Araling Panlipunan Grade 10 Module 2: Mga Isyung Pangkapaligiran PDF

Document Details

CongratulatoryPetra

Uploaded by CongratulatoryPetra

2020

Corazon G. Caducio, et al.

Tags

environmental issues environmental education Filipino studies social studies

Summary

This module discusses environmental issues in the Philippines, including solid waste management, deforestation, and climate change. It provides lessons, exercises, and discussion points for students. It is a learning resource for Grade 10 students.

Full Transcript

10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Mga Isyung Pangkapaligiran Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan- Module 2: Mga Isyung Pangkapaligiran Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkar...

10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Mga Isyung Pangkapaligiran Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan- Module 2: Mga Isyung Pangkapaligiran Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Corazon G. Caducio Tagasuri: Francisco P. Casipit, Jr. Rey B. Pascua Jose Gerardo R. Garcia Maricel N. Guerrero Elisa R. Ranoy Melchor E. Orpilla Cynthia B. Tablang Editor: Editha T. Giron Orlando I. Guerrero Gina A. Amoyen Edgar L. Pescador Ronald P. Alejo Eric O. Cariňo Evangeline A. Cabacungan Rowena R. Abad Tagaguhit: Richard B. Isidro Tagalapat: Jestoni H. Amores Mary Ann L. Cabilan Aldrin R. Gomez Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Wilfredo E. Sindayen Arlene A. Niro Ronald B. Radoc Gina A. Amoyen Orlando I. Guerrero Editha T. Giron Orlando I. Guerrero Ronald B. Radoc Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- Region I Office Address: Flores St. Catbangen City of San San Fernando, La Union Telefax: (072) 607- 8137/682-2324 E-mail Address: [email protected] 10 Araling Panlipunan Unang Markahan- Modyul 2: Mga Isyung Pangkapaligiran Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 2 para sa araling Mga Isyung Pangkapaligiran. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang- ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan- 21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 2 ukol sa Mga Isyung Pangkapaligiran. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon, at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. ii Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, Gawain, at isang sitwasyon Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan Pagyamanin sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Naglalaman ito ng mga katanungan o Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Ito ay naglalaman ng gawaing Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Ito ay gawain na naglalayong matasa o Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. iii 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid, o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay ng mga kompetensi. Kaya mo ito! iv Alamin Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran, ang mga suliraning kinakaharap nito at ang mga hakbang na ginagawa ng pamalahalaan upang lutasin at harapin ang mga hamong dulot nito. Ang kaalaman mo sa mga sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ay mabisang hakbang upang ikaw ay kumilos tungo sa pangangalaga ng kalikasan. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral. Maraming gawain ang inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot. Ang modyul na ito ay nakapokus sa Aralin 1: Mga Isyung Pangkapaligiran na nahahati sa sumusunod na paksa:  Paksa 1- Suliranin sa Solid Waste  Paksa 2- Pagkasira ng mga Likas na Yaman  Paksa 3- Climate Change Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:  Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (MELC2) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:  natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas;  nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas;  naiisa-isa ang mga programa at pagkilos ng iba’t-ibang sektor sa paglutas sa bawat suliraning pangkapaligiran;  nabibigyang halaga ang mga programa at pagkilos ng iba’t-ibang sektor sa pangangalaga sa kapaligiran;  nakagagawa ng case study tungkol sa sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling pamayanan. 1 Subukin Bilang panimula, sagutin mo ang mga tanong sa ibaba upang mataya ang iyong kahandaan sa pag-aaral sa paksa. Ito ay makatutulong upang magkaroon ka ng idea tungkol sa kung ano ang nilalaman ng modyul na ito. Gawain 1: Paunang Pagtataya Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas? A. tahanan C. paaralan B. palengke D. pabrika 2. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban sa ________ A. Fuel wood harvesting C. Illegal logging B. Illegal mining D. Global warming 3. Ang Pilipinas ay nakararanas ng matinding suliranin sa solid waste dahil sa ______. A. kawalan ng hanapbuhay ng mga tao B. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura C. hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno D. ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao 4. Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa? A. Pagtaas sa insidente ng dengue B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides D. lahat ng nabanggit 5. Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan? A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad D. Lahat ng nabanggit 6. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo? A. Paglipat ng pook tirahan B. Ilegal na pagtotroso C. Pagdami ng populasyon D. Ilegal na pagmimina 2 7. Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang dinaranas ng Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito? A. pagbaha C. pagkawala ng tirahan ng mga hayop B. pagguho ng lupa D. lahat ng nabanggit 8. Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinas maliban sa _____________. A. solid waste C. climate change B. ilegal na droga D. pagkasira ng mga likas na yaman Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t- ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Ito ay kilala bilang A. Ecological Garbage Management Act of 2010 B. Ecological Solid Waste Management Act of 2000 C. Ecological Garbage Management Act of 2000 D. Ecological Solid Waste Management Act of 2010 9. Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng basura. Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay ang A. kawalan ng suporta ng mga namamahala B. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan C. pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino D. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura 11. Ang Non-Government Organization (NGO) na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura at may adbokasiyang zero waste. A. Greenpeace C. Bantay Kalikasan B. Mother Earth Foundation D. Clean and Green Foundation 12. Anong batas ang nagtatag sa National Framework Strategy and Program on Climate Change upang tugunan ang mga banta ng climate change sa Pilipinas? A. Republic Act 7586 C. Executive Order No. 23 B. Republict Act No. 9729 D. Republic Act No. 8749 13. Aling batas ang nagtatag sa Reforestation Administration na naglalayong mapasidhi ang mga programa tungkol sa muling paggugubat? A. Republic Act 2706 C. Presidential Decree No. 705 B. Republic Act 2649 D. Presidential Decree No. 1153 14. Ang layunin ng batas na ito ay protektahan at pamahalaan ang mga kweba at mga yaman nito. A. The Chainsaw Act B. Indigenous People’s Rights Act C. Wildlife Resources Conservation and Protection Act D. National Cave and Resources Management and Protection Act 15. Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 8371, sino sa sumusunod ang kaagapay ng pamahalaan sa pangangalaga sa kagubatan? A. mga NGO C. mga katutubong Pilipino B. mga pulis D. mga forest rangers 3 Aralin 1 Mga Isyung Pangkapaligiran Ang kapaligiran ay mahalagang salik sa paghubog sa pamumuhay ng mga mamamayan. Dito nanggagaling ang mga hilaw na materyales na pinagmumulan ng mga produktong kinukonsumo ng mga tao. Dito rin galing ang mga kalakal na panluwas upang kumita ang bansa. Sa kabila ng pakinabang na nakukuha natin mula sa kalikasan, nakalulungkot na tila ba hindi natin nakikita ang halaga nito. Nakalilimutan natin na pangalagaan ito bagkus tayo pa ang dahilan ng pagkasira nito. Sa kasalukuyan, nahaharap ang Pilipinas sa samu’t saring suliraning pangkapaligiran. Ang usaping ito ay nakaaapekto sa mga mamamayan sa iba’t ibang aspekto ng kanilang pamumuhay. Balikan Ang mga isyung pangkapaligiran ay isa sa mga kontemporaryong isyu na tuon ng pag- aaral sa Araling Panlipunan 10. Kaya marapat na balikan mo muna ang mga uri ng kontemporaryong isyu bago mo tuluyang galugarin ang nilalaman ng modyul na ito. Gawain 2. Mind Mapping Buoin ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan ng pagtukoy sa iba’t-ibang uri ng kontemporaryong isyu. Uri ng Kontemporaryong Isyu 4 B. Punan ang talahanayan sa pamamagitan ng pagtukoy kung anong uri ng kontemporaryong isyu ang nakasulat sa unang hanay. Isyu Uri ng Kontemporaryong isyu 1. Pag-angkat ng Pilipinas ng bigas 2. Paglaganap ng sakit na dengue 3. Paglala ng insidente ng kahirapan 4. Mga suliraning dulot ng climate change 5. Pagpigil sa paglaganap ng ilegal na droga Tuklasin Handa ka na bang matuto? Sige, simulan mo na. Tiyaking masasagutan mo ang lahat ng mga inihandang gawain para sa iyo. Gawain 3. Kros-Salita Buoin ang puzzle sa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong 1-5. Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong. Mga Tanong. Pahalang 1. Ang pagpuputol ng puno, pagtatabas ng mga damo, at pag-aalis ng anomang sagabal sa gubat upang maging pook agrikultural o komersiyal. 2. Ang proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin at iba pa sa pamamagitan ng pagpapasabog, paghuhukay, o pagbabarena. 3. Mga basurang nagmumula sa tahanan, sa mga bahay kalakal at sa sektor ng agrikultura. Pababa 4. Ang mabilis na pagragasa ng tubig hanggang umapaw ito at makapaminsala sa mabababang lugar. 5. Ang paraan ng pagkuha ng mga yamang mineral 5 Pamprosesong Mga Tanong 1. Suriin ang mga sagot sa bawat tanong. Paano kaya nagkakaugnay ang mga ito? 2. Nangyayari ba ang mga ito sa iyong pamayanan? 3. Sa tingin mo, nakabubuti ba ito o nakasasama sa iyong pamayanan? Pangatwiranan ang sagot. Gawain 4. Larawan-Suri. Suriin ang mga larawan sa ibaba at tukuyin kung anong suliraning pangkapaligiran ang ipinapakita nito. Tukuyin at isulat din ang maaaring dahilan at epekto ng mga ito. Suliraning Pangkapaligiran Dahilan Epekto __________________________ ___________________________ _________________________ ________________________ 6 Suriin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga isyung pangkapaligiran sa Pilipinas, mga sanhi, at epekto nito pati na rin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan at iba pang sektor upang malutas ang mga ito. Inaasahan na pagkatapos mong basahin at suriin ang teksto ay magkakaroon ka ng malawak na kaalaman sa isyung pangkapaligiran na kinakaharap ngayon ng ating bansa. Tandaan mo na anumang kaalaman ang mapupulot mo sa bahaging ito ng modyul ay magagamit mo sa pagsagot o pagtupad sa mga susunod pang mga gawain kaya basahin at unawain mo itong mabuti. PAKSA 1: Suliranin sa Solid Waste Binigyang-kahulugan ng Batas Republika Bilang 9003 na kilala bilang Solid Waste Management Act of 2000 ang solid waste bilang mga itinapong basura na nanggagaling sa mga kabahayan at komersyal na establisimyento, mga non hazardous na basurang institusyunal at industriyal, mga basura na galing sa lansangan at konstruksiyon, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura, at iba pang basurang hindi nakalalason. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report (2008- 2018), ang municipal solid wastes (MSW) ay nagmumula sa residensyal, komersyal, institusyunal, at instrustriyal na establisimyento. Ayon sa ulat, pinakamalaking bahagdan nito ay mula sa mga kabahayan (56.7%). Ang mga basurang nagmumula sa mga kabahayan ay ang kitchen waste gaya ng tirang pagkain, mga pinagbalatan ng gulay at prutas at mga garden waste tulad ng damo at mga dahon. Binanggit din sa ulat na ang pinakamalaking uri ng tinatapong basura ay ang tinatawag na biodegradable na may 52.31%. Halimbawa ng biodegradable na basura ay ang kitchen waste at yard waste. Samantala, ang tinatawag namang mga recyclable waste ay kumakatawan sa 27.78 % ng MSW gaya ng papel, plastik, bakal, bote, at bubog. Nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa bansa dahil sa iba’t ibang dahilan. Marami ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Marami ang nagtatapon ng basura mula sa tahanan kung saan-saan. Tone-toneladang basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, at bakanteng lote na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit. Nakadadagdag pa sa suliranin sa basura ang kakulangan ng kaalaman o di kaya’y di pagsunod sa tinatawag na waste segregation o pagbubukod ng basura lalo na ang pagbubukod ng basura sa pinagmulan nito. Kung mahigpit sanang ipinatutupad ito gaya ng patakarang “no segregation, no collection policy” mas madali sana ang pamamahala sa mga basura. Mababawasan din ang trabaho ng mga waste collector dahil hindi na nila kailangan pang magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa mga dumpsite. Ang hindi maayos na pagtatapon ng basura ay nakaaapekto sa kapaligiran at kalusugan. Dahil may iba’t-ibang pinagmumulan ang basura, mapanganib para sa mga taong nakatira malapit sa mga dumpsite ang mga ito. Maaaring makakuha sila ng iba’t-ibang uri ng sakit dala ng mga insekto at pesteng naglipana sa mga basurahang ito. Ang leachate o katas ng basura ay nakakokontamina sa tubig na maaring pagmulan din ng sakit ng mga tao. Ang methane gas na galing sa mga dumpsites ay hindi lamang mapanganib sa kalusugan ng mga tao kundi nagiging sanhi rin ng global warming. 7 Paglutas sa Suliranin ng Solid Waste Pamamahala ng Basura sa Pilipinas Ang pamamahala ng basura (waste management) ay tumutukoy sa wastong pagkuha, paglilipat, pagtatapon o paggamit, at pagsubaybay ng basura ng mga tao. Isinasagawa ito upang mapangasiwaan ng maayos ang mga basura para maiwasan ang masasamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran. Noong Enero 26, 2001 naging ganap na batas ang Republic Act 9003 na kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Nakasaad sa batas na ito ang mga alituntunin sa wastong pamamahala ng basura at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang itinatapon. Ilan sa mga nilalaman ng batas na ito ay ang sumusunod:  Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng National Ecology Center  Pagtatatag ng Materials Recovery Facility  Pagsasaayos ng mga tapunan ng basura Ang National Solid Waste Management Commission ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga plano sa pamamahala ng mga basura o ang tinatawag na Solid Waste Management (SWM) Plan. Ito ay binubuo ng 14 na ahensya mula sa pamahalaan sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at 3 naman mula sa pribadong sektor. Bukod sa DENR, ang sumusunod ay ang mga ahensya ng pamahalaan na bumubuo sa NSWMC:  Department of Science and Technology (DOST)  Department of Public Works and Highways (DPWH)  Department of Health (DOH)  Department of Trade and Industry (DTI)  Department of Agriculture (DA)  Department of Interior and Local Government (DILG)  Philippine Information Agency (PIA)  Metro Manila Development Authority (MMDA)  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)  Liga ng mga Lalawigan  Liga ng mga Lungsod  Liga ng mga Munisipyo  Liga ng mga Barangay Ang pribadong sektor ay kinakatawan naman ng mga sumusunod:  Recycling Industry  Plastic Industry  Non-Government Organization 8 Ang Materials Recovery Facility (MRF) ay ang pinaglalagyan ng mga nakolektang nabubulok na basura upang gawing compost o pataba ng lupa. Dito rin pansamantalang inilalagak ang mga balik-gamit (recyclables) na bagay tulad ng bote, plastic, papel, lata, at iba pa. Isinasagawa rin dito ang pagbubukod ng mga basurang nakolekta mula sa pinagmulan. Upang maayos ang pagapapatupad ng waste segregation at resource recovery, kinakailangang maisagawa ang mga sumusunod:  Pagbubukod sa mga basurang nabubulok, balik-gamit, special wastes at latak, o tirang basura. Dapat magkakahiwalay ang kanilang lalagyan.  Pagsunod sa iskedyul ng pangongolekta ng basura  Pagkakaroon ng Materials Recovery Facility (MRF)  Kung may mga special waste o recyclable dapat alam kung saan ito dadalhin o pwedeng ibenta Sa seksyon 48 ng batas na ito, nakasaad na ipinagbabawal ang pagtatapon o pagtatambak ng anumang uri ng basura sa mga pampublikong lugar. Kabilang sa mga pampublikong lugar ay mga daan, bangketa, bakanteng lote, kanal, estero, at parke, harapan ng establisimiyento, maging sa baybay-ilog at baybay-dagat. Bukod dito, marami pang ipinagbabawal ang batas na ito, ilan sa mga ito ay ang sumusunod:  Pagsusunog ng basura  Pagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura  Pagtatambak/pagbabaon ng mga basura sa mga lugar na binabaha  Walang paalam na pagkuha ng recyclables na may nakatalagang mangongolekta. Katuwang din ng pamahalaan ang mga Non-Government Organization sa pagharap sa suliranin sa solid waste. Halimbawa ng mga ito ay ang sumusunod: Mother Earth Foundation Isang nonprofit organization na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura na nagsusulong ng zero waste sa pamamagitan ng pagbabawas at wastong pamamahala ng basura. Bantay Kalikasan Itinataguyod ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran upang matamo ang likas-kayang pag-unlad. Greenpeace Philippines Tumutulong upang maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino sa balanse at malusog na kapaligiran. 9 Gawain 5. Kumpletuhin Mo Punan ang graphic organizer sa ibaba batay sa iyong naunawaan mula sa binasang teksto. Sagutin din ang mga kasunod na mga tanong. Suliranin: Epekto: Solusyong Ang Aking Ginagawa Mungkahing Solusyon ng Pamahalaan o ng Iba Pang Sektor Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang solid waste? Gaano kalala ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas? 2. Bakit nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa ating bansa? 3. Paano tinutugunan ng pamahalaan at ng iba pang sektor ang suliraning ito? 4. Sa iyong palagay, mabisa ba ang mga programa o patakaran ng pamahalaan upang malutas ang suliranin sa solid waste? Pangatwiranan ang sagot. Gawain 6. Pahayag Ko, Tukuyin Mo Sagutin ang sumusunod na pahayag o katanungan batay sa mga kaalamang napulot mula sa tekstong binasa. _____________1. Dito nagmumula ang pinakamalaking bahagdan ng mga itinatapong basura araw-araw. _____________2. Ito ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maayos ang pagtatapon ng mga basura sa mga dumpsites. _____________3. Ang wastong pangongolekta, paglilipat o pagtatapon ng basura ng mga tao upang mapangasiwaan ito nang maayos at maiwasan ang masasamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran. _____________4. Pinagtibay ang batas na ito upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. _____________5. Dito isinasagawa ang pagbubukod ng mga basura bago ito dalhin sa mga dumpsite. _____________6. Ito ay katas ng basura na mapanganib sa kalusugan. _____________7. Ito ay nilikha ng Batas Republika Bilang 9003 na siyang nangangasiwa sa pagpapatupad sa plano ng solid waste management. _____________8. Halimbawa ng mga basurang nagmumula dito ay ang mga pinagbalatan ng gulay at prutas, mga tinabas na damo at dahon mula sa bakuran. _____________9. Ito ay isang Non-Government Organization na nagsusulong ng zero waste. ____________10. Ang ahensya ng pamahalaan na nangunguna sa National Waste Management Commission. 10 PAKSA 2: Pagkasira ng mga Likas na Yaman Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman. Malaki ang pakinabang na nakukuha ng ating bansa mula rito. Maraming Pilipino ang kumikita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman tulad ng pagtatanim at pangingisda. Ito rin ang pinagmumulan ng mga hilaw na materyales na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto sa iba’t ibang pagawaan o pabrika. Sa kabila ng pakinabang na nakukuha mula sa mga likas na yaman, patuloy itong nasisira at nauubos dahil sa mapang-abusong paggamit dito. Ang pagtaas ng demand dahil sa lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad ay banta rin sa likas na yaman. Paghahawan ng Kagubatan o Deforestation Ayon sa lathalain na inilabas ng Senado ng Pilipinas na pinamagatang Philippine Forests At a Glance noong 2015, ang kagubatan ng Pilipinas ay sumasaklaw ng mahigit sa kalahati (57%) ng kabuuang kalupaan ng bansa noong 1934. Noong 2010, ito ay nabawasan at naging 23% o mga 6.8 milyong ektarya na lamang. Ang datos na ito ay nakababahala dahil ipinapakita nito na napakabilis ang pagkaubos ng ating kagubatan. Ang kagubatan ay isa sa pinakamahalagang pinagkukunang –yaman ng bansa. Hindi lamang ito nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang uri ng hayop kundi nagbibigay din ito ng kabuhayan sa mga tao. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang pagguho ng lupa, at nagsisilbing proteksyon sa mga water sheds. Bukod sa mga ito, nakatutulong din ang mga kagubatan sa mitigasyon ng climate change. Sa kabila ng mga pakinabang na nakukuha mula sa mga kagubatan ay patuloy pa rin ang deporestasyon o pagkaubos nito. Ayon sa Food and Agriculture (FAO), ang deporestasyon ay ang pangmatagalan at permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao. Halimbawa ng gawaing ito ay ang ilegal na pagtotroso, ilegal na pagmimina, migrasyon, mabilis na paglaki ng populasyon at fuel harvesting. Ang pagkaubos o pagkasira ng kagubatan ay may malaking epekto hindi lamang sa forest ecosystem kundi pati na rin sa iba pang ecosystem na may kaugnayan dito. Dahil sa pagkasira ng kagubatan, naging mas madalas ang mga pagbaha at pagguho ng mga bundok. Iniaanod ang mga lupa mula sa pagguho patungo sa mga daan, kabahayan, bukirin at sa iba’t-ibang anyong tubig. Ang paglala ng mga suliraning dulot ng climate change ay iniuugnay rin sa deporestasyon dahil sa epekto nito sa carbon cycle. Tumitindi ang init na nararanasan dahil wala nang punong nagbabalanse sa lamig at init. Ang mga mahihirap na umaasa sa kagubatan ang higit na apektado ng deforestation. Ang patuloy na pagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan 11 Mga Programa at Pagkilos Upang Mapangalagaan ang Yamang Likas Dahil sa patuloy na pagkasira ng kagubatan at iba pang mga pinangkukunang- yaman, maraming batas ang ginawa upang matuldukan na ang mga ito. Maraming batas ang pinagtibay sa iba’t ibang panahon na may layuning pangalagaan ang likas na yaman ng ating bansa. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Batas Probisyon Batas Republika  Itinatag ang Reforestation Administration Bilang 2706  Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa. Ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation Presidential Decree sa buong bansa kasama ang pribadong sektor. 705 Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin Batas Republika  Idineklara ang ilang pook bilang national park Bilang 7586 kung saan ipinagbawal dito ang panghuhuli ng National Integrated hayop, pagtotroso, at iba pang komersyal na Protected Areas gawain ng tao. System Act of 1992 Batas Republika  Itinataguyod nito ang pagtugon sa suliranin sa Bilang 8749 polusyon sa hangin sa pamamagitan ng Philippine Clean Air pakikipagtulungan ng mga mamamayan at mga Act of 1999 industriya. Batas Republika Bilang 9072 -  Layunin ng batas na ito na ingatan at protektahan “National Caves and ang mga kuweba at ang mga yaman nito bilang Cave Resources bahagi ng likas na yaman ng bansa. Management and ProtectionAct”. Batas Republika  Binibigyang proteksyon ng batas na ito ang Republika Bilang pangangalaga sa mga wildlife resources at sa 9147 kanilang tirahan upang mapanatili ang timbang na “Wildlife Resources kalagayang ekolohikal ng bansa. Conservation and Protection Act”  Ipinagbawal ng batas na ito ang paggamit ng Batas Republika chainsaw upang matigil ang ilegal na pagtotroso Bilang 9175 - “The at iba pang gawaing nakasisira ng kagubatan. Chainsaw Act”. 12  Ang batas na ito ay naglalayong protektahan at ingatan ang mga yamang gubat sa pamamagitan ng tinatawag na Sustainable Forest Manangement (SFM). Republic Act 8371 o  Batas na nagtataguyod at kumikilala sa karapatan “Indigenous ng mga katutubo at sa kanilang kontribusyon sa People’s Rights Act” pangangalaga sa kapaligiran. (IPRA)  Ipinahayag ang June 25 bilang Philippines Arbor Proclamation No. Day 643  Hinakayat ang pakikiisa ng lahat ng ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan upang makihalok sa pagtatanim ng puno. Executive Order No.  Ipinatigil ang pagputol ng puno sa natural at 23 residual na kagubatan. Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal logging task force. Executive Order No.  Ipinahayag ang pangangailangan sa pagtutulugan 26 ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa National Greening Program. 2. Pagmimina o Mining Ang pagmimina o mining ay ang gawain kung saan ang iba’t ibang mineral tulad ng metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at pinoproseso upang gawing tapos na produkto. Maraming minahan sa Pilipinas. Sa mga key biodiversity areas tulad ng Palawan, Mindoro, Sierra Madre, at Mindanao matatagpuan ang 23 malalaking minahan sa bansa ayon sa 4th Philippine National Report to the Convention on Biological Diversity (2009). Sa kabila ng mga benepisyong nakukuha mula sa pagmimina ay marami itong masamang dulot sa kalikasan. Ang mga ilog, lawa, at iba pang anyong tubig ay nakokontamina at nalalason. Dahil sa kemikal na kumakalat sa mga ilog, nagkakaroon ng mga fishkill, katulad ng nangyari sa Leyte na sumira sa kabuhayan ng mga mangingisda. Ang mga minahan sa mga lugar na may mataas na banta ng pagguho ay nagdudulot ng trahedya. Marami nang mga minahan ang gumuho na naging dahilan ng pagkamatay ng marami. Ang mga inabandonang minahan naman ay nagdudulot pa rin ng banta ng pagguho dahil nanatili pa rin itong nakatiwangwang at hindi naaayos. 13 Mga Batas Tungkol sa Pagmimina Dahil sa hindi mabuting epekto ng pagmimina, nagpatupad ng mga batas para maiwasan ang mga ito.  Philippine Mining Act Ito ay naisabatas noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito. Ang batas na ito ay nilikha upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.  Executive Order No. 79 Ipinatupad ito upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran, masuportahan ang responsableng pagmimina, at makapagbigay ng karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya ng pagmimina.  Philippine Mineral Resources Act of 2012 Layunin nitong ayusin ang mga makatuwirang pananaliksik sa pagmimina, at masubaybayan ang paggamit ng mga yamang mineral. Tinitiyak nito ang pantay- pantay na benepisyong maibibigay ng pagmimina sa estado ng Pilipinas, sa mga katutubo, at sa mga lokal na komunidad. 3. Pagku-quarry o Quarrying Ang pagku-quarry o quarrying ay ang paraan ng pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba pang mineral mula sa lupa sa pamamagitan ng pagtitibag, paghuhukay, o pagbabarena. Ginagawa ang pagku-quarry sa mga bundok at sa mga tabing dagat. Ginagamit sa paggawa ng mga gusali, kalsada, tulay, bahay, at marami pang iba ang mga bagay na nagmumula sa pagku-quarry. Malaki ang ambag ng gawaing ito sa pag-unlad ng mga pamayanan dahil dito nanggagaling ang mga kagamitang panangkap na kinakailangan sa pagpapagawa ng mga pasilidad at serbisyo sa mga komunidad. Nagbibigay din ito ng trabaho, partikular ang mga inhinyero, mekaniko, at iba pa at sa negosyo partikular sa konstruksiyon. Sa kabilang banda ay mayroon naman itong masamang dulot sa kapaligiran gaya ng polusyon sa hangin na dulot ng alikabok at usok na nagmumula sa quarry site. Bukod sa polusyong dulot nito, maaari ding pagmulan ito ng mga sakit sa baga. Nasisira din ang katubigan dahil sa mga basura o quarry waste na naitatapon dito. Ang pagkasira ng biodiversity at ecological balance ang pinakamatinding epekto ng quarrying. 14 Gawain 7: Itala Mo Isulat sa graphic organizer ang mga dahilan ng pagkasira ng likas na yaman na iyong natutuhan mula sa tekstong binasa kabilang ang mga dahilan at epekto nito at kung ano ang ginagawa ng pamahalaan para lutasin ito. Pamprosesong mga Tanong 1. Sa iyong palagay ano ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mga suliraning inyong inilista sa graphic organizer? 2. Naging matagumpay ba ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapigilan ang deporestasyon sa ating bansa? Pangatwiranan ang sagot. 3. May mabuti at di-mabuting epekto ang pagmimina. Sa iyong palagay, dapat bang ipagpatuloy ito o tuluyan nang ipatigil ng pamahalaan? Bakit? 4. Ang quarrying ay mahalaga lalo na sa pag-unlad. Ano kaya ang maaaring alternatibo upang hindi masira ang mga kalupaan at ang kapaligiran? Gawain 8. Batas, Batas, Bakit ka Ginawa? Maraming mga batas ang pinagtibay upang mapangalagaan ang mga likas na yaman laban sa mga mapanirang gawain ng mga tao gaya ng deporestasyon, pagmimina, at pagku- quarry. Ilan sa mga batas na ito ay nakalista sa graphic organizer sa ibaba. Isulat kung ano ang pangunahing nilalaman ng mga ito. Philippine Mining Act Republic Act No. 7586 Republic Act No. 9175 Republic Act 9072 Philippine Mineral Resources Act of 2012 15 Pamprosesong mga Tanong 1. Sa iyong palagay naging mabisa ba ang pagpapatupad sa mga batas na ito? Bakit? 2. Kung ikaw ay isang mambabatas, anong batas ang maimumungkahi mo upang malutas ang suliranin sa pagkasira ng mga likas na yaman? PAKSA 3: Climate Change Ano ang Climate Change? Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ito ay naramdaman simula noong kalagitnaan ng ika-20 na siglo. Ayon sa Climate Change at Pagpapalayan (2014), “ang ay ang abnormal na pagbabago ng klima tulad ng pag-init o paglamig ng temperatura, at tuluy-tuloy at malakas na pag-ulan sa isang lugar”. Dahilan ng Climate Change May dalawang sanhi ng climate change ayon sa mga pag-aaral. Una, ang natural na pagbabago ng klima ng buong mundo. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo. Ang ikalawa ay ang gawain ng tao na nakapagpapataas sa konsentrasyon ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases sa atmospera. Ilan sa mga ito ay paggamit ng mga fossil fuels gaya ng langis at coal, at ang pagputol ng mga puno na sanhi ng pagkakalbo ng mga kagubatan. Epekto ng Climate Change Ang climate change ay maraming masamang epekto hindi lang sa kapaligiran kundi pati na rin sa mga tao. Ang global warming o pag-init ng temperatura ng mundo na siyang palatandaan ng climate change ay nagdudulot ng sakuna kagaya ng heatwave, baha, malalakas na bagyo, at tagtuyot na maaring magdulot ng pagkakasakit at pagpakamatay. Ilan sa mga sakit na maaring lumaganap ay mga sakit dala ng tubig o pagkain gaya ng cholera at iba pang sakit na may pagtatae, at mga sakit na dala ng mga insekto (lamok) tulad ng malaria at dengue at sakit na dala ng daga gaya ng leptospirosis. Dahil sa pagkasira ng mga komunidad dulot ng mga kalamidad na hatid ng climate change ay lumalaganap din ang malnutrisyon at iba pang suliraning panlipunan. May ilang mga mamamayan ang napipilitang lumikas dahil nawalan sila ng tirahan dahil sa pagkasira ng mga ito dulot ng malakas na bagyo. Ang iba ay natabunan ng lupa dahil sa landslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating lupa na kinatatayuan ng kanilang mga bahay. Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral bleaching na pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat. Nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species. Pinangangambahan din na malulubog sa tubig ang ilang mabababang lugar sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng mga iceberg sa Antarctic. Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang panganib sa food security dahil pangunahing napipinsala ng malalakas na bagyo ang sektor ng agrikultura. Lumiliit ang produksiyon ng sektor na ito dahil sa pagkasira ng mga sakahan, kalsada, bodega, mga kagamitan sa pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan, at pagkamatay ng mga magsasaka at mangingisda. Malaki ang papel ng tao sa paglala ng climate change. Ang mga suliraning pangkapaligiran na tinalakay ay maituturing na sanhi ng climate change at nangyayari ang mga ito dahil sa mga ginagawa ng tao. Kung magpapatuloy ito, tiyak na daranas pa tayo ng 16 mas matinding kalamidad na lalo pang magpapahirap sa atin. Kaya mahalaga na magkaroon ang bawat isa ng kaalaman tungkol dito at makilahok sa usaping ito. Ito ay upang maging handa ang bawat isa laban sa panganib. Mga Programa at Patakaran para sa Climate Change sa Pilipinas Dapat protektahan at isulong ng pamahalaan ang karapatan ng mga mamamayan sa isang balanse at malusog na kapaligiran (Artikulo 2 Seksiyon 16 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas). Ito ang batayan sa paglikha noong Hulyo 27, 2009 sa Republic Act No. 9729 na kilala bilang Climate Change Act of 2009. Ito ang sagot ng Pilipinas sa banta ng climate change, alinsunod sa pangako sa ilalim ng United Nations Framework Convention for Climate Change (UNFCCC). Nakasaad sa batas na ito ang pagbalangkas ng pamahalaan ng mga programa at proyekto, mga plano at estratehiya, mga patakaran, ang paglikha ng Climate Change Commission at ang pagtatatag ng National Framework Strategy and Program on Climate Change. Ang Climate Change Commission ay ang tanging ahensya na may tungkuling makipag- ugnayan, bumalangkas, sumubaybay at sumuri ng mga programa at mga pagkilos hinggil sa pagbabago ng klima. Pinagtibay rin ang Republic Act No. 8749 na kilala bilang Philippine Clean Air Act noong 1999. Ito ay naglalayong mapanatiling malinis at libre sa greenhouse gas emissions ang hangin sa bansa. Ang Philippine Task Force on Climate Change (PTFCC) ay binuo upang pagaanin ang masamang epekto ng climate change at magsagawa ng isang mabilis na pagsusuri ng mga epekto nito sa bansa. Karagdagang Kaalaman tungkol sa Climate Change  Ang pakikibahagi ng sangkatauhan sa pagtugon sa hamon ng climate change ay napakahalaga kaya pinaiigting ng United Nations Development Programme (UNDP), sa pakikipakaisa ng mga pamahalaan, mga pandaigdigang institusyon at mga pribadong sector ang global partnership sa pagpapalaganap ng mga adhikain ng UN Millennium Development Goals (MDGs), mga paraan ng pag-unlad at pagharap sa climate change.  Upang maisakatuparan ang mga programa, plano, polisiya at patakaran hinggil sa climate change, Ang International Monetary Fund ay nakatutok sa pagpapayo ukol sa pinansiyal na aspekto nito, mga reporma, at paghikayat sa mga mamamayan na panatilihing luntian ang kapaligiran.  Ang United Nations Framework Convention for Climate Change ang nangunguna sa taunang pagpupulong ng mga bansa upang pagtuunan ng pansin ang paglutas sa climate change. 17 Gawain 9: Apektado Ka? Itala ang mga epekto ng climate change sa iba’t-ibang aspekto sa graphic organizer at sagutIn ang kasunod na mga tanong. Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang climate change? Ano ang mga dahilan, palatandaan at epekto nito? 2. Paano tumutugon ang Pilipinas sa hamon ng climate change? Nararamdaman mo ba ito? 3. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino higit na nararamdaman ang epekto ng climate change? Ipaliwanag ang sagot. Gawain 10: Buoin Mo Ang mga nakasulat sa shape box ay mga acronym ng mga ahensiya/programa na tumutugon sa hamon ng climate change. Isulat ang ibig sabihin ng mga acronym na ito at kung ano ang ginagawa nila upang labanan ang mga suliraning dulot ng climate change. UNDP UNFCC IMF PTFCC CCC 18 Gawain 11: A. Tukuyin Mo Isulat sa iyong sagutang papel ang tinutukoy ng sumusunod na pangungusap. ___________1. Ito ay tumutukoy sa pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. ___________2. Unang naramdaman ng mundo ang epekto ng climate change sa panahong ito. ___________3. Ito ay ang patuloy na pag-init ng temperatura ng mundo na maaaring magdulot ng pagkatunaw ng yelo. ___________4. Ang pangyayaring ito ang pumapatay sa mga bahura o coral reef na tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat. ___________5. Ito ang nangunguna sa taunang pagpupulong ng mga bansa upang malutas ang suliranin sa climate change. B. Tama o Mali. Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan at MALI naman kung ito ay walang katotohanan. ____________1. Ang climate change ay malaking banta hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. ____________2. Ang climate change ay natural na pangyayari kaya’t walang dapat sisihin sa pag-iral nito. ____________3. Sa pag-iral ng climate change, tanging kapaligiran lamang ang apektado. ____________4. May magagawa ang bawat tao upang mapababa ang peligrong dulot ng climate change. ____________5. Bilang kasapi ng Nagkakaisang Bansa, tumutugon ang Pilipinas sa hamon ng climate change. Pagyamanin Maliwanag na tinalakay sa teksto na humaharap tayo sa samu’t-saring suliraning pangkapaligiran. Malinaw na ba sa iyo ang mga dahilan at epekto ng mga ito? Kung oo ang sagot mo, patunayan ito sa pamamagitan ng pagtupad sa susunod na gawain. Ang mga gawaing ito ay makatutulong sa iyo upang lalo pang mapagyaman ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. 19 Gawain 12. A: Talahanayan ng Paglalahat Gamit ang mga kaalaman na iyong nakuha mula sa mga paksang binasa, gumawa ng talahanayan gaya ng nasa ibaba sa iyong sagutang papel Suliraning Mga Ginagawa Mga Pangkapaligiran ng Pamahalaan Mungkahing (Kahulugan/ at iba Pang Solusyon sa Sanhi Epekto Sektor Upang Suliranin Paglalarawan) Malutas Ito Isaisip Binabati kita. Narating mo na ang bahaging ito ng iyong modyul. Ibig sabihin malapit mo na itong matapos. Sa bahaging ito, kailangan mong patunayan na naunawaan mo na ang mga konsepto at mga kaalamang dapat maikintal sa isipan mo na layunin ng modyul na ito. Upang ipakita ang pagkaunawa sa paksa, sagutin ang mga gawain sa ibaba. 20 Gawain 13. Anong Nasa Isip Mo? Sagutin ang mga tanong sa loob ng callout. Isulat ang sagot sa sa iyong sagutang papel. Ano ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas? Bakit nagkakaroon ng mga suliraning pangkapaligiran ang Pilipinas? Paano naaapektuhan ng mga suliraning ito ang mga mamamayan? Paano tumutugon ang pamahalaan sa paglutas sa suliraning pangkapaligiran? Sa iyong palagay, sapat na kaya ang mga ito? 21 Isagawa Sa modyul na ito natutunan mo na ang Pilipinas ay humaharap sa matinding suliraning pangkapaligiran na karamihan ay dahil na rin sa kagagawan nating mga mamamayan. Gawain 14. #ParaSaBayan #ParaSaKinabukasan Sa bahaging ito, ipahayag mo kung ano ang magiging tungkulin o ambag mo sa paglutas sa mga suliraning pangkapaligiran at kung ano ang magagawa mo sa pangangalaga sa kalikasan ng ating bansa. Sumulat ng maikling panata sa pangangalaga ng kalikasan. Isulat ito sa short coupon. Gawing gabay ang nasa ibaba sa pagbuo ng gawaing ito. Ang Aking Panata Para sa Kalikasan Ako si ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ _____________________ __________________ Lagda __________________ Petsa 22 Tayahin Lubhang nakagagalak na malaman na narating mo na ang bahaging ito ng modyul. Inaasahan na marami ka nang natutuhan. Mapapatunayan mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gawain Gawain 15: Panghuling Pagtataya Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Status Report noong 2015. A. biodegradable C. solid waste B. nuclear waste D. electronic waste 2. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas? A. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura B. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao C. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao D. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno 3. Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa______ A. Nagiging sanhi ng pagbaha B. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera C. Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito D. Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito 4. Ito ay ang Non-Government Organization na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilpino sa balanse at malusog na kapaligiran. A. Greenpeace C. Bantay Kalikasan B. Mother Earth Foundation D. Clean and Green Foundation 5. Anong batas ang lumikha sa mga Material Recovery Facility (MRF) sa bansa? A. Republic Act 9003 C. Republic Act 2649 B. Republic Act 115 D. Republic Act 9072 23 6. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap na deforestation? A. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan ng pangangailangan B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan C. Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao D. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers 7. Dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon, tumataas ang demand sa mga pangunahing produkto na dahilan kung kaya ang dating kagubatan ay ginagawang plantasyon, subdibisyon, at iba pa. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa gawaing ito? A. Land reform C. Land grabbing B. Land use D. Land Conversion 8. Noong 1992, isinabatas ang Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System o NIPAS. Alin sa sumusunod ang layunin nito? A. Pangalagaan ang mga protected areas mula sa pang-aabuso B. Rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektaryang kagubatan C. Paghikayat sa mga taong makilahok sa mga tree planting activities D. Lahat ng nabanggit 9. Alin sa sumusunod ang layunin ng Batas Republika 9072 o National Caves and Cave Resources Management and Protection Act? A. Ingatan, panatilihin, at protektahan ang mga kweba ng bansa B. Gawing mga tourist attractions ang mga kweba sa ating bansa C. Linangin at pakinabangan ang mga kweba at mga yaman nito D.Itaguyod ang pagsasapribado sa mga kweba upang magkaroon ng kita ang pamahalaan 10. Ang batas na ito ay ginawa upang maprotektahan at mapag-ingatan ang mga kagubatan sa pamamagitan ng pagbabawal sa paggamit ng mga chainsaw. A. RA 9072 B. RA 9147 C. RA 9175 D. RA 7586 11. Alin sa sumusunod ang layunin ng Climate Change Commission na nilikha sa ilalim ng Climate Change Act of 2009? A. Panatilihing malinis ang hangin sa bansa B. Gumawa, sumubaybay at sumuri ng mga programa at pagkilos sa pagbabago ng klima C. Pagaanin ang negatibong epekto ng climate change D. Mapahusay ang kakayahan ng mga negosyante na gumamit ng environment friendly na estratehiya upang mapaunlad ang ekonomiya 24 12. Ang Pilipinas ay apektado ng nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa? A. Pagtaas sa insidente ng dengue B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides D. lahat ng nabanggit 13. Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay nagdudulot ng mga sakuna gaya ng heatwave, baha, at tagtuyot. Alin sa sumusunod ang maaaring maging epekto nito? A. Pagdami ng sakit gaya ng dengue, diarrhia, malnutrisyon at iba pa B. Pagkakaroon ng marami at malalakas na bagyo C. Pag-iral ng mga pangklimang penomena gaya ng La Nina at El Nino D. Pagkakaroon ng tinatawag na global warming 14. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, isa ito sa mga bansang labis na apektado ng climate change lalo na ang sektor ng pagsasaka at pangingisda. Ano ang maaring implikasyon nito sa kabuhayan ng mga mamamayan? A. Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng pagkain B. Nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa C. Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa D. Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad 15. Alin sa sumusunod ang hindi tamang pahayag tungkol sa epekto ng climate change? A. Mataas ang banta ng epekto ng climate change sa Pilipinas B. Malaki at seryoso ang epekto ng climate change sa kapaligiran C. Hindi maaring makialam ang indibidwal na tao sa pagsugpo sa climate change dahil gawain lang ito ng pamahalaan D. Halos kalahati ng populasyon ng buong mundo ay nakararanas ng masama epekto ng climate change 25 Karagdagang Gawain Upang maipakita mo nang mas malalim ang pag-unawa mo sa isyung pangkapaligiran sa iyong sariling komunidad tuparin mo ang huling gawaing inihanda sa modyul na ito. Huling hirit na ito, pangako! Gawain 18. Pag-aaral ng Kaso. Gumawa ng case study tungkol sa sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling pamayanan. Gawing gabay ang nasa ibaba sa pagbuo ng gawaing ito. Mga Hakbang: 1. Pagtukoy sa pangunahing suliranin 2. Pagsusuri sa mga maaaring dahilan ng suliranin 3. Paggawa ng outline 4. Pagtaya sa ugnayang sanhi-epekto nito Mga bahagi: 1. Panimula- Pagtukoy sa mga pangunahing suliranin 2. Kaligiran ng Pag-aaral - Mga angkop na kaalaman at isyu o mga pananaliksik na may kinalaman sa suliranin 3. Mga Alternatibo – Paglalarawan sa mga pamimilian 4. Solusyon- Pagbibigay ng makatotohanang solusyon sa suliranin at mga pagpapaliwanag hinggil dito 5. Rekomendasyon – Pagbibigay ng tiyak na estratehiya kung paano maisasakatuparan ang panukalang solusyon 26 27 Gawain 15 1. c 2. a 3. d 4. a 5. a 6. a 7. d 8. a 9. a 10. c 11. b 12. d 13. a 14. a Gawain 6 15.c 1. Tahanan 2. Waste Segregation 3. Waste Gawain 11A Management 1. Climate change 4. RA 9003 Gawain 11B 2. Kalagitnaan ng ika-20 siglo 1. Tama 5. Material Recovery 3. Global warming Facility 2. Mali 4. Coral bleaching 3. Mali 6. Leacheate 5. UN Framework Convention for 7. Residensyal 4. Tama Climate Change 5. Tama 8. National Waste Management Management Balikan- Gawain 2 A Commisision 1. Isyung 9. Mother Earth Gawain 3 pangkapaligiran Foundation 1. Deforestation 2. Isyung panlipunan 10. DENR 2. Quarying 3. Isyung pangkalusugan 3. Solid waste 4. Isyung pang- Gawain 1 4. Flashflood ekonomiya 5. Mining Gawain 2 B 1. a 6. c 11. d Gawain 4 1. pang-ekonomiya 2. d 7. d 12. b 1. Solid waste 2. pangkalusugan 3. b 8. b 13. a 2. Deforestation 3. panlipunan 4. d 9. b 14. d 3. Quarrying 4. pangkapaligiran 5c 10. c 15. c 4. Polusyon 5. panlipunan Susi sa Pagwawasto Sanggunian Department of Education. Araling Panlipunan 10 Learners Module. 2017. Department of Education. Araling Panlipunan 9 Learners Module. 2014. Department of Health. “Ano ang Climate Change?”. Accessed May 18, 2020. https://www.doh.gov.ph/climate-change Environmental Management Bureau. “National Solid Waste Management Report (2008-2018)”. Accessed July 10, 2020. https://emb.gov.ph PapersOwl. “How To Write a Case Study Analysis”. Accessed April 29, 2020. https://papersowl.com/blog/how-to-write-a-case-study-analysis. Senate of the Philippines. Philippine Forest at A Glance. Accessed July 9, 2020. https://www.senate.gov.ph Slideshare. “Araling Panlipunan Grade 10 Q1”. Accessed April 23, 2020. http://www.slideshare.net/hanibal258/araling-panlipunan-grade-10-q1- 76627011? 28 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser