Araling Panlipunan Aralin 1-2: Konsepto ng Globalisasyon - PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Tagalog) PDF
- Araling Panlipunan 9 Q1 Linggo 6 PDF
- ARALING PANLIPUNAN 2024 | QUARTER 1 | MA'AM RAZON | PRODUKSYON AT PAGKONSUMO PDF
- ARALING PANLIPUNAN 9 - IKALAWANG MARKAHAN - AP 9 Q2 Week 5 PDF
- M2_Q2_AP8 PDF - Araling Panlipunan - Ikalawang Markahan
- Araling Panlipunan - Globalisasyon PDF
Summary
This document appears to be a set of notes covering various aspects of the concept of globalization for an Araling Panlipunan student. The content covers the definition, history, and different dimensions of globalization in the Philippines.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN KONTEMPORARYONG ISYU KONSEPTO NG GLOBALISASYON Aralin 1 Globalisasyon Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig....
ARALING PANLIPUNAN KONTEMPORARYONG ISYU KONSEPTO NG GLOBALISASYON Aralin 1 Globalisasyon Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer,2011) Itinuturing din ito bilang proseso ng inter- aksyon at integrasyon sa mga pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon. Globalisasyon Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa mga gawaing pampolitika, pang- ekonomiya, panlipunan, pan-teknolohiya at pangkultural. KASAYSAYAN NG GLOBALISASYON SA DAIGDIG Nakatulong nang malaki sa pagsisimula ng globalisasyon ang tinatawag na Silk Road. Malaki ang ginampanang papel ng mga rutang ito sa kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa Gitnang Silangang Asya at Europa sa pagitan ng Ika-12 Siglo hanggang Ika-18 Siglo. Ang mga bansang Europeo tulad ng Spain, Portugal, Netherlands at England ay naging masigasig sa panggagalugad ng mga bagong lupain na mapagkukunan ng mga likas na yaman at produktong madadala nila sa pamilihan ng Europa. Sa pamamagitan ng pananakop, nagkaroon sila ng mga bagong kolonya na magagawa nilang mga pamilihan at mapagdadalhan ng kanilang mga sobrang produkto. Ang pagsilang ng Rebolusyong Industriyal sa England noong Ika-19 na siglo ay isa rin sa mga pangyayaring nagpayabong sa globalisasyon. Maraming makabagong imbensyon at makinarya ang lalo pang nagpaunlad sa industriyalisasyon sa Europa. Sumilang ang sistema ng pagpapabrika na nagbunga ng malawakang pangangailangan sa mga hilaw na materyales. Ang pag-unlad ng teknolohiya noong Ika-20 siglo ang lalo pang nagpabilis ng paglaganap ng globalisasyon sa daigdig. Naging mabilis ang komunikasyon nang maimbento ang telepono at paglawak ng sistema ng koreo. Bumilis din ang paglalakbay dahil sa pag-unlad sa larangan ng transportasyong panghihimpapawid. Sa pagsisimula ng ika- 21 siglo lalong lumawak ang malayang kalakalan sa daigdig kasabay ang pagsilang ng Information Age na nagpabilis sa paglilipat ng mga kaalaman sa mga kontinente dulot ng paggamit ng mga satellite at fiber optic na nagkokonekta sa mga bansa sa World Wide Web DAHILAN NG PAGSILANG NG GLOBALISASYON Ang pagsilang ng globalisasyon ay bunga na rin ng paghahangad ng tao na matustusan ang lahat ng kanyang pangangailangan upang mabuhay. Dahil dito kinikilala ng mga bansa sa daigdig na hindi sila mabubuhay nang walang pakikipag- ugnayan sa bawat isa. Ito ang dahilan upang ang mga bansa ay humanap ng mga paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga mamamayan. ARALIN 2 DIMENSYON NG GLOBALISASYON DIMENSYONG PANGKABUHAYAN (EKONOMIYA) Maraming bansa ang umunlad bunga ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng transportasyon, komunikasyon at Information Technology. Ang pagkakaroon ng mga bago at mabibilis na paraan ng transportasyon sa himpapawid at kalupaan kasabay ng pagbaba ng presyo ng krudo ay lalong nagpasigla sa kalakalang panlabas ng mga bansa. Ang mga ugnayang panlabas na ito sa kalakalan ay nagbunga ng mga Free Trade Agreements ng mga bansa na nagpaluwag sa kalakalang pandaigdig.. Ang pagkakaroon ng mga Free Trade Agreement sa pagitan ng mga bansa ang nagpalakas sa liberalisasyon sa kalakalan. Ito ay tumutukoy sa pag-aalis o pagbawas ng mga paghihigpit sa libreng pagpapalitan ng mga kalakal sa pagitan ng mga bansa. Nagbunga ito ng pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan. Dahil dito lumuwag at tuluyang nalansag ang mga restriksyong humahadlang sa malayang pagpasok ng kalakal sa iba’t ibang panig ng daigdig. Bukod sa liberalisasyon sa kalakalan, pinasigla rin ng globalisasyon ang deregulasyon at pagsasapribado. Ang deregulasyon ay tumutukoy sa pagbibigay ng pamahalaan ng isang bansa sa mga pribadong negosyo ng mas malayang pagpapasya at pagpapatakbo ng operasyon ng kanilang negosyo. Ayon sa mga nagtataguyod ng deregulasyon, nakasasama sa kabuuang operasyon ng pribadong negosyo ang mahigpit na regulasyon na ipinatutupad ng pamahalaan. Maaari itong maging balakid sa pagiging produktibo at pagiging malikhain ng mga pribadong negosyo. Ang pagsasapribado ay tumutukoy naman sa paglilipat ng kontrol ng mga korporasyong itinayo at pinapatakbo ng pamahalaan sa kamay ng mga pribadong negosyante. Ang pagsasapribado ng mga negosyo ng pamahalaan ay nakababawas sa gastusin nito at makaiiwas sa pagkakaroon ng deficit o kakulangan ng pundo ng pamahalaan. Bunga din ng globalisasyon sa ekonomiya ang pagsulpot ng mga korporasyong transnasyunal at multinasyunal. Ang Korporasyong Transnasyunal (Transnational Corporation) ay malalaking korporasyon na pagmamay-ari ng mga dayuhan at may malawak na operasyon sa labas ng kanilang mga teritoryo o bansang pinagmulan. Ang mga produkto o ang mga serbisyong ipinagbibili ng ganitong uri ng korporasyon ay nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan ng mga bansang pinagtayuan nito. Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo tulad ng Caltex, Petron, at Shell, mga I.T. consulting companies, pharmaceuticals, at marami pang iba. Ang mga Multinasyunal na Korporasyon (Multinational Corporations) naman ay ang pangkalahatang katawagan sa mga namumuhunang korporasyon sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o ang mga serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan ng mga bansang pinagtayuan nito. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: McDonalds, Kentucky, Starbucks , Coca Cola, Pepsi, Unilever, Proctor & Gamble, Google, UBER, Seven-Eleven, Ford, Toyota at Mitsubishi Motors, Panasonic at Samsung Corporation at marami pang iba. Isa rin sa impluwensya ng globalisasyon ay ang pagdami ng mga kompanyang outsourcing. Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Maaaring uriin ang outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na serbisyo nito tulad ng (1)Business Process Outsourcing o BPO na tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya. Ang Knowledge Process Outsourcing o KPO ay nakatuon naman sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, serbisyong legal at pagsusuri ng impormasyon. Politika Maituturing na globalisasyong politikal ang pagkakaroon ng malapit na ugnayan sa pagitan ng mga bansa gaya ng pagtatayo ng mga samahang rehiyunal at ang pagkakaroon ng mga pandaigdigang samahan ng mga bansa sa daigdig. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa. Politika Sa politika mas madaling magpupulong-pulong ang mga pinuno sa mga bansang kasapi sa organisasyon upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang pangangailanagan. TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL Hindi maihihiwalay ang epekto ng globalisasyong teknolohikal sa Sosyo-Kultural na aspekto ng pamumuhay ng tao. Ang pagkakaimbento ng cellular phone o mobile phone at internet, kasabay ng paggamit ng social media ang lubusang nagpabago sa dimensyong sosyo-kultural ng mga tao sa daigdig. Mabilis na binago at binabago ang buhay ng mga taong gumagamit ng mobile phone, mas malaking pagbabago ang dala ng pagkakaimbento ng computer at internet sa buhay ng mga tao. TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL Bagamat maraming positibong naidudulot ang mga pagbabagong ito sa ating lipunan at pamumuhay ay hindi maitatatwa na may mga kaakibat din itong mga suliranin Bukod dito, naging talamak din ang intellectual dishonesty dahil sa madaling pagkopya ng mga impormasyon mula sa internet. Ginagamit na ngayon ng mga terorista at iba pang masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga bansa. Bilang pagtugon sa mga suliraning ito sa bansa ay isinabatas ng Kongreso ng Pilipinas ang Cyber Crime PreventionAact of 2012 or RA 10175 bilang tugon sa mga pagbabagong ito sa ating lipunan. Kultura Dahil sa globalisasyon, ang panonood ng K drama o soap opera ay kinahihiligan na rin ng mga Pilipino at iba pang bansa.