Araling Panlipunan 5 Review Slides PDF

Summary

These review slides cover various aspects of Araling Panlipunan 5, focusing on topics such as early Filipino governance, social structures, and cultural influences. The document details different forms of governance and social classes present in Pre-colonial Philippines.

Full Transcript

Review Slides Araling Panlipunan 5 Ang kadatuan o barangay ay isang uri ng pamahalaan na umiral sa gitna at timog na bahagi ng bansa bago dumating ang mga Espanyol. Ang kadatuan ay nagmula sa salitang “datu” na pinuno ng pamahalaan sa mga karatig-bansa ng Pilipinas. Ang salitang bara...

Review Slides Araling Panlipunan 5 Ang kadatuan o barangay ay isang uri ng pamahalaan na umiral sa gitna at timog na bahagi ng bansa bago dumating ang mga Espanyol. Ang kadatuan ay nagmula sa salitang “datu” na pinuno ng pamahalaan sa mga karatig-bansa ng Pilipinas. Ang salitang barangay ay hango sa salitang Malay na “balangay” na ang ibigsabihin ay “bangka”. Sila ang mga pamilyang nagtatag ng mga pamayanan sa Pilipinas. Karaniwan itong binubuo ng 30 hanggang 100 kabahayan o pamilya. Ang barangay din ang pinakamaliit na organisyong panlipunan na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging magkamag-anak. Ayon kay William Henry Scott, karamihan sa mga Pilipino noong ika-16 na dantaon ay naninirahan malapit sa mga anyong- tubig at ang mga bangka at balangay ang tanging paraan ng paglalakbay. Pamunuang Barangay Bawat barangay ay pinamumunuan ng datu, gat, sultan, rajah o lakan. Mayroon ding tinatawag na tuan o grupo ng mga iginagalang na nakatatanda sa barangay. Ang titulong gat naman ay nangangahulugang “ginoo” sa gitnang Luzon. Pamunuang Barangay Ginagamit naman ang katawagang rajah sa Maynila, dahil Narin sa impluwensyang Indian na pumasok sa bansa sa pamamagitan ng kalakalan. Ang lakan, na halos kasingkahugan din ng rajah ay ginamit naman sa maraming bahagi ng Luzon at Visayas. Sa malaking bahagi ng Mindano ginamit ang katawagang sultan. Pamunuang Barangay ❖ Ang punong barangay ang itinuturing na pinakamakapangyarihan sa loob ng pamayanan. Siya ang gumagawa ng batas, nagpapatupad, at nagsisilbing hukom sa mga nagkakasala. ❖ Ibinabalita ang mga nabuong batas sa buong barangay sa pamamagitan ng umalohokan. Sa mga ritwal o mga gawaing may kinalaman sa paniniwala at panggagamot, katuwang ng punong barangay ang mga babaylan o katalonan sila ang mga pinunong panrelihiyon o espiritwal. Pamahalaang Sultanato Dala ng relihiyong Islam sa pamumuno ng dalawang tao : Abu Bakr sa Sulu at Shariff Kabungsuwan sa Maguindanao. Pamayanang higit na malaki at makapangyarihan kaysa sa mga barangay. Pinamumunuan ito ng isang sultan na pinaniniwalaang galing sa angkan ni Mohammad ayon sa tarsila. Tarsila – isang dokumento na nagsasaad ng mga tala tungkol sa lahat ng namuno sa sultanato sa Sulu at Maguindanao. Kumpederasyon ng mga datu ang sultanato. Ang sultanato ay binubuo ng mga pamayanan na pinamumunuan ng mga datu. Ang pamayanan ay tinawag na banwa o banua na maihahalintulad sa salitang bayan sa kasalukuyan. Napasasailalim ang mga datu sa higit na nakatataas na pinuno, ang sultan. Ang tungkulin ng pagiging sultan ay ibinibigay sa tagapagmana (Rajah Mudah). Tumatayo rin ang sultan bilang pangunahing pinunong panrelihiyon ng Muslim (imam). Sa lipunang Muslim, lubos na pinahahalagahan din ang konsepto ng ummah. Ang ummah ay ang pamayanang Muslim na nakasalig sa shariah (batas ng Islam). Naitatag ang sultanato ng Sulu noong 1450 sa ilalim ni sultan Abu Bakr. Nakapaloob dito ang mga lupain at pamayanang matatagpuan Ngayon sa Sulu, Taw-tawi, Palawan, Basilan, at Zamboanga. Pamahalaang Sultanato ▪ Batas ng Sultanato May hukuman ang sultanato na pinamumunuan ng isang qadi. Ang qadi ang tumatayong hukom at nagbibigay ng desisyon sa mga kasong paglabag sa batas at alituntunin ng Islam. Nakabatay ang batas na sinusunod sa sultanato sa Koran, ang banal na aklat ng Muslim at sa Sunnah, mga utos at panuntunan sa buhay ni Propeta mohammed. Tinawag na Batas Sharia ang kalipunan ng mga aral at panrelihiyong kautusan na pinasusunod sa sultanato. Pamahalaang Sultanato ▪ May tatlong kategorya ng krimen sa ilalim ng Batas Sharia. 1. tazir – ang kaparusahan ay maaaring pagkabilanggo o pagbitay. 2. hudud – tulad ng pagnanakaw, maaaring pagputol ng kamay ang parusa. 3. qisas – pinaiiral ang prinsipyong “mata sa mata at ngipin sa ngipin” ibigsabihin ay paghihiganti (retaliation). Mga Antas sa Lipunan 1. Maginoo at mga datu - pinuno sa barangay at tagapayo 2. Maharlika - karaniwang tao 3. Timawa o timagua - mga mandirigma 4. Alipin - pinakamababang antas Mga Antas sa Lipunan May itinuturing na dalawang uri ng alipin –ang namamahay at ang saguiguilid. Aliping Namamahay 1. Pagkakaroon ng sariling bahay na uuwian at ari-arian 2. Pagkakaroon ng asawa 3. Pagtanggap ng bayad kapalit ng paglilingkod 4. Hindi maipagpapalit o maipagbibili ng panginoong kaniyang pinaglilingkuran. Mga Antas sa Lipunan Aliping Saguiguilid – handang maglingkod anumang oras, itinuturing din siyang pag-aari ng amo at kinakailangang humingi ng pahintulot kung mag-aasawa. 1. Walang Kalayaan 2. Walang sariling tahanan o ari-arian 3. Maaaring ipagbili o ipagpalit ng kanilang panginoon 4. Naglilingkod nang walang kabayaran Tinapyas na magagaspang na bato na may gulang na dalawang daan limampung libong taon ang nahukay sa Lambak ng Cagayan. Maaaring ang mga ito ay ginamit sa pangangaso ng mga sinaunang Pilipino upang sila ay makakain. Pinaniniwalaan ding nagsimula ang agrikultura sa Pilipinas noong 5000 BCE. Natutunan ng mga tao ang pagtatanim ng palay na ginamitan ng sistemang patubig (wet rice agriculture) noong 3,000 BCE. Sa panahong ito pinaniniwalaang nagsimula ang pagbuo ng Hagdan- hagdang Palayan ng Banaue na gawa sa bato at lupa. Natutunan din ang pagpapalayok na nagsimula noong 3,000 BCE. Ginagamit sa pagluluto at imbakan ng pagkain. Ito ay naging makabuluhan din sa pagpapakita nila ng pagpapahalaga sa mga yumaong kamag-anak na nagsimula noong 1,000 BCE. Isa sa mga ebidensiyang nahukay ay ang natagpuang banga sa Kuweba ng Manunggul sa Palawan. Panahon ng Metal (500 BCE – 1 CE Natuklasan ng mga sinaunang Pilipino ang paggamit ng mga metal, tulad ng tanso, bakal, at ginto sa paggawa ng mga alahas, sandata, at ilang kagamitang pang-industriya. Natutunan ng mga tao ang pagpapanday o paraan ng paggawa ng kutsilyo, espada, at iba pang matutulis na bagay na yari sa metal. Nagsimula at lumaganap din sa panahong ito ang teknolohiya ng paghahabi ng tela sa pamamagitan ng backloom. Isang simpleng kagamitan na gawa sa dalawang patpat ng bakal na ginagamit upang ipitin ang hibla ng halaman at gawing ganap na tela. Pagbuo ng Sinaunang Kabihasnan sa Pilipinas Ang kabihasnan ay pangkat ng mga tao na may mataas na antas ng kultura at pamumuhay. Pagbuo ng Sinaunang Kabihasnan sa Pilipinas Isa sa mga naging pinakamaunlad na kabihasnan sa Pilipinas noong ikalabing-anim na siglo ay ang kabihasnan sa Maynila. Ang iba pang naging maunlad na kabihasnan ay noong panahong bago dumating ang mga mananakop kagaya ng Sultanato ng Sulu, Maguindanao na pinamumunuan ng sultan at Kaharian ng Cebu na pinamumunuan ng isang rajah. Sistema ng Pagmamay-ari ng Lupa Ang pagmamay-ari ng lupa noon ay ibang-iba sa kasalukuyan. May dalawang uri ang mga lupaing pag-aari noon : 1. Pribado – ito ang mga lupaing pag-aari ng mga datu. Karaniwang mataba at sagana ang mga ani dito at hindi malayo sa mga pamayanan. 2. Pampubliko o Panlahat – mga lupaing para sa lahat ng tao. Mga lupaing mahirap sakahin, di-gaanong mataba, at malapit sa mga kabundukan. Pakikipagkalakalan ng mga Unang Pilipino Walang salaping ginagamit noon sa pakikipagkalakalan. Produkto rin ang ipinambabayad kapalit ng isang produkto. Maaari ring ipambayad ang mga aliping saguiguilid kung nais ng kaniyang panginoon. Ang sistema ng kalakalan noon ay tinatawag na barter. Ilan sa mga impluwensiyang Tsino sa ating kultura ang ilang mga laro (trumpo, sungka, saranggola), tsinelas, payong , bakya, kasuotan, pagkain, mga salita (ate, susi, gunting, at iba pa), at ilang pamahiin. ▪ Kalakalang Arabo-Pilipino Tinatayang dumating ang mga Arabo sa Sulu noong ikasiyam na siglo. Dala nila ang relihiyong Islam sa bansa na lumaganap sa ilang bahagi nito partikular na sa Mindanao. Impluwensiya din ng mga Arabo ang pagkakatatag ng pamahalaang sultanato. Humalo na rin sa wikang Filipino ang ilang mga salitang Arabe tulad ng alamat, akma, apo, pilat, salamat, at sulat. Sa panitikan, ang epiko ng Maranao at ang Darangan ay may impluwensiya at inspirasyon mula sa tanyag na epiko ng mga Arabo, ang Arabian Nights. Iba’t-ibang katawagan kay Bathala ▪ Kabunian – taga-Cordillera at mga Ilokano ▪ Lauon o Abba – taga-Visayas ▪ Gugurang – mga Bikolano ▪ Akasi – mga Zambal Mga Pinaniniwalaang diyos ng mga Katutubo ▪ Idianale – diyos ng pagsasaka ▪ Sidapa – diyos ng kamatayan ▪ Agni – diyos ng apoy ▪ Magwayen – diyos ng kabilang buhay ▪ Mandarangan – diyos ng digmaan Kalikasan ang batayan ng mga sinaunang pagsamba. Matibay ang paniniwala sa kapangyarihan ng kalikasan at sa mga kaluluwa sa kapaligiran at kagubatan. Mga Pinaniniwalaang diyos ng mga Katutubo Babaylan o katalonan - Sila ang mga tagapamagitan ng mga tao sa kanilang mga diyos, anito, o diwata. Sila rin ang nangunguna sa mga ritwal, pagsamba, at pag- aalay sa paghingi ng tulong sa kanilang diyos. Ang seremonyang ito ay tinatawag na pandol. Relihiyong Islam sa Pilipinas Ang Islam ay salitang Arabe na nangangahulugang kapayapaan at lubusang pagpapasakop kay Allah, ang tawag sa Diyos ng mga Muslim. Pinaniniwalaang nakarating ang Islam sa pamamagitan ng kalakalan sa katimugang bahagi ng ating bansa. Ang Paglaganap ng Islam sa Pilipinas Noong 1280, nakarating sa Sulu si Tuan Masha’ika, isang Malayong Muslim na nagsimula ng pananampalataya sa Jolo. Isang misyonero naman sa pangalang Karim ul-Makhdum ang nagpatayo ng mga unang mosque sa Jolo. Unti-unti, lumakas ang pananampalatayang Muslim hanggang sa tuluyang makapagtatag ito ng Sultanato ng Sulu noong 1450 sa ilalim ni Sharif ul- Hashim (Shayyid Abu Bakr). Ang Paglaganap ng Islam sa Pilipinas Ang salitang sayyid ay nangangahulugang ang isang tao ay direktang ninuno ni Propeta Muhammad, na nagtatag ng relihiyong Islam. Propeta – tawag sa sinumang isinugo ng Diyos at binigyan ng kapangyarihan para maging kaniyang tagapagsalita para sa isang lugar o grupo ng tao. Nagmula sa terminong “prophetes” na ang kahulugan ay “someone who speaks for another”. Ang Paglaganap ng Islam sa Pilipinas Tinawag si Sayyid Abu Bakr na Sultan Sharif ul-Hashim matapos siyang maikasal sa anak ni Rajah Baguinda ang kauna-unahang pinunong Muslim sa Pilipinas. Hindi naging sultan si Rajah Baguinda dahil hindi niya ninuno si Propeta Muhammad. Samantalang si Sayyid Abu Bakr naman ang kauna-unahang sultan sa Pilipinas. Nagkaroon din ng isang uri ng pinuno na mas mababa sa datu, na tinawag na panglima. Ang sultan ang nagtatalaga ng mga panglima sa bawat pamayanan. Tungkulin ng panglima ang mangolekta ng buwis na ibibigay sa sultan. Sa pagtanggap ng mga datu sa relihiyong Islam, sumunod at umanib din ang kaniyang mga mamamayan sa Islam kaya mabilis na lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas. Noong 1525, dumating naman sa timog ng Mindanao si Sharif Muhammad Kabungsuwan mula sa Mecca dala ang hukbo ng mga mandirigma. Ang Mecca ay isang lungsod sa Saudi Arabia. Ito ay ang pinakabanal na lungsod sa mundo ng Islam. Nagawang maitatag ni Sharif Muhammad Kabungsuwan ang Sultanato ng Maguindanao na nakasentro sa Cotabato. Mga Paniniwala at Aral ng Islam Si Mohammed na kinilalang propeta at sugo ni Allah ang nagtatag ng Islam. Si Allah ang sinasamba nilang Diyos. Tinawag na Muslim ang mga taong may pananampalatayang Islam. Koran (Qur’an) ang tawag sa Banal na Aklat ng Islam at moske ang tawag sa pook-sambahan ng mga Muslim. Limang Haligi ng Islam 1. Shahada – Ito ang taimtim na pagpapahayag ng paniniwala at pagsamba kay Allah bilang nag-iisang diyos. 2. Salat o Salah – Ito ang limang beses na pagdarasal sa loob ng isang araw bukod sa araw ng Biyernes kung kailan sama-sama silang sumasamba at nagdarasal sa moske. Binibigkas sa salat ang sermon o rhutba ng kanilang imam. 3. Zakat – Tungkulin ng mga Muslim na magbigay ng limos upang makatulong sa kapwa-Muslim at ibang taong nangangailangan, tulad ng mga ulila, may sakit, at biktima ng kalamidad. 4. Saum o Sawn – Ito ang pag-aayuno sa panahon ng Ramadan na pinakabanal na pagdiriwang ng mga Muslim. Ginagawa ito sa loob ng 29-30 araw. Bawal sa panahong ito ang kasayahan, paggawa ng mabigat na gawain, paninirang-puri, pagsisinungaling, kalaswaan, paninigarilyo, at pag-inom ng alak. 5. Haj o Hajj – Tungkulin ng bawat Muslim na magsagawa ng paglalakbay sa Lungsod ng Mecca sa bansang Saudi Arabia minsan sa kanilang buhay. Layon ng pagpunta rito ang pagbisita at pagdarasal sa Ka’aba, ang pinakasagradong dambana ng mga Muslim na kung saan matatagpuan ang tinatawag na Itim na Bato na inaasam na mahawakan ng mga manlalakbay. Hajj ang titulong ibinibigay sa mga Muslim na nakapaglakbay na sa Mecca. Sir C Email Address : [email protected] Tel. No. 0928-013-8332

Use Quizgecko on...
Browser
Browser