AP-7-Kolonyalismo at Imperyalismo (1) - Aralin 2 PDF

Summary

This document is an educational material about the history of colonialism and imperialism. It focuses on the different trade routes and the factors contributing to the expansion of European powers. It also details cultural and economic exchanges between different regions and countries.

Full Transcript

**ARALIN BLG. 2: KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO** **RUTA NG KALAKALAN** 1. **HILAGANG RUTA**, na nagpapasimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara **Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya** ***Ang Mga Krusada*** na naganap mula 1096 hanggang 1273. An...

**ARALIN BLG. 2: KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO** **RUTA NG KALAKALAN** 1. **HILAGANG RUTA**, na nagpapasimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara **Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya** ***Ang Mga Krusada*** na naganap mula 1096 hanggang 1273. Ang mga Krusada ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem sa Israel. Hindi man lubusang nagtagumpay ang krusadang ito, marami ring mabuting naidulot ito, nagkaroon ng ugnayan ang mga Europeo sa Silangan at nakilala nilaang mga produkto ng Silangan tulad ng pampalasa, mamahaling bato, pabango, sedang tela, porselana,prutas at iba pa na nakabighani sa mga Europeo. Ang krusada ang nagpasigla ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.Naging masigla ang palitan ngkalakalan kaya maraming Europeo ang nagkainteres na makarating sa Asya.Maraming Europeo ang naghanap ng mga ruta para makarating lang sa Asya. At ito dinang naging daan para magkainteres ang malalaking bansa sa Europa na sakupin angilang lugar o bansa sa Asya. ![](media/image2.jpeg)**Ang *Paglalakbay ni Marco Polo*** na isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice. Siya ay nanirahan sa China sa panahon ni Kublai Khan ng Dinastiyang Yuan nang higit sa halos 11 taon. Sa panahong ito, siya ay nagsilbing tagapayo ni EmperadorKublai Khan.Kinalugdan siya ni Kublai Khan at siya ay itinalagang maglakbay sa iba't ibang lugar sa Asya sa ngalan ng Emperador. Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, pati na sa Siberia. Noong 1295 bumalik siya sa Italy at doon inilimbag niya ang aklat na *The Travels of MarcoPolo*(1477). Ang mga nakita niyang magagandang kabihasnan sa mga bansang ito ng Asya lalo na sa China, na inilarawan ang karangyaan at kayamanan nito. Maraming adbenturerong Europeo ang namangha at nahikayat na makarating at makipagsapalaran sa Asya. **Ang *Renaissance*** na nagpasimula sa Italya na naganap noong 1350. Isa itong kilusang pilosopikal na makasining at dito binigyang-diin ang pagbabalik-interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome. Napalitan ito ng makaagham na pag-iisip mula sa mga pamahiin.Masasabing ang pangunahing interes ay labas sa saklaw ng relihiyon. Ang *Renaissance* ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay ay *"muling pagsilang*". Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin na noong gitnang panahon ang Simbahang Kristiyano ang may malakas na impluwensiya sa tao. Nakasentro ang buhay ng tao sa relihiyon. Ngunit nang ang simbahan lalo na ang pinuno nito, mula Papa, mga Obispo at kaparian ay nasangkot sa imoral na gawain, pagpapayaman at pagmamalupit sa mga taong hindi karelihiyon, nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa pananaw at saloobin ang mga tao hinggil sa katarungan, sariling kaunlaran at pulitika. Sa panahon ng Renaissance ay natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo, sa pamahalaan, sa edukasyon, sa wastong pag-uugali at sa paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal. Indibidwalismo ang binigyang pansin ng Renaissance kaya hind nakapagtataka na maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng tao. Ang malayang pag-iisip ng tao ang nagpalawak ng kanyang ideya at pananaw sa buhay kaya dito nagsimula ang pagbabago sa sining at agham. Nariyan din ang pagtuklas ng maraming bagay sa kapaligiran, pagkakaroon ng maraming imbensiyon na nagpalakas sa mga industriya at kalakalan, at ang pagkakaroon ng pagbabago sa pananaw sa relihiyon at pulitika. Ang Renaissance ang siyang nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang-ekonomiya ***Ang Pagbagsak ng Constantinople**. **(**bahagi ng Turkey sa kasalukuyan)Ang Constantinople ay ang Asyanong teritoryo*na pinakamalapit sa Kontinente ng Europa. Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungong India, China at ibang bahagi ng Silangan na napasa kamay ng mga Turkong Muslim noong 1453.Ang Constantinople ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa Kontinenteng Europa. Ito rin ang teritoryong madalas daanan noong panahon ng Krusada. Kung matatandaan natin ng lumakas ang Turkong Muslim at sinakop nga ang Jerusalem, nanganib ang Constantinople na bumagsak din sa mga Turkong Muslim, kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Constantinople para labanan ang mga Turkong Muslim at mabawi ang Jerusalem. Sa loob ng panahon ng Krusada, napigil ang pagsalakay ng Muslim patungong Europa ngunit nang masakop ng Turkong Muslim ang Silangang Mediterranean ay lubusan na ring sinakop ang Constantinople noong1453 at ang naging resulta ay ang ganap na pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa mga ruta ng kalakalan mula sa Europa patungong Silangan. Ang ugnayan ng mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay naputol mula nang masakop ng mga Turkong Muslim ang ruta ng kalakalan. Sa mga mangangalakal na Europeo tanging mga Italyanong mangangalakal na taga Venice, Genoa, at Florence ang pinayagan ng mga Turkong Muslim na makadaan sa ruta. Ang mga kalakal na nakukuha sa Asya ng mga Italyano ay dinadala sa Kanlurang bahagi ng Europa tulad ng Portugal, Spain, Netherlands, England, at France. ![](media/image4.jpeg) Dahil dito, napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo. Pinangunahan ito ng Portugal at sinundan ng mga Spanish, Dutch, Ingles, at Pranses. Napakahirap at mapanganib ang paglalayag dahil wala pang maunlad na gamit sa paglalakbay sa dagat. Noong ika-16 na siglo naimbento ang mas maunlad na kagamitang pandagat. tulad ng *Astrolabe* na kung saan ginagamit ito upang malaman ang oras at latitud samantalang ang *Compass* ay ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan ![](media/image6.jpeg)**Ang *Merkantilismo***,sa Europa umiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak, may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan. Kinailangan ng mga Europeo na makahanap ng mga lugar na mapagkukunan ng likas na yaman at hilaw na sangkap. Ang panahon ng eksplorasyon ay nag-iwan ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng lipunan at kabihasnan ng mundo. Ang pang-katubigang kalakalan at pananakop ng mga bansang Europeo ay naging daan sa pag-unlad ng ekonomiya ng Europa. Ang pamamaraan sa pakikipag-kalakalan at ang pagbabangko ay napaunlad kaya ito'y nagdulot ng malaking kita sa mga bansang Europeo. Ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na makarating sa Asya ang naging daan para sumigla ang palitan ng kalakal ng mga Europeo at mga Asyanong mangangalakal at makilala ng mga Kanluranin ang mga likas na yaman, mga hilaw na materyal na panustos sa industriya. **PAGGALUGAD AT PAGTUKLAS NG MGA BANSANG KANLURANIN** Pinangunahan ng Portugal at Spain ang paghahanap ng ruta. Maraming manlalayag na Portuges ang naglakbayngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paglalakbay ni Vasco da Gama sapagkatnalibot niya ang "Cape of Good Hope" sa dulo ng Aprika na siyang magbubukas ng ruta patungong India at sa mga Islang Indies. Tingnan ang nakalarawang ruta na tinahak ni Vasco da Gama. Kung noon ay Italy, lalo na ang Venice ang nag-iisang nagkontrol sa rutang pangkalakalan patungong Silangan, ang pagtuklas ng alternatibong ruta na natuklasanng mga Portuges ang nagbigay ng hamon sa iba pang bansang Europeo na maggalugad sa ibang panig ng daigdig. Nariyan ang Spain, Netherlands, France, England, Russia, Germany, at Amerika. Nagpaligsahan ang mga ito para tanghaling pinakamakapangyarihan na bansa sa mundo sa pamamgitan ng pagpapalawak ng mga lupain. Nanguna sa mga ito ang Portuges at Spain na naging matindi ang pagpapaligsahan sa paggalugad sa mundo at pagsakop ng mga lupain. Sa matinding pagtutunggalian ng dalawang bansa ay namagitan ang Papa ng Simbahang Katoliko para maiwasan ang paghantong sa digmaan ng paligsahan ng mga ito. Taong 1494 ay nagtalaga ng "line of demarcation" o hangganan kung saang bahagi ng mundo maggagalugad ang dalawang bansa. Ayon sa Tratadong Tordesillas, ang Portuges ay maggagalugad sa bandangsilangan samantalang ang Espanya ay sa bandang kanluran. Nang maipatupad ang desisyong ito ay nakapaglayag na ang Espanya sa bandang kanluran kung saan marami nang teritoryo sa kontinenting Amerika ang nasakop. Ang Portuges naman ay nakuha lang ang Brazil. Ganoon pa man, hinayaan na ng Espanya na manatili sa Portuges ang Brazil habang ang Pilipinas naman na nasa silangan na nasakop naman ng Espanya ay nanatili naman dito. Ang hindi naiwasan na digmaan ng Portuges at Espanya ay sa Moluccas. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng mga rekado. Sa pamamagitan ng Tratadong Saragosa noong1529, nakuha ng Portuges ang Moluccas. Maliban sa Moluccas ay nakakuha rin ito ng teritoyo sa India. Ang **Portugal** ay nakakuha ng maraming piling lugar sa Asya. Noong 1502 nagbalik at nagtatag si Vasco da Gama ng sentro ng kalakalan sa may Calicut sa India.Nooong 1505 ipinadala si Francisco de Almeida bilang unang Viceroy sa silangan.Sa pamumuno ni Alfonso de Albuquerque, 1510 nasakop ang Ormuz sa Golpo ng Persia(Iran ngayon).Diu at Goa sa India, Aden sa Red Sea, Malacca sa Malaya at Moluccas sa Ternate, Macao sa China at sa Formosa(Taiwanngayon). Mga daungan ang piniling sakupin ng Portugal upang makontrol ang kalakalan.Noong una ang motibo o paraan lang ay pangkabuhayan o pangekonomiya lamang hanggang sa ipinasok ang Kristiyanismong Katolisismo sa mga nasasakupan ng Portugal.Sa kalagitnaan ng 16 na siglo ang Portugal ay may malawak ng sakop sa Asya. Noong 1580, sinakop ng Spain ang Portugal ng 60 taon.Nang makalaya ang Portugal noong 1640 ang kanyang mga kolonya ay nakuha na ng England at France. Maliban sa Espanya at Portuges, nakipagpaligsahan rin ang Inglatera. Sa pamamagitan ng Italyanong marinero na si John Cabot, napasailalim ng Inglatera ang Nova Scotia Canada. Nang matalo ng Inglatera ang Spanish Armada noong 1588 ibinuhos ng Inglatera ang kanyang atensiyon sa kalakalan. Sa pamamagitan ng East India Company, naitatag ng Inglatera ang sentro ng kalakalan sa India. Nakapagtatag rin ito ng permanenteng panirahan sa Hilagang Amerika. Sinundan ito ng pagsakop ngCeylon, Malaya, at Singapore pati na rin ang Australia, New Zealand, at mga pulo sa Hilagang Pasipiko. Ang **England** sa India,noong 1600 ginamit ang British East India Company ,isang pangkat ng mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng pamahalaang Ingles ng kaukulang kapangyarihan upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop nito at pangalagaan ang interes nito sa ibayong dagat. Pagdating ng 1612 nabigyan ng permiso ang Ingles para makapagtatag ng pagawaaan sa Surat. Hindi nagustuhan ng Portugal dahil sila ang naunang nanakop. Pagdating ng 1622, tinulungan ng Ingles ang mga Persian laban sa Portuguese dahil dito nakapagtatag ng sentro ng kalakalan sa kanluran at silangang baybayin ng India.Ang British East India Company ay nakakuha na ng *concession* (pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo) sa Madras mula sa rajah ng Chandragiri. Noong 1668 pinaupahan na ni Haring Charles ang pulo ng Bombay. Sa taong 1690 sa delta ng Ganges nakakuha ng kapirasong lupain ang Ingles sa pagpayag ni Emperador Aurangzeb ang lider ng Imperyong Mogul.Dito naitatag ang lunsod ng Calcutta.Madaling nasakop ang India dahil watak-watak ang mga estado nito at mahina ang liderato ng Imperyong Mogul na siyang naghahari sa India. Noong una pangkabuhayan ang dahilan ng England sa pagpunta sa India. Nang makita ang malaking pakinabang sa likas na yaman nito tuluyang sinakop ang India ng England. Ang France naman ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec, Canada. Nakuha rin nito ang Louisiana sa Amerika at sa Asya noong ika-18 siglo nasakop ng Pransiya ang Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam. Ang mga teritoryong ito ang buong kolonyang French Indo-China. Ang **France** ang pangatlong bansa na gustong masakop ang India*.* Ang ginawa ng France ay nakipagsabwatan sa pinunong local ng Bengal. Ginamit ang French East India Company na naitatag noong 1664. Nakapatatag ang France ng pamayanang pangkomersyal sa Pondicherry,Chandarnagore, Mahe at Karikal. Nagtapos ang interes na ito ng nagkaroon ng labanan sa Plassey ng Pitong Taong Digmaan sa pagitan ng England at France. Sa tulong ni Robert Clive, ang nagtatag ng tunay na pundasyon ng Ingles sa India. Ang England ang nagtagumpay laban sa France. Ang England ang nananatiling matatag na mananakop ng India. Ang **Netherlands** sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namahala rin saisang bahagi ng India. Napasailalim ng Netherlands ang East Indies (Indonesia sa kasalukuyan). **Mga Dahilan na Lalong Nagbunsod sa mga Europeo na Maghangad ng Kolonya sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (18-19 siglo)** Sa unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo umiral ang pinsipyong pang-ekonomiyang merkantilismo sa Europa. Ang merkantilismo ang ginamit na dahilan ng mga Europeo upang mag-unahan na makakuha ng mga lupaing masasakop sa Asya, may mapagkukunan ng likas na yaman, hilaw na sangkap, at pagbebentahan ng mga yaring produkto upang maging pandaigdigang makapangyarihan. Ang ***Kolonyalismo*** ay nagmula sa salitang Latin na *colonus* na ang ibig sabihin ay *magsasaka*. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.Kadalasan ang una nilang ginagawa para maisakatuparan ang kanilang pagnanais ay pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na ang loob at saka nila isasakatuparan ang tunay nilang hangarin na pagsamantalahan at pakinabangan nang husto ang likas na yaman ng kolonya, magtatatag ng pamahalaang kolonyal, magpapataw at magtatakda ng paniningil ng buwis at magsasagawa ng mga batas na makabubuti sa mga mananakop. Samantala ang *I**mperyalismo*** ay nag mula sa salitang Latin na *imperium* na ang ibig sabihin ay *command*.Isang salitang Latin na nagpasimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ang imperyalismo ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pulitika,pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. Sa loob ng dalawang libong taon, ang Imperyong Roma ay nakontrol ang halos kabuuan ng Mediterranean. Bago matapos ang ika-18 siglo, ang ilan sa mga bansang Europeo at ang Estados Unidos ay nagpasimulang mag-kontrol ng ibang mga bansa sa lupalop ng Asya, Aprika at Latin Amerika. Ang panahon mula 1800 hanggang 1914 aynaging kilala bilang Panahon ng Imperyalismo. **1. *Nasyonalismo***, nais ng mga nasyon saEuropa na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang mga karibal na mga bansa. **2. *Rebolusyong Industriyal***, nangangailangan ng mga hilaw na materyal na pagkukunan at pamilihan na paglalagyan ng mga produktong yari na gawa mula sa kanila kaya sila ay nagpalawak ng kanilang mga teritoryo. **3. *Kapitalismo,*** *is*ang sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes. Sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga Europeo at mga Asyano, dumami ang salaping naipon ng mga mangangalakal na Kanluranin. Nahikayat na gamitin ng mga mangangalakal na Kanluranin ang kanilang salaping naipon sa mga pananim at minahan sa mga kolonya para ito mas kumita. **4. *White Man's Burden*** na isinulat ni Rudyard Kipling, isang manunulang Ingles, ipinasailalim sa isang kaisipan ang mga nasasakupan na sila ay pabigat sa mga Kanluraning bansa. Na ang mga Kanluranin ay may tungkulin na turuan at tulungan upang "paunlarin" ang kanilang nasasakupan. Ito ang naging pagbibigay-katwiran ng mga Kanluraninsa ginawa nilang pananakop sa Asya.ang paghahangad na ipakilala ang kanilang superyor na kultura, relihiyon at paniniwalasa iba pang mga bansa sa mundo. Noong gitnang bahagi ng ika-18 siglo, karamihan sa mga bansa sa lupalop ng Europa ay naghangad na magkaroon ng sariling mga kolonya sa mga lupalop ng Asya at Aprika. Naging bahagi ito ng kanilang paghahangad sa kapangyarihan at pagtatatag ng mga pamahalaang pinatatakbo ng mga dayuhang mananakop. Nagtago sila sa pagpapaniwala sa mga bansa sa Asya at Aprika na ang kanilang pamumuno ay magtuturo sa mga ito ng mga makabagong pamamaraan ng pagpapatakbo ng kanilang mga pamahalaan, ng pagsasarili at malaking tulong na magkaroon ng nagsasariling pamahalaan. Ito ang naging dahilan ng patuloy na pagpapalawak ng kanilang mga teritoryo sa iba't ibang bahagi ng Asya at Aprika at tuluyang paghahangad na ito'y maging bahagi ng kanilang lupain. Ang Rebolusyong Industriyal noong ika-18 dantaon ay naging salik sa paghahanap ng mga bansa sa Europa at Hilagang Amerika na maghanap ng mga pamilihan na magiging laglagan ng kanilang mga produktong ginawa. Sa maraming produkto na kanilang ginawa ay kinakailangan nila ng pagtatayuan ng mga bagong pabrika na kailangan ang mga hilaw na materyales na sa mga bansang kanilang sakop lamang libreng makukuha. Ang mga produktong gaya ng *rubber, copper* at ginto ay nanggaling sa Aprika, bulak at *jute* sa India, at *tin* sa Timog Silangang Asya. Ang mga hilaw na materyales na ito ay nakatulong sa pagpapalaki at pagpapalago ng mga industriya sa Amerika at saEuropa. Ang ilan pa sa mga karagdagang produkto na nakilala sa pamilihang panginternasyonalay ang saging, dalandan, melon at mga prutas na karaniwang sa Asyalamang matatagpuan. Ang mga mamamayan sa Paris, London at Berlin ay natutonguminom ng tsaa, tsokolate, at kape kasabay ng kanilang mga pagkain at gumamit ngmga sabon na nanggaling sa *palm oil* ng Aprika at langis ng niyog sa Asya. Nagsilbi ring bagong pamilihan at paglalagakan ng mga produkto ng Kanluranin ang kanilang mga bansang nasakop. Naging tagapagluwas ng mga hilaw na materyal ang mga bansang sakop samantalang ang pagbubuo ng mga ito ay ginagawa sa mga pabrika ng mga Kanluranin na bansa. Ganito ang naging kalakaran sa napakahabang panahon kaya nanatili ang pagdepende sa mga produkto ng magkabila lalo na sa pagpaparami at pagpapalaki ng produksiyon. Dahil sa paghahangad ng mga taga-Kanluran ng mas malaki pang oportunidad sakanilang mga kolonya kaya hinimok nila ang kanilang mga mamamayan na maglakbaytungo sa mga bansa sa Asya at Pasipiko. Binigyan nila ng pagkakataon na mag-ari ngmga lupain ang mga ito sa kanilang mga kolonya, patakbuhin ang pamahalaang itinatagat pamunuan ito at kontrolin ang mga paaralan at ekonomiya ng mga kolonya. Dahil ditoay nagpatuloy ang mga patakarang kolonyal at naitatag ang mga institusyongkolonyal na mag-iiwan ng tatak sa pamumuno ng mga bansang Kanluranin gaya ng Great Britain at Amerika. Ang mga imperyalistang bansa ay gumamit ng iba't ibang pamamaraan upang makakuha ng bagong lupain. Minsan sila ay gumagamit ng mga kasunduan, binibili ang mga lupain mula sa dating mga mananakop o kaya simpleng sinasakop ang isang lupain sa pamamagitan ng puwersang militar. Ang mga imperyalistang bansa ay may iba't ibang anyo sa pamamaraan ngpagkontrol sa kanilang mga teritoryo. **1. *colony*,** kung saan ay direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop na bansa gaya ng ginawa ng Espanya sa Pilipinas, Britanya sa India at Pransiya sadating Indo-Tsina**.** **2. *protectorate*** ay mayroong sariling pamahalaan nguni't ang mgapatakaran at kautusan ay dinidirekta ng imperyalistang bansa lalo na sa patakarang panlabas. Tulad ng ginawa ng Amerika sa Pilipinas, Britanya sa Hongkong at Portugal sa Macau. Ang pakikipagkalakalan, pagpapalaganap ng panibagong paniniwala atpilosopiya ay ilan lamang sa naging mga pangunahing dahilan ng pananakop ng mgabansang Kanluranin sa Asya. Upang lalong mapatatag ang kanilang kapangyarihan sapangkabuhayan at pulitikal na pamumuhay ng mga bansang Asyano at tuluyan ng sinakop at hinati ng mga Imperyalistang mananakop ang Asya. Ang mga *British* ay pangunahing kinontrol ang kalakalan sa India nguni't ang kanilang pananakop ay naging daan sa pag-usbong ng nasyonalismongmagpapabagsak sa kanilang rehimen sa India sa tulong ng Rebelyong Sepoy at pagtatatag ng sariling republika. Hindi lamang ang India ang sinakop ng Gran Britanya sa Asya kundi maging ang Tsina. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay patuloy na sinakop ng mga bansang Kanluranin gaya ng Britanya, Espanya at ng Olandiya sa aspektong pangkabuhayan, pulitika at pamumuhay ng mga tao.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser