ARALIN 4 - PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
Summary
This is a Tagalog lesson about writing a position paper, outlining the components of a position paper. It details what a position paper is and how to write it.
Full Transcript
# Posisyong Papel ## Ano ang Posisyong Papel? * Ito ay salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinusulat ng may-akda o natukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. * Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominy...
# Posisyong Papel ## Ano ang Posisyong Papel? * Ito ay salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinusulat ng may-akda o natukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. * Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo. * Ang balangkas nito ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang sa pinaka-komplikadong tulad ng isang akademikong posisyong papel. * Ginagamit din ito ng mga malalaking organisasyon upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi. * Nagbibigay daan ito sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa akademikong pagsulat. * Pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong iniharap gamit ang ebidensya mula sa malawak at obhektibong talakayan ng vnaturang paksa. ## Mga Kailangan sa Pagbuo ng Posisyong Papel: 1. Gumamit ng katibayan upang suportahan ang iyong posisyon tulad ng ebidensyang istatistikal, petsa at mga kaganapan. 2. Patunayan ang iyong posisyon sa tulong ng mga kapani-paniwalang sanggunian o pangunahing pinagkukunan ng sipi. 3. Suriin ang mga posibleng solusyon at magmungkahi ng mga aksyon. Pumili ng isang isyu kung saan mayroong isang malinaw na dibisyon ng opinyon at kung saan ito ay maaaring patunayan ng mga katotohanan at ng masaklaw na paraan ng pangangatwiran. Maaari kang pumili ng isang isyu kung saan mo na binuo ang isang opinyon. Gayunman, nangangailangan ang pagsulat na ito ng isang kritikal na pagsusuri. ## Hamunin ang Iyong Sariling Paksa * Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel. * Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw. * Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito. * Sa kadahilanang ito, dapat mong maisa-isa ang mga argumento para sa mga kasalungat na posisyon, iilahad ang mga argumentong ito sa isang obhetibong paraan, at tukuyin kung bakit hindi tumpak ang mga ito. * Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya sa gitna ng isang pirasong papel, ilista ang iyong mga punto na sang-ayon sa iyong posisyon sa isang bahagi at mga kasalungat na punto naman sa kabilang bahagi. Pagkatapos ay tayain kung anong posisyon ba talaga ang mas mahusay. ## Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan * Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa iyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik. * Pumunta sa aklatan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng datos. * Maaari ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto sa paksa (tulad ng mga doktor, abogado, o propesor). * Gayundin ng mga personal na karanasan mula sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng ibang tao, at iba pa na maaaring makaantig sa damdamin ng mambabasa. ## Lumikha ng Balangkas * Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel: * Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon (background information). * Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon. * Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon. * Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon. * Pangatwiranang pinakamahusay at.nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad na mga kontra-argumento. * Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. * Sa pagsulat ng posisyong papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa impormasyon. Maging matatag sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging magalang. * Iparating ang iyong mga punto at patunayan ang mga ito gamit ang mga ebidensiya. * Bago ang pagsusulat ng iyong posisyong papel, tukuyin at maingat na limitahan ang iyong isyu. * Ang mga isyung panlipunan ay mahirap unawain at may maraming mga solusyon. * Paiksiin ang paksa ng iyong papel sa paraang madaling pamahalaan. * Saliksikin nang lubusan ang iyong isyu. * Komunsulta sa mga eksperto at kumuha ng mga pangunahing dokumento. * Isaalang-alang ang pagiging posible, kabisaat at pulitikal o sosyal na kapaligiran kapag sinusuri ang mga posibleng solusyon at aksyon. ## Mga Bahagi ng Posisyong Papel: ### Panimula * Dapat malinaw na makilala ang pagpapakilala, ang mga isyu at estado ng posisyon ng may-akda. * Ito ay dapat na nakasulat sa isang paraan na nakakakuha ng pansin sa mambabasa. * Dito dapat malinaw ang pagkakakilanlan ng mga isyu at pagpapahayag ng posisyon. ### Katawan * Ito ay maaaring maglaman ng ilang mga talata. * Ang bawat talata ay dapat nagpapakita ng isang ideya o pangunahing konsepto na naglilinaw ng isang bahagi ng pahayag sa posisyon at ito ay sinusuportahan ng mga ebidensya o katotohanan. * Ang mga katibayan ay maaaring maging pangunahing pinagkunan ng sipi, statistical data, mga panayam sa mga eksperto, at hindi mapag-aalinlanganang petsa o mga kaganapan. * Ang mga katibayan ay dapat ding humantong sa pasaklaw na pangangatuwiran patungo sa pangunahing konsepto o ideya na ipinakita sa talata. * Ang katawan ay maaaring magsimula sa ilang mga saligang impormasyon at dapat isama ang isang talakayan ng magkabilang panig ng isyu. ### Konklusyon * Dapat ibinubuod nito ang mga pangunahing konsepto at ideya at pinatitibay ito nang walang pag-uulit, ang pagpapakilala o katawan ng papel. * Ito ay maaaring magsama ng mga iminungkahing aksyon at mga posibleng solusyon. ## Ilang Paksang Maaaring Pagtuunan ng Pansin: 1. Ang pandaigdigang pagbabago ng klima ba ay ginawa ng tao? 2. Epektibo ba ang parusang kamatayan? 3. Makatarungan ba ang proseso ng ating halalan? 4. Nailalayo ba ng curfew ang mga kabataan sa kapahamakan? 5. Hindi ba napipigilan ang pandaraya? 6. Masyado ba tayong umaasa sa teknolohiya? 7. Kailangan bang mahinto na ang paninigarilyo? 8. Mapanganib ba ang paggamit ng cellphone? 9. Ang pagpapatupad ba ng batas sa paggamit ng kamera ay isang panghihimasok sa privacy? 10. Ang mga marahas na video games ba ay maaaring maging sanhi ng mga problema sa pag-uugali ng isang tao. ## Halimbawa ng Posisyong Papel: * Ipagtanggol ang Tagumpay ng Wikang Filipino, Tutulan ang Pagbabalik ng Ingles Bilang Pangunahing Eikang Panturo Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas - Diliman * Parusang Kamatayan ## Parusang Kamatayan ni: Cristine Joy Cabuga * Usaping may kinalaman sa parusang kamatayan ay bakit hindi mamatay matay? Makakatulong ba sa isang bansa ang ganitong uri ng parusa o ito ay mas makakasama at makakalala? Mayroon nga ba itong magandang naidudulot sa bansa kapag napasiyahang ibalik ito? * Ang parusang kamatayan ay isang mainit na usapin lalo na dito sa pilipinas. Maraming mga Pilipinong tumututol at sumasang-ayon dito at isa na lamang ako sa libo-libong Pilipinong di sumasang-ayon sa pagbabalik ng parusang kamatayan. Ano nga ba ang parusang kamatayan o death penalty?. Ayon sa Republict Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa gumagawa ng mga kagimbal gimbal na krimen. Ilan sa mga halimbawa ng mga krimen na maaaring humantong sa kaparusahang kamatayan ay parricide, murder, qualified bribery, piracy, kidnapping, robbery, rape at drug pushing. Ano nga ba ang aking mga dahilan kung bakit ako tumututol laban sa death penalty?. * Unang dahilan, dahil ang pagpatay ay isang kasalanan sa Diyos at sa batas. Hinihimok ng Simbahang katoliko na labanan ang death penalty sa Pilipinas sapagkat ito'y hindi naaayon sa bibliya at batas ng Diyos. Ayon kay Pope Francis ang santo papang tinitingalaan ng mga katoliko. Ang pagbibitay ay dapat tutulan sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitay ay walang moral na kalalagyan sa mga turong katoliko (O' Connell, 2016). Ang death penalty ay pagkitil ng buhay ng tao at ang buhay ay pinahahalagahan ng mga katoliko at ng Simbahang Katoliko. * Pangalawa, hindi ito magandang dahilan upang mabawasan ang kriminalidad ng isang bansa sapagkat ng dahil dito nawawalan na ng tamang hatol para sa nagkasala at makamtan ang hustisya. Ang nagkasala ay nararapat lamang mahatulan batay sa kanyang nagawang pagkakasala ngunit hindi dahilan ang pagpatay upang makamtan ang hustisya. Mawawala ang kalidad ng batas at hustisya ng isang bansa kung ang tanging paraan lamang upang makamtan ito ay ang pagpatay. * Pangatlo, ang isang nagkasala ay may karapatang mag bago ayon nga sa isang kialalang kasabihan ang tao ay nagbabago, hayaan natin silang pagbayaran ang kanilang nagawang kasalanan sa patas at maayos na pamamaraan di natin kailangan gumamit ng dahas upang makamtan ang hustisyang nais makamit. * Para sa akin di rin naman biro ang makulong sa isang seldang masikip, mainit at malayo sa pamilya sapat na sigurong sila'y maghirap sa kanilang ginawa upang mapagbayaran ito. Ang mga nagkakasala at nagkakamali ay marapat lamang na sila ay magdusa at magbayad upang sila'y matuto sa kasalanang kanilang ginawa huwag nating hayaang mabahiran ng dugo ang kamay ng ating batas. * Ang buhay natin ay hiram lamang mula sa maykapal wala tayong karapatang kumuha nito maliban sa kanya. Hayaan na natin ang Diyos ang mag bigay ng parusa na ginawa niya dito sa lupa sapagkat naniniwala akong hindi dito sa lupa ang huling hatol kundi sa kanya. Kaya sikapin nating malabanan ang parusang kamatayan dito sa ating bansa sapagkat hindi ito ang sagot sa hustisya. Pinahayag ng CBCP na, “Ang buhay ng bawat tao ay galing sa Diyos. Ito ay kanyang kaloob at Siya lang ang makababawi nito. Kahit ang pamahalaan ay walang karapatan na kumitil ng buhay sapagkat siya ay katiwala lamang ng buhay at hindi ang may-ari nito.”