Araling Panlipunan Mid Quarter Examination PDF
Document Details
Uploaded by EffortlessRhodolite2610
Tags
Summary
This document provides a structured overview of contemporary issues, focusing on their personal and public dimensions. It explains concepts of contemporary issues, emphasizing the significance of understanding different perspectives and viewpoints. The analysis covers various strategies for developing knowledge about contemporary issues, emphasizing critical thinking, informed decisions, and ethical considerations, and offers valuable insights into how to better understand the world around us.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN MID QUARTER EXAMINATION TOPIC SUBTOPIC SUBTOPIC OF SUBTOPIC KEY WORDS / PHRASES Konsepto at kasanayan ng Kontempo...
ARALING PANLIPUNAN MID QUARTER EXAMINATION TOPIC SUBTOPIC SUBTOPIC OF SUBTOPIC KEY WORDS / PHRASES Konsepto at kasanayan ng Kontemporaryong Isyu 1. Kotemporaryong Isyu - Mga isyung may partikular at mahalagang kabuluhan sa kasalukuyan. - Ang salitang contemporary ay mula sa salitang Latin na conteporarius (con = ‘’kasama’’ , temporarius = ‘panahon’’). Ang tinutukoy na panahon ay kasalukuyan. - Ang isyu ay nangangahulugang may panyayari, paksa, tema o suliraning nakaka epekto sa tao o lipunan. 2. Dalawang Dimension a. Personal - ukol sa epekto ng isyu sa pamumuhay ng isang tao dulot ng kanyang karansan ukol sa iipunan, politika, at ekonomiya. b. Pampublika - kapag may pagbabahagian na ng ideya batay sa ibat-ibang karanasan. 3. Kaalaman sa Kontemporaryong Isyu a. Hinuha (Inference) - Ang hinuha ay isang pinag-isipang hula (educated guess) tungkol sa isang bagay - Ang pagbuo ng isang hinuha ay kasintulad ng hypothesis. b. Paglalahat (generalization) - Ang paglalahat ay hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkaugnay na impormasyon bago makagawa ng konkusyon. c. Konklusyon - Ang konklusyon ay ang desisyon, kaalaman, o ideya nabuo pagkatapos ng pag-aral. d. Kaalaman - Isa sa pinakamahalang matututunan ng bawat imdibidwal ang maging mulat sa mga usapin sa kanyang paligid na mayrong sapat na basehan upang masigurado ang kredibilidad ng mga sinasabit na impormasyon at magagawa lang ito kung alam natin ng pagtitimbang ng impormasyon. 4. Kasenayan at Basehan a. Primaryang sanggunian - pinagkuhan ng impormasyon ay mga orihinal na tala ng mga pangyayaring inisulat / ginawa ng taong nakaranas sa mga ito. - halimbawa : Journal, Documento, Larawan b. Sekondaryong sanggunian - mga impormasyon / interprasyon batay sa primiyang pinagukahan o ibang sekundaryang sanggunian na isinulat ng mgataong walangkinalamn sa mga pangyayaring itinala. - halimbawa : Aklat, Balita, Encyclopedia 5. Pagtukoy sa Katotohanan, Opinion, at Pagkiling a. Katotohanan - mga totoong pahayag / pangyayari na pinatutunayan sa tulong sa mga aktwal na datos. b. Opinyon - kuro - kuro, palagay, imresyon/ haka - haka ay nagpapahiwatig ng kaisipan ng tao tungkol sa inilahad. c. Pagkiling (bias) - Pagsusuri ng mga impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan, kailangang malaman, kung ito ay walang kinikilingan. Kahalagahan ng pag aaral ng Kontemporaryong Isyu 1. Makatulong upang tayo ay maging bahagi ng komunidad ng mundo (global village) - Nagbibigyan ng pagkakataon ang bawat isa ng acces sa mga pinagkukunang-yaman ng iba pang bansa. - Ito ay nagbubunga ng pagkaunawa sa magkakaibang kultura at pag-iral ng kapayapaan. 2. Makapagbigay tayo ng opinyon batay sa malawak na kaalaman - Makabuo ng mga desisyon ukol sa mga bagay na may kinalaman sa kapaligiran, kumunidad, ating bansa, at ating sarili. - Maari itong makaimpluwensiya sa mga namumuno ng bansa upang gumawa ng batas para makabuti sa sambahayan 3. Mahihikayat tayong makipagtalakayan - Ang kaalaman at kamalayan sa isyu ay nagbubunsod ng mga talakayan. - Dito malayang makapagpapaitan ng ideaya ang mga mamamayan. 4. Makatutulong ito sa pagbuo ng personal na ugnayan - Ang pagbabahagi ng sariling pananaw kinalaman sa lipunan, mas makikilala tayo at mas mauunuwaan ang ating kapwa. 5. Mapalawak ang ating pag-unawa sa makakaibang kutura (culure relativism) - Upang maliniwagan ang pinanggagalingan ng bawat isa. remember to rest! good luckies everyone! - dylan and kirsten