6-Week 6 Agenda at Katitikan ng Pulong PDF
Document Details
Uploaded by RetractableHydrogen
Tags
Related
- Meeker School District RE-1 Board of Education Regular Meeting November 2023 PDF
- FILIPINO SA PILING LARANGAN Modyul 1 PDF
- Pagsusulat ng Memo, Adyenda, at Katitikan ng Pulong PDF
- Agenda at Katitikan ng Pulong PDF
- Agenda Mesyuarat MBJ Pihak Pekerja Bil. 3/2024
- KATITIKAN NG PULONG Minutes of the Meeting PDF
Summary
This document provides a detailed overview of meeting agendas and minutes. It covers topics such as objectives, agenda structures, and discussion points. The document is written in Filipino.
Full Transcript
Layunin: a)Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong. b)Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin na sumusunod istilo at pamamaraan ng agenda at katitikan ng pulong. c) Napapahalagahan ang pagkatuto ng paksa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ideya sa kahalagahan ng agenda...
Layunin: a)Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong. b)Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin na sumusunod istilo at pamamaraan ng agenda at katitikan ng pulong. c) Napapahalagahan ang pagkatuto ng paksa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ideya sa kahalagahan ng agenda at katitikan ng pulong. Agenda listahan, plano, o balangkas ng mga pag- uusapan, dedesisyunan, o gagawin sa isang pulong nakasulat nang kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito ginagamit sa pagtukoy sa mga gawaing dapat aksiyunan o bigyan ng prayoridad Kahalagahan ng Agenda: Nabibigyang katuturan at kaayusan ang daloy ng pulong. Nalalaman ang pag-uusapan at mga isyu o suliraning dapat tugunan. Natatantiya ang oras ng pulong dahil malinaw kung ano ang dapat pag-usapan. Naiiwasan ang pagtalakay sa usaping hindi kabilang sa prayoridad. Nabibigyang tuon ang usaping inilatag. Haba ng Agenda: ang haba ay nakadepende sa mga paksang pag- uusapan isaalang-alang ang interes ng tagapakinig upang maging produktibo at matugunan ang agenda ng pagpupulong maaaring hatiin ang agenda sa pulong, pwede namang ipagpatuloy sa susunod na araw Uri ng Agenda: 1. Agendang nagbibigay impormasyon - pakikinig lamang ang gagawin ng dadalo dahil walang dapat tugunan 2. Agendang kailangang tugunan – kailangang ang pagbibigay ng desisyon Katitikan ng Pulong: Opisyal na tala o rekord ng mahahalagang puntong napag-usapan sa pulong ng isang organisasyon. tinatawag na minutes of the meeting sa Ingles mahalagang detalye at hindi verbatim ng pulong ang isusulat Katitikan ng Pulong: Ililista sa katitikan ang sumusunod: - pangalan ng organisasyon - petsa - lugar o pook na pagdarausan ng pagpupulong -dumalo at hindi nakadalo - oras ng pagsisimula at pagtatapos - rekord ng pinag-usapan, napagkasunduan, at usaping natugunan - taong magsasagawa ng aksiyon at panahon ng pagsakatuparan - suhestiyon at ang nagrekomenda - isyung pinagbotohan at ang resulta Kahalagahan ng Katitikan: daan para maalala ng dumalo, at malaman ng mga hindi nakadalo ang pinag-usapan madaling mabalikan ang napagkasunduan at napag-usapan Haba ng Katitikan: nakasalalay ang haba sa napag-usapang desisyon maaaring isulat nang verbatim ang ilang bahagi Sinasagot ang 5Ws at H na katanungan Karagdagang Impormasyon: Madalas na inihahanda ng sekretarya. Mas mainam irekord ang pinag-usapan at isaayos ito pagkatapos mismo ng pulong. Kapag natiyak na walang kamalian at naaprubahan na ang katitikan ay maaaring mamahagi ng kopya.