Araling Panlipunan 10 Modyul 5: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan 2020 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Tags
Related
- National Disaster Resilience Month Quiz Bee Reference Guide PDF
- CBDRM Plan (Part 2) PDF
- Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan PDF
- MODULE 1_ENG_3DAY.ppt.pptx
- Disaster Readiness and Risk Reduction Module 15 PDF
- Chapter 4 Disaster Risk Reduction and Management PDF
Summary
Ang modyul na ito ay isang gabay sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan. Ipinakita ang mga hakbang sa pagbuo ng planong ito, nagpapakita ng kaalaman sa iba’t-ibang hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan, at nagbibigay ng mga aktibong hakbang mula sa mga mamamayan, komunidad at pamahalaan sa pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng peligro.
Full Transcript
10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan i CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative...
10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan i CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad’. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Gina P. Banogon Editor : Francisco P. Casipit, Jr., Rey B. Pascua, Jose Gerardo R. Garcia Maricel N. Guerrero, Elisa R. Ranoy, Melchor E. Orpilla Cynthia B. Tablang Tagasuri Editha T. Giron , Orlando I. Guerrero, Gina A. Amoyen Edgar L. Pescador, Ronald P. Alejo, Eric O. Cariňo, Aurelio C. Dayag, Jr., Evangeline A. Cabacungan, Rowena R. Abad Tagaguhit: Richard B. Isidro Tagalapat: Jestoni H. Amores, Mary Ann L. Cabilan, Aldrin R. Gomez Tagapamahala: Tolentino G. Aquino, Wilfredo E. Sindayen, Arlene A. Niro Ronald B. Radoc, Gina A. Amoyen, Orlando I. Guerrero Editha T. Giron Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 607-8137 / 682-2324 E-mail Address: [email protected] 10 Araling Panlipunan Unang Markahan- Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Sa kasalukuyan, isinusulong ang Community Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Ang CBDRRM ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng panganib at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay at pagtataya ng mga peligro na maaari nilang maranasan. Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan kang magkaroon ng malawak na kaalaman sa iba’t ibang hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan. Ang mga paksa at mga gawain sa modyul na ito ay inihanda upang magabayan ka at magkaroon ka ng kakayahan na bumuo ng epektibong CBDRRM Plan ng iyong komunidad na kinabibilangan. Ang CBDRRM Plan ay mahalaga upang mabigyan nang maayos na paghahanda at pagtugon sa anumang panganib na maaaring maranasan ng iyong komunidad. Sa pamamagitan ng pagbuo ng plano alinsunod sa mga hakbang na nailahad sa modyul na ito ay iyong mauunawaan ang kahalagahan ng CBDRRM Approach para sa mas epektibong pagtugon sa panahon ng panganib. Nakatuon ang modyul na ito sa Aralin 5 na tutukoy sa Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management Plan. Ito ay nahahati sa apat na yugto sa paghahanda ng CBDRRM Plan: Ika-pitong Linggo Paksa 1: Unang Yugto: Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad Paksa 2: Ikalawang Yugto: Paghahanda sa Kalamidad Ika-walong Linggo Paksa 3: Ikatlong Yugto: Pagtugon sa Kalamidad Paksa 4: Ikaapat na Yugto: Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan (MELC5) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: Nasusuri ang mga konsepto at salik na mahalaga sa pagtataya sa mga maaaring maidulot ng disaster. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging handa sa disaster na maaaring maranasan ng tao. Natutukoy ang tugon na dapat gawin ng mamamayan sa panahon ng sakuna o disaster. 1 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Naisagagawa ang mga gawain bilang paghahanda sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan. Nakabubuo ng CBDRRM Plan batay sa kalagayan ng sariling komunidad. Subukin Iyong sagutin ang panimulang pagtataya upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagot nang wasto at sikaping alamin ang tamang sagot habang isinasagawa ang mga kasanayan ng mga aralin sa modyul na ito. Gawain 1: Paunang Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot gamit ang iyong sagutang papel. 1. Ang yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad. A. Paghahanda sa Kalamidad C. Rehabilitasyon sa Kalamidad B. Pagtugon sa Kalamidad D. Paghadlang sa Kalamidad 2. Isinasagawa ito upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad. A. Pagtataya ng Kapasidad C. Pagtugon sa Kalamidad B. Pagatataya ng Peligro D. Paghahanda sa Kalamidad 3. Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay tinatawag na ________ A. Paghahanda sa Kalamidad C. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad B. Pagtugon sa Kalamidad D. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad 4. Nakapaloob sa yugtong ito ang mga gawain tulad ng pagtataya ng panganib o hazard assessment at pagtataya ng kakayahan o capability assessment. A. Paghahanda sa Kalamidad C. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad B. Pagtugon sa Kalamidad D. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad 5. Layunin ng Paghahanda sa Kalamidad ang sumusunod maliban sa: A. magbigay impormasyon C. magbigay payo B. magbigay ng pagbabago D. magbigay ng panuto 6. Sa pagsasagawa ng pagtatasa ng kakulangan at kahinaan o vulnerability assessment, mahalaga na masuri ang sumusunod na salik maliban sa: A. Elementong nalalagay sa peligro C. Lokasyon ng mga mamamayang nasa peligro B. Mamamayang nalalagay sa peligro D. Lokasyon ng mga elementong 2 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 nasa peligro 7. Ito ay isang paraan sa pagsasagawa ng hazard assessment kung saan sinusuri ang mga panganib na nararanasan sa lugar at ang antas ng pinsala. A. Hazard Mapping C. Historical Profiling B. Hazard Profiling D. Risk Management 8. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibaghagi ng mga mamamayan. A. Community Based Disaster Risk Reduction Management Approach B. Community Preparedness and Risk Management Approach C. Philippine Disaster Risk Management D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council 9. Sa pagbuo ng CBDRRM plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang panganib at kalamidad? A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan. B. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan. C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan. D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao. 10. Bahagi ng Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad ang mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito? A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa pampamahalaan B. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad C. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot 11. Ang CBDRRM Approach ay isang proseso ng paghahanda. Upang maging matagumpay ang CBDRRM Approach nangangailangan ito ng masusing pagpaplano at ___________ A. tapat na pinuno C. suporta ng mga Non-Governmental Organizations B. sapat na pondo D. pakikibahagi ng lahat ng sektor ng lipunan 3 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 12. Ang pagbuo ng CBDRRM Plan ay sumusunod sa isang sistematikong paraan ng pagtukoy sa mga pangangailangan ng komunidad. Ano ang tamang pagkakasunud- sunud sa mga yugto ng pagbuo nito? I. Paghahanda sa Kalamidad III. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad II. Pagtugon sa Kalamidad IV. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad A. I, II, III, IV B. II, I, III, IV C. IV, I, II, III D. I, IV, II, III 13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad? A. Pagtataya ng Panganib C. Pagtataya ng Kapasidad B. Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan D. Pagtataya ng Peligro 14. Bahagi ng Community Based Disaster Risk Reduction Management Plan ang pagtataya sa lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Alin sa sumusunod ang sumusuporta rito? A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan. B. Magiging epektibo ang aksyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon kung ito ay napapahalagahan. C. Maiiwasan ang pinsala na maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay mapahahalagahan. D. Magsisilbing gabay sa pagtugon sa pangangailangan ng nakaranas ng kalamidad. 15. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging handa sa mga kalamidad? A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga mamamayan. B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamayanan. C. Ipagbigay alam ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan na maaring magdulot ng kapahamakan. D. Magsagawa ang mga pinuno ng pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga maaapektuhan. 4 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Aralin Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng 1 Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan Isang napakalaking hamon sa isang pamayanan ang pagbuo ng epektibong Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan. Sa pamamagitan ng modyul na ito, iyong mauunawaan ang mga hakbang ng pagsasagawa ng plano. Ang mga kaalaman na iyong matututuhan ay magagamit mo sa pagtupad ng iyong tungkulin bilang isang responsableng mamamayan na may pagmamalasakit sa kapakanan ng sariling pamayanan lalo na sa pagtugon sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran. Balikan Gawain 2: KKK ka ba? Bago mo simulan ang pag-aaral sa bagong paksa, mainam na balikan mo muna ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin dahil ang mga ito ang magsisilbing basehan mo sa mga gawain ng araling ito. Sagutan mo ang sumusunod na gawain. Punan ng hinihinging datos ang tsart. KKK Top-down Approach Bottom-up Approach Kahulugan Kalakasan Kahinaan Sa pagbuo ng disaster management plan, mahalaga ang dalawang pinagsanib na paraan dahil____________________________________________________________________ Magaling! Ito ay patunay na naintindihan mo ang nakaraang paksa at alam mo na ang kahalagahan ng kahandaan sa anumang hamon o suliraning pangkapaligiran na maaaring maranasan ng iyong pamayanan. Ngayon, bilang paghahanda sa mga talakayan sa modyul, iyong pagtuunan ng pansin ang susunod na gawain. 5 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Tuklasin Ang pagiging handa sa pagharap sa anumang hamon ang pinakamahalagang magagawa ng isang tao para mapaglabanan ang anumang pagsubok na darating. Sa bahaging ito ng iyong pag-aaral ay tutuklasin mo ang lalim ng iyong pang-unawa tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagbuo ng CBDRRM Plan. Simulan mo na. Gawain 3: Krosword Puzzle Buoin ang puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng mga pahayag na nasa ibaba. 1 2 3 L I 4 5 6 R E I 7 8 E O S 9 E N 10 S 1. Ang kalagayang may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga panganib. 2. Paghahandang ginagawa upang mabawasan ang panganib na dulot ng suliranin at hamong pangkapaligiran. 3. Hamong pangkapaligiran na maaaring natural o bunga ng gawain ng tao. 4. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. 5. Tumutukoy sa panahon sa pagitan ng pagtukoy ng panganib at oras ng pagtama nito sa isang komunidad. 6. Ang pagpigil o pag-iwas sa panganib na dulot ng hamong pangkapaligiran. 7. Tumutukoy sa inaasahang pinsala sa buhay dulot ng pagtama ng kalamidad. 8. Sa yugtong ito tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng kalamidad. 9. Ang yugtong ito ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. 10. Ang isinasagawang pagtataya o pangangalap ng mga datos na magsisilbing batayan sa paggawa ng plano. Mahusay mong natapos ang gawain! Ang iyong paunang kaalaman ay tutulong sa iyo upang mas maging makabuluhan ang iyong pagsasagawa ng CBDRRM Plan. 6 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Suriin Binigyang-diin sa nakaraang paksa ang konsepto at kahalagahan ng CBDRRM Approach sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Ibig sabihin, hinihikayat ka bilang isang mag-aaral at bahagi ng pamayanan na maging aktibong kalahok sa pagsasagawa nito. Sa bahaging ito, ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na suriin ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan. Ito ang magsisilbing gabay mo sa pagbuo ng CBDRRM Plan para sa pamayanang iyong kinabibilangan. Sa susunod na bahagi ng aralin ay pagtutuonan mo ng pansin ang mga hakbang sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan. Handa ka na ba? Halika at iyong tuklasin ang mga nararapat gawin bilang paghahanda sa gagawing disaster management plan. Sige, simulan mo na. Tiyaking masasagot mo ang lahat ng mga inihandang gawain para sa iyo. Gawain 4: Pagsusuri ng Teksto. Basahin at suriing mabuti ang mga teksto sa susunod na mga pahina na nagpapaliwanag kung papaano nagiging dahilan ang mga gawain at desisyon ng mga tao sa pagkakaroon ng kalamidad. Pagkatapos, sagutan ang mga kasunod na gawain na inilaan para sa iyo. Gumamit ng sagutang papel sa lahat ng mga gawaing nakalaan sa iyo. UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD (Disaster Prevention and Mitigation) Ang yugtong ito ay tatalakay kung paano mapipigilan o mahahadlangan (prevention) at mababawasan ang panganib (mitigation) na maaaring maidulot ng kalamidad at hamong pangkapaligiran. Kailangang magkaroon ng sapat na kaalaman at pang-unawa ang mga babalangkas ng plano kung ano ang mga panganib, kung sino at ano ang maaaring mapinsala at kung maaari bang hadlangan o mabawasan ang epekto ng kalamidad. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nauuna ang pagtataya sa yugtong ito sa pagbuo ng plano ng Community Based- Disaster Risk Reduction Management. Sa bahaging ito ng pagpaplano, tinataya ang mga panganib at ang kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad at hamong pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na makukuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad 7 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Unang Yugto:Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad (Disaster Prevention and Mitigation) Pagtataya ng Pagtataya ng Pagtataya ng Kahinaan at Pagtataya ng Panganib Kapasidad Peligro (Risk (Hazard Kakulangan (Capacity (Vulnerability Assessment) Assessment) Assessment) Assessment) Paghadlang Mitigasyon Ang unang yugto na Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad ay nahahati sa dalawang bahagi; una, ang Paghadlang sa Kalamidad o Disaster Prevention na kinapapalooban ng Pagtataya ng Panganib, Kahinaan at Kakulangan at Kapasidad na tugunan ang kalamidad. Ang ikalawa ay ang Mitigasyon ng Kalamidad o Disaster Mitigation kabilang naman dito ang pagtataya sa peligro na maaaring maranasan ng komunidad. Pagtataya ng Panganib (Hazard Assessment) Sa nakaraang aralin iyong napag-aralan ang tungkol sa panganib (hazard) at ang uri nito: ang Likas o Natural na Panganib at ang Gawa ng Tao o Human-Induced Hazard. Sa yugtong ito sa pagbuo ng plano ng CBDRRM gagawin ang pagtataya ng panganib. Ang Pagtataya ng Panganib ay proseso ng pagtukoy o pagkilala sa katangian ng panganib, pagsusuri sa pinsala na maaaring maidulot nito at pamamahala sa panganib upang maiwasan ang matinding epekto nito sa isang lugar na makararanas ng sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Ang pagsasagawa ng Pagtataya ng Panganib ay mahalaga upang maunawaan ng isang komunidad ang panganib, sakuna o kalamidad na maaring maranasan sa kanilang lugar at magkaroon ng makabuluhang pagpaplano upang matugunan ito. Sa gagawing pagtataya dapat isaalang alang ang mga katangian ng panganib na maaring maranasan, upang maisagawa ng epektibo ang pagbuo ng plano. Magsisilbing gabay sa gagawing pagtataya ang mga katanungan na nasa ibaba. Ano ang iba’t ibang uri ng panganib na maaring maranasan sa lugar? Ano ang maaaring pagmulan ng panganib? Sino ang maaaring maapektuhan ng panganib? Kailan maaaring maranasan ang isang panganib? Gaano katindi o kalawak ang maaaring maging epekto nito? May kakayahan ba ang komunidad na tugunan ang hamon o panganib? 8 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Ayon sa mga ginawang pananaliksik, ang isa pang paraan ng pagtataya upang matukoy ang panangib na maaaring maranasan sa isang partikular na lugar ay ang pagsasagawa ng hazard mapping at timeline of events. Ang Hazard Mapping ay ang proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring makaranas ng panganib at ang mga elemento na maaaring maapektuhan nito tulad ng mga impraestruktura, agrikultura at kabuhayan ng mga mamamayan. Ang Timeline of Events ay ang paggawa ng balangkas ng mga nakaraang pangyayari upang masuri kung ano ang mga panganib na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas itong mangyari, at kung alin sa mga ito ang nagdulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan at kapaligiran. Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan (Vulnerability Assessment) Naunawaan mo sa unang bahagi ng iyong pag-aaral ang mga hakbang at kahalagahan ng pagtataya ng panganib. Sa susunod na bahagi ng aralin iyong susuriin kung ano ang nakapaloob sa Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan o Vulnerability Assessment at Pagtataya sa Kapasidad o Capacity Assessment. Malaki ang bahaging gagampanan ng mga datos na makakalap mula sa gawaing ito sa pagbuo ng Community Disaster Risk Reduction and Management Plan. Sa bahaging ito, tatayahin ang kahinaan at kakulangan ng isang komunidad maging ito ay sa mga mamamayaan o sa mga impraestrukturang may mataas na antas ng panganib. Ayon sa aklat nina Anderson at Woodrow (1990) na pinamagatang Rising from the Ashes, ang Pagtataya sa Kahinaan at Kakulangan ay mayroong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal; Sosyal o Panlipunan; at Pag-uugali ng tao tungkol sa panganib. Ang kahinaang pisikal o materyal ay tumutukoy sa kakulangang pinansiyal at likas na yaman upang makagawa o makapagpatayo ng mga estruktura na kayang hadlangan ang epekto ng kalamidad. Ang isang komunidad na kabilang dito ay maituturing na vulnerable at may malaking posibilidad na makaranas ng malawakang hagupit ng kalamidad. Ang kahinaang panlipunan ay tumutukoy sa kawalan ng kakayahan na tugunan o hadlangan ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang panganib. Mataas ang posibilidad na madaling maapektuhan o makaranas ng sakuna ang mga komunidad na walang maayos na ugnayan ang mga mamamayan at mahina ang pamamalakad ng pamunuan. Ito rin ay tumutukoy sa mga programa ng pamahalaan at ang suportang ibinibigay ng mga mamamayan. Ang pag-uugali tungkol sa panganib ay nagdudulot din ng kahinaan na maaaring maging dahilan ng mas matinding epekto ng panganib sa isang komunidad. Ang kawalan ng interes at negatibong pagtanggap sa pagbabago ng mga mamamayan ay bahagi sa pagtataya ng kahinaan ng komunidad. Ang kakulangan sa kaalaman at epektibong pagtugon sa harap ng panganib ay may malaking 9 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 kaugnayan sa pagiging vulnerable ng komunidad. May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad. Nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng panganib kung ang mga kahinaang nabanggit sa tatlong kategorya ay hindi matutugunan. Ang pagiging mulat ng mga mamamayan sa mga kaganapan at aktibong paglahok sa mga programa ng pamahalaan lalo na sa pagbuo ng plano sa CBDRRM ay kailangan upang maiwasan ang panganib. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, kailangang suriin ang sumusunod na konsepto para sa epektibong pagsasagawa ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan: Elementong nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa lahat ng elemento sa lipunan tulad ng mamamayan, kabahayan, impraestruktura, mga alagang hayop at pananim na maaaring maapektuhan. Mamamayang nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa mga taong maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad dahil sa kanilang kalagayang pisikal o kawalan ng kakayahan tulad ng mga buntis, may kapansanan, matatanda at mga bata. Kinaroroonan ng mga mamamayang nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa lokasyon ng mga taong itinuturing na may mataas na antas na makaranas ng panganib o vulnerable. Ang mga naninirahan sa mabababang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha at landslide naman sa mga naninirahan malapit sa paanan ng bundok. Ito ay halimbawa lamang ng mga pangkat na itinuturing na vulnerable. Ang pagsasagawa ng pagtataya ng kahinaan at kakulangan ay mahalaga dahil makatutulong ito sa pagbuo ng mas epektibong plano para sa CBDRRM. Pagtataya ng Kapasidad (Capacity Assessment) Ang Pagtataya ng Kapasidad ay ang proseso ng pagsusuri sa kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Katulad ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan, mayroon din itong tatlong kategorya: Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard. Sa pisikal o materyal na aspekto tinataya ang kakayahan ng komunidad o ng mga mamamayan na muling bumangon at bumawi pagkatapos na makaranas ng kalamidad. Ito ang susukat kung may kapasidad ba ang mga mamamayan na muling manumbalik sa dating pamumuhay. Maitatayo bang muli ang mga nasirang kabahayan, magagawa ba ang mga impraestrukturang naapektuhan, maibabalik ba ang kabuhayan ng mga ordinaryong mamamayan? Sa aspektong panlipunan tinataya ang kakayahan ng isang komunidad na harapin ang panganib at pagsusuri kung epektibo ang plano sa pamamahala sa kalamidad ng pamahalaan. Kabilang din dito ang kakayahan ng mga mamamayan na 10 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 magtulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga kalamidad. Mayroon bang kongkretong programa na magpapakita ng magandang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan Sa aspekto ng pag-uugali ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng kakayahan na ibahagi ang kanilang panahon at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ang komunidad na harapin o muling bumangon mula sa pinsala ng kalamidad. Maayos ba ang pagtanggap ng mga mamamayan sa mga makabagong programa ng pamahalaan. Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment) Ayon sa mga eksperto, ang Mitigasyon ng Panganib o Disaster Mitigation ay nararapat na isagawa bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at banta ng panganib upang maiwasan o mapigilan ang matindi at malawakang pinsala sa tao at kalikasan. Sa yugtong ito ng Mitigasyon ng Panganib sa pagbuo ng plano ng CBDRRM nakapaloob ang Pagtataya ng Peligro o Risk Assessment. Mahalagang magkaroon ng sistematikong pangangalap ng mga datos na maaaring gamitin sa pagsusuri sa mga panganib na dapat paghandaan. Sa pagkakataong ito, nagkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga tagapangasiwa kung ano ang mga programa at proyektong nararapat gawin upang maihanda ang mga komunidad sa pagharap sa panganib. Sa pamamagitan ng Pagtataya ng Peligro nagiging matibay ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga panganib na maaaring makaapekto sa kanilang komunidad at nagkakaroon sila ng sapat na pagkakataon na maghanda upang maiwasan ang matinding epekto ng nito. Ang Mitigasyon ng Panganib ay maaaring ikategorya sa dalawa, ang Mitigasyong Estruktural at Mitigasyong Di-estruktural Ang Mitigasyong Estruktural ay tumutukoy sa mga pisikal na paghahanda na ginagawa ng isang komunidad upang maging handa sa panahon ng pagtama ng panganib. Kabilang sa mga ito ang pagpapagawa ng mga estruktura na hahadlang sa matinding epekto ng kalamidad. Ang paglilinis ng mga baradong kanal, ang pagpapalalim sa mga ilog, pagtatayo ng dike ay nakatutulong upang maibsan ang pagbaha. Ang paggawa ng mga gusali na earthquake proof ay nakakatulong upang mabawasan ang pinsala na maaring maidulot ng paglindol. Ang Mitigasyong Di-estruktural ay tumutukoy sa paghahanda ng pamahalaan at komunidad kabilang sa mga gawain ay ang pagbuo ng plano sa pamamahala sa kalamidad, pagbibigay ng wastong kaalaman sa mga mamamayan at pagpapatupad ng mga programa upang mahadlangan ang malawakang epekto ng kalamidad. Isang epektibong paraan na maaring gawin sa mitigasyong di estruktural ay ang pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa katangian ng mga panangib na maaring maranasan at ang kahalagahan ng kahandaan. Dito masasabi natin na “Ligtas ang may alam”. 11 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Gawain 5: Ilarawan Mo Ako! Gumawa ng sariling paglalarawan sa mga konsepto na may kaugnayan sa paghadlang at mitigasyon ng kalamidad. Gawin ito sa hiwalay na papel. Pagtataya ng Panganib Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan Pagtataya ng Kapasidad Pagtataya ng Peligro Hindi natatapos ang CBDRRM Plan sa pagtataya ng mga banta ng kalamidad at kakayahan ng komunidad na harapin ito. Mahalagang gamitin ang mga impormasyong nakalap mula sa unang hakbang sa pagbuo ng ikalawang yugto: ang Paghahanda Sa Kalamidad IKALAWANG YUGTO: PAGHAHANDA SA KALAMIDAD (DISASTER PREPAREDNESS) Anong paghahanda ang ginagawa ng iyong pamayanan para sa mga darating na sakuna o panganib? Nakahanda ka ba? Ang ikalawang yugto sa pagbuo ng plano ng CBDRRM ay tinatawag na Paghahanda sa Kalamidad. Ito ay tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa ng mga mamamayan, komunidad at pamahalaan bago ang panahon ng pagtama ng kalamidad o sakuna. Sa pagkakataong ito, mahalaga na magkaroon nang sapat na kaalaman ang lahat ng mamamayan sa mga dapat gawin sa panahon ng pagtama ng kalamidad. Ang aktibong koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan, partisipasyon ng bawat sektor ng lipunan at kooperasyon ng mga mamamayan ang pinakasentrong batayan sa pagkakaroon ng sistematikong paghahanda sa kalamidad. Sa pamamagitan ng maayos na paghahanda, maiiwasan ang malawakang pinsala na maaaring maidulot ng isang kalamidad. Isang mahalagang gawain na nakapaloob sa yugtong ito ay ang pagbibigay ng paalala at babala bago tumama o maging sa panahon ng kalamidad. Maraming mga pagkakataon na ang makapagliligtas sa tao laban sa matinding epekto ng sakuna ay ang kanyang tamang kaalaman sa nagaganap sa kanyang paligid. Ang paghadlang sa malawakan at malubhang pagkasira ng mga estruktura, mapababa ang bilang ng mga maaapektuhan at mapadali ang pag-ahon 12 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad ang pangunahing layunin ng yugto ng Paghahanda sa Kalamidad. Tatlong Pangunahing Layunin ng Paghahanda sa Kalamidad Pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa Magbigay mga panganib, peligro, kakayahan, at pisikal impormasyon na katangian ng komunidad na mahalaga sa pagtugon sa kalamidad Pagbibigay ng gabay tungkol sa mga Magbigay payo nararapat gawin para sa proteksiyon, paghahanda, paghadlang at pag-iwas sa epekto ng kalamidad Paglalahad ng mga hakbang na dapat gawin, ligtas na lugar na dapat puntahan, at mga ahensiya na maaaring lapitan sa panahon ng kalamidad Sa yugto ng Paghahanda sa Kalamidad bilang bahagi sa pagbubuo ng plano ng CBDRRM nabibigyan nang sapat na impormasyon at pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng panganib at kalamidad upang maihanda sila sa maaaring epekto nito. Ang mga resulta ng pagtataya sa mga maaaring maranasang kalamidad at ang kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga ito ay bahagi lamang sa paghahanda sa plano ng pamamahala sa kalamidad. Ang susunod na bahagi ay magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa pagtugon sa gitna ng kalamidad. Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral at sagutan ang mga inihandang gawain para sa iyo. IKATLONG YUGTO: PAGTUGON SA KALAMIDAD (Disaster Response) Sa yugtong ito sa paghahanda ng plano sa pamamahala sa kalamidad o CBDRRM plan tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang maaaring maidulot ng isang kalamidad. Ang mga impormasyong makakalap ang magsisilbing batayan upang makabuo ng epektibong paraan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan o ng komunidad na makararanas ng kalamidad. 13 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Sa pagsasagawa ng epektibong pagtugon sa kalamidad ang sumusunod na pagtataya ay nararapat gawin upang magkaroon ng konkretong basehan sa pagbuo ng plano ukol dito. Ang Pagtatasa ng Pangangailangan o Needs Assessment ay ginagawa upang matukoy at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot. Ang Pagsusuri sa Pinsala o Damage Assessment ay pagtukoy sa lawak ng pinsalang dulot ng kalamidad tulad ng pagkasira ng mga impraestruktura at kabahayan. Ang Pagtatasa ng Pagkawala o Loss Assessment ay pagsusuri sa pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng serbisyo o produksyon dulot ng kalamidad katulad ng pagkasira ng mga pananim. Sa pagpaplano ng mga gawain sa Pagtugon sa Kalamidad mahalagang magkaroon ng koordinasyon at maayos na komunikasyon upang mabuo ang pagkakaisa ng lahat ng sektor ng lipunan na kasama sa pagsasagawa ng una at ikalawang yugto. Magiging matagumpay ang gagawing pagtugon sa mga makakaranas ng kalamidad kung ang resulta ng mga pagtataya sa pangangailangan, pinsala at pagkawala ang pagbabasehan. Sa bahaging ito ng pagbuo ng plano ng CBDRRM ay mahalaga ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang datos sa naging lawak ng pinsala ng kalamidad. Ang mga datos na ito ang magsisilbing batayan para sa huling yugto ng pagbuo ng plano ng CBDRRM, ang Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad. IKAAPAT NA YUGTO: REHABILITASYON AT PAGBAWI SA KALAMIDAD (Disaster Rehabilitation and Recovery) Ang huling yugto sa pagbuo ng plano ng CBDRRM ay nakatuon sa Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad. Sa bahaging ito, sinusuri ang mga nararapat na hakbang at gawain para sa mabilis na pagsasaayos ng mga napinsala ng kalamidad. Ang pagpapanumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ng pamumuhay ng mga mamamayang nasalanta ng kalamidad ang pangunahing tunguhin ng yugtong ito. Sa pagbuo ng plano para sa Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad nararapat na may konkretong hakbang upang maging sistematiko ang pagsasagawa ng mga programa. Ilan sa mga pangunahing bibigyang pansin ay ang pagpapanumbalik sa sistema ng komunikasyon at transportasyon; pagkukumpuni ng kabahayan; pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at pagsuporta sa mga kabuhayang napinsala ng kalamidad. Kung magkakaroon ng maayos na sistema ng pamamahala sa panganib ang isang lugar, maaaring maiwasan ang malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad. 14 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan, Non- Government Organizations (NGOs) at iba pang sektor ng lipunan sa pagpaplano at implementasiyon ng mga programa ng pamahalaan sa rehabilitasyon at pagbawi sa kalamidad. Ang sama-samang pagtugon ng lahat ng sektor ay magdudulot ng mabilis at matagumpay na muling pagbangon. Gawain 6: Interpretasyon mo, kailangan ko! Ang graphic organizer sa ibaba ay nagpapakita ng pagbubuod ng mga konsepto na iyong pinag-aralan. Sa pamamagitan nito magiging mas organisado ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Bago ka tumungo sa ibang bahagi ng modyul na ito, iyo munang gawin ang pagsusuri rito. Panuto: Gumawa ng pagbubuod batay sa makikitang graphic organizer sa ibaba. Gumamit ng sariling sagutang papel. Mga Gabay na Tanong: 1. Batay sa pagsusuri na iyong ginawa, bakit mahalaga na magkaroon ng maayos na pagpaplano sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction Management Plan? 2. Ano ang kahalagahan ng bawat yugto para magkaroon ng konkreto at komprehesibong pagpaplano ng CBDRRM? 3. Maaari bang mabuo ang CBDRRM plan kung tanging mga sangay lamang ng pamahalaan ang gagawa nito? 4. Paano mo ipakikita ang iyong pakikipagkaisa at kooperasyon sa pagbuo ng plano ng iyong komunidad? Mahusay mong natapos ang pagsusuri sa mga kaalaman tungkol sa mga hakbang sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction Management. Binabati kita. 15 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Pagyamanin Bilang paghahanda sa pagbuo ng plano CBDRRM ng iyong komunidad, mahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga detalye na may kaugnayan dito. Ang sumusunod na gawain ay inihanda para sa iyo. Ang mga ito ay susubok sa iyong kakayahan na mangalap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong sariling pamayanan na may kaugnayan sa mga banta na maaring maranasan pati na rin ang kakayahang tumugon ng mga mamamayan sa mga banta ng kalamidad. Gawain 7: Alamin Mo! Pumili ng isang uri ng panganib na maaaring maranasan sa iyong sariling pamayanan. Gumawa ng brochure na nagpapakita sa sumusunod: A. Impormasyon tungkol sa disaster, katangian at kahulugan B. Mga sanhi at epekto nito C. Mga dapat gawin, bago, habang at pagkatapos ng disaster Gawing gabay ang sumusunod na pamantayan sa paggawa ng iyong brochure. Rubrik sa Pagmamarka ng Brochure Pamantayan Deskripsyon Puntos Wasto at makatotohanan ang mga 10 Nilalaman impormasyon Madaling maunawaan ang ginamait na 7 Kaangkupan salita, larawan at simbolo sa ginawang poster ad Nakapupukaw ng atensiyon ang poster 3 Pagkamalikhain ad dahil sa ginamit na mga larawan at salita Kabuuan 20 Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang dapat gawin upang malaman lahat ang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad? 2. Bakit mahalagang malaman ng mga mamamayan ang mga impormasyon tungkol sa kalamidad at mga dapat gawin kung maranasan ang mga ito? 3. Paano makatutulong ang mga mamamayan sa pamamahagi ng kaalaman tungkol sa kahandaan sa panahon ng kalamidad? 4. Sa papaanong paraan nakatutulong ang Pagtataya ng Peligro sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran? 5. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa paggawa ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan? 16 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Isaisip Gawain 8: Dugtungan mo Sa pagbuo ng plano ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM), mahalagang sundin ang apat na yugto ng pagsagawa. Dugtungan ang sumusunod: Gumamit ng hiwalay na sagutan papel. Ang Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad ay___________________________________ _________________________________________________________________________. Ang Paghahanda sa Kalamidad ay _____________________________________________ _________________________________________________________________________. Sa yugto ng Pagtugon sa Kalamidad isinasagawa ang _____________________________ _________________________________________________________________________. Pagkatapos ng kalamidad, isinasagawa ang Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad upang _________________________________________________________________________. Mahalaga ang disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan upang _______________ _________________________________________________________________________. Isagawa Ang mga natutuhan mong hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay nagmulat sa iyo sa kahalagahan ng CBDRRM Approach Sa pagkakataong ito, isagawa mo ang huling yugto ng Modyul 1. Sa gawaing ito, sasanayin ka na tumugon sa isang sitwasyon na maaari mong maranasan. Inaasahan na ang pagtugon na iyong gagawin ay magpapakita ng iyong natutuhan mula sa mga nakaraang aralin. Sa pamamagitan ng gawaing ito iyong masusuri ang kahalagahan ng CBDRRM Approach sa paghahanda at pagtugon sa panahon ng kalamidad. 17 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Gawain 9: Nakahanda ako! Bumuo ng CBDRRM Plan na nakabatay sa iyong kapitbahayan o barangay. Basahin ang nilalaman ng sitwasyon at isagawa ito. Ikaw ang Chairman ng Sangguniang Kabataan ng iyong barangay. Bilang kinatawan ng mga kabataan, ikaw ay kasapi sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management Plan sa iyong komunidad. May taunang patimpalak ang iyong Lungsod/Bayan sa paggawa ng pinakaepektibo at komprehensibong CBDRRM plan. Kasama ka sa mga naatasang gumawa ng CBDRRM Plan na nakabatay sa pangangailangan ng iyong komunidad. Ang mabubuong CBDRRM Plan ay ilalahad sa mga miyembro ng sangguniang pambarangay at mga kinatawan ng Lokal na sangay ng CBRRM. Ito ay bibigyan ng marka batay sa sumusunod na pamantayan: Kaangkupan 20 puntos Nilalaman 10 puntos Presentasyon 10 puntos Praktikalidad 10 puntos 50 puntos Tayahin Gawain 10: Panghuling Pagtataya Lubos ang kagalakan na malaman na narating mo na ang bahaging ito ng modyul. Inaasahan na marami kang natutuhan kaya ipakita mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba. Gumamit ng sariling sagutang papel Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Ang pagbuo ng CBDRM Plan ay sumusunod sa isang sistematikong paraan ng pagtukoy sa mga pangangailangan ng komunidad. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga yugto sa pagbuo nito? I. Disaster Preparedness III. Disaster Rehabilitation and Recovery II. Disaster Response IV. Disaster Prevention and Mitigation A. I, II, III, IV B. II, I, III, IV C. IV, I, II, III D. I, IV, II, III 2. Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment mahalaga na suriin ang sumusunod na salik maliban sa A. Elements at risk C. People at risk B. Location of people at risk D. Location of elements at risk 18 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 3. Ito ay isang proseso sa pagsasagawa ng pagtataya sa panganib kung saan sinusuri ang mga hazard na nararanasan sa lugar at antas ng pinsala nito. A. Hazard Mapping C. Historical Profiling B. Hazard Profiling D. Risk Management 4. Isinasagawa ito upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad. A. Capacity Assessment C. Disaster Response B. Risk Assessment D. Disaster Preparedness 5. Ang yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan ang daloy ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad. A. Disaster Preparedness C. Disaster Rehabilitation B. Disaster Response D. Disaster Prevention 6. Nakapaloob sa yugtong ito ang mga gawain tulad ng hazard assessment at capability assessment. A. Disaster Preparedness C. Disaster Response B. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Prevention and Mitigation 7. Layunin ng Disaster Preparedness ang mga sumusunod maliban sa: A. magbigay impormasyon C. magbigay payo B. magbigay ng pagbabago D. magbigay ng panuto 8. Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay tinatawag na ____________________ A. Disaster Preparedness C. Disaster Response B. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Prevention and Mitigation 9. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan. Tukuyin ito. A. Community Based Disaster and Risk Management Approach B. Communitey Preparedness and Risk Management Approach C. Philippine Disaster Risk Management D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council 10. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad? A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan. B. Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang pangangailangan ng lipunan. 19 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at protektahan ang mga naapektuhan. D. Magkaroon ng planong pinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao. 11. Bahagi ng Disaster Rehabilitation and Recovery ang mga hakbang at gawaing nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito? A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad B. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod pampamahalaan C. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamut 12. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging handa pagdating ng kalamidad? A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga mamamayan. B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamayanan. C. Ipagbigay alam ang mga nararanasang suliraning pangkapaligiran na maaaring magdulot ng kapahamakan. D. Magsagawa ang pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga maaapektuhan. 13. Ang CBDRRM Approach ay isang proseso ng paghahanda. Upang maging matagumpay ang CBDRRM Approach nangangailangan ito ng masusing pagpaplano at ____________ A. tapat na pinuno C. suporta ng mga NGO’s B. sapat na pundo D. partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan 14. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa Disaster Prevention? A. Hazard Assessment C. Capacity Assessment B. Vulnerability D. Risk Assessment 15. Bilang katuwang ng Disaster Risk Reduction Management Plan, Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalahad ng kahalagahan ng pagtataya sa pinsalang dulot ng isang kalamidad? A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan B. Magiging epektibo ang aksiyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon E. Maiiwasan ang malaking pinsalang maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay mapapahalagahan D. Magsisilbi itong batayan upang matugunan ang pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad. 20 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Karagdagang Gawain Gawain 11: Sama-sama, Kayang-kaya! Bumuo ng isang sanaysay na naglalahad sa kahalagahan ng disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan upang epektibong matugunan ang mga panganib na dulot ng mga hamong pangkapaligiran at mapanumbalik ang kaayusan sa isang lugar na nakaranas ng isang kalamidad. Magaling! Binabati kita! Natapos mo na ang mga aralin para sa Unang Markahan. Nalaman at naunawaan mo sa mga modyul na ito ang mga maaaring gawin ng tao upang harapin ang lumalalang suliranin at hamong pangkapaligiran. Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang maiwasan ang malawakang pinsala na dulot ng iba’t ibang kalamidad na maaaring maranasan sa ating bansa. Handa ka na para sa susunod na markahan. Para sa Ikalawang Markahan iyong pag-aaralan ang mga sanhi at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran. 21 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 22 Pangwakas na Pagtataya Paunang Pagtataya Tuklasin 1. C 1. C 2. D 2. A 1. Vulnerable 3. C 3. D 2. Mitigation 4. A 4. D 5. C 3. Kalamidad 5. B 4. Preparedness 6. D 6. D 7. B 7. C 5. Forewarning 8. D 8. A 6. Prevention 9. A 9. A 7. Risk 10. A 10. C 8. Response 11. C 11. D 9. Rehabilitation 12. B 12. C 13. D 13. D 10. Assessment 14. D 14. D 15. D 15. B Susi sa Pagwawasto Sanggunian Department of Education. Araling Panlipunan 10 Kagamitang Pansanay, Learners Modyul. 2017. https://byjus.com/free-ias-prep/highlights-national-disaster-management-plan/ 23 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]