Araling Panlipunan Grade 6 Past Paper (Modyul 3) 2020 PDF
Document Details
Uploaded by FondKoto9228
2020
DepEd
Mitzel M. Alvaran
Tags
Summary
This DepEd module details important events of the 1896 Philippine Revolution. The document includes information on the causes of the revolution, including the cry of Pugad Lawin, the Tejeros Convention, and the Pact of Biak-na-Bato. It contains learning activities to assist the student.
Full Transcript
6 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino CO_Q1_AP6_Module3 Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino Unang Edisy...
6 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino CO_Q1_AP6_Module3 Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Mitzel M. Alvaran Editor: Marife E. Cajutol, Rejean L. Tibus, Venetia Anne A. Tropa, Jewelyn Q. Cadigal, Blas P. Tabayag, Jr. Tagasuri: Blas P. Tabayag, Jr., Mary Helen M. Bocol, Junry M. Esparar Tagaguhit: Krisha Marie T. Paltu-ob, Roland B. Tarrazona Tagalapat: Jewelyn Q. Cadigal Tagapamahala: Ramir B. Uytico Pedro T. Escobarte, Jr. Portia M. Mallorca Nelly E. Garrote Elena P. Gonzaga Donald T. Genine Celestino S. Dalumpines IV Junry M. Esparar Mary Helen M. Bocol Blas P. Tabayag, Jr. Jewelyn Q. Cadigal Emee Ann P. Valdez Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653 E-mail Address: [email protected] 6 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag- aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ng SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo an gating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa ikauunlad ng iyong kaalaman. Tatalakayin dito ang pagnanais ng mga Pilipino na makalaya sa pananakop ng Español. Alam mo ba ang mga kaganapan na humantong sa pag- aalsa ng mga katipunero? Sa modyul na ito malalaman mo ang mga pangyayari na nagpasimula ng rebolusyong Pilipino laban sa mga Español. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong bahagi: Aralin 1 - Sigaw sa Pugad Lawin Aralin 2 - Kumbensiyon sa Tejeros Aralin 3 - Kasunduan sa Biak-na-Bato Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang magawa ang sumusunod: 1. matutukoy ang mga pangyayaring nagpa-siklab sa damdaming mapanghihimagsik ng mga Pilipino; 2. matutukoy ang mga makasaysayang lugar at kaganapan tulad ng Sigaw sa Pugad Lawin, Kumbensiyon sa Tejeros, at Kasunduan sa Biak-na-Bato; 3. maipaliliwanag ang mga pangyayari sa pagsisimula ng himagsikan laban sa kolonyalismong Español; 4. masusuri ang timeline ng himagsikang 1896; 5. maisasalaysay ang naging makasaysayang kaganapan sa Tejeros Kumbensiyon; 6. maipaliliwanag ang kadahilanan ng pag-aalsa ng mga katipunero; 7. mahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan; at 8. mabibigyang kahulugan ang itinadhana ng Kasunduan sa Biak-na-Bato. Panuto: Suriin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa sagutang-papel ang letra ng tamang sagot. 1. Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang Cavite, Laguna, Maynila, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, at __________. A. Romblon C. Batangas B. Quezon D. Mindoro Oriental 1 CO_Q1_AP6_Module3 2. Ang kawalang pagkakaisa ng mga lider sa himagsikan ay nagdulot ng __________. A. katiwalian C. kapangyarihan B. tagumpay D. kabiguan 3. Isa sa mga probisyon sa Kasunduan sa Biak-na-Bato ay ang __________. A. pagtigil ng mga rebolusyonaryo sa labanan B. pilipino ang mamumuno sa bansa C. maging malaya na ang Pilipino D. pagtatapos ng pamamahala ng Español sa Pilipinas 4. Sa Kumbensiyon sa Tejeros naihalal si Andres Bonifacio bilang __________. A. pangulo C. direktor ng interior B. kapitan-heneral D. direktor ng digmaan 5. Nahatulang mamatay si Andres at Procopio Bonifacio sa kasalanang __________. A. pagtataksil sa bayan B. pagkampi sa Español C. pandaraya sa eleksiyon D. pagpapabaya sa tungkulin 6. Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay nagsasaad na ang mga Pilipinong nakipaglaban sa Español ay __________. A. papatawan ng parusa B. patatawarin sa kasalanan C. paaalisin lahat sa Pilipinas D. pagtatrabahuhin sa tanggapan 7. Layunin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato na __________. A. itigil ang labanan para sa katahimikan ng bansa B. ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas C. itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan D. ituloy ang labanan kahit may kasunduan 8. Ang kinikilalang Utak ng Katipunan ay si __________. A. Jose Rizal B. Emilio Aguinaldo C. Pio Valenzuela D. Emilio Jacinto 9. Ang kinikilalang Ama ng Himagsikan ay si __________. A. Emilio Jacinto B. Andres Bonifacio C. Emilio Aguinaldo D. Apolinario Mabini 10. Sino ang tumutol na bigyan ng puwesto si Andres Bonifacio sa Pamahalaang Rebolusyonaryo? A. Candido Tirona B. Daniel Tirona C. Mariano Trias D. Emilio Aguinaldo 2 CO_Q1_AP6_Module3 Aralin 1 Sigaw sa Pugad Lawin Alam mo ba ang mga kaganapan na nangyari na humantong sa pag-aalsa ng mga katipunero? Sa modyul na ito malalaman mo ang mga pangyayari na nagpasimula ng himagsikan laban sa mga Español upang makamit ang kalayaan. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang iyong: 1. masusuri ang mga pangyayari sa paglaganap ng rebolusyon; 2. matutukoy ang mga mahahalagang tao na may malaking kontribusyon sa himagsikan; 3. masusuri ang timeline ng Himagsikang 1896; at 4. maipaliliwanag ang makasaysayang kaganapan sa Sigaw sa Pugad Lawin. Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na tanong at isulat sa sagutang-papel. 1. Kailan at saan itinatag ang “Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK”? 2. Bakit itinatatag ang KKK? 3. Sino ang mga nagtatag ng KKK? 4. Ano ang pangunahing layunin ng samahan? 5. Paano nabunyag ang KKK? Timeline ng Himagsikang 1896 Itinatag ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Hulyo 7, 1892 Katipunan ng mga Anak ng Bayan Agosto, 1896 Pambansang Paghihimagsik ng mga Pilipino Dinakip ng mga guwardiya sibil ang maraming Pilipino Agosto 19, 1896 na pinaghihinalaang katipunero. Dito na natuklasan ang KKK. 3 CO_Q1_AP6_Module3 Ang pagpunit ng sedula ng mga katipunero, ang Agosto 23, 1896 pagsiklab ng himagsikan. Sumang-ayon ang lahat kay Bonifacio at Jacinto na Agosto 23, 1896 magkaroon ng himagsikan. Nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumanyak sa Agosto 25, 1896 mamayan na simulan ang himagsikan. Unang malaking labanan sa San Juan del Monte sa Agosto 29, 1896 pagitan ng Pilipino at Español. Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang sumusunod na pangyayari ayun sa tamang pagkasunod-sunod nito. Ilagay ang sagot sa sagutang-papel. 1. Sumang-ayon ang lahat kay Bonifacio at Jacinto na magkaroon ng himagsikan. 2. Unang malaking labanan sa San Juan del Monte sa pagitan ng Español at Pilipino. 3. Dinakip ng mga guwardiya sibil ang maraming Pilipino na pinaghihinalaang katipunero. 4. Ang pagpunit ng sedula ng mga katipunero ang naging hudyat sa pagsiklab ng himagsikan. 5. Itinatag ang Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Itinatag ni Andres Bonifacio ang isang lihim na samahang KKK, Kataastasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan noong Hulyo 7, 1892 sa isang bahay sa 72 Kalye Azcarraga (Claro M. Recto ngayon) kasama sina Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at Jose Dizon. Pangunahing layunin ng samahan na mapagsama-sama ang lahat ng mga Pilipino at makipaglaban sa mga Español upang makamit ang kalayaan. Naniniwala ang samahan na matugunan ang layunin na ito sa malinis na pag-iisip at kagandahang asal. Naniniwala ang samahan na maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipino sa ilalim ng matibay na hukbo at paglaban para sa kalayaan. Sa simula, ang mga lalaki lamang ang mga kasapi ng Katipunan. Dala sa paghihinala ng kanilang mga asawa sa kanilang pag-alis-alis kung gabi, nababawasan ang kanilang sahod, napilitan silang itatag ang isang samahan para lamang sa mga asawa, kapatid, at anak ng mga katipunero. Kabilang dito sina Gregoria de Jesus, ang kabiyak ni Andres Bonifacio na tinaguriang Lakambini ng Katipunan. Malaking tulong ang nagawa ng mga babaeng 4 CO_Q1_AP6_Module3 katipunero, sila ang nagtatago ng mga mahalagang lihim na dokumento ng Katipunan. Kung may pagpupulong ang mga katipunero, ang kababaihan ay nagsasayawan, nagkakakantahan, at nagpasaya upang hindi mahalata ng mga guardiya sibil at isipin lamang na ang mga ito ay nagdiriwang. Dahil sa mga patagong pagpupulong at pag-iwas sa mga Español, ang mga katipunero ay tumutungo sa bahay ni Melchora Aquino at siya ay tinagurian “Tandang Sora,” “Ina ng Balintawak,” “Ina ng Katipunan” at tinawag din siya na “Ina ng Rebolusyon.” Hanggang sa sumiklab ang himagsikan, siya ang nanggagamot sa mga sugatang Katipunero. Gabi ng Agosto 19, 1896, habang abala ang mga katipunero sa paghahanda ng rebolusyon, isiniwalat ni Teodoro Patiño, isang katipunero, kay Padre Mariano Gil ang lihim ng Katipunan. Nagawa niya iyon dahil sa payo ng isang madre at kapatid niyang nakatira sa tahanan ng mga ulila sa Mandaluyong. Itinuro ni Patiño ang mga imprenta ng mga katipunero. Natuklasan dito ang ilang polyeto at dokumento ng Katipunan. Hinuli at ikinulong sa Fort Santiago ang mga pinaghihinalaang Pilipino na kasapi ng Katipunan. Ang pagkatuklas ng Katipunan ay nagbunsod kay Bonifacio na tumawag ng pulong sa Balintawak, Caloocan kasama sina Jacinto, Procopio Bonifacio, at iba pang katipunero. Nagkita-kita ang mga Katipunero sa Pugad Lawin noong Agosto 23, 1896 matapos na matuklasan ng mga Español ang Katipunan. Nagkasundo silang simulan na ang himagsikan. Pagkatapos, sabay nilang inilabas ang kanilang mga sedula at pinunit ito. Sabay-sabay silang sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas!” Kinilala ito sa kasaysayan ng ating bansa na Sigaw sa Pugad Lawin. Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay nagsimula ng maalab na labanan sa pagitan ng mga Español at mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Andres Bonifacio, ang Ama ng Katipunan. Ang kaniyang tagapayo ay si Emilio Jacinto, ang tinaguriang Utak ng Katipunan at siya rin ang patnugot ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan. Lagablab ng Himagsikan Pagkatapos ng makasaysayang pagpunit ng kanilang mga sedula, noong Agosto 23, 1896, sabay ding sumang-ayon ang lahat kay Bonifacio at Jacinto na magkakaroon ng himagsikan. Nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumanyak sa mamamayan na simulan ang himagsikan noong Agosto 25, 1896. May dinakip ang mga Español na mga pinaghihinalaang katipunero at ikinulong sila sa Fort Santiago pagkatapos matuklasan ang Katipunan noong Agosto 19, 1896. Ang unang sagupaan ng mga magkalabang tropa ng mga Español at Katipunan ay nangyari sa San Juan Del Monte noong Agosto 29, 1896. Pinamunuan ang mga katipunero nina Bonifacio at Jacinto. Ngunit napilitang umatras ang mga katipunero nang dumating ang mga dagdag na kawal ng mga Español. Wari’y isang hudyat ang paglalabang iyon. Nang mga sandaling iyon, sabay-sabay na nag-alsa at nakipaglaban ang mga Pilipino sa Sta. Mesa, Pandacan, Pateros, Taguig, Caloocan, Biak-na-Bato, San Francisco de Malabon, Kawit, at Cavite. Sa dakong hilaga naman 5 CO_Q1_AP6_Module3 ang mga Pilipino ng San Isidro, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac ay nakipaghamok din. Sa Laguna, Batangas, at Cavite, ang mga Pilipino ay sumalakay sa mga garrison ng mga Español na parang nagitla sa mga pagsasalakay. Ang makikitang walong sinag ng araw na makikita sa ating kasalukuyang watawat ay sumisimbolo sa walong lalawigan na unang nag-alsa laban sa mga Español. Panuto: Sagutin ang mga katanungan tungkol sa nabasa. Isulat ang mga sagot sa sagutang-papel. 1. Ano ang mga 2. Bakit itinatag pangyayaring nagpa- ang KKK? alab sa damdaming mapanghimagsik ng mga katipunero? Pugad Lawin 3. Bakit kailangang 4. Paano natuklasan simulan ang labanan ng mga Español ang kahit hindi pa handa lihim ng Katipunan? ang mga katipunero? Gawain 1 Panuto: Kumpletuhin ang dayagram. Isulat sa sagutang-papel ang sagot. Sigaw sa Pugad Lawin (Sanhi) 1._________________________________________________________ (Bunga) Agosto 30, 1896 Lumusob ang mga katipunero sa San Juan del Monte sa bodega ng pulbura ng mga Español 2._________________________________________________________ (Pangyayari) 6 CO_Q1_AP6_Module3 3. Ang mga lalawigang ito ang sinasagisag ng walong sinag ng araw na nag-alsa laban sa mga Español: a. b. c. d. e. f. g. h. Gawain 2: Sagutan ang mga hinahanap na datos sa Graphic Organizer. 2. Himagsikan 1896 Layunin 3. Mga Bayani ng 4. Himagsikan 1. 5. 6. 7 CO_Q1_AP6_Module3 Ang Sigaw sa Pugad Lawin ang naging hudyat ng himagsikan ng 1896. Inilunsad ang mga pagsalakay sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan at karatig na lalawigan nito. Lumubha ang mga labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Español kaya inilagay ng Gobernador-Heneral sa ilalim ng Batas Militar ang walong lalawigang nag-alsa laban sa Espanya. Ang mga ito ay ang Cavite, Maynila, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Nueva Ecija. Sa bandilang Pilipino, ang mga lalawigang ito ang sumasagisag ng walong sinag ng araw na makikita sa kasalukuyang watawat ng Pilipinas. A. Ikaw ba ay nakaranas ng pagkimkim ng galit sa ibang tao? Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang pahayag ay dahilan sa pagkagalit ng isang tao at ekis ( X ) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang-papel. 1. Binu-bully ka 2. Ikinahihiya ka 3. Pinapagalitan ka 4. Inaalagaan ka 5. Ninakawan ka B. Basahin ang tanong at sagutin ito sa sagutang-papel. Anong mangyayari sa isang tao kung hindi niya mapigilan ang kanyang galit? 8 CO_Q1_AP6_Module3 Panuto: Hanapin ang inilalarawan ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra sa sagutang-papel. Hanay A Hanay B _______1. Tandang Sora A. Andres Bonifacio _______2. Ang pinunit ng mga katipunero B. Agosto 23, 1896 _______3. Dito ginanap ang pulong sa C. Emilio Jacinto pagtatag ng KKK _______4. Petsa ng hudyat ng himagsikan D. Teodoro Patiño _______5. Ama ng Katipunan E. Fort Santiago _______6. Ang petsa ng pagkatuklas sa F. Balintawak, Caloocan samahang KKK _______7. Utak ng Katipunan G. Gregoria de Jesus _______8. Ikinulong ang mga napagkamalang H. Melchora Aquino katipunero _______9. Lakambini ng Katipunan I. Agosto 19, 1896 _______10. Ang nagsiwalat sa samahan J. Sedula Panuto: Isulat sa sagutang-papel ang tinutukoy ng sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot mula sa mga salitang nasa loob ng kahon. Melchora Aquino Gregoria de Jesus Josefa Rizal Andres Bonifacio Emilio Jacinto 9 CO_Q1_AP6_Module3 1. Kapatid ni Rizal 2. Asawa ni Andres Bonifacio; Lakambini ng Katipunan 3. Tagagamot ng mga katipunero; “Ina ng Rebolusyon” 4. Naging Utak ng Katipunan 5. Ang tagatago ng mga sulat ng Katipunan 6. Tinawag din na “Ina ng Himagsikan” 7. Ang naging “Ama ng Katipunan” 8. Kilala rin bilang “Ina ng Balintawak” 9. Nagtatatag ng lihim na Kilusang KKK 10. Ang namuno sa pagtatag ng lihim na kilusan na KKK 10 CO_Q1_AP6_Module3 Aralin 2 Kumbensiyon sa Tejeros Noong nakaraang aralin, iyong napag-alaman ang mga pangyayari na nagpa- alab sa damdamin ng mga katipunero upang simulan ang laban sa pagkamit ng kalayaan. Natutuhan mo din ang mga timeline ng himagsikan kung saan iyong naintindihan ang mga importanteng naganap sa kasaysayan. Ngayon naman, tunghayan mo ang sumusunod na pangyayayari pagkatapos ng mga labanan sa pagitan ng mga katipunero at mga Español. Ano kaya ang mga plano laban sa mga Español? Kailangan bang gumawa ang mga pinuno ng hakbang upang matapos ang labanan? Ano kaya ito? Ano kaya ang mga pangyayaring nagpasidhi sa mga pinuno ng himagsikan? Alam mo ba ang mga kaganapan na nangyari na humantong sa pag-aalsa ng mga katipunero? Sa modyul na ito malalaman mo ang tunay na pangyayari na humantong sa pagkamatay ni Andres Bonifacio. Bago mo simulan bigyang diin ang mga layunin ng modyul na ito: Pagkatapos ng araling ito, inaasahang iyong: 1. masusuri ang mga pangyayari na naganap sa Kumbensiyon sa Tejeros; 2. makikilala si Heneral Emilio Aguinaldo at ang mga hakbang na ginawa niya sa pagkamit ng Kalayaan; 3. maisa-isa ang kaganapan sa buhay ni Andres Bonifacio; at 4. malalaman ang bunga ng makasaysayang kaganapan sa Kumbensiyon sa Tejeros. Natatandaan mo pa ba ang mga aralin natin tungkol sa makasaysayang pangyayari ng Sigaw sa Pugad Lawin? Subukin mong gawin ang pagsasanay. Panuto: Sagutin ang mga katanungan at isulat sa sagutang-papel. 1. Isalaysay ang makabuluhang pangyayari sa Sigaw sa Pugad Lawin sa panahon ng Himagsikang 1896. 2. Bakit naging hudyat ng himagsikan ang pagpunit ng sedula ng mga katipunero? 3. Bakit kailangang wakasan ng mga katipunero ang pagsakop ng Espanya sa paraan ng himagsikan? 11 CO_Q1_AP6_Module3 Tingnan ang larawan ng Kumbensiyon sa Tejeros. Ano kaya ang mga pangyayaring naganap sa lugar na ito? Ang Kaganapan sa Kumbensiyon sa Tejeros Kumbensiyon sa Tejeros Nang sumama sa walong lalawigan ang lahat ng mga lugar sa buong bansa sa pag-aalsa ay lalong napalubha ang labanan sa pagitan ng mga Español at ng mga Pilipino. Sa gitna nito, may namuong alitan laban sa pinuno ng Katipunan na si Andres Bonifacio at Heneral Emilio Aguinaldo. Dahil sa alitang ito, nagpatawag ng pulong ang mga rebolusyonaryo ng pulong upang palitan ang Katipunan ng Rebulosyonaryong Pamahalaan. Sa paghalal ng mga pinuno ng rebulosyonaryo nahalal si Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interyor. Noong Marso 22, 1897, ipinahayag ang pagkakatatag ng rebolusyunaryong pamahalaan sa pulong ng mga rebolusyonaryo sa Tejeros, San Francisco de Malabon sa Cavite. Ang pamahalaang rebolusyonaryong ito ang pumalit sa Katipunan sa pagtataguyod ng himagsikan. Nahalal bilang pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Malolos si Emilio Aguinaldo. Ang iba pang nahalal na mga opisyal nito ay sina Mariano Trias, bilang pangalawang pangulo; Artemio Ricarte, Kapitan Heneral; Emilio Riego de Dios, Direktor ng Digmaan; at Andres Bonifacio, Direktor ng Interyor. Illustration on this page is made by Krisha Marie T. Paltu-ob 12 CO_Q1_AP6_Module3 Tumutol sa pagkahalal kay Bonifacio si Daniel Tirona. Ayon kay Tirona, kailangang abogado ang dapat mahalal bilang Direktor ng Interyor. Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Tirona, lalo pa’t napagkasunduan sa una pa lamang na igagalang ng lahat ang resulta ng halalan. Dahil dito, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang halalan na iyon. Kinabukasan matapos ang insidenteng ito, ipinalabas ni Bonifacio ang Acta de Tejeros kung saan iniisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit pinawalang bisa niya ang resulta ng halalan. Mula sa Naic, Cavite, ipinalabas niya ang ikalawang dokumento kung saan ipinahayag ang pagtatatag ng isa pang rebolusyonaryong pamahalaan na hiwalay at kaiba sa naitatag sa Tejeros. Nalaman ni Aguinaldo ang ginawa ni Bonifacio. Sa pangambang magiging mabigat ang epekto nito sa pagtataguyod ng himagsikan, nagpadala siya ng delegasyon upang himukin si Bonifacio na makipagtulungan sa bagong tatag na rebolusyonaryong pamahalaan subalit tahasan itong tinanggihan ni Bonifacio. Dahil dito, kinasuhan siyang taksil at isang malaking panganib sa interes ng rebolusyonaryong pamahalaan ni Aguinaldo. Iniutos ni Aguinaldo na dakpin si Bonifacio. Dinakip siya ng mga tauhan ni Aguinaldo, sa pangunguna ni Agapito Bonzon, sa Barrio Limbon, Indang, Cavite noong Abril 28, 1897. Isinailalim sa paglilitis si Bonifacio, kasama ang kaniyang kapatid na si Procopio. Hinatulan ang magkapatid ng parusang kamatayan sa salang sedisyon at pagtataksil, kahit walang nakitang ebidensiya laban sa dalawa noong 6 Mayo 1897. Iginawad ang parusang ito sa magkapatid noong Mayo 10, 1897 sa Cavite. Samantala nagpalipat-lipat si Aguinaldo ng lugar matapos na matalo sa mga labanan sa mga Bayan ng Cavite tulad ng Mendez, Nuñez, Alfonso, Maragondon, Bailen, at Magallanes. Nakarating siya sa Biak-na-Bato sa San Miguel de Mayumo, Bulacan kung saan sila nagkampo at doon ipinagpatuloy ang kaniyang pakikipaglaban laban sa mga Español. Handa ka na ba? Sa mga kaganapang nabasa sa pagsimula ng pulong hanggang sa sumunod na pangyayari, alamin mo ang kaganapan sa buhay ni Andres Bonifacio. Simulan mo na. Panuto: Isa-isahin ang mga kaganapan sa buhay ni Andres Bonifacio sa pamamagitan ng pagpili sa loob ng kahon ng mga sagot. Gumawa ng sariling tsart. Tularan ang nasa kabilang pahina. a. Walang pagkakasunduan sa panig ni Bonifacio at Emilio Aguinaldo. b. Ipinahayag ang pagkatatag ng rebolusyonaryong pamahalaan sa pulong sa Tejeros. c. Ipinautos ni Emilio Aguinaldo na dakpin si Andres Bonifacio. d. Napasailalim sa paglilitis si Andres Bonifacio pati ang kaniyang kapatid na si Procopio Bonifacio. 13 CO_Q1_AP6_Module3 e. Walang pagkakasunduan sa panig ni Bonifacio at Emilio Aguinaldo. f. Ipinahayag ang pagkatatag ng rebolusyonaryong pamahalaan sa pulong sa Tejeros. g. Ipinautos ni Emilio Aguinaldo na dakpin si Andres Bonifacio. h. Napasailalim sa paglilitis si Andres Bonifacio pati ang kaniyang kapatid na si Procopio Bonifacio. i. Iginawad ang parusang kamatayan sa magkapatid na Andres Bonifacio at Procopio Bonfacio. j. Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Daniel Tirona. k. Nalaman ni Aguinaldo ang ginawa ni Bonifacio na pag-alis sa pulong na walang pahintulot. l. Nahalal bilang Direktor ng Interyor si Andres Bonifacio. Kaganapan sa Buhay ni Andres Bonifacio Pagpupulong sa Kumbensiyon sa Pagkatapos ng Pagpupulong sa Tejeros Kumbensiyon sa Tejeros 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. Gawain 1 Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at ekis ( X ) kung mali. Gawin ito sa sagutang-papel. 1. Ang pagtutol sa pagkahalal ni Andres Bonifacio ay naging sanhi ng pagpalabas ni Bonifacio ng Acta de Tejeros. 2. Ang Acta de Tejeros ay mga nakalistang kadahilanan kung bakit pinawalang- bisa ni Bonifacio ang resulta ng halalan. 3. Ang nabuong alitan sa panahon ng himagsikan ay nasa pagitan ni Daniel Tirona at Andres Bonifacio. 4. Ang anim na lalawigan na nag-alsa laban sa Espanya ay sumasagisag sa sinag ng araw sa watawat. 14 CO_Q1_AP6_Module3 5. Noong Marso 21, 1897 ay ipinahayag ng rebolusyonaryong pamahalaan sa pulong ng mga rebulosyonaryo sa Tejeros, sa San Francisco sa Malabon sa Cavite ang kanilang hinaing. Gawain 2 Panuto: Sagutin ang katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang-papel. 1. Bakit nagdamdam ng husto si Bonifacio sa pagtutol ni Tirona na siya ang maging Direktor ng Interyor? 2. Ano ang ginawa ni Bonifacio upang tugunan ang ginawa sa kanya ni Daniel Tirona? 3. Bakit nangamba si Aguinaldo sa ginawa ni Bonifacio? 4. Bakit tumutol sa Daniel Tirona sa pagkahalal kay Andres Bomifacio? 5. Ano ang naging epekto ng kaganapan sa pulong sa Tejeros? Sinakop ng Espanya ang Pilipinas ng mahigit sa 300 taon at malaki ang naging impluwensiya nito sa politika, kabuhayan, lipunan, kultura, at relihiyon ng mga Pilipino. Naging magulo sa huli ang Katipunan dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga lider ng kilusan. Nang malaman ni Aguinaldo ang ginawa ni Bonifacio at nangamba siyang magiging mabigat ang epekto nito sa pagtataguyod ng himagsikan, nagpadala siya ng delegasyon upang himukin si Bonifacio na makipagtulungan sa bagong tatag na pamahalaan. Subalit tahasan itong tinanggihan ni Bonifacio, dahil dito, kinasuhan siyang taksil at isang malaking panganib sa interes ng rebolusyonaryong pamahalaan ni Aguinaldo. Punan ng tamang impormasyon ang tsart upang maipakita mo ang kadahilanan ng mga kaganapan sa pagkamit ang kalayaan laban sa mga Español. 15 CO_Q1_AP6_Module3 Panuto: Isulat ang bunga ng mga sanhing nakasulat. Isulat ang letra ng wastong sagot na makikita sa kahon. Sanhi Bunga 1. Matapos matuklasan ng mga Español ang Katipunan. 2. Lumubha ang mga labanan sa pagitan ng Pilipino at Español. 3. Tumutol sa pagkahalal ni Bonifacio si Daniel Tirona. 4. Dahil sa pagdamdam at pang-insulo ni Tirona 5. Ipinailalim sa paglilitis si Andres at Procopio Bonifacio A. Nagkita-kita ang mga katipunero sa pugad lawin. B. Idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang halalan. C. Iginawad ang parusang kamatayan sa kanila noong Mayo 10, 1897. D. Napailalim sa batas-militar ang walong lalawigang nag-alsa. E. Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio. Panuto: Basahin ang pangungusap at isulat ang Tama kung nagsasaad ng katotohanan ito at Mali kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang- papel. 1. Tumutol sa pagkahalal kay Bonifacio si Daniel Tirona. 2. Noong Marso 22, 1896, ipinahayag ang pagkatatag ng rebolusyonaryong pamahalaan. 3. Matapos ang insidenteng pagtutol, ipinalabas ni Aguinaldo ang Acta de Tejeros kung saan inisa-isa niya ang mga dahilan upang ipawalang bisa ang halalan. 16 CO_Q1_AP6_Module3 4. Mula sa San Francisco de Malabon, ipinalabas ni Andres Bonifacio ang ikalawang dokumento kung saan ipinapahayag ang pagtatatag pa ng isang rebolusyonaryong pamahalaan. 5. Dahil sa pangambang maging mabigat ang epekto ng alitan sa panig ni Andres Bonifacio sa pagtaguyod ng himagsikan, nagpawalang kibo na lamang si Aguinaldo. Panuto: Isulat ang tsek ( ) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at ekis (X) kung mali. Gawin ito sa sagutang-papel. 1. Nahalal bilang pangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan si Andres Bonifacio. 2. Ang himagsikang 1896 ay ang pag alsa ng mga katipunero laban sa mapang- aping Español. 3. Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay ang hudyat ng himagsikan laban sa mga Español. 4. Ang nahalal na Direktor ng Digmaan sa Tejeros ay si Emilio Jacinto. 5. Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Daniel Tirona. 17 CO_Q1_AP6_Module3 Aralin 3 Kasunduan sa Biak-na-Bato Ang ating mga mahal na bayani ay nagbuwis ng buhay upang ipahayag ang kanilang pagka-Pilipino, pagmamahal sa bayan, at pagpakita ng tapang sa mga pangyayaring napag-alaman mo sa na nakaraang modyul. Ito ay patungkol sa mga kaganapan sa pagkamit ng kalayaan ng mga katipunero. Ang mga pangyayari sa Sigaw sa Pugad Lawin at Kumbensiyon sa Tejeros ay mga pangyayaring nagpakita ng katapangan sa paggawa ng mga plano upang mapaalis ng tuluyan ang mga Español. Handa ka na bang simulan ang susunod na pangyayari? Alamin mo muna ang mga layuning gustong maabot ng modyul na ito. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang iyong; 1. masusuri ang mga pangyayari na naganap na humantong sa Kasunduan sa Biak-na-Bato; 2. naipaliwanag kung bakit naging mapayapa ng panandalian ang bansa sa pagtatag ng Kasundaan sa Biak-na-Bato; at 3. naisa-isa ang kontribusyon ng mga bayani na nagbahagi sa pakikipaglaban sa mga Español. Natatandaan mo ba ang aralin natin tungkol sa Kumbensiyon sa Tejeros? Subukin mong gawin ang pagsasanay na ito! Panuto: Ibigay ang salitang tinutukoy ng bawat bilang patungkol sa nakaraang modyul sa Kumbensiyon sa Tejeros. Isulat ang sagot sa sagutang-papel. 1. Ano ang lugar kung saan isinailalim sa paglilitis si Bonifacio at Procopio Bonifacio? 2. Ano ang petsa ng paghatol kay Bonifacio at Procopio ng parusang kamatayan? 3. Ito ang isinigaw ng mga Katipunero habang pinupunit ang mga sedula. 4. Ito ang lugar kung saan ginanap ang pulong ng mga rebolusyonaryo matapos mabulgar ang katipunan. 5. Sino ang nahalal bilang pangulo ng Kumbensiyon sa Tejeros? 18 CO_Q1_AP6_Module3 6. Sino ang nahalal bilang Pangalawang Pangulo sa Kumbensiyon sa Tejeros? 7. Sino ang nahalal bilang Kapitan-Heneral sa Kumbensiyon sa Tejeros? 8. Ano ang dokumentong ipinalabas ni Bonifacio kung saan inisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit pinawalang-bisa niya ang resulta ng halalan? 9. Ano ang pangalan ng nahalal na Direktor ng Digmaan? 10. Siya ang nahalal na Direktor ng Interyor. Basahin ang tula na isinulat ni Mitzel M. Alvaran. Bayani sa Puso at Gawa Bayaning tinuringang, nagpakita ng kamalayan, Sa mga likas na katauhan, sila ay isinilang, Dugo, pawis at karunugan, sama-samang nilinang, Sa pagpayo, pagdamdam lubos na katarungan. Bumuhos ang tapang pati ang kababaihan, Mga Katipunero ay kusang lumaban, Sa pagtatag ng Katipunan, kahit ito ay natuligsa man, Minsan ay may kaguluhan sa pamumuno ay nagdamdam. Lakas loob pa rin sinuportahan, pasakit at luha, Sa pagkawala ni Andres Bonifacio tuluyang pasan, Ngunit patuloy rin naman si Emilio Aguinaldo, Na ilagay sa tamang kahantungan ang bayan. Pilipinas, bansang malaya, kasarinlan nakuha, Gat Jose Rizal, siya ang nagpasimula, Malaya na, malaya na, itong bansang dakila, Panatag ang loob, dahil sa mga bayaning hanga. Panuto: Sagutin ang katanungan batay sa tulang nabasa. 1. Sa tulang nabasa, ano-ano ang ipinakitang kagalingan nang mga bayani natin? 2. Sino ang mga bayaning nagbuwis ng buhay sa panahon ng himagsikan? 3. Ano ang tawag sa mga kasapi ng Katipunan? 4. Ayon sa tula, si Gat Jose Rizal ang nagpasimuno ng paghihimagsik. Sa anong paraan niya ito ginawa? 5. Paano naipakita ng mga bayani ang kanilang pagmamahal sa bayan? 19 CO_Q1_AP6_Module3 Suriin Biak-na-Bato Kaganapan sa Biak-na-Bato Pinulong ni Aguinaldo ang kaniyang mga pinuno upang bumuo ng isang Saligang Batas. Sina Isabelo Artacho at Felix Ferrer ang sumulat ng Saligang Batas na pinagtibay noong Nobyembre 1, 1897. Pagkatapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas, itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato. Ang mga nahalal na opisyal ay sina Emilio Aguinaldo bilang Pangulo; Mariano Trias, Pangalawang Pangulo; Antonio Montenegro, Kalihim ng Ugnayang Panlabas; Baldomero Aguinaldo, Kalihim ng Pananalapi; Emiliano Riego de Dios, Kalihim Pandigma, at Isabelo Artacho, Kalihim ng Interyor. Habang patuloy ang mga labanan, nagpasiya si Pedro Paterno, isang mestizong Pilipino, na mamagitan upang mahinto na ang digmaan. Sa pamamagitan ni Paterno, nabuo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato. Lumagda sa Kasunduan sina Paterno bilang kinatawan ng mga rebolusyonaryo at si Gobernador-Heneral Fernando primo de Rivera noong 14 at 15 Disyembre 1897. Ilan sa mga probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato: 1. Pagtigil ng mga pinunong rebolusyonaryo sa labanan at maninirahan sila sa Hong Kong. 2. Lubusang kapatawaran sa lahat ng rebolusyonaryo at pagsuko ng kanilang mga sandata. 3. Pagkakaloob ng Espanya ng halagang Php1,700,000 bilang kabayaran sa mga rebolusyonaryo at mga pamilya nito. Illustration on this page is made by Roland B. Tarrazona 20 CO_Q1_AP6_Module3 Pansamantalang umiral ang kapayapaan dulot ng Kasunduan sa Biak na Bato. Nagtungo sa Hong Kong si Aguinaldo at ang ilang pinuno ng kilusan. Ngunit ipinagpatuloy rin niya ang pamahalaang rebolusyonaryo. Hindi tinupad ng Espanya ang pangakong pagbabayad sa mga Pilipino ng Php1,700,000. Tanging Php 600,000 lamang ang ibinayad nito, Php 400, 000 kay Aguinaldo at Php 200,000 sa mga kawal. Maraming Pilipino ang pinarusahan at walang repormang ipinatupad sa kolonya. Hindi rin tumupad ang mga Pilipino sa kasundaan. Inihanda ni Aguinaldo ang salaping tinanggap para gamitin sa iba pang pakikipaglaban sa mga Español. Maraming kawal na Pilipino ang hindi nagsuko ng kanilang mga sandata. Samantala, nagpatuloy ang labanan sa Zambales, Ilocos Sur, Manila, Cebu, Bohol, Panay at sa ibang panig na lugar sa Mindanao. Panuto: Ibigay ang kontribusyon ng mga bayaning naging bahagi ng pakikipaglaban sa mga Español. Bayani Kontribusyon 1. Isabelo Artacho 2. Emilio Aguinaldo 3. Felix Ferrer 4. Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera 5. Antonio Montenegro Gawain 1 Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang-papel. 1. Isalaysay kung bakit naging mapayapa ang bansa dahil sa Kasunduan sa Biak-na-Bato. 2. Sa iyong palagay, ano ang layunin ng Republika ng Biak-na-Bato? 3. Isalaysay kung bakit hindi nahinto ang digmaan. 4. Ibigay ang ilan sa probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato. 5. Ano-ano ang mga pangakong hindi tinupad ng Espanya sa mga Pilipino? 21 CO_Q1_AP6_Module3 Gawain 2 Panuto: Suriin at isulat sa sagutang-papel kung Tama o Mali ang sinasabi ng bawat pangungusap. 1. Pagkatapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas, itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato. 2. Sa pamamagitan ni Antonio Montenegro nabuo ang kasunduan sa Biak-na- Bato. 3. Lumagda sa kasunduan sina Paterno bilang kinatawan ng mga rebolusyonaryo at si Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera. 4. Hindi tinupad ng Espanya ang pangakong pambabayad sa mga Pilipino ng Php1,600,000. 5. Inihanda ni Aguinaldo ang salaping tinanggap para gamitin sa iba pang pakikipaglaban sa mga Español. Napag-aralan mo ang pagbabago sa buhay ng mga rebolusyonaryong Pilipino dahil sa Kasunduan sa Biak-na-Bato. Buo ang loob ng mga pinunong Pilipino na pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo ng lumagda sa kasunduan sina Pedro Paterno at si Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera na pansamantalang iiral ang kapayapaan sa pagitan ng rebolusyonaryong Pilipino at Español. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng diwang makabansa o makabayan? Isulat mo ang kung nagpapakita ng diwang makabayan at kung hindi. Gawin mo ito sa iyong kuwadernong sagutan. Mga Gawain 1. Iginagalang ang watawat ng Pilipinas. 2. Bumibili ng produkto na yari sa bansa. 3. Ikinahihiya ang pagiging kayumanggi. 4. Nakikilahok sa mga proyektong “Operasyon Linis”. 5. Ipinagtatanggol ang sariling bansa. 22 CO_Q1_AP6_Module3 Panuto: Basahin ang bawat tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang-papel. 1. Ilan ang probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato ang ipinatupad ni Heneral Emilio Aguinaldo? A. 2 B. 3 C. 4 D. 5 2. Kailan nilagdaan ni Pedro Paterno at Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang kasunduan? A. Disyembre 11-12, 1897 C. Disyembre 17-18, 1897 B. Disyembre 14-15, 1897 D. Disyembre 19-20, 1897 3. Ang sumulat ng Saligang Batas na ipinagtibay noong Nobyembre 1, 1897 ____ A. Isabelo Artache C. Fernando Primo de Rivera B. Pedro Paterno D. Emilio Aguinaldo 4. Matapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas, itinatag ang ____. A. Pamahalaang Komonwelt C. Republika ng Biak-na-Bato B. Pamahalaang Rebolusyonaryo D. Misyong Pangkalayaan 5. Saan nagtungo si Aguinaldo at ilang pinuno ng kilusan pagkatapos mapairal ang kasunduan na pansamantalang nagdulot ng kapayapaan? A. Tsina C. Estados Unidos B. Hong Kong D. Hapon 6. Magkano ang halaga na pinangako ng Espanya na ibigay sa Pilipinas upang mahinto ang labanan? A. Php1,500,000 C. Php1,700,000 B. Php1,600.000 D. Php1,800,000 7. Sino ang namagitan upang huminto ang labanan? A. Emilio Aguinaldo C. Daniel Tirona B. Pedro Paterno D. Andres Bonifacio 8. Magkano lamang ang ibinayad ng Espanya sa mga Pilipino na naging dahilan ng hindi pagsunod ng mga Pilipino sa Kasunduan? A. Php 200.000 C. Php 600,000 B. Php 400,000 D. Php 800,000 9. Ano ang ginawa ng mga Pilipino sa hindi pagtupad sa kasunduan sa Espanya? A. Nagpakumbaba na lamang B. Hindi pagbalik ng mga armas sa Espanya C. Hindi pagbayad ng Php1,700,000 D. Hindi pagbayad ng Php1,500,000 10. Kailan ipinagtibay ang Saligang Batas? A. Nobyembre 1, 1897 C. Nobyembre 3, 1897 B. Nobyembre 2, 1897 D. Nobyembre 4, 1897 23 CO_Q1_AP6_Module3 Panuto: Tingnan ang grapikong organiser at pag-aralan ang mga kaganapan sa Kasunduan sa Biak-na-Bato. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Kasunduan sa Biak-na-Bato Espanya Pilipinas Emilio Aguinaldo Pagkakaloob ng Espanya Lubusang kapatawaran Pagtigil ng mga ng halagang 1,700,000 sa lahat ng pinunong bilang kabayaran sa mga rebolusyonaryo at rebolusyonaryo at rebolusyonaryo at pagsuko ng kanilang nanirahan sa Hongkong pamilya nito. mga sandata Pedro Paterno Hindi tumupad sa Hindi rin tumupad kasunduan ang ang mga Pilipino sa Espanya kasunduan Php 1,700,000 Tanging P600,000 Maraming kawal lamang ang ang hindi nagsuko ibinayad ng ng kanilang sandata Espanya Handa kana ba? Isulat ang iyong sagot sa sagutang-papel. 1. Ano-anong bansa ang nagkasundo upang tuluyang matigil ang rebulos- yunaryong paghihimagsik? 2. Ano ang napagkasunduan sa Kasunduan sa Biak-na-Bato na ipagkaloob ng mga Español bilang kabayaran sa mga rebulosyonaryo at mga pamilya nito? 3. Ano kaya ang nangyari nang hindi pagsunod ng dalawang panig sa kasunduan? 4. Ano naman ang ipinangako ng mga rebolusyonaryo na kabayaran sa ibibigay na pera ng mga Español? 5. Nagtagumpay ba ang kasunduan? Oo o Hindi? Bakit? 24 CO_Q1_AP6_Module3 CO_Q1_AP6_Module3 25 Subukin Balikan Tuklasin Suriin 1. C 1. Sa bahay sa Kalye 1. 3 1. Ang pagdanas ng kalupitan 2. D Azcarraga, noong Hulyo 7, 2. 5 ng mga Pilipino ang dahilan 3. C 1892 3. 2 sa pag-alab sa damdamin 4. C 2. Itinatag ang Katipunan 4. 4 ng mga Pilipino na 5. A upang pukawin ang 5. 1 makipaglaban sa mga 6. B damdaming nasyonalismo Español. 7. B at ibalik ang kalayaan ng 2. Itinatag ang KKK ng hindi 8. D mga Pilipino. nagtagumpay ang Kilusang 9. B 3. Andres Bonifacio, Ladislao Propaganda. 10. B Diwa, Deodato Arellano, 3. Kailangang simulan ang Jose Dizon, Valentin Diaz pakikipaglaban kahit hindi at Teodoro Plata pa handa ang mga 4. Makamit ang kalayaan katipunero matapos laban sa mga Español. matuklasan ng mga 5. Pagsiwalat ni Teodoro Español ang katipunan. Patiño. 4. Natuklasan ng mga Español ang katipunan ng isiniwalat ni Teodoro Patiño kay Padre Mariano Gil ang lihim. Pagyamanin Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain Gawain 1 A. 1. ✓ 1. H 1. Josefa Rizal 2. ✓ 2. J 2. Gregoria de Jesus 1. Bunga: Inilunsad ang 3. ✓ 3. F 3. Melchora Aquino pakikipaglaban sa mga Español. 4. X 4. B 4. Emilio Jacinto 2. Pangyayari: Natalo ng mga Kastila 5. ✓ 5. A 5. Gregoria de Jesus ang mga Pilipino. 24. 6. I 6. Melchora Aquino 3. (kahit hindi magkasunod-sunod) 23. B. 7. C 7. Andres Bonifacio a. Bulacan 22. Masasaktan 8. E 8. Melchora Aquino b. Cavite 21. ang loob; 9. G 9. Andres Bonifacio c. Pampanga Magagalit; 10. D 10. Andres Bonifacio d. Maynila Makikipag- 20. b. Nueva Ecija away o 19. a. Laguna 18. Magtanim ng b. Tarlac 17. galit c. Batangas 16. 15. Gawain 2 14. Layunin: 13. 1. Makamit ang kalayaan ng bansa. 12. 11. Mga Bayani ng Himagsikan: 2. Andres Bonifacio 10. 3. Melchora Aquino 9. 4. Emilio Jacinto 8. 5. Gregoria de Jesus 7. 6. Josefa Rizal 6. 7. Marcela Agoncillo Susi sa Pagwawasto: Aralin 1 CO_Q1_AP6_Module3 26 Balikan Tuklasin 1. Matapos matuklasan ng Pagpupulong sa Kumbensiyon sa Tejeros mga Español ang lihim na 1. Ipinahayag ang pagkatatag ng rebolusonaryong kilusan ng Katipunan, pamahalaan sa pulong sa Tejeros nagkasundo ang mga 2. Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni katipunero na sisimulan Daniel Tirona. ang himagsikan at sabay- 3. Nalaman ni Aguinaldo ang ginawa ni Bonifacio, na pag- sabay nilang inilabas ang alis sa pulong na walang pahintulot. kanilang mga sedula at 4. Nahalal bilang Direktor mg Digmaan si Andres Bonifacio. sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas!” Pagkatapos ng Pagpupulong sa Kumbensiyon sa Tejeros 2. Nagpapakita ito na handa 1. Walang pagkakasunduan sa panig ni Bonifacio at Emilio na silang lumaban sa mga Aguinaldo. Español ng buong-buo sa 2. Ipinautos ni Emilio Jacinto na dakpin si Andres kanilang kalooban. Bonifacio. 3. Upang maging malaya na 3. Napasailalim sa paglilitis si Andres Bonifacio pati ang ang bansa sa pang-aapi. kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio. 4.Iginawad ang parusang kamatayan sa magkapatid na Andres Bonifacio at Procopio Bonfacio. Pagyamanin Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain Gawain 1 1. A 1. Tama 1. X 1. ✓ 2. D 2. Tama 2. 2. ✓ 3. E 3. Mali 3. 3. ✓ 4. B 4. Tama 4. X 4. X (walo) 5. C 5. Mali 5. 5. X (Marso 22,1897) Gawain 2 1. Dahil nainsulto si Andres Bonifacio sa pagtutol at pagmamaliit sa kanya ni Daniel Tirona. 2. Gumawa ng kasulatan na ipinawalang-bisa ang halalang naganap. 3. Sa pangambang nagiging mabigat ang epekto ng ginawa ni Bonifacio sa pagtataguyod ng himagsikan. 4. Kailangang abogado ang nahalal na Direktor ng Interyor at hindi ang isang taong walang pinag- aralan. 5. Nahatulan ng kamatayan si Andres Bonifacio at Procopio Bonifacio. Susi sa Pagwawasto: Aralin 2 CO_Q1_AP6_Module3 27 Educational Materials, Inc. 2002, 252-257. Rosario M. Santiago, et. al. Pilipinas Perlas ng Silanganan 6: Manila: Innovative Sampaloc, St.: Augustine Publications, Inc., 2009, 180-185. Juan Alvin B. Tiamson. Pilipinas Serye ng Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika: Corporation, 2010, 112-118. Alvenia P. Palu-ay. Makabayan Kasaysayang Pilipino 5: Quezon City: LG & M Balikan Tuklasin Suriin 1. Barrio Imbon, Indang, 1. Katapangan, Pagmamahal sa 1. Sumulat ng Cavite Bayan at Pagkakaisa Saligang Batas 2. Mayo 10.1897 2. Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, 2. Naging pangulo 3. Mabuhay ang Pilipinas Emilio Aguinaldo, Apolinario ng Republika 4. Tejeros, San Francisco, Mabini ng Pilipinas Malabon 3. Katipunero 3. Sumulat ng 5. Emilio Aguinaldo 4. Sa pagsusulat naipahayag niya Saligang Batas 6. Mariano Trias ang mga kasamaan ng mga 4. Lumagda ng 7. Artemio Ricarte Español. Kasunduan 8. Acta de Tejeros 5. Sa pakikipaglaban upang makamit 5. Naging 9. Emiliano Regio de Dios ang kalayaan. pangalawang 10. Andres Bonifacio pangulo Pagyamanin Tayahin Karagdagang Gawain Gawain 1 1. B 1. Espanya at Pilipinas 1. Dahil nagkasundo ang mga Español at mga 2. B 2. Pagkakaloob ng Pilipino, at nakalagay ito sa mga probisyon na 3. A Espanya ng halagang Kasunduan na itigil ang labanan. 4. C 1,700,000 bilang 2. Kapayapaan at Pagbabago sa Pamumuno 5. B kabayaran sa mga 3. Dahil sa hindi pagtupad ng Español at mga 6. C rebolusyonaryo at Pilipino sa Kasunduan. 7. B pamilya nito. 4. a. Pagtigil ng mga pinunong rebolusyonaryo sa 8. C 3. Nagpatuloy ang labanan labanan at maninirahan sila sa Hong Kong. 9. B sa pagitan ng mga Español at Pilipino b. Lubusang kapatawaran sa lahat ng 10. A 4. Pagtigil ng mga rebolusyonaryo at pagsuko ng kanilang mga pinunong sandata. Isagawa rebolusyonaryo at c. Pagkakaloob ng Espanya ng halagang 1. ☺ paninirahan sa P1,700,000 bilang kabayaran sa mga 2. ☺ Hongkong. rebolusyonaryo at mga pamilya nito. 5. Hindi, dahil hindi 5. a. pagbabayad ng 1,700,000 pesos 3. tumupad ang Español b. maraming Pilipno ang pinarusahan 4. ☺ sa kasunduan gayundin c. walang repormang ipinatupad ang mga Pilipino. 5. ☺ Gawain 2 1. Tama 2. Mali (Pedro Paterno) 3. Tama 4. Mali (P1,700,000) 5. Tama Susi sa Pagwawasto: Aralin 3 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]