Araling Panlipunan 9, Unang Markahan - Modyul 3: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya, 2021 PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

2021

Mary Grace P. Francisco

Tags

economic systems social studies Filipino curriculum economics

Summary

This is a learning module on various economic systems for 9th-grade students, specifically discussing different economic systems. The module contains learning activities, assessments, and exercises.

Full Transcript

9 Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 3: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya AIRs - LM LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Araling Panlipunan 9 Unang Markahan - Modyul 3: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Ikalawang Edisyon, 2021 Kar...

9 Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 3: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya AIRs - LM LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Araling Panlipunan 9 Unang Markahan - Modyul 3: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Ikalawang Edisyon, 2021 Karapatang sipi © 2021 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan. Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Mary Grace P. Francisco Content Reviewer: Christopher D. Caranta at Ariel V. Villanueva Language Reviewer: Remedios Elsie P. Apostol at Jerry P. Palabay Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. Tagalapat: Dana Kate J. Pulido Tagapamahala: Atty. Donato D. Balderas Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph D Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, Ph D, CID Chief Virgilio C. Boado, Ph D, EPS in Charge of LRMS Mario B. Paneda, Ed D, EPS in Charge of Araling Panlipunan Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________ Department of Education – SDO La Union Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union Telefax: 072 – 205 – 0046 Email Address: [email protected] LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 9 Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 3: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Sapulin Ang modyul na ito ay nakatuon sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig. Ang aralin na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral. May inihandang mga gawain na tataya sa iyong kaalaman hinggil sa mga aralin. Inaasahang ikaw ay mahihikayat na pagyamanin ang iyong kaalaman at matukoy ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig. Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: Nabibigyang kahulugan ang sistemang pang-ekonomiya; Natutukoy ang ibat ibang sistemang pang-ekonomiya; Naipapaliwanag ang ibat ibat ibang sistemang pang-ekonomiya; 1 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Sa bahaging ito ay susubukan ang nalalaman mo sa paksang babasahin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Handa ka na ba? Halina’t simulan ang pagsagot. Panimulang Pagsusulit Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel. 1. Ano ang tawag sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan? A. Alokasyon B. Kakapusan C. Produksiyon D. Sistemang Pang-ekonomiya 2. Paano makaaagapay ang sistemang pang-ekonomiya at lipunan ng isang bansa? A. Pagkasira ng mga likas na yaman ng ating bansa. B. Paglawak ng kritisismo sa iba’t ibang uri ng sistemang pang-ekonomiya. C. Pagbibigay ng suhestiyon na hindi nakatutulong sa ekonomiya ng bansa. D. Paglutas ng suliranin sa kakapusan at epesyenteng paggamit ng mga pinagkukunang yaman. 3. Sa anong anyo ng sistemang pang-ekonomiya ang nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala? A. Command Economy B. Market Economy C. Mixed Economy D. Traditional Economy 4. Sa anong anyo ng sistemang pang-ekonomiya ang gumabagay sa mekanismo ng malayang pamilihan? A. Command Economy B. Market Economy C. Mixed Economy D. Traditional Economy 5. Sa market economy, alin sa sumusunod ang tungkulin ng pamahalaan upang mapabuti ang ekonomiya ng bansa? A. Pagtatakda ng halaga sa pamilihan. B. Pagkontrol sa nagaganap na mekanismo. C. Pagsasawalang-bahala sa kapakanan ng mga pampribadong pag-aari. D. Pagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pampribadong pag-aari. 6. Ano ang tawag sa anyo ng ekonomiya na kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema? A. Command Economy B. Market Economy C. Mixed Economy D. Traditional Economy 2 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 7. Ano ang tawag sa anyo ng ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan? A. Command Economy B. Market Economy C. Mixed Economy D. Traditional Economy 8. Alin sa sumusunod ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser? A. Likas-yaman B. Pamahalaan C. Presyo D. Prodyuser 9. Sino ang kumokontrol sa regulasyon ng command economy? A. Konsyumer B. Pamahalaan C. Pamiliihan D. Prodyuser 10. Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng tradisyonal economy? A. Kapangyarihan ng pamahalaan B. Kultura at paniniwala C. Panghihimasok sa pamilihan D. Pansariling interes 11. Alin sa sumusunod na pahayag sa ibaba ang tumutukoy sa pagkakatulad ng command at mixed exonomy? A. Hindi nakikialam ang pamahalaan sa kanilang uri ng pamamalakad. B. Hindi nila katuwang ang pribadong sektor sa sistemang pang-ekonomiya. C. Ang gobyerno o pamahalaan lamang ang tumutukoy sa kung ano ang ginawa at kung anong halaga ng mga sebisyo at produktong ginawa. D. Katuwang nila ang pribadong sektor sa pagtatakda ng mga produktong ibebenta sa merkado at pangangasiwa sa mga likas na yaman para sa kanilang bansa o ekonomiya. 12. Anong pang-ekonomikong katanungan ang sumasagot sa kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? A. Anong input ang gagamitin B. Laki ng pangangailangan C. Makikinabang sa produkto D. Uri na gusto ng lahat 13. Alin sa mga sumusunod na bansa ang gumagamit ng command economy? A. China B. Japan C. North Korea D. Switzerland 14. Anong elemento ang kinapapalooban ng mixed economy?? A. Command and Market B. Command and Traditional C. Market and Traditional D. Traditional and Mixed 3 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 15. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go around.” ni John Watson Howe? A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao. B. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan. C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman. D. May Hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig. Simulan Gawain 1: Ibigay Muna! Panuto: Kompletuhin ang konsepto o ideya na nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat o pagbigay ng sariling pagkaunawa sa ito. Gawin sa sagutang papel. Para sa akin, ang alokasyon ay ____________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Ang dahilan ng kakapusan ay _____________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Kailangang gumawa ng tamang desisyon kung paano gagamitin ng mahusay ang pinagkukunang-yaman ng bansa upang _____________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 4 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Gawain 2: Sistema Ikamo? Panuto: Piliin sa mga hanay ng salita sa ibaba ang angkop na kataga sa bawat larawan. Isulat ito sa kahon sa ilalim ng bawat larawan. Traditional Economy Mixed Economy Market Economy Command Economy Pinagkunan ng larawan: https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-teaching-guide-part-3 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot? 2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-ekonomiya? Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang entrance at exit slip upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa alokasyon. 5 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Lakbayin ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang- ekonomiko ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano epesyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa. Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo. Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungan. Ano-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin? Gaano Papaano Pangunahing karami ang gagawin ang Katanungang gagawing naturang Pang- produkto at produkto at ekonomiya serbisyo? serbisyo? Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig: Traditional Economy Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang Traditional Economy. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala. Ang tanong na ano ang 6 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sapagkat sa Traditional Economy, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit. Market Economy Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pangekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong Sistema, ang bawat kalahok-konsyumer at prodyuser, kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho. Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng pamilihan. Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, pangangasiwa ng mga gawain. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan. Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinasukan ng mga pribadong indibidwal. Command Economy Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies). Katunayan ang pagpapasya sa proseso ng gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa lupang sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda sa halaga ng mga produktong nagmumula rito. 7 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Ang patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa kasalukuyan, nanatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya sa Cuba at North Korea. Mixed Economy Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may katangian na bunga ng pagsasanib o kumbinasyon ng command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga sa kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado. May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura at mga organisasyon. Ang sistemang mixed economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadog pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi nanganghulugang ganap na awtonomiya para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan. Galugarin Sa bahaging ito susukatin ang iyong kaalaman sa mga paksang nabasa. Gawain 1: Sagutin Mo! Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang dalawa hanggang tatlong pangungusap. 1. Ano ang pagkakaiba ng Iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na tinutukoy sa binasang teksto? Sagot:____________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 8 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 2. Sa iyong palagay, aling sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa bansa natin? Sagot:____________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 3. Batay sa binasang teksto, paano nakaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan sa pamamagitan ng iba’t ibang sistemang pang- ekonomiya? Sagot: ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Gawain 2: Tanong at Sagot Panuto: Punan ang talaan sa kaliwa kung saang sistemang pang-ekonomiya ito nabibilang sa mga halimbawang ibinigay sa ikalawang hanay. SISTEMANG PANG-EKONOMIYA HALIMBAWA Pangingisda pagtatanim, paghahayupan Protection of labor rights, existence of economic planning Imprastraktura na pagmamay-ari ng pamahalaan Maliliit na negosyante, ang mga nagmamay-ari ay iyong pribadong sektor. 9 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Gawain 3: Suriin Mo! Quiz-on-Market Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung Tama ang isinasaad, at M naman kung Mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. _____1. Ang mixed economy ay may katangian na bunga ng pagsanib o kombinasyon ng command at market economy. _____2. Bawat lipunan ay walang sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo. _____3. Sa market economy, ang kalahok-konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alisunod sa pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. _____4. Sa Traditional Economy, ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino pa ang dapat gumamit. _____5. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa. _____6. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. _____7. Halimbawa ng mga bansang gumagamit ng command economy ay ang South Korea at Japan. _____8. command economy, nasa komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan ang planong nauukol sa pagsulong ng ekonomiya. _____9. Mayroong limang anyo ang sistemang pang-ekonomiya sa daigdig. _____10. Sa sistemang pang-ekonomiya na mixed economy ay nagpapahintulot sa mga pribadong pagpapasya ng pribadong kompanya at indibidwal ngunit karamihan pa rin sa mga desisyong pang-ekonomiya ay ginagabayan ng pamahalaan. 10 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Palalimin Gawain 1: Dialogue Box Panuto: Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon. Pinagkunan ng larawan: https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-teaching-guide-part-3 Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa usapan ng mga tauhan, anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa Pilipinas? 2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pangekonomiya na pairalin sa ating bansa, anong Sistema ang iyong pipiliin? Bakit? 11 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Gawain 2: Data Retrieval Chart Panuto: Magsaliksik ukol sa mga bansang sumasailalim sa mga sistemang pangekonomiya na nasa kaliwang bahagi ng tsart. Magbigay ng dalawang bansa at isulat sa kabilang patlang. Sistemang Pang-ekonomiya Mga Bansa 1. Traditional Economy 2. Command Economy 3. Mixed Economy 4. Market Economy Sukatin Pangwakas na Pagsusulit Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel. 1. Ilang anyo ang bumubuo sa sistemang pang-ekonomiya? A. Apat B. Dalawa C. Isa D. Tatlo 2. Ano ang tawag sa anyo ng ekonomiya na kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema? A. Command Economy B. Market Economy C. Mixed Economy D. Traditional Economy 3. Ano ang tawag sa anyo ng ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan? A. Command Economy B. Market Economy C. Mixed Economy D. Traditional Economy 12 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 4. Ano ang tawag sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan? A. Alokasyon B. Kakapusan C. Produksiyon D. Sistemang Pang-ekonomiya 5. Ilang pangunahing katanungan ang sinasagot sa sistemang pang-ekonomiya? A. Apat B. Dalawa C. Isa D. Tatlo 6. Sa anong anyo ng sistemang pang-ekonomiya ang nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala? A. Command Economy B. Market Economy C. Mixed Economy D. Traditional Economy 7. Sa anong anyo ng sistemang pang-ekonomiya ang gumabagay sa mekanismo ng malayang pamilihan? A. Command Economy B. Market Economy C. Mixed Economy D. Traditional Economy 8. Anong pang-ekonomikong katanungan ang sumasagot sa kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? A. Anong input ang gagamitin B. Laki ng pangangailangan C. Makikinabang sa produkto D. Uri na gusto ng lahat 9. Alin sa mga sumusunod na bansa ang gumagamit ng command economy? A. Burma B. Japan C. North Korea D. Pilipinas 10. Anong elemento ang kinapapalooban ng mixed economy?? A. Command and Market B. Command and Traditional C. Market and Traditional D. Traditional and Mixed 11. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go around.” ni John Watson Howe? A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao. B. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan. C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman. D. May Hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig. 13 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 12. Ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser? A. Likas-yaman B. Pamahalaan C. Presyo D. Prodyuser 13. Sino ang kumokontrol sa regulasyon ng command economy? A. Konsyumer B. Pamahalaan C. Pamiliihan D. Prodyuser 14. Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng tradisyonal economy? A. Kapangyarihan ng pamahalaan B. Kultura at paniniwala C. Panghihimasok sa pamilihan D. Pansariling interes 15. Anong sistemang pang-ekonomiko ang sumasagot sa unang katanungang pang- ekonomiko batay sa pwersa ng pamilihan? A. Command Economy B. Market Economy C. Mixed Economy D. Traditional Economy Mahusay! Natapos mo na ang iyong modyul. 14 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 15 Pangwakas na Pagsusulit Panimulang Pagsusulit 1. A 6. D 11. A 1. D 6. C 11. D 2. C 7. B 12. C 2. D 7. A 12. B 3. A 8. B 13. B 3. D 8. C 13. C 4. D 9. C 14. B 4. B 9. B 14. A 5. A 10. A 15. B 5. D 10. B 15. A Susi sa Pagwawawasto Sanggunian A. Mga Aklat Bernard R. Balitao et.Al. Ekonomiks – Araling Panlipunan Modyul para sa Mag- aaral. Unang Edisyon 2015. Muling Limbag 2017 Rosemary P. Dino, Dominic B. Estallo. Karapatang ari @2012. SalesianaBOOKS by Don Bosco Press, Inc. B. Iba pang Sanggunian Pinagkunan ng larawan: https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-teaching-guide-part-3 https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-teaching-guide-part-3 16 LU_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – SDO La Union Curriculum Implementation Division Learning Resource Management Section Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500 Telefax: 072 – 205 – 0046 Email Address: [email protected] [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser