Araling Panlipunan 9 Q1 Linggo 6 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Tagalog) PDF
- ARALING PANLIPUNAN 2024 | QUARTER 1 | MA'AM RAZON | PRODUKSYON AT PAGKONSUMO PDF
- ARALING PANLIPUNAN 9 - IKALAWANG MARKAHAN - AP 9 Q2 Week 5 PDF
- M2_Q2_AP8 PDF - Araling Panlipunan - Ikalawang Markahan
- Araling Panlipunan - Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan Aralin 1-2: Konsepto ng Globalisasyon - PDF
Summary
This document appears to be a worksheet for a Tagalog-language course in the Philippines, on the subject of consumerism and related concepts. The document contains multiple-choice question and answers.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan______________________________ Pangkat_______________ Aralin PAGKONSUMO: 6 Konsepto at Salik ng Pagkonsumo MELC/ KASANAYAN Natatalakay ang konsepto ng pagko...
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan______________________________ Pangkat_______________ Aralin PAGKONSUMO: 6 Konsepto at Salik ng Pagkonsumo MELC/ KASANAYAN Natatalakay ang konsepto ng pagkonsumo at salik na nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay. Code: AP9MKE-lh-16 Sa aralin na ito malalaman mo ang kahulugan ng pagkonsumo at ang mga salik na nakakaapekto dito. Malalaman mo rin kung bakit mahalaga ang tamang pagkonsumo at magagamit mo sa pagpapasya ng tama. Matapos mong mabasa at magawa ang mga gawain, inaasahan na: 1. Naiisa- isa ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo; 2. Nailalarawan ang mga uri ng pagkonsumo; 3. Nasusuri ang mga batas ng pagkonsumo. I. Piliin sa kahon ang tamang sagot. Isulat ang titik sa sagutang papel ___1. Batas na ang pakinabang o kasiyahan na nakukuha mula sa isang serbisyo o kalakal ay bumababa sa patuloy na pagkonsumo. ___2. Nagpapaliwanag kung bakit ang mga mamimili ay iba-iba ang binibili o ginagamit na produkto o serbisyo. ___3. Nagpapaliwanag na may pagkakataon na ang konsyumer ay nais bumili ng mga produkto na nababagay sa isa’t-isa. ___4. Nagpapaliwanag kung bakit ang tao ay mahilig manggaya. ___5. Tumutukoy sa pagbili o paggamit ng produkto o serbisyo. ___6.Uri ng pagkonsumo kung saan agad mong natatamo ang kasiyahan sa AP 9- Qrt.1- Week 6 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN pagbili o paggamit. ___7. Ang kasiyahan na natatamo ng tao sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo. ___8. Salik ng pagkonsumo kung saan bumababa ang binibili dahil sa ibang bayarin. ___9. Uri ng pagkonsumo na maaaring malagay sa peligro ang iyong kalusugan. ___10. Salik na kung saan ipagpapaliban mo ang paggastos sa ibang araw. A- Law of variety O1 - pagkonsumo O2 - Inaasahan P- Law of Diminishing utility G- Law of harmony K- law of imitation N- tuwiran M- mapanganib S- utility U- utang II. Anong salita ang nabuo mo?___________________________ Punan ng nawawalang patinig ang mga sumusunod na salita 1. L_K_S P_GG_W_ - Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo. 2. K_P _T_L - Kagamitan na gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng panibagong kalakal. 3. L_P_ - Tumutukoy sa lahat ng yamang- likas sa ibabaw at ilalim nito, kabilang na ang yamang -tubig, yamang-mineral at yamang- gubat. AP 9- Qrt.1- Week 6 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN 4. _NTR_PR_N__RSH_P - Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. 5. PR_D_KSY_N- Ang pagsasama-sama ng ng mga salik ng upang makabuo ng produkto. PAKSA: PAGKONSUMO Kung ikaw ay gumagamit ng kuryente, tubig,telepono o bumibili ng mga bagay na kailangan mo, tinatawag itong pagkonsumo. Ang pagkonsumo ay ang paggamit o pagbili ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. URI NG PAGKONSUMO: Produktibo- Pagbili ng produkto upang makalikha pa ng iba pang produkto tulad ng tela para sa paggawa ng damit. Tuwiran- Ang indibidwal ay nagtatamo agad ng kasiyahan sa pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo. Halimbawa kung ikaw ay nauuhaw, iinom ka agad ng tubig. Mapanganib- Pagbili at paggamit ng produkto na nakakapaminsala sa kalusugan ng tao tulad ng alak, sigarilyo at bawal na gamot. Maaksaya- Pagbili ng mga produkto na hindi tumutugon sa pangangailangan ng tao. MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO: Pagbabago ng presyo- Mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto kapag mababa ang presyo nito. Samantalang kakaunti ang bumibili kapag ang presyo ay mataas. Kita/ Sahod- Kapag ang kita ng isang tao ay mababa, kakaunti lamang ang kaya niyang bilhin. Samantalang kapag malaki ang kaniyang kita ay mas marami ang kaya niyang bilhin. Mga Inaasahan- Ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakakaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa kung inaasahan ng mga tao na may paparating na bagyo, ang mga mamimili ay bibili na ng mga produkto na kailangan nila. Kung may inaasahan ka naman na pagkakagastusan sa mga susunod na araw, maaaring hindi ka muna bumili ng marami ngayon. AP 9- Qrt.1- Week 6 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pagkakautang- Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao,maaapektuhan ang kaniyang pagkonsumo dahil ilalaan niya sa pagbabayad ng utang ang kaniyang salapi. Demonstration Effect- Mas tumataas ang pagkonsumo ng tao kapag ito ay kaniyang nakikita, naririnig at napapanood sa iba’t- ibang media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik. MGA BATAS NG PAGKONSUMO BATAS NG PAGKAKAIBA-IBA (LAW OF VARIETY)- Higit na natatamo ng tao ang kasiyahan kapag kumokonsumo siya ng iba’t-ibang klase ng produkto kaysa sa paggamit ng iisang uri ng produkto. BATAS NG PAGKAKABAGAY-BAGAY (LAW OF HARMONY)- Mas nasisiyahan ang tao kapag kumokonsumo siya ng mga bagay na magkakakomplementaryo halimbawa kapag kumain ka ng kare-kare na may kasamang bagoong. BATAS NG PAGPAPASYANG EKONOMIKO (LAW OF ECONOMIC ORDER)- Mas higit ang kasiyahan na natatamo ng tao kapag binibigyan niya ng halaga ang pangunahing pangangailangan kaysa sa mga luho. BATAS NG IMITASYON (LAW OF IMITATION)- Higit ang kasiyahan na nararamdaman ng tao kapag kumonsumo siya ng produkto na ginaya lamang sa iba. BATAS NG BUMABABANG KASIYAHAN (LAW OF DIMINISHING UTILITY)- Bumababa ang kasiyahan ng tao kapag paulit-ulit o sunud-sunod ang pagkonsumo nya sa iisang produkto. Utility ang tawag sa kasiyahan na natatamo ng tao sa pagkonsumo ng produkto o serbisyo samantalang marginal utility naman ang tawag sa karagdagang kasiyahan na natatamo ng tao. GAWAIN 1: GABAY NA TANONG: 1. Ano ang pagkonsumo? 2. Paano nagkakaiba ang mga uri ng pagkonsumo. Ipaliwanag. 3. Paano bumababa ang kasiyahan ng isang tao sa pagkonsumo? 4. Kailan nagiging maaksaya ang pagkonsumo? AP 9- Qrt.1- Week 6 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN GAWAIN B. Panuto: Isulat kung anong uri ng pagkonsumo ang mga sumusunod. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel. 1.Pag-inom ng tubig habang nakabukas ang refrigerator. 2. Paggamit sa tela at sinulid upang makabuo ng damit. 3. Pagkain ng masustansyang pagkain pag nagugutom 4. Pagrerecycle ng mga lumang papel upang maging bagong papel. 5. Pagpapagupit ng buhok lalo na sa panahon ng tag-init. 6. Paggamit ng kahoy sa pagawa ng silya. 7. Pagbili ng sale na cellphone kahit kabibili pa lang ng isa. 8. Pagkain ng masarap na pansit sa meryenda. 9. Pagbili ng bagong sapatos dahil sira na ang luma. 10. Paggawa ng paso mula sa sirang gulong ng kotse. TANDAAN: Ang pagkonsumo ay ang paggamit o pagbili ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang pagkonsumo ay maaaring tuwiran, produktibo, maaksaya at mapanganib.Naapektuhan ang pagkonsumo ng isang tao dahil sa kita, pagbabago sa presyo, mga inaasahan, pagkakautang at demonstration effect. Nagbabago ang kasiyahan na nakakamit ng tao sa pagkonsumo dahil sa pagkakaiba-iba, pagkakabagay-bagay, pagpapasyang ekonomiko, imitasyon at pagbaba ng kasiyahan. Panuto: Punan ang patlang ng iyong natutuhan. Ilagay ang iyong sagot sa iyong portfolio. Ang aking natutuhan sa aralin na ito ay ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ _________________________________ kaya nararapat na ___________________________________________________________________________ _________________________________________ na makakatulong sa aking pang araw-araw na pamumuhay. AP 9- Qrt.1- Week 6 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Panghuling Pagsusulit Panuto: Tukuyin ang salik ng pagkonsumo na inilalarawan ng mga sumusunod na pangungusap. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel. __________1. Natanggap si Atheena sa trabahong kaniyang inaplayan kaya siya ang namili ng pangangailangan ng kaniyang pamilya. ___________2. Dahil sa kailangang bayaran ang mataas na konsumo sa kuryente at tubig, kailangang magtipid ang buong pamilya sa mga pagkonsumo ng ibang produkto. ____________3. Di nakapagpasada ang mga jeep dahil sa ipinatutupad na patakaran upang mapigil ang pagkalat ng COVID 19 dumami ang bumili ng bisikleta dahil ito lang pwedeng gamitin sa pagpunta sa trabaho. ______________4. Uso ang plantita kaya marami ang bumili lalo na ngayong maraming nagnanais na malibang sa bahay. ______________5. Tumaas ang presyo ng vitamins kaya marami ang kumain na lang ng mga masustansyang pagkain. PAGNINILAY NA SITWASYON: Sa pandemya na nararanasan natin ngayon, tumaas ang pagkonsumo para matugunan ang ating pangangailangan kasunod ng pagkawala ng hanap-buhay ng maraming manggagawa dahil sa pagsasara ng maraming establisyamento at pagawaan , kasabay ng pagtaas ng pagkonsumo sa tubig at kuryente sapagkat ang lahat ay nasa bahay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID 19. Sa ganitong sitwasyon paano ka makakatulong sa iyong pamilya gamit ang natutuhan mo sa pagkonsumo? Gawin ito sa pamamagitan ng paggawa ng flow chart mula sa pangunahing pangangailangan katulad ng pagkonsumo ng tubig at kuryente. AP 9- Qrt.1- Week 6 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL Pangalan______________________________ Pangkat_______________ Aralin PAGKONSUMO: 6 Konsepto at Salik ng Pagkonsumo I. PAUNANG PAGSUSULIT : 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. II. BALIK-TANAW 1. 2. 3. 4. 5. III. GAWAIN A. Ilagay sa iyong portfolio GAWAIN B: 1. 2. 3. 4. 5. IV. PAG-ALAM SA NATUTUHAN Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. V. PANGHULING PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. VI. PAGNINILAY Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. AP 9- Qrt.1- Week 6