ARALIN 1.3 - TEKSTONG PERSWEYSIB AT ARGUMENTATIB PDF
Document Details
Uploaded by EnterprisingSymbol
Tags
Summary
This document is a lesson plan for Filipino Language Arts covering Persuasive and Argumentative texts. It outlines the learning objectives, provides examples of propaganda devices like name-calling, glittering generalities, and more. Also includes steps on how to write an argumentative essay.
Full Transcript
TEKSTONG PERSWEYSIB at ARGUMENTATIBO LAYUNIN Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng...
TEKSTONG PERSWEYSIB at ARGUMENTATIBO LAYUNIN Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa. HALINA’T MANUOD Ano ang naging istilo ng adbertismo sa pagkuha ng atensyon ng mga manunuod? Naging mabisa ba ito? MENTIMETER Sa iyong palagay ano-ano ang mga salik na isinasaalang-alang ng mag-aaral sa pagpili sa OLCA bilang kanilang paaralan? Mahalagang Katanungan Bilang isang mambabasa at manunulat bakit mahalagang pag- aralan at matutong bumuo ng tekstong persuweysib at argumentatibo? TEKSTONG PERSUWEYSIB TEKSTONG PERSUWEYSIB Nangungumbinsi batay sa katotohanan na inilalahad sa anyo ng isang opinyon at subhetibo. Nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpukaw ng emosyon ng mambabasa at pagpokus sa kredibilidad ng may-akda. Elemento ng TEKSTONG PERSUWEYSIB ETHOS - ang karakter, imahe, o reputasyon ng manunulat o tagapagsalita LOGOS - ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita PATHOS - emosyon ng mambabasa o tagapakinig URI NG PROPAGANDA DEVICES 1. NAME CALLING - Pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit sa mundo ng politika. Halimbawa: Ang pekeng sabon, bagitong kandidato o trapo(traditional politician) 2. Glittering Generalities - Gumagamit ng magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. Halimbawa: Mas makakatipid sa bagong TIDE. Ang iyong damit ay mas magiging maputi sa TIDE, puting- puti. Bossing sa katipiran at bossing sa kaputian. 3. TRANSFER - Paggamit ng sikat upang mailipat ang kasikatan sa ini-endorsong produkto o tao. 4. TESTIMONIAL - Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang gumagamit at nag- eendorso ng isang produkto base sa kanyang karanasan. 5. PLAIN FOLKS - Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, serbisyo o produkto. Halimbawa: Mga social experiment 6. CARD STACKING - Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian at nilalaman. Halimbawa: Ang isang instant noodles ay nagbubuklod ng pamilya. (ngunit di naman binabanggit na kaunti lamang ang taglay nito sustansiya) 7. BANDWAGON - Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat sumali na. Halimbawa: Buong bayan nakaPESO padala, ikaw ano pang hinihintay mo? Tara na!!! INDIBIDWAL NA PAGSASAGOT Bigyang halimbawa ang bawat uri ng propaganda devices Name Calling Plain Folks Transfer Card Stacking Testimonial Bandwagon Glittering Generalities TEKSTONG ARGUMENTATIBO / NANGANGATWIRAN - Uri ng teksto kung saan nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang kanyang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga sumusunod: TEKSTONG ARGUMENTATIBO / NANGANGATWIRAN ebidensya mula sa personal na karanasan kaugnay na mga literatura at pag-aaral ebidensyang kasaysayan empirikal na pananaliksik HAKBANG SA PAGSULAT NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO 1. Pumili ng paksang isusulat na 4. Gumawa ng borador (draft). angkop para sa tekstong Unang talata: Panimula argumentatibo. Ikalawang talata: Kaligiran o ang kondisyon o sitwasyong 2. Itanong sa sarili kung ano ang nagbibigay-daan sa paksa. panig na nais mong panindigan at Ikatlong talata: Ebidensiyang ano ang mga dahilan mo sa pagpanig susuporta sa posisyon. dito. Magdagdag ng talata kung mas maraming ebidensiya. 3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong posisyon. 7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. 4. Gumawa ng borador (draft). Ito ang magiging pinal na kopya. Ikaapat na talata: Counterargument. Ilahad ang mga lohikal na dahilan kung 6. Basahing muli ang isinulat upang bakit ito ang iyong posisyon. maiwasto ang mga pagkakamali sa Ikalimang talata: Unang gamit ng wika at mekaniks. kongklusyon na lalagom sa iyong isinulat. Ikaanim na tálata: "E ano 5. Isulat na ang draft o borador ng ngayon kung 'yan ang iyong iyong tekstong argumentatibo. posisyon?" HAKBANG SA PAGSULAT NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO MGA URI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO O NANGANGATWIRAN 1. Pangangatwirang Pabuod o (Inductive Reasoning) - Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa malaking kaisipan. MGA URI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO O NANGANGATWIRAN 2. Pangangatwirang Pasaklaw o (Deductive Reasoning) - Kabaligtaran ng naunang uri na kung saan nagsisimula ang paglalahad sa malaking kaisipan tungo espisipikong detalye. PAgtaTALASTASan Hulaan ang tagline ng mga sumusunod na produkto. PaghahamVENN Argumentatibo Persweysib Mahalagang Katanungan Bilang isang mambabasa at manunulat bakit mahalagang pag- aralan at matutong bumuo ng tekstong persuweysib at argumentatibo? SALAMAT! MGA SANGGUNIAN Phoenix Publishing Pinagyamang Plumasa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ni Mary Grace del Rosario PINTIG Senior High School Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ni: Servillano T. Marquez Jr., PhD Pananaliksik sa silid-aklatan o Internet Mga awtentikong kagamitan tulad ng mga totoong senaryo, larawan at kagamitangpampagtuturo Mga Elektronikong Kagamitan