ARALIN-3-Posisyong-Papel 3 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Comprehensive Cultural Assessment in Transcultural Nursing PDF
- Comprehensive Cultural Assessment in Transcultural Nursing PDF
- Aralin 3_Nasyonalismo, Rehiyonalismo, at Imperyalistang Tagalog PDF
- Posisyong Papel: 5-Posisyon STEM (PDF)
- ARALIN 4 - PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL PDF
- PANGANGATWIRAN (Tagalog) PDF
Summary
This document is a Tagalog guide on writing a Position Paper. It discusses the elements of a Position Paper, steps in developing one, and strategies for sharing it with the community
Full Transcript
POSISYONG PAPEL Posisyong Papel ▪Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu; ▪Naglalaman ito ng mga katwiran o ebidensiya para suportahan ang paninindigan; ▪Mahalagang bahagi rin nito ang posisyo...
POSISYONG PAPEL Posisyong Papel ▪Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu; ▪Naglalaman ito ng mga katwiran o ebidensiya para suportahan ang paninindigan; ▪Mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katwiran ng kataliwas o katunggaling panig. ▪Isa o dalawang pahina lamang, upang mas madali itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng posisyong papel. Mga dahilan kung bakit Makabuluhan ang Posisyong Papel ▪Panig ng may-akda ⮚Nakakatulong ang pagsulat ng posisyong papel upang mapalalim niya ang kaniyang pagkaunawa sa isang tiyak na isyu. ⮚Naipapakilala niya ang kaniyang kredibilidad sa komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing usapin. ▪Sa Lipunan ⮚Ang posisyong papel ay tumutulong para maging malay ang mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping panlipunan. ⮚Ang posisyong papel ay magagamit na batayan ng mga tao sa kanilang mga sariling pagtugon at pagsangkot sa usapin. Dalawang mahalagang salita 1. Katuwiran – galing sa salitang “tuwid” na nagpapahiwatig ng pagiging tama, may direksyon o layon. 2. Paninindigan – galing sa salitang “tindig” na nagpapahiwatig naman ng pagtayo, pagtatanggol, paglaban, at pagiging tama. Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel 1. Tiyakin ang Paksa May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng posisyong papel. a) Ang posisyong papel ay binubuo para sumangkot sa isang napapanahong usapin na pinagtatalunan. b) Maaari din namang bumuo ng posisyong papel bunsod ng isang napansing problema sa kagyat na kapaligiran o lipunan. 2. Gumawa ng panimulang saliksik ⮚ Magbasa-basa ng mapagkakatiwalaang sanggunian o mangalap ng pananaw ng awtoridad sa paksa. ⮚ Sikaping maging bukas muna ang isip para makabuo ng matalino at makatuwirang posisyon. ⮚ Iwasan munang kumiling sa isang panig na maaaring humadlang para makita ang iba’t ibang pananaw sa usapin. ⮚ Ibatay ang desisyon sa iyong posisyon sa mga nakalap na batayan mula sa mga sanggunian ⮚ Tiyaking eksperto ang mga taong pagkukuhanan ng pananaw. ⮚ Suriin at siguraduhin ang katotohanan ng mga pahayag. 3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran ⮚Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang dalawang posisyon. ⮚Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanay para magkaroon ng biswal na representasyon ng mga ito. ⮚ Tandaan na hindi ito pahabaan ng listahan at kailangan pa ring timbangin ang bigat at halaga ng bawat isa. ⮚ Batay sa paglilista at pagtitimbang, bumuo ng sariling paninindigan. 4. Gumawa ng mas malalim na saliksik ⮚Maaring pagtuunan ang mga katuwiran para sa panig ng napiling paninindigan. ⮚ Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong Journal. ⮚Maaaring makipanayam sa mga taong may awtoridad sa paksang pinagtatalunan. ⮚Mahalagang ring gumamit ng mga ulat ng ahensya ng pamahalaan, NGO, pribadong organisasyon, pahayagan, at magasin upang makapagtampok ng napapanahon na mga datos o impormasyon. 5. Bumuo ng balangkas ⮚ Introduksiyon – ipakilala ang paksa. ⮚ Mga Katuwiran ng Kabilang Panig – isa-isang ihanay dito ang mga katuwiran ng kabilang panig. ⮚ – isa-isa namang ihanay ang sariling mga katuwiran. ⮚ Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran – dito maaaring palawigin ang paliwanag sa sariling mga katuwiran. ⮚Huling paliwanag Kung Bakit ang Napiling Paninindigan ang Dapat – lugumin dito ang mga katuwiran. ⮚Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Mungkahing Pagkilos –sa isa o dalawang pangungusap na madaling tandaan, muling ipahayag ang paninindigan na nagpapahayag ng malakas na panawagan sa aksyong nais ipagawa sa taumbayan o mga sektor ng lipunan 6. Sulatin ang posisyong papel ⮚ Kailangang buo ang tiwala at paninindigan. ⮚Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa mambabasa na kapani-paniwala ang mga sinabi sa posisyong papel. ⮚ Ipakita ang awtoridad sa usapin. ⮚Patunayan na ang sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat. 7. Ibahagi ang iyong posisyong papel ⮚Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad; ⮚ Ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao; ⮚ Ipalathala sa pahayagan; ⮚Magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon, radyo, at iba pang daluyan. ⮚Maaari ding gamitin ang social media upang maabot ang mas maraming mambabasa.