, ay patunay ng makabayang sining at arkitektura ng India. Sa larangan ng matematika, naimbento sa India ang konsepto ng zero at iba pang mga bilang tulad ng Pi. Mga Ambag Nakilala ang mga Ehipsiyano sa pag-eembalsamo, pagtatayo ng piramide, mummification, sistema ng pagsulat o hieroglyphics, at solar calendar. GAWAIN 2: Sumulat dito.. Panuto: Sumulat dito.. GAWAIN 3: Panuto: Magsulat dito… PAGNILAYAN NATIN Ngayong natalakay na natin ang paksa, ihanda mo ang iyong sarili sa paglalahad ng iyong damdamin at saloobin sa araling ito. GAWAIN 4: Magsulat dito.. Panuto: Magsulat dito.. 17 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Pamprosesong Tanong: 1. Magsulat dito.. ILAPAT NATIN Pagkakataon na upang ipakita at isabuhay mo ang iyong kasanayang nakuha sa araling ito. Bigyang pansin mo naman ang gawain sa ibaba. GAWAIN 5: Magsulat dito.. Panuto: Magsulat dito.. SAGUTIN NATIN Patunayan mo ngayon kung higit kang naatuto sa ating aralin sa pamamagitan ng pagsagot ng gawain sa ibaba. GAWAIN 6: Magsulat dito Panuto: Magsulat dito SANGGUNIAN Pinagkunan ng Larawan By Juan Carlos Fonseca Mata - Own work, CC BY-SA 4.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=82720168 https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Athanasius_Kircher_-_Turris_Babel_-_1679 _(page_145_crop).jpg 18 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig https://commons.wikimedia.org/wiki/File:N-Mesopotamia_and_Syria_english.svg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Ancient_ziggurat_at_Ali_Air_Base_Iraq_2005. jpg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Bill_of_sale_Louvre_AO3766.jpg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Empire_akkad.svg https://en.wikipedia.org/wiki/File:Assyrie_general_en.jpg https://en.wikipedia.org/wiki/File:Map_Greco-Persian_Wars-en.svg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Yazd,_Templo_del_Fuego_(2000)_03.jpg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Indus_Valley_Civilization,_Mature_Phase_(260 0-1900_BCE).png By Asia Society created the file. Artwork created by an anonymous ancient source. - http://asiasocietymuseum.org/region_object.asp?RegionID=1&CountryID=2&ChapterID=1 0&ObjectID=479, Public Domain, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=11705174 By Ms Sarah Welch - Own work, CC BY-SA 4.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=73838568 By Probably Nurpur, Punjab Hills, Northern India - http://www.mfa.org/collections/object/brahma-149171, Public Domain, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=18851138 https://en.wikipedia.org/wiki/File:India_250_BC.jpg#filelinks By Map created from DEMIS Mapserver, which are public domain. Koba-chan.Reference: - This file has been extracted from another file, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=115192511 By Justus Perthes, Gotha./Charles Joppen - Joppen, Charles [SJ.] (1907), A Historical Atlas of India for the use of High-Schools, Colleges, and Private Students, London, New York, Bombay, and Calcutta: Longman Green and Co. Pp. 16, 26 maps, PD-US, https://en.wikipedia.org/w/index.php?curid=21694130 By Philg88 - Own work, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=11900403 By see source - my father-in-law took the picture and let me upload it to commons.wikimedia.org under GFDL, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=2103826 By Pixelflake - Own work, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=19989908 By Hel-hama - Own work, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=27624659 19 Junior High School Kasaysayan ng Daigdig LESSON 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Bibliograpiya Magsulat dito… Mga Sinaunang Kabihasnan Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig B1- MODYUL 1 Sinaunang Kabihasnan 20