Pangkatang Pag-uulat_Handout_Unang Grupo PDF

Summary

This document is a handout for a group project on the topic of women's issues in the Philippines during the Spanish colonial era. It discusses the historical context, the role of education, and the women of Malolos, and contains various details from primary sources. Specific dates like 1888 and 1863 are mentioned.

Full Transcript

Pangkatang Pag-uulat Group 1 Abanilla, Castillo, Dominigo, Guilas, Segala, Virina Paksa: Usapin sa Kasarian Pangunahing Teksto: Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos ni Jose Rizal, Salin nina J. F. Ramos, L. Tiamson-Rubin, at N. Sena...

Pangkatang Pag-uulat Group 1 Abanilla, Castillo, Dominigo, Guilas, Segala, Virina Paksa: Usapin sa Kasarian Pangunahing Teksto: Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos ni Jose Rizal, Salin nina J. F. Ramos, L. Tiamson-Rubin, at N. Sena I. Konteksto ng akda at ng panahon A. Buhay ng mga Kababaihan Pilipino noong Panahon ng Kastila (Palafox, 2012). ○ Pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas at ang pagpasok ng mga patriyarkal na pagpapahalaga ○ Mga inaasahan sa kababaihan: nakatuon lamang sa mga gawaing-bahay, pagpapalaki ng mga anak, etc. ○ Ang pananaw na ang kababaihan ay mas nararapat sa loob ng tahanan, at walang karapatan sa politika o mataas na edukasyon B. Pagpapakilala sa Kababaihan ng Malolos (Escondo, 2019, p.99; Maño, 2021; Palafox, 2012) ○ Isang grupo ng mga kababaihan na nagprotesta laban sa mga patakarang pang-edukasyon na nagdidiskrimina sa kababaihan noong 1888. Sa kabila ng kanilang pribilehiyong panlipunan, hinahangad nila ang edukasyon at personal na pag-unlad Ipinahayag ang kanilang pagnanais na matuto ng wikang Kastila—isang wikang mahigpit na kinokontrol ng mga Kastila at itinuturing na wika ng politika at kapangyarihan ○ Ang benteng kababaihan ay nagmula sa Sangley Mestizo clan ng kanilang bayan at nakatira s a Pariancillo, Malolos. Kung kaya, sila ay magkakamag-anak, sa dugo o sa pagkakasundo, at magkakaibigan din. ○ Ilan sa kanila ay nakakuha ng eduksyon mula sa Colegio de la Concordia. ○ Ayon kay Del Pilar sa kanyang sulat kay Rizal, ang mga kababaihan ng Malolos ay may marangal na reputasyon at mga anak ng mga maginoos na syang nagbibigay ng awtoridad at kredibilidad sa kanilang gawain. ○ Ang dalawapung kababaihan: Elisea Tantoco Reyes, Juana Tantoco Reyes, Leoncia Santos Reyes, Olympia San Agustin Reyes, Rufina Reyes, Eugenia Mendoza Tanchangco, Aurea Mendoza Tanchangco, Basilia Villarino Tantoco, Teresa Tiongson Tantoco, Maria Tiongson Tantoco, Anastacia Maclang Tiongson, Basilia Reyes Tiongson, Paz Reyes Tiongson, Aleja Reyes Tiongson, Mercedes Reyes Tiongson, Agapita Reyes Tiongson, Filomena Oliveros Tiongson, Cecilia Oliveros Tiongson, Feliciana Oliveros Tiongson, Alberta Santos Uitangcoy. C. Sistema ng Edukasyon na Kontrolado ng Kastila (Palafox, 2012) ○ Bago ang Repormang Pang-edukasyon ng 1863, monopolyo ng mga prayle ang edukasyon, na nakatuon sa doktrinang relihiyoso at mahigpit na kontrol sa kaalaman ○ Hindi pagkakapantay-pantay sa edukasyon: ang kababaihan, lalo na mula sa mas mababang antas, ay may limitadong access sa pormal na edukasyon D. Ang Repormang Pang-edukasyon ng 1863 at ang mga Limitasyon Nito (Palafox, 2012). ○ Pagtangka na gawing sapilitan ang pangunahing edukasyon para sa lahat ng bata, nagtatatag ng magkahiwalay na paaralan para sa mga lalaki at babae ○ Kabiguan ng reporma dahil sa kakulangan ng mga guro, pasilidad ng paaralan, at patuloy na pagtutol ng mga prayle sa pagpapalakas ng mga Pilipino sa pamamagitan ng edukasyon E. Pagnanais ng Kababaihan na Matutunan ang Kastila (De Los Santos, 1917, pp. 30-31; Maño, 2021; Palafox, 2012) ○ Noong 1888, ang Kababaihan ng Malolos, na inspirasyon ng kanilang layunin para sa pagkakapantay-pantay, ay naghangad na magbukas ng night school upang matuto ng Kastila sa tulong ng gurong repormista na si Teodoro Sandiko. Si Teodoro Sandiko ay isang masigasig na tagasuporta ng edukasyong pangkababaihan at mga liberal na ideya. Disyembre 1888: Inakusahan syang pilibustero at subersibo. Napilitan syang lumayag papuntang Hongkong upang maiwasan ang panganib ng persekyusyon. Pinapatuloy ang pag-aaral sa law school sa Espanya sa ilalim ng Universidad Central de Madrid (na kilala ngayon bilang Universidad Complutense de Madrid o the Complutense University of Madrid) ○ Pagsusumamo kay Gobernador-Heneral Valeriano Weyler: isang makasaysayang sandali kung saan personal na iniharap ng mga kababaihan ang kanilang petisyon—isang matapang na hakbang laban sa nakagawian ○ Mga halo-halong reaksyon: ang kanilang kahilingan ay isang direktang hamon sa mga prayle at panawagan para sa edukasyon ng kababaihan, na itinuring na rebeldeng hakbang F. Mga Pagsubok at Katatagan (De Los Santos, 1917, pp. 30-31; Maño, 2021; Palafox, 2012) ○ Pagbabawal mula sa mga prayle at pagtutol mula sa makapangyarihang sektor, na natatakot na ang pagtuturo ng Kastila sa mga Pilipino ay magdudulot ng mga liberal na ideya ○ Pangunahing tumutol si Felipe Garcia, ang kura parokya ng Malolos, sa petisyong isinumete ng mga kababaihan sa mga kadahilanang isinulat nya mula sa kanyang lihim na ulat. ○ Patuloy na mga pagsisikap: Sa tulong ng mga lokal na repormista tulad ni Doroteo Cortes at guro na si Guadalupe Reyes, masigasig na ipinaglaban ng kababaihan ang kanilang paaralan at naglakbay mula Malolos patungong Maynila upang makuha ang pag-apruba ○ Pebrero 20,1889: Ang kanilang petisyon naaprubahan bagamat sa ilalim ng ilang kondisyon: Una, ang silang kababaihang ang magpopondo ng paaralan dahil hindi ito gagawin ng gobyerno. Ikalawa, ang magiging guro nila ay si Guadalupe Reyes sa halip na si Sandiko na blacklisted na sa mga kura ng Malolos. Ikatlo, ang mga klase ay gaganapin lamang sa umaga G. Liham ni Jose Rizal sa Kababaihan ng Malolos (Chua, n.d.; Escondo, 2019, p.99; Zaide & Zaide, 1999/2014, p. 323; Maño, 2021; Palafox, 2012) ○ Pebrero 15, 1889: Matapos sumali sa Propaganda movement si Sandiko, pinamahalaan ang La Solidaridad kasama sina Marcelo del Pilar, Mariano Ponce, at Graciano López Jaena. ○ Dahil sa pagkakataong ito, naibahagi ni Sandiko kina Del Pilar at Lopez Jaena ang kwentong katapangan na ipinakita ng mga kababaihan ng Malolos. ○ Pebrero 17, 1889: Mula sa Barcelona, sumulat si Del Pilar kay Rizal at hiniling na magpadala ito ng sulat para kilalanin ang ginawa ng mga dalaga. Binibigyang empasis ni Del Pilar na ang pagsulat ni Rizal sa mga kababaihan ay magtataguyod at magbibigay suporta sa similar na layunin ng mga Ilustrados ukol sa anti-friar movement. ○ Pebrero 22, 1889: Bagamat abala sa paggawa ng anotasyon sa aklat ni Morga noon sa London, nagawan nyang isulat ang liham at pinadala kay Del Pilar upang maihatid sa Malolos. Nilalaman ng liham ang masigasig na pagpuri ni Rizal sa katapangan ng kababaihan at hinihikayat silang yakapin ang edukasyon at pagkakapantay-pantay. ○ Mahahalagang tema ng liham: Pagkatanto sa importanteng gampanin ng kababaihan sa pagsulong ng karunungan at edukasyon upang pagalingin ang bayan Ang katapangan at mithiin ng mga kababaihan ng Malolos ay repleksyon ng tunay na kahulugan ng kabanalan na nakatuon sa kabutihang asal, malinis na kalooban, at matuwid na pag-iisip. Pagbibigay empasis sa tungkulin ng kababaihan sa kanilang mga sarili bilang isang dalaga at asawa upang pataasin ang dignidad at halaga nila sa lipunan. At bilang ekstensyon nito, paglalarawan din niya sa mga kababaihan ng Europa at Sparta bilang mga modelo ng mabuting ina na nagtataguyod ng isang marangal at makabayang anak. Tunay na gampanin ng relihiyon sa pagtukoy ng katotohanan at upang hindi maging alipin ninuman. H. Legacy ng Paaralan at Ambag ng Kababaihan sa Nasyonalismo (Maño, 2021; Palafox, 2012) ○ Ang paaralan, na pinagalanang Instituto de Mujeres, ay nabuksan sa bahay ng isa sa mga dalaga na si Rufina Reyes. ○ Mayo 1889: Subalit, makaraan ang tatlong buwan ay isinara ang ang paaralan dulot ng patuloy na presyur mula sa mga kura. ○ Sa kabila nito, ang naging epekto ng mga pangyayari ay nanatili ○ Ang adbokasiya ng mga dalaga ng malolos para sa karapatan ng kababaihan at edukasyon ay nagsilbing pundasyon para sa kilusang feminist sa Pilipinas II. Lagom A. Inisyal na Pagkakakilala sa Kababaihan (Rizal, 1889/1997, p. 89) Ang inisyal na pagkakakilala ni Rizal sa kababaihan ay base sa mga kababaihang nakilala niya simula pagkabata. “Tunay at labis ang matamis na loob, ang magandang ugali, ang binibining anyo, ang mahinhing asal…” “...nahahaluan ng lubos na pagsuyo at pagsunod sa balang sabi o hiling ng nagngangalang amang-kaluluwa (tila baga ang kaluluwa’y may iba pang ama sa Diyos), dala ng labis na kabaitan, kababaan ng loob, o kamangmangan” Nakapagpapalaki ng mga anak na “lantang halaman, sibul at laki sa dilim: mamumulaklak ma’y walang bango, magbunga ma’y walang katas.” B. Pagkakakilala sa mga Dalaga ng Malolos (1889/1997, p. 89) Pinamali ng mga dalaga ng Malolos ang inisyal na pagkakakilala ni Rizal sa mga kababaihan. “Di na unang katarungan ang pagtungo ng ulo sa balang maling utos, dakilang kabaitan ang ngisi sa pagmura, masayang pag-aliw ang mababang luha.” “Ang babaing Tagalog ay di na payuko at luhod…wala na ang inang katulong sa pagbulag sa anak, na palalakihin sa alipusta at pag-ayop.” C. Pagpapaiba sa Liko at Tapat na Kabanalan (1889/1997, p. 90) Kabanalan ○ Makikita at magagamapanan ang kabanalan, hindi sa pagpapakitang-tao → “matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuwintas, libaging kalmen” ○ Makikita at magagampanan ang kabanalan sa “mabuting asal, malinis na loob at matuwid na isip.” Bulag na Pagsunod ○ “...ang bulag na pagsunod ay pinagmumulan ng likong pag-uutos, at sa bagay na ito’y pawang nagkakasala.” ○ “Duwag at mali ang akala na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag-isip-isip at magnilay-nilay. Ang kamangmanga’y kamangmangan, at di kabaita’t puri.” Sariling Isip at Sariling Loob ○ Upang mapagkilala ang liko at tapat ○ Marangal at malayang pag-iisip ○ Sa loob at kaluluwa’y walang makasusupil D. Pagpuna sa mga Nagdidiyus-diyosang Prayle Sa Moralidad (1889/1997, p. 90) ○ Palalo/mapagmataas ang mga prayleng ginagamit ang relihiyon at posisyon sa institusyong ito para sa pansariling interes. ○ “Di dapat naman tayong umasa sa sarili lamang; kundi magtanong, makinig sa iba, at saka gawin ang inaakalang lalong matuwid…” ○ Ano mang posisyon ng isang indibidwal ay hindi nagbabago ang ugali nito: ang palalo ay palalo at ang mapagkumbaba ay mapagkumbaba. Sa Korapsyon (1889/1997, p. 92) ○ Pinagkumpara ni Rizal si Kristo at ang mga Prayle upang mapaibabaw ang mga kabuktutan ng mga Prayle. ○ Kristo di humalik sa mga Pariseo, hindi nagpahalik kailan pa man hindi pinataba ang mayayaman at palalong eskribas walang binanggit na kalmen, walang pinapagkuwintas, hiningan ng pamisa, at di pinabayad sa kanyang pananalangin ○ Mga prayle nagbibili ng mga kalmen, kuwintas, korrea, at iba’t iba pang pandaya ng salapi, upang di umano’y mapawalang-sala pinapayagan ang mga pagkakasala kung sila’y bayaran Sa Pag-chismis at Pang-aalipusta sa mga Kababaihan (1889/1997, p. 94) ○ “...pagbalik sa Espanya’y walang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag, at ipinagsisigawan halos, sabay halakhak, alipusta at tawa, kundi ang babaing si gayon ay gayon…” ○ “...nalalathala ang mga kasalanang ikinumpisal ng babae na di ilinilihim ng mga pari sa mga dumadalaw na Kastila, at kung magkaminsan ay dinaragdagan ng mga kayabangan at karumihang hindi mapaniwalaan.” E. Papel ng Kababaihan sa Pagpapalaya ng Bayan Kaugnayan ng Pantahanang Tungkulin sa Pagpapalaya ng Bayan (1889/1997, p. 93) ○ “Maghunos-dili nga tayo, at imulat natin ang mata, lalung-lalo na kayong mga babae, sapagkat kayo ang nagbubukas ng loob ng tao.” ○ “Huwag mag-antay ang bayan ng puri at ginhawa samantalang liko ang pagpapalaki sa bata, samantalang lugami at mangmang ang babaing magpapalaki ng anak.” ○ “Malaki ngang di bahagya ang katungkulang gaganapin ng babae, sa pagkabihis ng hirap ng bayan, nguni at ang lahat na ito’y di hihigit sa lakas at loob ng babaing tagalog.” ○ Ang mga kababaihan, bilang tagahubog ng pagkatao ng kanilang mga anak—ng mga Pilipino—ang magdidikta ng tadhana ng bayan. Pagkukumpara ng mga Kababaihan sa Europa at Asya (1889/1997, p. 93-94) ○ Babae sa Europa at Amerika → “maaya’t marunong, dilat ang isip, at malakas ang loob” ○ Babae sa Asya → “mangmang at alipin” ○ “...kapos kayong totoo ng mga librong sukat pag-aralan; talastas na walang isinisilid araw-araw sa inyong pag-iisip kundi ang sadyang pangbulag sa inyong bukas na liwanag…” Mga Kababaihan ng Esparta bilang Modelo ng Kababaihan para sa Pagpapalaya ng Bayan (1889/1997, p. 96) ○ “Nang iniabot ng isang ina ang kalasag sa papapasahukbong anak, ay ito lamang ang sinabi: ‘ibalik mo o ibalik ka,’ ito nga, umuwi kang nanalo o namatay ka…” ○ “...ibinalita ng isa na namatay daw sa pagbabaka ang tatlo niyang anak. -- Hindi iyan ang tanong ko, ang sagot ng ina, kundi nanalo ba o natalo tayo?” ○ “Ang tao, ang wika ng mga taga-Esparta, ay hindi inianak para mabuhay sa sarili, kundi para sa kanyang bayan.” F. Mga Konkretong Tungkulin ng Kababaihan sa Pagpapalaya ng Bayan Bilang kasintahan (1889/1997, p. 94) ○ “...kung dalaga, ay sintahin ng binata, di lamang dahilan sa ganda o tamis ng asal, kundi naman sa tibay ng puso, taas ng loob, na makabuhay baga at makapanghinapang sa mahina o naruruwagang lalaki, o makapukaw kaya ng maririlag na pag-iisip…” Bilang maybahay (1889/1997, p. 95-96) ○ “Pukawin sa loob ang sigla at sipag, maginoong asal, mahal na pakiramdam, at huwag isuko ang pagkadalaga sa isang mahina at kuyuning puso.” ○ “...tumulong sa lahat ng hirap, palakasin ang loob ng lalaki, humati sa panganib, aliwin ang dusa, at aglahiin ang hinagpis…” ○ “...alalahaning lagi na walang hirap na di mababata ng bayaning puso, at walang papait pang pamana sa pamanang kaalipustahan at kaalipinan.” ○ “...mulatin ang mata ng anak sa pag-iingat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapuwa, sa tinubuang-bayan, at sa pagtupad ng ukol.” Bilang ina (1889/1997, p. 93) ○ Palakihin ang anak na malapit sa larawan ng tunay na Diyos ○ Gisingin at ihanda ang loob ng anak sa balang mabuti at mahusay na akala ○ Patibayin ang loob ○ Patapangin ang puso G. Mga Paniniwalang Dapat Isaalang-alang ayon Kay Rizal (1889/1997, p. 97-98) 1. Ang pagtataksil ng ilan ay dahil sa kapabayaan ng iba. 2. Ang pagkakaalipusta ng isa ay dahil sa kanyang kakulangan ng pagmamahal sa sarili at kalabisan ng takot sa umaalipusta. 3. Ang pagiging mangmang ay pagiging alipin: ang taong walang isip ay taong walang pagkatao. 4. Higit na mas malakas ang nagkakaisang samahan kumpara sa iisang indibidwal. 5. Ang babaing Tagalog na hindi magbabago ay dapat tanggalan ng kapangyarihan sa bahay sapagkat siya ay huhubog ng anak, asawa, at bayan na walang malay. 6. Ang lahat ng tao ay ginawa ng Diyos na pantay-pantay at walang pagkakaiba; hindi alipin, hindi bulag, at hindi pinagkaitan ng katwiran upang maulol ng iba. 7. Maiging suriin at gamitan ng kritikal na pagpapasya ang relihiyong nakasanayan at siguraduhing ito ay ayon sa salita ng Diyos imbis na sa pansariling interes ng sinuman. III. Paliwanag sa mga babasahin A. Ang Kahalagahan ng Edukasyon para sa Kababaihan (Osias & Derbyshire, 1921; Quibuyen, 2011; Durano, 2011) Ipinagdiinan ni Rizal ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga kababaihan. Sa isang suri ni Osias, inilahad niya na paulit-ulit ipinahayag ni Rizal ang mga ideya na nagpapakita ng matinding pagnanais para sa kaalaman ng masa. Itinuturing ni Rizal ang edukasyon bilang isang mahalagang hakbang tungo sa paglaya ng kanyang mga kababayan. (p. 17, 18) Paniniwala sa progresibong edukasyon ○ Para kay Rizal, ang liberal na edukasyon ay naglalayong palawakin ang pananaw ng mga kababaihan at mga mamamayan. ○ Ayon kay Quibuyen, ang progresibong edukasyon ay marahil ang pinakamahalagang pamana ni Rizal sa Dapitan. Sa kanyang paaralan sa Talisay, pinangunahan ni Rizal ang mga tinatawag ang 'edukasyong nakabatay sa komunidad' na hindi lamang nakatuon sa akademikong kaalaman kundi pati na rin sa pagbuo ng moral at etikal na karakter. (p. 19) ○ Para kay Rizal, ang edukasyon ay dapat magtanim ng pagmamahal sa bayan sa puso ng mga Pilipino. Dapat nilang isapuso ang kapakanan ng bansa at maging handa na ipaglaban ang kalayaan nito. Ayon kay Marina Durano, ang edukasyon ng kababaihan ay para sa kaliwanagan at pagpapaunlad ng pangangatwiran: ○ Ang pagpapahalaga sa edukasyon para sa kababaihan ay upang sila at ang kanilang mga anak ay matutong mangatwiran. ○ Ang pagiging maka-Diyos ay nangangailangan ng pangangatuwiran. ○ Ang edukasyon ay isang paraan upang magkaroon ng “kakayahang bumuo ng konsepto ng kabutihan at makilahok sa kritikal na pagninilay” Ang paghahangad para sa edukasyon ng mga kababaihan ng Malolos ay galing sa pagnanais na matutunan ang wikang Kastila- na ginagamit upang magpahayag ng mga progresibong ideya. B. Kahalagahan ng Malayang Pagiisip at Pagsusuri sa Kabanalan Sa liham, ipinahayag ni Rizal ang kanyang paghanga sa mga kababaihan ng Malolos sa kanilang katapangan na humingi ng karapatan sa edukasyon. Para sa kanya, ang hakbang na ito ay simbolo ng pag-asa para sa kinabukasan ng Pilipinas. Tinuligsa ni Rizal ang maling interpretasyon ng mga prayle sa konsepto ng kabanalan. Para sa kanya, ang tunay na kabanalan ay hindi lamang nakabatay sa mga panlabas na gawain tulad ng pagsisimba, pagdarasal, o pagbibigay ng limos. Ipinahayag ni Rizal ang kanyang pagkabahala sa kung paano itinuturo sa mga kababaihan ang pagiging alipin at ang labis na paggalang sa mga prayle at ritwal bilang buong pagpapahayag ng kabanalan. Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng mga utos ng Diyos at ng mga utos ng tao, partikular ng mga prayle. Ang tunay na kabanalan ay nakasalalay sa pagsunod sa mga prinsipyo ng katarungan at kabutihan, hindi sa mga panlabas na anyo ng pagsamba. Ang bulag na pagsunod sa mga utos ng iba, lalo na ng mga may kapangyarihan, ay nagiging sanhi ng pagkakamali at kasalanan. Hindi nakikita ni Rizal ang na magkasalungat ang paniniwala sa Diyos at sa pagpapairal ng kritikal na pag iisip. Hindi maaaring bulag ang pananampalataya, at itinuturing ni Rizal na bahagi ng tunay na pagiging maka-Diyos ang paggamit ng katuwiran; kung wala ito, relihiyosidad lamang ang natitira. C. Ang Papel ng Kababaihan sa Pagbuo ng Bansa (Osias & Derbyshire, 1921; Durano, ) Naniniwala si Rizal na ang mga kababaihan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng bansa. Bilang mga ina, sila ang may responsibilidad na hubugin ang mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino. ○ Ang karakter ng pagiging ina ay nagtatakda sa karakter ng Inang Bayan. Dapat nilang ituro sa kanilang mga anak ang pagmamahal sa bayan, katapangan, at pagiging makabayan. ○ “Huwag mag antay ang bayan ng puri at ginhawa, samantalang lugami at mangmang ang babaying magpapalaki ng anak” p. 93 Higit sa lahat, dapat nilang palakihin ang kanilang mga anak na maging mga taong may malayang pag-iisip at may paninindigan. Nakikita ni Rizal ang mga kababaihang ito bilang mga kaalyado sa adhikain para sa ikabubuti ng nasyon, “ikakagaling ng bayan” Mayroong relasyon ang kamangmangan at ng pagdurusa ng Asya. Sinabi niya na ang kapangyarihan ng Europa at Amerika ay maaaring maiugnay sa intelektuwal na pag-unlad at matatag na kalooban ng kanilang mga kababaihan (Durano) ○ “Ito ang dahilan ng pagkalugami ng Asia; ang babayi sa Asia’y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang Europa at America, dahil at doo’y ang babayi maaya’t marunong, dilat ang isip at malakas ang loob.” p. 93 Sa pamamagitan ng edukasyon, naniniwala si Rizal na magkakaroon ng lakas ng loob ang mga kababaihan na lumaban para sa kanilang karapatan at maging aktibong kalahok sa kanilang komunidad para sa ikabubuti ng bayan. D. Si Rizal bilang liberal feminist (Fernandez, 1991; San Juan, 2011; Altez-Albela, 2020) Si José Rizal ay maaaring ituring na isang liberal na feminist sa konteksto ng kanyang mga pananaw at pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan Ang pagiging kritikal ni Rizal sa patriyarkal na nihilismo at ang pagbibigay-diin sa potensyal ng mga kababaihan na baguhin ang lipunan ay maliwanag sa kanyang liham. (San Juan, 2011) Sa kanyang mga nobela, partikular sa "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo," ginamit ni Jose Rizal ang mga babaeng karakter upang ipakita ang kalagayang sosyal ng kababaihan noong kanyang panahon. Ang mga karakter tulad nina Doña Victorina, Maria Clara at Sisa ay nagsilbing simbolo ng mga hamon at pagsubok na dinaranas ng mga kababaihan sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan at patriyarkal na lipunan (Altez-Albela, 2020) Idinepikta ang mga babaeng karakter bilang mga nagtataglay ng kakayahang bumuo ng bansa kung hindi lamang silang nakulong sa mga kaisipang hinubog sa kanila ng patriyarkal na lipunan, lalo na ng mga prayle. ○ Maria Clara Isang pangunahing tauhan sa "Noli Me Tangere," siya ay kumakatawan sa ideal na babae sa lipunan ng mga Pilipino. Sa kabila ng kanyang magandang katangian, siya ay nakatali sa mga inaasahan ng lipunan at sa kanyang ama. Ang kanyang kwento ay nagpapakita ng limitadong mga oportunidad para sa mga kababaihan at ang kanilang pagdurusa sa ilalim ng mga tradisyonal na pamantayan ng lipunan. (p. 202- 204) ○ Sisa Siya naman ay kumakatawan sa mga kababaihang nagdaranas ng matinding pagdurusa at pagkasira ng isip dulot ng mga pangyayari sa kanyang buhay, tulad ng pagkawala ng kanyang mga anak. Ang kanyang karakter ay nagpapakita ng mga epekto ng kolonyal na pang-aapi sa kababaihan, na nagiging simbolo ng kanilang pagdurusa at kawalang-kapangyarihan. (p. 206-207) ○ Doña Victorina Siya ay isang flamboyant na karakter na nagtatangkang makilala sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pagpapanggap na mas mataas ang kanyang estado. Sa kanyang karakter, ipinakita ni Rizal ang mga kababaihang nagiging biktima ng kolonyal na mentalidad at ang kanilang pagnanais na makilala sa isang lipunan na hindi sila tinatanggap. Ang kanyang pagkatao ay nagpapakita ng mga kababaihang nahahati sa kanilang pagkakakilanlan at mga ambisyon. (p. 204-206) Sa kabuuan, ang paggamit ni Rizal sa mga babaeng karakter ay hindi lamang naglalarawan ng kanilang kalagayan kundi pati na rin ng kanilang potensyal na maging mga aktibong kalahok sa pag-unlad ng bayan. Ipinapakita na malaki ang kanilang maaring maging kontribusyon sa pakikibaka para sa kalayaan at katarungan. Sa pangkalahatan, ang liham ni Rizal sa mga kababaihan ng Malolos ay isang panawagan para sa pagbabago at pag-unlad. Nais niyang makita ang mga kababaihan na malaya, edukado, at may aktibong papel sa lipunan. Naniniwala siya na ang mga kababaihan ay may malaking potensyal na makapag-ambag sa pag-unlad ng Pilipinas. IV. Pag-uugnay sa kasalukuyang kalagayan Ang simbahan biglang hadlang sa mga isyung pangkasarian sa kasalukuyan “Imulat natin ang mga mata, lalung-lalo na kayong mga babae.” Makapangyarihan ang impluwensya ng Simbahang Katoliko sa pamumuhay ng mga Pilipino, lalo sa aspetong politikal. Naging halimbawa ng impluwensya ng relihiyon sa polisiya ay ang oposisyon ng simbahan sa Reproductive Health Law. Kahit naipasa ito, ang relihiyosong kultura ay gayong nagpapalaganap pa rin ng stigma sa comprehensive sex education, contraception at iba pang isyung pangkalusugan (Yee, 2019). Sa kasalukuyan, balakid ang relihiyon sa pagpasa ng tiyak na batas para sa diborsyo. Ang Pilipinas bilang nag-iisang bansa bukod sa Vatican na pinagbabawal ang diborsyo, ay pumipigil sa kapasidad na maghiwalay ang mga asawa, kahit sa mga kaso ng abuso at karahasan, higit na ang tanging ligal na paraan ng paghihiwalay ay isang mahal at matagal na proseso (Ildefonso, 2024). Ang babaeng Pilipino sa panahon ng atrasadong kultura “Ang babaeng Tagalog ay ‘di na payuko at luhod.” Mahalagang tunggaliin ang patuloy na objectification at normalisasyon ng karahasan sa kababaihan sa kultura, medya at pulitika. Sinasaad ng datos mula sa inilunsad na sarbey ng United Nations Development Programme (UNDP) mula 2017 hanggang 2022 na 99.5% sa populasyon, 99.33% sa kalalakihan at 99.67% sa kababaihan, ay may bias laban sa kababaihan. Mula rito, nakikita ang kahalagahan ng pagtulak ng polisiya susulong sa karapatan ng kababaihan, ani nga ng Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas (Chi, 2023). Sa loob ng Senado mismo, bilang halimbawa, binatid ng isang mambabatas na tila ari-arian ang babae ng kanyang asawa kung saan responsibilidad kuno ng babae na tumugon sa sexual urges ng kanyang asawa. Ang misogynistic na pahayag ay marapat naman na kinundena ng mga progresibong organisasyong pangkasarian (Bolledo and Gonzales, 2024). Danas ang tinatawag na “everyday sexism” ng kababaihan sa ilalim ng misogynist na kultura; talamak ang mga kumento at biro patungkol sa kanilang kasarian, bukod pa sa madalas na pagtanggap ng maanghang na titig at catcalling (Torre, 2023). Talamak pa rin ang stereotypical, kahit hindi explicit, na representasyon ng kababaihan sa mga advertisment—ginagamit ang imahe ng kababaihan sa kanilang kagandahan at sexual appeal o hindi kaya ay mas madalas nakikita bilang maybahay, nanay o asawa (Agonos, Hoggang, Mangalus, Paragas, Rapanot, 2022). Ang sponsorship ng Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, at Sex Characteristics (SOGIESC) bill ay patuloy nang nahinto sa Senado dahil sa pagtutol mula sa ilang mga grupong relihiyoso at iba't ibang sektor (Bordey and Panti). Dahil sa impluwensya ng simbahan, matagal na ang pagkaantala sa batas na ito sa pagprotekta ng karapatang pantao ng mga miyembro in LGBTQI+. Ang manipestasyon ng patriyarkiya sa kultura at lipunang Pilipino, na higit napapanatili sa politikal na larang, ay hamon upang balikwasin ang atrasadong pag-iisip. Sikapin isulong ang progresibong kamalayan sa kasarian kung saan protektado ang kababaihan sa karahasan, at natutupad ng mga kababaihan at iba pang gender minorities ang kanilang batayang karapatan. Ang sapat karapatan para sa kababaihan — isyu ng unpaid care work of women ang usaping hindi sapat ang suporta para sa kababaihan ukol sa pangangalaga sa tahanan ay laganap na isyu kahit sa henerasyon ngayon dahil sa partiyarkal na istruktura at ang bigat nito ay nakasasalay sa balikat ng mga babae dahil sa paniniwala na ito ay likas at biolohikal na tungkulin ng kababaihan na maging pangunahing tagapagbigay ng pangagalaga para sa pamilya (Tongson). Ang babaeng Pilipino sa panahon ng politikal at pang-ekonomikong krisis “Magtanong, makinig sa iba, at saka gawin ang inaakalang lalong matuwid.” Mula naman sa makabayang linya ng argumento ni Rizal ukol sa tungkulin ng isang babae, nakikita ang patuloy na hamon na isulong ang isang kilusang kababaihan na hindi lamang naka-angkla sa mga pangkasariang isyu. Tali ang kahirapan at isyung kababaihan. Sa panahon ng kakulangan sa pampublikong serbisyo, bulnerable ang kababaihan sa kakulangan ng pabahay at kabuhayan, higit na karamihan ay kasapi sa informal economy o kumikita bilang hindi tiyak na empleyado (Laguilles, et al., 2015). Eskpresyon ng awtoritaryan na pamamahala ang naging macho-pasistang rehimen ng administrasyon ni Duterte na nagagamit ang misohinistang retorika tungo sa represyon ng mga mamamayan (Tusor, 2023). Kahit sa kasalukuyang rehimen, panahon pa rin ng represyon sa mga progresibong kababaihan tulad ng pagdakip kina Jhed Tamano at Jonila Castro, at Rowena Dasig, mga tanggol-kalikasan (Argosino, 2024; Amarillas, 2024). Sumasalikop ang karanasan batay sa kasarian sa karanasan batay sa uri kaya tungkulin rin ng kababaihan na tunggaliin rin ang mga panlipunang represyon tulad ng mga anti-mamamayan na patakaran. Nararapat na maging mabusisi ang mga kababaihan sa kalagayan ng lipunan at ang pag-iral ng kahirapan at kawalan ng pagkakapantay-pantay. Sanggunian Agonos, M. J., Hoggang, C. F., Mangalus, M., Paragas, F., & Rapanot, C. E. (2022). Gender in Philippine advertisements: Portrayal patterns and platform differences immediately before the COVID-19 pandemic. Plaridel, 19(1), 181-202. https://doi.org/10.52518/2022.19.1-04prmha Argosino, F. (2024, February 21). Brosas condemns issuance of arrest warrant vs 2 environmental activists. Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/1908185/brosas-condemns-issuance-of-arrest-warrant-vs-2-e nvironmental-activists Amarilla, D. G. (2024, October 23). Missing environmental activist Rowena Dasig found safe. Rappler. https://www.rappler.com/philippines/missing-environmental-activist-rowena-dasig-found -safe/ Bolledo, J. & Gonzales, G. (2024, August 17). ‘Consent is non-negotiable’: Groups raise alarm over Padilla’s remarks on women. Rappler. https://www.rappler.com/philippines/consent-non-negotiable-groups-raise-alarm-over-rob in-padilla-remarks-august-15-2024/ Bordey, Hana, and Llanesca Panti. “Religious Groups’ Opposition Puts Senate’s SOGIE Bill in Limbo.” GMA News Online, 8 Feb. 2023, www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/860107/religious-groups-opposition-puts-s enate-s-sogie-bill-in-limbo/story/. Chi, C. (2023, June 14). Nearly all Filipinos biased against women due to ‘culture of misogyny’ — Gabriela. PhilStar Global. https://www.philstar.com/headlines/2023/06/14/2273846/nearly-all-filipinos-biased-again st-women-due-culture-misogyny-gabriela Chua, M. C. (n.d.). Ang Liham sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan. Retrieved November 5, 2024, from https://bangkanixiao.wordpress.com/wp-content/uploads/2012/10/rizal-liham-sa-kababaih an-ng-malolos.pdf De Los Santos, E. (1917). More About Rizal (Translation). The Philippine Review, 2(1), 22–34. https://name.umdl.umich.edu/acp0898.0002.001 Escondo, K. (2019). UNITAS Journal. UNITAS Journal, 92(1), 75–112. https://unitasust.net/volumes/no-1-volume-92/ Fernandez, A. P. (1991). Rizal on women and children in the struggle for nationhood. Review of Women’s Studies. https://www.journals.upd.edu.ph/index.php/rws/article/view/3228/3028 Laguilles, R., Ofroneo, R. P., Hega, M., Buenaventura, M., Manglinong, Z., Riego, R., Narito, Z. (2015). Women and Poverty. Review of Women’s Studies, 25(1), 13-31. https://www.journals.upd.edu.ph/index.php/rws/article/download/6161/5463 Ildefonso, T. M. (2024, August 8). Will the Philippines finally legalise divorce? RTE. https://www.rte.ie/brainstorm/2024/0808/1463904-absolute-divorce-act-bill-philippines-c atholic-church/ Maño, O. (2021a, April 4). The 20 Brave Women Of Malolos - Bulakenyo.ph. Bulakenyo.ph. https://www.bulakenyo.ph/20-brave-women-of-malolos/?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMT EAAR31NtD-6BsQg2E3SNI8Agd-7_fM_2dZN9Kqxf4odS-sZ2hniNhOWZY3mcU_aem _cRPtzxnZaDxzTmqL3w2Yjw Palafox, Q. A. J. (2012, September 4). Girl power: The women of Malolos - National Historical Commission of the Philippines. National Historical Commission of the Philippines. https://nhcp.gov.ph/girl-power-the-women-of-malolos/ Rizal, J. (1997). Sa mga Kababayang Dalaga ng Malolos. (J. F. Ramos, L. Tiamson-Rubin, at N. Sena, Trans.). Tongson, Excelsa. “Examining Unpaid Care Work of Women in the Sandwich Generation: Pathways towards Social Protection and Wellbeing.” Cswcd.upd.edu.ph, 2021, cswcd.upd.edu.ph/wp-content/uploads/2021/10/PJSD-12-2019_ECT_Sandwich-Generati on.pdf. Torre, B. (2021). The Incidence and Nature of Everyday Sexism in Filipino Women's Lives: Comparisons of Heterosexual and Sexual Minority Women's Experiences. Review of Women’s Studies, 31(1), 63-100. https://journals.upd.edu.ph/index.php/rws/article/view/9096 Tusor, A. (2023). “Mapping Global Populism — Panel 2: Populism, Macho-Fascism and Varieties of Illiberalism in The Philippines.” European Center for Populism Studies (ECPS). June 14, 2023. https://doi.org/10.55271/rp0041 Yee, J. (2019, July 22). Church opposition stalling Reproductive Health Law. Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/1144442/church-opposition-stalling-reproductive-health-law

Use Quizgecko on...
Browser
Browser