AP6_1_2_ Araling Panlipunan 6 Ika-anim na Baitang PDF

Summary

This document discusses topics in Social Studies; specifically, historical events in the Philippines, focusing on the challenges and responses to nationhood, the opening of ports, and notable figures like Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, and Jacinto Zamora. Includes explanations of the Suez Canal and Cavity Mutiny.

Full Transcript

Ika-anim na Baitang ARALING PANLIPUNAN 6 1.2 Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa Pagbukas ng Mga Daungan Trivia! Alam nyo ba? Panama Canal Grand Canal Suez Canal Suez Canal Nabuksan ito noong Nobyembre 17, 1869. I...

Ika-anim na Baitang ARALING PANLIPUNAN 6 1.2 Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa Pagbukas ng Mga Daungan Trivia! Alam nyo ba? Panama Canal Grand Canal Suez Canal Suez Canal Nabuksan ito noong Nobyembre 17, 1869. Ito ang naghihiwalay sa Egypt at Israel at nag-uugnay sa Red Sea at Mediterranean Sea. Dahil sa pagbubukas nito ay naging mas madali ang paglalakbay mula Europa patungong Pilipinas. Suez Canal Suez Canal Dahil dito, madaling nakapasok ang liberal na ideya dulot ng pandaigdigang kalakalan. Natutunan ng mga Pilipino ang tungkol sa pagkakapantay-pantay, kalayaan at pagkakapatiran. Nabasa ng mga Pilipino ang mga aklat at pahayagan tungkol sa kalayaan na nasa mga barko. Mas lumawak ang kanilang kaalaman sa politika, kalayaan at katarungan. Pag-usbong ng Gitnang Uri Gitnang Uri Mga ilustrado-sila ang tinaguriang gitnang uri Sila ang mga Pilipino na umunlad ang pamumuhay noong panahon ng mga Espanyol. Kalimitan, sila ay mga mestizong Espanyol o Tsino Ang kanilang mga anak ay nakapag- aral sa Europa. Dahil dito, nagising ang kanilang kamalayang liberal at sa mga pang- aabuso ng mga Espanyol. Mga Prayle Nagpapalaganap ng relihiyong Katoliko Sila ay kabilang sa mga makapangyarihan. Sila ay namamahala sa mga simbahan. May dalawang uri ng mga prayle: -Regular -Sekular Mga Prayle PARING REGULAR PARING SEKULAR Mga paring Espanyol Mga paring Pilipino na na kasapi ng mga hindi pinahihintulutang ordeng relihiyoso mapabilang sa anumang tulad ng Jesuit, ordeng relihiyoso at Dominican, nasa ilalim ng pangangasiwa ng Augustinian Recollect Arsobispo at Franciscan Paring Regular Paring Sekular Padre Pedro Pelaez Padre Pedro Pelaez Siya ang nanguna sa kilusan laban sa diskriminasyon at para sa sekularisasyon SEKULARISASYON Ang pagsasalin ng pangangasiwa sa mga parokya mula sa mga prayleng Espanyol patungo sa mga paring Pilipino. Sekularisasyon ng Parokya Ayon sa Council of Trent (1545-1563), ang bawat paring regular ipinadala sa mga kolonya ay may mga tungkulin lalo na sa pagpapalaganap ng kristiyanismo. Ang mga paring sekular ay pinagbawalang humawak ng mga parokya. Pinag-isipan ni Pope Pius V na pahintulutan ang mga paring secular na humawak ng parokya ngunit tinutulan ito ng mga paring regular at ipinarating sa Hari ng Espanya. Cavity Mutiny Cavite Mutiny ARSENAL- dito tinatago ng mga Espanyol ang kanilang mga armas at dito ginagawa ang pagsasanay sa mga sundalo. Cavite Mutiny RAFAEL DE IZQUIERDO- tinanggal niya ang mga pribilehiyong tinanggap ng mga sundalo sa arsenal ng Cavite. Marami sa mga sundalong ito ay mga Pilipino na pumapanig sa mga Espanyol. Cavite Mutiny POLO Y SERVICIO- Ang isa pa sa mga patakarang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol ay ang "Poloy Servicios" O sapilitang paggawa noong 1580. Sakop nito lahat ng kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa pagawaanng pamahalaang Espanyol, gaya ng pagpapatayo ng tulay, simbahan at paggawa opagkukumpuni ng barkong galyon. Cavite Mutiny FALLA - (mula sa salitang Espanyol, na ang ibig sabihin ay pagkukulang o pagliban) Ito ay halagang ibinabayad o multa bilang pagliban sa paglilingkod o paggawa noong panahon ng Espanyol. Dahil sa kahirapan ilan lamang ang makakapagbigay ng halagang ito upang makaiwas sa paggawa. Ang halaga ng falla sa loob ng 40 araw ay 56 na reales. Cavite Mutiny FERNANDO LA MADRID- namuno sa pag-alsa ng 200 na mga sundalo sa Cavite Cavite Mutiny CAVITE MUTINY- mitsa ng himagsikang Pilipino ng 1896 Paggarote sa Tatlong Pari GOMBURZA Padre Mariano Gomez Padre Jose Burgos Padre Jacinto Zamora GomBurZa Pinaghinalaan silang namuno sa Cavite Mutiny Ginarote sila noong Pebrero 17, 1872 sa Bagumbayan. Ang kanilang kamatayan ang nagpaigting sa makabansang damdamin ng mga Pilipino. GomBurZa Inilibing sila nang walang palatandaan sa Paco Cemetery.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser