Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa kabihasnang Roma, kabilang ang heograpiya ng Italy, sinaunang Rome, mga mamamayan sa Italy, politika at pandigma, at mga digmaan, nakaayos sa mga bahagi para sa mas madaling pag-unawa.

Full Transcript

AP Reviewer **Kabihasnan ng Roma** - **Heograpiya ng Italy** - Nagmula ang salitang Italy sa isang Latin na "**Vitulus**" o "**Vitalia**" na ang ibig sabihin ay "**Caft-land**" o "**Land of Cattle**" - Ang **hugis-botang Italian Peninsula** ay napaliligiran ng Tyrrhenian Sea sa...

AP Reviewer **Kabihasnan ng Roma** - **Heograpiya ng Italy** - Nagmula ang salitang Italy sa isang Latin na "**Vitulus**" o "**Vitalia**" na ang ibig sabihin ay "**Caft-land**" o "**Land of Cattle**" - Ang **hugis-botang Italian Peninsula** ay napaliligiran ng Tyrrhenian Sea sa kanluran, Mediterranean Sea sa timog, at Adriatic Sea sa silangan. - Dahil sa Topograpiya ng Italy, ang klima dito ay **mainam sa pagsasaka at pagpapastol ng hayop** kung kaya't **mataas ang bilang ng populasyon ng bansang ito.** - **Sinaunang Rome** - Nagmula sa isang mitolohiya patungkol sa isang prinsesa, **Rhea Silvia at si Mars**, diyos ng digmaan ay nagkaroon ng kambal na anak na pinangalanang **Remus at Romulus.** - Ang kambal ay itinapon sa ilog ngunit sila ay nakita ng isang "she-wolf." Bumuo sila ng imperyo malapit sa **Ilog Tiber**. Ang kambal ay magkaiba ng pananaw kung kaya't sila ay nagtalo na nauwi **sa pagpatay ni Romulus kay Remus.** Ang pangalan na Rome ay galing sa pangalan ni Romulus. **Ang Ilog Tiber ang lunduyan** ng kabihasnang Rome. - **Mga mamamayan sa Italy** - **Latino** - Indo-European - Latium - **Tanso, Latin, Sining, Palugsahan (Gladiator**) - **Etruscan** - Pinakamakapangyarihang angkan ng Etrusoan - Asia Minor - Hilagang Kanluran - **Sandata gawa sa bakal forum (pambayang plasa), Arch** - **Greek** - Greece - Timog ng Italy at Sicily - Kulturang Griyego - **Alphabeto** - **Politika at pandigma** - **Republika ng Rome** - **Republika** -- Ang mga mamamayan ay ang pumipili ng kanilang pinuno sa pamamagitan ng pagboto. - Galing sa salitang **Res republica**( pampublikong kapakanan) a. **Konsul** - **Konsul(2),** **Pinuno ng pamahalaan**, nagsisilbing hukom, pangunahan ng hukbo at; tagapag-ingat ng salapi. - Veto (ipinagbabawal ko) b. **Diktador** - **Diktador(1)**, **6 na buwan** na panunungkulan; **gumagawa ng batas, sumasama sa digmaan** c. **Senado** - **300 miyembro ng Patricians**, Kumukontrol sa paggamit ng salapi at ugnayang panlabas; Hukbong Romano- **SPQR (The Senate and the People of Rome).** - **Patricians** - Maharlika na **nagmamay-ari ng malalaking lupain.** - **May kapangyarihan sa pamamahala** - **Plebian** - Kabilang sa pamilyang huling naninirahan sa Rome, **karaniwang manggagawa, magsasaka, at mangangalakal.** - **Walang karapatan sa pamamahala.** - **Tribune(10)**: May kapangyarihang **gumawa ng batas para sa mga plebian.** - **Twelve tables: batas na nakatala sa 12 tableta.** Ipinaskil ang mga tableta sa Forum. Sa pagkakaroon ng Twelve Tables, nawakasan ang pagkakaroon ng kani-kaniyang interpretasyon ng mga batas. - **Hukbong Sandatahang Roman** - **Lahat ng Roma na may lupa** ay may tungkulin sa hukbong sandatahan. - **Legion**: Malaking pangkat ng hukbong sandatahang sa Rome. (**6000 legionary** o sundalong Roman.) Hinati ito sa **century (60-120 legionary)** - **Paglawak ng kapangyarihang Roman** - **Unti-unting sinakop ng mga Roman ang mga karatig lugar** nito. - Napasakamay nila ang buong Italian Peninsula maliban sa **Po Valley.** - **Mga Punic War** a. **Unang Punic War: Rome vs Carthage** - **23 Taon** ang tagal - **Nagapi ng Rome ang Carthage.** - **Hindi ito nagwakas** bagkus naghiganti ang mga Carthaginian. b. **Ikalawang Punic War: Scipio vs Hannibal** - **Hannibal** ang namuno ng hukbo ng 59,000 sundalo at 60 elepanteng pandigma upang sugurin ang Rome. - **Nilandas ng hukbo ni Hannibal ang mahabang rut**a upang sakupin ang hilagang Italy. - **Nagapi ng mga Roman si Hannibal** sa Zama - **Napasakamay ng mga Roman ang Spain** at ginawang lalawigan ng imperyo. c. **Ikatlong Punic War** - **Sinalakay ng mga Roman ang Carthage** - Bunsod sa pangbubuyo ng maimpluwensiyang senador na si **Cato** sa mga Roman na "**wasakin ang Carthage**" - Sinunog ang lungsod nito. Ang Carthage ay **ginawang lalawigan ng Rome.** - Sinakop nito ang Macedonia, Greece at Pergamun sa Anatolia. - itinuturing ng mga Roman ang Mediterranean Sea na mare nostrum 0 "**ang aming dagat"** - **Paghina ng Republika** - Naharap din ito sa mga suliraning nagpahina sa katatagan ng Republika **dahil lumaki ang agwat ng mayayaman at mahihirap.** - Sanhi ng ito ay dahil sa pag-iral ng **korapsyon at katiwalian sa pamahalaan.** - Pagkakaroon ng latifundia o "**malaking hacienda"** ng mayayamang nagmamay-ari ng lupa. - **Mga Repormista** - Dalawang Tribune na Sila **Tiberius at Gaius**. Iminungkahi ni **Tiberius na liitan ang sukat ng mga latifundia a**t ipamahagi ang labis na lupain sa mahihirap. Sinuportahan naman ni **Gaius ang pagbalik ng lupain sa mga magsasak**a at ang **pagpapababa sa presyo ng bigas. Parehong nasawi.** - **Pagbagsak ng Republika** - **Digmaang Sibil**. Nagharap ang hukbo ng magkabilang panig sa isang digmaang sibil na sa huli ay pinagwagian ni Sulla. Matapos nito ay itinalaga ni **Sulla** ang sarili bilang diktador. - **Unang Triumvirate** a. **Gnaeus Pompey** - **Hukbong heneral at estadista** - Gitnang Silangan (Asia Minor), Kanlurang Asya (Armenia) - Nakakuha ng suporta sa Senado. - **Kinalaban si Caesar** na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay b. **Marcus Crassus** - **Mayamang tao** sa Rome at tumalo kay Spartacus sa laban - Parthia (Iran) - **Namatay sa laban** c. **Julius Caesar** - **May ambisyong politikal.** "The die is cast" (isang hakbang na hindi na maaaring baguhin anuman ang kahinatnan) - **"Veni, Vedi, Veci**" (Nagtungo ako, Nakita ko, at nilupig ko) - **Ikalawang Triumvirate** a. **Mark Anthony** - Tinyente at kalihim ni Caesar; **asawa ni Octavia** (kapatid ni Octavius); bayaw ni Octavius - **Syria, Egypt** - **Nahumaling kay Cleopatra**, nagkaroon ng alitan sa kanila ni Octavius. b. **Marcus Lepidus** - **Heneral ni Caesar** - **Africa** - **Nagprotesta kaya itiniwalag** c. **Octavius** - **Pamangkin at tagapagmana ni Julius Caesar** - **Rome** - Naglaban sina Mark Antony at Octavius sa Actium, Greece -- **natalo si Mark Antony kaya tumakas siya kasama si Cleopatra** ![](media/image2.png) **\ ** - **Imperyong Byzantine** - Hinati ang imperyo, ang Kanlurang Imperyong Roman at Silangang Imperyong Roman. **Ang Silangang Imperyong Roman ang naging Imperyong** Byzantine. Mula sa Byzantium ang sinaunang tawag sa Constantinople. Isa sa mga naging tanyag na emperador ng Imperyong Byzantine ay **si Justinian**. Hinangad niya na **maibalik ang kapangyarihan ng Imperyong Romano.** Ngunit hindi siya nagtagumpay na masakop ang hilaga at gitnang Europe dahil sakop pa rin ng mga tribong Germanic. - **Corpus Juris Civilis o Lupon ng Batas Sibil --** pinagsamasamang batas ng Rome na binuo ng mga **abogado at hukom sa utos ni Justinian**. - Hagia Sophia -- nagawa io noong 537 CE. Natatangi ang **simbahang ito dahil sa dome o bubong na hugis kalahating-bilog** - **Paghina at pagbagsak ng Rome** - Ang pagsisikap nina Diocletian at Constantine na maisalba ang imperyo ay **nawalan nang saysay dahil sa matinding suliraning panloob ng Imperyong Romano.** I. Ang Pagpili ng **Emperador Walang batas na nagsasaad ng pagiging emperador.** II. **Ang Paghina ng Ekonomiya** ng mga Lungsod Napabayaan ang mga kanluraning lungsod na isa sa pinagkukunan ng salapi ng imperyo mula nang inilipat ang kabisera ng imperyo sa Constantinople. III. Ang **Pagtaas ng Buwis** Upang makabawi sa bumagsak na kita ng pamahalaan. IV. **Ang Pagbaba ng Populasyon** Lumiit ang mga pamilya dahil hindi na kayang tustusan ang pangangailangan ng maraming anak. V. Ang Pagsalakay ng mga Barbaro Sinakop ang malaking bahagi ng imperyo ng mga **barbarong Aleman.** **\ ** **Kabihasnang Griyego** - **Heograpiya ng Greek** - Dahil sa malaking bahagi ng Greece ay **kabundukan na naghati sa mga rehiyon**, ito ay nagresulta sa pagkawatak-watak ng mga sinaunang pamayanang Greek. a. **Kabihasnang Minoan** - Galing sa salitang **Minos.** - **Knossos** ang kabisera ng sinaunang kaharian. - Dito natagpuan **ng arkeologong English na si Arthur evans** ang guho. - **Haring Minos** -- ang maalamat na hari ng Kahariang Minoan. - Ang **fresco ay ipinintang larawan gamit ang watercolor** sa basing semento. - Gumagamit ng **bronzing armas** - **Mahilig magsaya** at makipagpaligsahan ang mga Minoan. - (Bull-leaping) - dulot ang pagwakas **ng isang malakas na lindol, pagsabog ng bulkan o di- kaya nang sakupin** ng mga mananakop. b. **Kabihasnang Mycenean** - Binubuo ng **makakapangyarihang pamilya** na may sariling palasyo at nasasakupan. - Karaniwang **mandirigma** - **Agamemnon (Pinuno**) - Gumamit ng **sandatang bakal** - Pinaunlad **ang Alphabetong Phonecian** - Pananalakay ng mga **Sea people.** - **Ang pagbagsak ay hudyat ng Dark age of Greece** - **Trojan War** - Nag-ugat sa **pagdukot ng prinsipe ng Troy na si Paris kay Helen**, asawa ni Haring Menalaus ng Sparta. Si Menalaus ay kapatid ng hari ng Mycenae na si Agamemnon, na nanguna sa hukbong Greek na sumalakay sa Troy. **Ipinagawa ang isang malaking kabayong yari sa kahoy.** Sa loob nito pinagtago ang mga **sundalong Greek**. Pinadala ang estatwa sa Troy. **Sa pagsapit ng gabi, madaling nagapi at napaslang ng mga Greek ang mga Trojan** na pagod at lasing sa buong araw na pagsasaya. - **Panahong Hellenic** - Tinawag ng mga sinaunang Greek ang kanilang sarili na "**Hellenes**". Hango sa salitang **Hellas (sinaunang lupain ng Greece.)** - Ang kulturang Hellenic ay **nakapaloob lamang sa Greece.** a. **Polis** - Binubuo ng **Acropolis, Agora, at ang mga pader.** b. **Sparta** - **Estado militar** - Sinakop ng mga Spartan ang **Messinian at Laconian.** I. **Dorian** II. **Perioeci** III. **Helot (Messinian at Laconian)** c. **Athens** - Maliit na bayan na demokratikong estano na tinatawag **na attica**, **isang polis sagit nang tangway ng Greece.** - **Pamahalaan ng nakararami** sa paraang tuwiran o hindi tuwirang pakikilahok ng mamamayan. - **Repormista** I. **Draco** - Gumawa ng **unang nasusulat na kodigo ng batas sa** Athens II. **Solon** - Pinawalang-bisa ang lahat ng **pagkakautang sa lupa at pinalaya ang mga naging alipin.** III. **Pisitratus** - **Nagbabahagi ng mga lupain** ng mga aristokrata sa mahihirap at nagtaguyod ng **sining at kultura.** IV. **Cleisthenes** - Ama ng A**thenian Democracy.** - Bumuo ng **konseho na nangasiwa sa ugnayang panlabas** at yaman ng polis - Ipinatupad ang **ortracism upang pangalagaan ang mga Athenian mula sa mga mapang-abusing pinuno**. - Banta ng Persian - **Sinalakay ng mga Persian ang Athens** sa pangunguna **ni Darius the Great** ito ay nagging hudyat sa pagsisimula ng **Graeco-Persian** War. a. **Battle of Marathon: Darius the Great: Nagwagi ang mga Griyego.** b. **Battle of Thermopylae**: **Xerxes I:** **Natalo ang mga Spartan** dahil ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan patungo ng Thermopylae. c. **Battle of Salam**: **Nagwagi ang mga Griyego** makalipas na mapalubog ang mga maraming barkko ng mga Persiano. d. **Battle of Plataea**: **Muling nagapi ng mga Griyego** ang mga Persian na nagresulta ng pagkamatay ng Persian Commader. - **Digmaang Peloponnesian** - Tunggaliang **Athens at Sparta** - Itinatag nila ang **Delian Legue** bilang **alyansa laban sa Persiano**. - Sa pamumuno ni **Pericles** nakamit ng mga Athenias ang rurok ng katanyagan at tinawag itong "**Ginintuang Panahon ng Athens**". - **Peloponnesian League -- itinatag ng mga Spartan.** Nagapi ang mga **Athenian ng Peloponnesian League**. Ito ay bunsod ng dalawang pagsubok na kinaharap ng Athens; - Ang pagkasawi na may **2/3 ng populasyon** ng Athens - Ang pagkasawi **ng libo-libong Athenian** - **Panahong Hellenistic** - Pinaghalong kulturang Asyano at Greek dulot ng pagpapalawak ng imperyo ni **Alexander** - Nakabuo ng isang malakas na hukbo na nagresulta **sa pagsasakatuparan ng pagsakop ng buong Greece.** - Sa pagpanaw ni **Alexander**, nahati ang imperyyong Macedonian sa kaniyang tatlong heneral: ang **Egypt, Libya at bahagi ng Syria kay Ptolemy**; ang **Mesopotamia, bahagi ng Syria, Iran at Afghanistan kay Seleucus**; at ang **Macedonia at Greece kay Antigonus**. - Kontribusyon ng Greece a. **Pananampalataya** - Zeus -- hari ng mga diyos - Hera -- asawa ni Zeus at diyosa ng pagpapakasal at pag-aasawa - Aphrodite -- diyosa ng pag-ibig at kagandahan - Apollo -- diyos ng musika, sining at makatwirang pag-iisip - Ares- diyos ng digmaan - Athena -- diyossa ng karunungan - Demeter -- diyosa ng agrikultura at pagkamayabong - Hades -- diyos ng kamatayan - Poseidon -- diyos ng karagatan - Dionysus -- diyos ng alak at pagpapasaya b. **Panitikan** - Ang **Illiad at Odyssey** ang tinaguriang **dalawa sa pinakadakilang epiko ng Greece**. Nagmula ang mga epikong ito kay **Homer**, isang bulag na makata. c. **Arkitektura** - Doric, Ionic, and Corinthian d. **Alphabeto** - Pinaunlad ng Greek ang **alphabetong Phoenician**. Batayan ng wikang European. e. **Dula at Teartro** - **Ang trahedya** ay **isang dula tungkol** sa pag-ibig, digmaan, pagtataksil at pagkamuhi. - **Komedya** -- ay may n**akatatawa** o mapanuyang tono. f. **Pilosopiya** - **Plato**: Inakda ang **The Republic**, unang aklat tungkol sa agham at pampolitika. - **Aristotle**: Mag-aaral ni Plato. **Lyceum** ay tungkol sa golden mean or prinsipyo sa pamumuhay. - **Cynicism** -- **Pagtuligsa sa pagiging materyalistiko** at ang pagtataguyod ng payak na pamumuhay. - **Epicureanism** -- **Pamumuhay nang maligaya** at ang pag-iwas sa ano mang makasasakit o makapagpapahirap sa tao. - **Stoicism** -- kailangang mamuhay ang tao nang naayon sa kalikasan at nang walang pakialam sa ano mang panlabas na salik. g. **Agham, Medisina, at Matematika** - Hippocratic Oath -- isang kodigo ng mga wastong kaasalan sa panggagamot. - Pythagorean Theorem - The Elements of Geometry h. **Kasaysayan** - Si **Herodutos** ang tinaguriang "**Ama ng kasaysayan**." Inakda niya ang History of the Persian Wars. - **Thucylides** ang sumulat ng **History of the Peloponnesian War.** i. **Olimpyada:** - Stadion, Hoplitodrome, Pentathlon, Pankration, Chariot race - **Gitnang Panahon ng Europa** - Noong nahati ang imperyong Roman sa maliliit na kaharian, nabalot ang Europe sa walang katiyakan. Ang simbahang Katoliko ang naging sandikan ng mga Europeo. Sa kabilang banda, unti-unting naging kapangyarihan ang mga panginoong may likha. - Natapos magtagumpay ng mga nasakop na mga **tribong Germanic** ang kanlurang imperyong roman, nahati ito sa mga maliliit na kaharian. Nalukmok ang mga pamilya, pamahalaang Europeo, lungsod, at administration, ay nawasak. Huminto rin ang kalakana at nalugi ang mga negosyo dahil sa patuloy na mananalakay. - Noon, nilinang nila ang lupa upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pagkain. Bumaba ang antas ng edukasyon, iilan na lamang ang marunong bumasa at sumulat. Ang latin ay nahuluhan ng ibang wika upang mabuo ang iba't ibang dayalekto at mawala ang mga Rohan. - **Imperyong Frankish** - **Charlemagne**: **Pinakadakilang monarko** ng Europa. Dumami ang lawak ng teritoryo ng imperyong ito. Nabuklod niya ang kahariang Germanic at naitatag **ang kaunahang imperyo sa kanlurang Europe.** - Higit siya nakilala nang patungan siya ng korona ni **Papa Leo III** noong pasko bilang pasasalamat sa pagtulong niya sa papa mula sa mga pangkat ng maharlika na lumaban dito. Ang paghirang sakanya bilang emperador ay nagbigay ng karapatan sa papa na maghiram ng emperador. Ito ang naglunsod ng samahan ng simbahang katoliko at imperyong Frankish. - Tinaguriang imperyo ni Charlemagne bilang **Holy Roman Empire.** - Nagpatupad ng mga pagbabago si Charlemagne upang isaayos ang pamahalaan at ipataguyod ang kulturang Roman. Hinati niya ang kaniyang imperyo sa mga **county** at pinamumunuan ng mga count upang tiyakin na mailunsad ang mga **count** ang kanilang mga tungkulin. - Tinangkilik niya ang mga **pagpapaunlad ng kaalaman**. Nagtatag siya ng mga paaralan sa mga palasyo, pinagyaman niya ang mga silid aklatan, at sinoportahan ang mga pari na sila ang gumagawa ng mga aklat sa latin. - Unti-unting humina ang imperyo niya pagkatapos ang kaniyang paghari dulot ng mga **problema sa politika at mahihinang pinuno.** - Nahati ang imperyo sa tatlong bahagi: Charles the Bald's Kingdom, Ludwig the German's Kingdom, at Lethair I's Kingdom. Kinakatakutan ng imperyo ang mga Vikings. Dahil sa malawak na teritoryo sakop ng imperyo, naging mahirap para sa mga pinuno na ipagtanggol lahat ng kanilang sinasakupan. Ito ang nagbigay daan para sa paghina ng mga monarko at nilipat ang kapangyarihan sa mga lokal na pinuno at mga maharlika. - **Feudalismo:** Nagkaroon ng kasunduan ang maharlika at ang panginoong may lupa. Kapalit ng lupa na ito ay tinatawag na **Fief,** kung saan binibigyan ng proteksyon ang mga pamilyang may lupa at mga kaharian ng ito. - ![](media/image4.png) - **Vassal** ang tinatawag sa maharlika na tumatanggap sa lupain. Tinatawag itong **Act of Homage** kung saan pinapangako ng vassal na may katapataan sa panginoong may lupa. - Ang mga knight ay ang nagpapanatili ng kaayusan sa Feudalismo sa kanlurang Europe. Sila ay mga mandirigma na nagtatanggol sa vassal at panginoong may lupa. Bilang knight, tungkulin niya ay tuparin ang Chivalry. **Chivalry** ay mga Sistema ng katangian na dapat taglay ng knight kagaya ng katapatan, karunungan, at magalang. - **Manor:** Malaking lupain na **pinamumunuan ng isang panginoon ng lupa**. Nasa loob ng manor ang lahat ng pangangailangan ng mga naninirahan dito. - **Paglakas ng Simbahang Katoliko** - Bilang pinakamataas na pinuno ng simbahang katoliko, ang **papa** ang naging pinakamakapangyarihang pinunong spiritual sa mahalagang bahagi ng Europe. - **Monasticsm**: Pagtalikod sa munong pinamumunuan upang ialay ang sarili sa Diyos. Sinimulan ito ni Saint Benedict. - Nagtaguyod din ang simbahan ng impluwensiyang political. **Papal state** na pinamumunuan ng papa. Naipamalas din ang kapangyarihan ng simbahan sa pamamagitan ng pagkaroon ng canon law na gumagabay sa mga kasalanan ng tao. - Bilang parusa sa hindi pagsunod ng **Canon law**, pinatupad ang **excommunication at Interdict.** Dito pinalayas ang isang tao sa simbahan at tinanggal ng pagkakataon na mailigtas ang kaluluwa. Interdict naman ay hindi pinahihintulotang makatanggap ng anumang sakramento o seremonyang pangrelehiyon na nagkasala laban sa simbahan. Naniniwala ang mga kristyano noon na ang mga hindi makatanggap ng sakramento ay magdudulot sa kanilang pagsusunod ng kaluluwa sa impyerno. - **Inquisition**: Nagpaparusa sa mga taong napatunayan na nagkasala ng **heresy.** Ang heresy ay anumang gawain laban sa simbahan at mga katuruan nito. - **Seljuk Turk**: Pangkat ng mga muslim na lumusob sa Jerusalem. Dahil dito, nagpadala si **Alexius Commenu** (emperor ng imperyong Byzentine)s ng liham kay **papa urban ii**. Nakikiusap siya na magpadala ang simbahan ng puwersang militar upang kalabanin ang mga Seljuk Turks. - Nanawagan si papa urban ii sa mga dibotong katoliko na kusang loob na bumuo ng hukbong laban sa Seljuk Turks. - **Unang Krusada**: Nagtagumpay ito na bawiin ang Jerusalem at nagtatag ng mga pamayanan na katoliko. - **Pangalawang Krusada:** Haring Louis vii at Conrad iii Emperador ng imperyo ng Roma ang namuno. Bigong binawi ng krusada ang Jerusalem dahil sa limitadong alitan ng dalawang hari. - **Ikatlong Krusada**: Tinawag itong "krusada ng mga hari." Namatay si Richard i bago pa nakarating sa Jerusalem - Emperor Frederick Barbarossa - Philip Augustulus - Haring Richard i **Mga Kaisipan na ipinalaganap noong Gitnang Panahon** - **Three Field System**: Kung saan hinati ang lupa sa tatlong bahagi; 1 at 2 bilang sakahan ngunit hindi tinamtam para kay 3. Dumami ang produkto dahil sa paraan na ito. - Maraming mangangalakal ang naging aktibo pagkatapos ng mga krusada. Muling pinagawa ang mga dating lupang pangkalakalan. Naging sentro ng kalakalan ang ilang bayan katulad ng **Venice, Pisa, at Genoa.** - Bumuo ng grupo ng mga magkakatulad na produkto ang mga mangangalakal at pinagbibili. Ito'y tinawag na **Guild system**, kung saan ang kanilang layunin ay pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga kasapi. - **Fair**: Lugar kung saan pinakilala ang mga produkto at bilihin ng mga mangangalakal. - **Unibersidad:** Pangkat ng mga iskolar. - **Scholasticism:** Ito ang paggamit ng teorya ni Aristotle upang maisagot ang mga tanong. Sina Peter Abalard ang isa sa nanguna. - **Thomas Aquinas:** Ang pananampalataya ay biyaya ng panginoon kaya't may iilang katotohanan na nauunawaan sa pangangatuwiran at iilan naman sa pananampalataya. - **Beowulf:** Buhay sa hilagang Europe sa panahon ng digma. - **The Song of Roland:** Tumatalakay sa katapangan ng mga tao ni Charlemagne sa paglaganap ng kristiyanismo. - **Roger Bacon:** Naniniwala ang pagkatuto at nakabatay sa obserbasyon.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser