Araling Panlipunan 10: Kalagayan ng Kapaligiran PDF
Document Details
Uploaded by DependableSymbolism
Teacher Rich
Tags
Summary
This document discusses environmental issues and natural resources in the Philippines. It covers various aspects of the environment, including natural resources, problems, and solutions.
Full Transcript
Araling Panlipunan 10 Teacher Rich KONTEMPORARYONG ISYU ANG LIPUNAN: KALAGAYAN NG KAPALIGIRAN: LIKAS NA YAMAN AT MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN Tiyak na Layunin: Nailalarawan ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas; Naiisa-isa ang mga likas na yaman at suliraning pa...
Araling Panlipunan 10 Teacher Rich KONTEMPORARYONG ISYU ANG LIPUNAN: KALAGAYAN NG KAPALIGIRAN: LIKAS NA YAMAN AT MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN Tiyak na Layunin: Nailalarawan ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas; Naiisa-isa ang mga likas na yaman at suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas; at Nakapagpapahayag ng sariling kaisipan sa mga isyung pangkapaligiran. Pamprosesong Tanong: Ano ang kahulugan ng kapaligiran? Ano-ano ang likas na yaman ng Pilipinas? Bakit mahalaga ang likas na yaman ng Pilipinas? Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng ating kapaligiran Paano ka makakatulong bilang isang miyembro ng Lipunan sa pagpapahalaga at paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng kapaligiran? KAPALIGIRAN tumutukoy sa mga elemento at kondisyon kung saan ang mga may buhay kasama na ang mga tao, hayop, halaman at mga organismo ay nakatira, nag-uugnayan at magkasamang namumuhay Mga Likas na Yaman ng Pilipinas - YAMANG TUBIG/PANGISDAAN -YAMANG LUPA -YAMANG MINERAL YAMANG TUBIG/PANGISDAAN Ang Pilipinas ay isang kapuluan (archipelago) kaya maraming yamang tubig ang makukuha mula rito YAMANG TUBIG/PANGISDAAN 2,200,000 kilometro kuwadrado -ang sukat ng tubig na bahagi ng teritoryo ng ating bansa at matatagpuan sa sentro ng pangisdaan ng mundo YAMANG-LUPA -ang mga yamang makukuha mula sa lupa 30 milyong ekytarya -ang kabuuang sukat ng lupa ng Pilipinas YAMANG-MINERAL -mga likas na yaman na mula sa kalikasan na nakukuha sa pamamagitan ng pagmimina YAMANG-MINERAL Pacific Ring of Fire o Singsing ng Apoy ng Pasipiko -ang lokasyon ng Pilipinas dahilan kung bakit maraming depositong mineral sa bansa YAMANG-MINERAL Pacific Ring of Fire o Singsing ng Apoy ng Pasipiko -ay isang lugar na malakihang dami ng mga kaganapang bulkan at lindol na na nagaganap sa Karagatang Pasipiko PHIVOLCS Philippine Institute of Volcanology and Seismology -ahensya ng pamahalaan na namamahala sa pagkilos ng mga bulkan sa bansa 22 aktibong bulkan YAMANG-MINERAL Ang Pilipinas ay: Panlima sa mga bansang may industriya ng pagmimina Panlima sa sa nickel Pang-apat sa tanso Pangatlo sa depositong ginto KAHALAGAHAN NG LIKAS NA YAMAN 1. Pangunahing pinagmulan ng hilaw sangkap 2. Nagbibigay ng hanap-buhay 3. Batayan ng kaunlarang pangkabuhayan ng bansa Mga Suliranin o Problemang Pangkapaligiran Suliranin sa Pangingisda -lumalaking populasyon sa Pilipinas -oil spill at mga lasong kemikal -paggamit ng dinamita -trawl fishing -polusyon sa tubig Suliranin sa Pangingisda Republic Act 10654 -layunin nito na iwasan, pigilan, tanggalin ang mga ilegal hindi naiuulat at wala sa ayos na pangingisda -binago ang R.A No. 8550 na kilala bilang Philipppine Fisheries Code of 1998. Suliranin sa Yamang Lupa -pagguho ng lupa o erosion -pagbago sa paraan ng paggamit ng lupa (land conversion) -paghahawan ng kagubatan o deforestation Suliranin sa Yamang Lupa Ilegal na pagtotroso Ilegal na pagmimina Fuelwood harvesting migrasyon Mabilis na paglaki ng populasyon Suliranin sa Yamang Mineral Pagmimina -gawain kung saan ang iba’t-ibang mineral ay kinukuha at pinoproseso upang gawing tapos na produkto MGA BATAS TUNGKOL SA PAGMIMINA Philippine Mining Act -1995 -upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito MGA BATAS TUNGKOL SA PAGMIMINA Philippine Mineral Resources Act of 2012 -ayusin ang mga makatuwirang pananaliksik sa pagmimina, at masubaybayan ang paggamit ng mga yamang mineral -pantay na benepisyong maibibigay ng pagmimina sa estado ng Pilipinas, sa mga katutubo, at sa mga lokal na komunidad MGA BATAS TUNGKOL SA PAGMIMINA Executive Order No. 79 -upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran, masuportahan ang responsableng pagmimina, at makapagbigay ng karampatang revenue- sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya ng pagmimina. Exit Pass 1. Anong pangunahing paksa o konsepto ang tinalakay sa aralin ngayon? 2. Isulat ang isang bagay na iyong natutunan o nahanap na kawili-wili sa talakayan Exit Pass 3. Paano mo iniisip na konektado ang aralin ngayon sa mga naunang natutunan natin o sa mga tunay na pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay? 4. Sa isang talaan na 1 hanggang 5 (1 ay napakadali, 5 ay napakahirap o mapanghamon), paano mo bibigyan ng marka ang iyong pag-unawa sa aralin ngayon? Maraming Salamat! Teacher Rich