AP Q1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides an overview of contemporary issues, focusing on social, health, environmental, and economic topics. It introduces the concept of contemporary issues and illustrates examples including solid waste and the degradation of natural resources in the Philippines.
Full Transcript
Module 1 KONTEMPORARYONG ISYU tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya at opinion o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao. Ito ay napag-usapan, nagiging batayan ng debate at may malaking epekto sa...
Module 1 KONTEMPORARYONG ISYU tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya at opinion o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao. Ito ay napag-usapan, nagiging batayan ng debate at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Ang mga isyung ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon, ekonomiya, politika, kapaligiran, edukasyon o pananagutang pasibiko at pagkamamamayan. Hindi lahat ng isyu ay negatibo at nagiging suliranin; may ilang isyu rin na may positibong epekto at nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. HALIMBAWA: A. Mga Kontemporaryong isyung panlipunan: halalan, terorismo, korupsyon, rasismo B. Mga Kontemporaryong isyung pangkalusugan: sobrang katabaan, kanser, adiksyon (taasan ang buwis sa mga softdrinks pati na ang sa powdered juice drink para pigilan ang isa sa mga sanhi ng diabetes at katabaan) C. Mga Kontemporaryong isyung pangkapaligiran: mga polusyon (tubig, hangin, ingay at iba pa) D. Mga Kontemporaryong isyung pangkalakalan: globalisasyon, mga online na babasahin, samahang pandaigdig ASPEKTO NG KONTEMPORARYONG ISYU - Kahalagahan - Mga Sanggunian - Maaaring Gawin - Epekto - Personal na Damdamin - Mga pagkakaugnay - Mga pananaw - Pinagmulan Module 2 1. SULIRANIN SA SOLID WASTE Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason(Official Gazette, 2000). Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid waste. Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin ang nagsusunog ng basura na nakadaragdag sa polusyon sa hangin Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000). Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite.Iniulat din ng National Solid Waste Management Commission ang ilan sa best practices ng mga Local Government Units (LGUs) sa pamamahala sa solid waste. Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod: Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay. Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008). Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project. Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalagasakalikasan at pagsusulong ngkapayapaan Sa kabila ng mga nabanggit na batas at programa ay nananatili pa rin ang mga suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking hamon ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapon ng basura. 2. PAGKASIRA NG LIKAS NA YAMAN Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman. Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod. Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit nito, tumataas na demand ng lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad. Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan… - Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003. - Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10kilo. - Yamanglupa – pagkasira nghalos 50% ngmatabanglupainsahulingsampung taon SULIRANIN SA YAMANG GUBAT Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang tahanan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan angiba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan (Philiipine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013). Sa kabila ng kahalagan, pinangangambahan na maubos o masira ang kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy ang deforestation. Ang Deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad. Panahon ng Pananakop (1910-1945) 1910 Itinayo ang kauna-unahang Forestry School (ngayon ay College of Forestry and Natural Resources) sa Los Baños, Laguna. 1916 Isinabatas ang Republic Act 2649 kung saan ay naglaan ng sampung libong piso para sa reforestationng Talisay- Minglanilla Friar Lands Estate sa sa Cebu. 1919 Itinatag ang Magsaysay Reforestation Project sa Arayat, Ilocos, at Zambales. 1927-1931 Itinatag ang Cinchona plantation sa Bukidnon at nagsagawa ng iba pang proyekto para sa reforestation. Panahon matapos ang digmaan (1946 kalagitnaan ng dekada 70) 1946-1948 Limitado lamang ang pondong nilaan ng pamahalaan para sa mga proyekto ng reforestation kung kaya’t hindi gaanong naisakatuparan ang mga programa. 1948 Muling sumigla ang mga gawain para sa reforestation sa bisa ng Republic Act 115. 1960 Itinatag ang Reforestation Administration sa bisa ng Republic Act 2706. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa. Kalagitnaan ng dekada 70 hanggang sa kasalukuyan Nilagdaan ang Presidential Decree 705 kung saan ay ipinag- utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang pribadong sektor. Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin. 1975 National Greening Program National Forest Protection Program Forestland Management Project Integrated Natural Resources and Environmental Management Project Sa kasalukuyan, isa sa maituturing na tagumpay ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, NGO, at mga mamamayan ay ang unti-unting pagbuti ng kalagayan ng kagubatan ng Pilipinas. Ayon sa ulat ng United Nations Food and Agriculture Organization (FAO), noong 2015 ay panlima ang Pilipinas sa 234 na bansa na may malawak na lupaing napapanumbalik sa kagubatan (Galvez, 2016). Module 3 CLIMATE CHANGE Ayon sa Inter-Governmental Panel on Climate Change (2001). “Climate Change is statistically significant variation in either the mean state of the climate or in its, variability, persisting for an extended anthropogenic changes in the composition of atmosphere or in the land use.” Sinasabi na ang climate change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawain ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmospera. Nanggagaling ito mula sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya , at pagsusunog ng mga kagubatan. Ang Greenhouse gases ang tawag sa mga gas na nagpapainit sa daigdig tulad ng carbon dioxide, methane,nitrous oxide, hydrofluorocarbons at iba pa na napupunta sa kapaligiran at sa atmospera na nagpapatindi ng global warming. (Dallao and others, 2016 ) Ang climate change o pagbabago sa lakas at haba ng tag-ulan ay nagdudulot ng kalamidad tulad heatwave, tag-tuyot, matitinding bagyo, at baha na nagiging sanhi ng pagkakasakit o pagkawala ng buhay at pagkasira ng ating kapaligiran. May kaakibat na panganib ang mga ito sa ecosystem. Patuloy na tumitindi ang pagbabago ng klima sa mundo at nararamdaman na ang epekto nito sa ating pamumuhay at sa ating kapaligiran. (Dallao and others , 2016 ) Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama (2008) na nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change. Patunay nito ang madalas at matagalang kaso ng El Nino at La Niña, pagkakaroon ng malalakas na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot, at forest fire. Ang mga suliraning pang-kapaligiran tulad ng suliranin sa solid waste, deforestation, water pollution, at air pollution ay maituturing na mga sanhi ng climate change. Kung hindi ito mahihinto, patuloy na dadanas ang ating bansa ng mas matitinding kalamidad sa hinaharap. Hindi na natin mapigilan pa ang climate change, kung kaya’t ang maha- lagang dapat gawin ay maging handa tayo sa pagharap sa mga kalamidad na dulot nito. Bilang tugon sa nahaharap na isyu sa pagbabago ng klima, ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas ang Republic Act 9729 na kilala rin bilang Climate Change Act of 2009 o tinatawag ring Local Climate Change Action Plan (LCCAP). Nagbigay-daan sa pagtatag ng Climate Change Commision, pagbuo ng National Framework Strategy on Climate Change (2010-2011) (NFSCC) at National Climate Change Action Plan noong 2012. Ang Climate Change Act of 2009 ay naglalaman ng mga programa ng lokal na pamahalaan para mapigilan at mabawasan ang masamang epekto ng climate change at panatilihing ligtas ang kanilang nasasakupan at mga mamamayan. Ito ay naaayon sa National Climate Change Action Plan (NCCAP) na inaprubahan ni Pangulong Benigno C. Aquino III noong taong 2011. Narito ang mga iilang hakbang na makakatulong sa paglutas sa suliranin ng Climate change: - Pagtatanim ng mga puno at mga halaman - Pagbawas ng paggamit ng enerhiya - Paggamit ng alternatibong enerhiya - Pag-iwas o pagbawas ng pagsusunog ng mga basura - Pagpapanatiling malinis ang kapaligiran - Pagresiklo ng mga patapon na bagay at pag-iwas sa paggamit ng mga plastic at nakakalasong kemikal (Dallao and others, 2016) Module 4 Maghanda para sa mga Kalamidad Likha ng Kalikasan Binibigyang diin ng National Disaster Risk Reduction Framework ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan. Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay isang ahensiya sa ilalim ng Department of Science and Technology o DOST (Kagawaran ng Agham at Teknolohiya). Nagbibigay ito ng real-time o sabay sa kasalukuyang update ng mga babala ukol sa panahon at bagyo. Public Storm Warning Signals Inilalabas ang Public Storm Warning Signals (PSWS) para bigyan ang publiko ng babala sa pagdating ng masamang panahon, lalo na tungkol sa lakas o signal ng bagyo. Sa oras na maibigay ang Storm Signal, posibleng hindi pa maramdaman sa nabanggit na lugar ang masamang lagay ng panahon. Nasa ibaba ang palugit (lead time) na ibinibigay sa paglalabas ng isang Public Storm Signal: Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 36 oras sa sandaling mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 1. Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 24 oras sa sandaling mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 2. Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 18 oras sa sandaling mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 3. Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 12 oras sa sandaling mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 4. Nababawasan ang palugit kapag may bagong inilabas na ulat-panahon at walang pagbabago sa Public Storm Signal Warning ng lugar. Habang kumikilos ang sama ng panahon sa Philippine Area of Responsibility (PAR), maaaring itaas o ibaba ang ibinigay na Public Storm Signal. Module 5 Ang sumusunod na kahulugan ay isinalin sa Filipino mula sa Disaster Risk Management System Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama (2008). 1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan. Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. 2. Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard. 3. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan. 4. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad. 5. Resilience–ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Dalawang pangunahing layunin ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010: (1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; (2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard. *Pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, Non- governmental Organizations (NGOs), at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad. Ang ganitong proseso ay tinatawag na Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM). Community-Based Disaster and Risk Management Approach Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian. Ayon naman kina Shah at Kenji (2004), ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan. Bukod dito, mahalaga ring masuri ang mga istrukturang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika na maaaring nagpapalubha sa epekto ng hazard at kalamidad. Ayon dito, mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan upang:(1) mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad; (2) maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan; at (3) ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag nakararanas ng kalamidad. Ipinaliwanag din ni Sampath (2001) na kung ang isang komunidad ay hindi handa, maaaring mas maging malubha ang epekto ng hazard at kalamidad. Ang CBDRM Approach ay nakaayon sa konsepto ng bottom-up approach kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan. Ito ay taliwas sa top-down approach. Ang top-down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. Module 6 Ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kalamidad ay mahalaga dahil lahat ng magiging problema at suliranin ay agarang masosolusyunan at malulutas. Mahalaga rin ito upang mas maisaayos ng pamahalaan ang mga kautusan na dapat sundin ng mamamayan dahil kung walang disiplina at kooperasyon ang mamamayan at hindi susunod sa utos ng pamahalaan isang malaking pagsubok at hamon ito kung hindi sila magkakaisa at magtutulungan, mawawalan ng kwenta ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan tuwing may kalamidad. Mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng kalamidad Manood ng balita tungkol sa paparating na kalamidad upang makapaghanda na agad. Siguraduhing may nakahandang pagkain sa panahon ng kalamidad. Maghanda rin ng first aid kits. Maghanda ng flashlight sakaling mawalan ng kuryente at mga reserbang baterya. Magplano kung saan maaaring lumikas sakaling ipag-utos na lumikas. Maghanda ng mga pangunahing pangangailangan sakaling lilikas tulad ng mga damit, sabon shampoo, toothbrush, toothpaste at iba pang pangangailangan. Sakaling iutos ang paglikas, sundin agad at huwag ng magreklamo pa. Magdasal at humingi ng gabay sa Panginoon. Module 7 Module 8 Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation Tinataya sa yugtong ito ang kahandaan ng mga mamamayan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkapaligiran. A. Hazard Assessment - Tinitingnan dito ang lawak , sakop at antas ng pinsala na maaring maidulot ng isang sakuna o kalamidad na pwedeng maranasan ng isang lugar kung sakaling ito ay tatama. Dalawa pa sa mahahalagang proseso ng Hazard Assessment ay ang: Hazard Mapping – tinitingnan ang mapa ng isang lugar na maaaring masira kung may kalamidad. Historical Profiling/Timeline of Events – makikita dito kung anong mga banta ang maaaring tumama sa isang lugar B. Vulnerability at Capacity Assessment (VCA) – tinataya dito ang mga kahinaan at kapasidad sa pagharap sa mga banta at kalamidad na maaaring maranasan ng isang komunidad. Vulnerability Assessment: Sinusukat ang kahinaan ng isang pamayanan na harapin at umahon mula sa mga kasiraang dulot ng mga hazard. Ayon kina Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang sumusunod: 1. Elements at risk – tumutukoy sa tao, hayop, mga pananim, bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon, at pag-uugali 2. People at risk – tinutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad tulad ng mga buntis at may mga kapansanan 3. Location of people at risk – tinutukoy ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable Capacity Assessment: Sinusukat ang kakayahan ng isang pamayanan na harapin at umahon mula sa mga kasiraang dulot ng mga hazard. C. Risk Assessment - Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009) Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness Matutunghayan sa yugtong ito ang mga paraan kung ano ang mga alituntuning dapat sundin bago o sa pahanon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. Layunin nito na hindi magkakaroon ng malubhang pinsala at hindi magiging mahirap para sa mga mamamayan ang pagbangon sakaling tamaan ng nasabing kalamidad, sakuna o hazard. Ano-ano ang mga layunin na ito? To inform – magkaloob ng mga impormasyon sa mga banta, risk, kakayahan at ng pisikal na katangian ng pamayanan. To advise – magkaloob ng mga kaalaman sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, upang maiwasan ang mga kalamidad, sakuna at hazard. To instruct – magkaloob ng mga paraan kung ano ang mga susundin, saan at kanino lalapit kung hihingi ng tulong sa panahon ng kalamidad, sakuna at hazard. Ikatlong Yugto: Disaster Response Sa puntong ito tinataya kung gaano kalaki ang saklaw ng kasiraang dulot ng isang kalamidad o sakuna. Ang mga impormasyong matatamo dito ay ang magiging pagbabasehan sa pagbibigay ng epektibong solusyon sa mga pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad. Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong uri ng pagtataya. Ayon kina Abarquez, at Murshed (2004): Needs Assessment – tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot. Damage Assessment – tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad. Loss Assessment – tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon Ang pagkakaroon ng mga katibayan na maaasahan sa naging lawak ng pinsala ng kalamidad ang binigyang halaga sa yugtong ito dahil magsisilbi itong basehan para sa huling bahagi ng DRRM plan. Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery Sa pagkakataong ito, ang panunumbalik ng dating maayos at normal na pamumuhay ng mga nasirang pamayanan at ang pagsasaayos sa mga napinsalang istruktura at pasilidad at sa mga nahintong serbisyo ang tinutotokan dito.