Aralin 2: Anyo ng Globalisasyon PDF
Document Details
Uploaded by StellarLeibniz
Caloocan City
Tags
Related
- Araling Panlipunan Grade 10 Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan 10 Ikalawang Markahan PDF
- Araling Panlipunan 10 - Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan - Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan: Ikalawang Markahan- Modyul 2 Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon 2020 PDF
- Araling Panlipunan Aralin 1-2: Konsepto ng Globalisasyon - PDF
Summary
This document contains questions and learning objectives related to the topic of globalisasyon, likely for a Filipino secondary education class. It includes multiple choice questions, and explores different aspects of globalization, potentially covering topics like economic, political, and social dimensions. It also references additional activities to complete.
Full Transcript
-1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN PANGALAN: PANGKAT: GURO: Aralin Anyo ng Globalisasyon 2 Most Essential Learning Competencies: Nasusuri ang dahilan, dimensyon, at epekto ng globalisasyon. Ang modyul...
-1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN PANGALAN: PANGKAT: GURO: Aralin Anyo ng Globalisasyon 2 Most Essential Learning Competencies: Nasusuri ang dahilan, dimensyon, at epekto ng globalisasyon. Ang modyul na ito ay ginawa upang matuklasan mo ang iba’t ibang aspekto ng globalisasyon at malaman kung paano nito naaapektuhan ang kalagayan ng lipunan. Sa iyong pag-aaral ng modyul inaasahan na masasagutan mo ang sumusunod na mahahalagang katanungan matapos mong pag-aralan ang mga nakapaloob dito: Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng isang matibay na batayang konseptuwal sa iyong pagsusuri sa sari-saring isyung panlipunan. Matapos ang araling ito inaasahan na: 1. Mailalarawan ang katangian ng globalisasyon 2. Masusuri ang dalang pagbabago ng globalisasyon 3. Makapagbabahagi ng saloobin sa mga hamong dala ng globalisasyon Pagpili. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat sa patlang ang iyong sagot. 1. Anong uri ng outsourcing ang kumukuha ng serbisyo sa isang kompanyang nasa loob rin ng parehong bansa? Tinatawag din itong domestic outsourcing. A. Nearshoring C. Onshoring B. Offshoring D. Outsourcing 2. Ano ang tawag sa mga kompanyang nagtatayo ng mga pasilidad sa labas ng sariling bansang pinagmulan? A. BPOs C. TNCs B. MNCs D. Lahat ng nabanggit 3. Aling anyo ng globalisasyon ang kakikitaan ng pagkakaroon ng magandang relasyon at kooperasyon sa pagitan ng mga bansa? A. Globalisasyong Ekonomiko C. Globalisasyong Sosyo-Kultural B. Globalisasyong Politikal D. Globalisasyong Teknolohikal 4. Sinong sosyologo ang nagsasabing ang cellphone/smartphone ay hindi lamang isang gadget na ginagamit sa komunikasyon, kundi isa ring ekstensiyon ng katauhan ng isang indibidwal? A. Ivana Milojevic C. Paul de Beer at Ferry Koster B. Melanie Pooch D. Raul Pertierra AP 10- Qtr2-Week 2 -2 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 5. Ano ang tawag sa proseso ng pagkuha ng isang kompanya ng isang serbisyo sa isa pang kompanya ng may kaukulang bayad? A. Nearshoring C. Onshoring B. Offshoring D. Outsourcing Paunang Gawain: Pagsusuri Suriin ang sumusunod na mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga gabay na tanong na kasunod ng mga larawan ilagay ang iyong sagot sa iyong kwaderno. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano sa iyong palagay ang pagkakatulad o kaugnayan ng mga nakita mong larawan? 2. Paano nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao ang mga larawang iyong nakita? Paksa: Mga Pagbabagong Dala ng Globalisasyon Kung ang sagot mo sa mga gabay na tanong ay may kaugnayan sa teknolohiya at komunikasyon, hindi ka nalalayo sa tamang sagot. Natuklasan mo sa naunang aralin kung ano ang globalisasyon. Ito ang mabilisang pagdaloy at paggalaw ng mga kalakal, impormasyon at mga tao mula sa isang bansa patungo sa iba pang panig ng daigdig. Isa sa mga pangunahing salik na nagtulak sa paglawak na globalisasyon ay ang pag- unlad ng teknolohiya sa paglalakbay (tulad ng tren, eroplano, atbp.) at komunikasyon (internet, smartphone at online applications). Ayon kina Paul de Beer at Ferry Koster (2005), itinuturing ng maraming eksperto ang teknolohiya bilang isa samga pangunahing salik na nagtutulak sa paglawak ng globalisasyon. Dahil sa teknolohiya, ang paglalapat ng kaalaman sa pagresolba ng mga problema at isyu, at ang pagkakamit ng isang maayos na linya ng komunikasyon sa mga indibidwal at kompanya ay napabilis. Sa pamamagitan nito, ang antas ng industriya ng komunikasyon at transportasyon sa daigdig ay umunlad nang husto sa nakalipas na ilang taon AP 10- Qtr2-Week 2 -3 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN mga pangunahing salik na nagtutulak sa paglawak ng globalisasyon. Dahil sa teknolohiya, ang paglalapat ng kaalaman sa pagresolba ng mga problema at isyu, at ang pagkakamit ng isang maayos na linya ng komunikasyon sa mga indibidwal at kompanya ay napabilis. Sa pamamagitan nito, ang antas ng industriya ng komunikasyon at transportasyon sa daigdig ay umunlad nang husto sa nakalipas na ilang taon. Ngunit hindi lamang sa teknolohiya nananatili ang diskusyon patungkol sa globalisasyon. Ayon pa rin sa pag-aaral nina de Beer at Koster (2005), maaaring hatiin ang globalisasyon sa tatlong dimensyon: 1. Economic Openness – tumutukoy sa lahat ng uri ng kalakalang panlabas, foreign direct investment, mga buwis sa pandaigdigang kalakalan at iba pang interaksiyong ekonomiko ng isang bansa na kabilang sa kaniyang GDP. 2. Social Openness – ito naman ay tumutukoy sa lawak at antas ng pakikipagpalitan ng impormasyon, ideya/kultura at mga tao. Lahat ng uri ng komunikasyong pumapasok at lumalabas sa isang bansa (telepono, email, at internet service), maging ang daloy at bilang ng mga dayuhan sa bansa, kasama na rin ang antas ng turismo. 3. Political Openness – tumutukoy ito sa kalagayan ng politikal na relasyon ng mga bansa kaugnay sa international community. Ang bilang ng mga embahadang dayuhan sa isang bansa, maging ang pagsali ng isang bansa sa mga pandaigdigang mga kumperensiya at organisasyon ay ilan sa mga gawaing kabilang dito. Sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong dimensiyon hindi agad nangangahulugang direktang magkakaugnay ang mga ito. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang economic openness at social openness ay mayroong malakas na ugnayan. Ang social at political openness ay may katamtamang ugnayan. At ang economic openness at political openness ng isang bansa ay mayroon lamang mahinang ugnayan sa isa’t isa. Ano ngayon ang kahulugan nito? 1. Ang isang bansang may magandang kalakalang pandaigdig (economic openness) ay kadalasang mayroon ding magandang komunikasyon at turismong pandaigdig (social openness). 2. Ang politikal na kalagayan ng isang bansa (political openness) ay mayroon lamang maliit na epekto sa kalakalan (economic openness) nito sa daigdig ngunit may katamtamang epekto sa ugnayan at turismo ng bansa sa daigdig (social openness). Ngunit ano nga ba ang mga pagbabagong dala ng globalisasyon sa ating lipunan? Halina at iyong alamin Economic Openness Social Political Openness Openness AP 10- Qtr2-Week 2 -4 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN Pigura 1: Flowchart ng ugnayan sa pagitan ng Economic, Social at Political Openness ng mga bansa kaugnay ng globalisasyon. Apat na Anyo ng Globalisasyon Ang globalisasyon ay nahahati sa apat (4) na anyo: Teknolohikal, Sosyo-Kultural, Politikal at Ekonomiko. Bagaman magkakaibang anyo ang mga ito, ang bawat anyo ng globalisasyon ay mayroong magkakaibang ugnayan at epekto sa isa’t isa at mayroong magkakaibang epekto sa isang lipunan. A. Teknolohikal at Sosyo-Kultural Ayon kay Melanie U. Pooch (2007), may tatlong puwersang nagtutulak sa globalisasyong teknolohikal: 1. Pangangailangan sa malawak na ugnayang digital 2. Pangangailangan sa mga makabagong teknolohiya 3. Pangangailangang makipagtagpo o makipag-usap sa kabila ng malawak na distansya Dahil dito, nakatuon ang malaking bahagi ng mga ekonomiya sa daigdig upang matustusan ang mga pangangailangang ito. Ito ang nagbigay daan upang malikha ang iba’t ibang uri ng mga teknolohiya at applications tulad ng smartphones, tablets, DSL at Fiber Connections, at social media techonologies tulad ng YouTube, Facebook at Twitter. Sa pamamagitan ng mga teknolohiyang ito, ang daigdig sa kasalukuyan ay nagmistulang isang malaking network ng mga relasyong sosyal (Hannerz, 1990) kung saan nagkakaroon ng palitan ng magkakaibang kultura sa pagitan ng mga magkakaibang lokasyon sa daigdig (Castell, 2004). Tinatawag din ito ni Castell na network society. Ang mga teknolohiyang ito ay hindi lamang nakatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao, binabago rin nito ang kultura ng mga tao sa iba’t ibang lipunan. Ayon kay Alfonso De Toro (2006: 20), binago ng internet ang daigdig sa pamamagitan ng pagpapaliit sa malawak ng daigdig. Sa pamamagitan ng social media tulad ng Twitter nagbago ang konsepto ng mga tao sa kahulugan ng libangan. Habang ang Facebook ay lumilikha ng mga digital community para sa mga kabataan. Dagdag naman ni Dr. Raul Pertierra, marami sa mga cellphone/smartphone users ay hindi lamang itinuturing ang cellphone/smartphone bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila. B. Ekonomiko Itinuturing ang ekonomiya bilang sentro ng globalisasyon dahil na rin sa malawak at mabilis na palitan ng produkto sa pagitan ng mga bansa. Dahil dito patuloy na tumataas ang interaksyon ng mga bansa at malalaking mangangalakal na nagreresulta sa likhang-isip na pagkabuwag ng mga pandaigdigang hangganan at mga limitasyon. Mayroong dalawang uri ng mga kompanyang nagpapabilis sa paglawak ng globalisasyong ekonomiko. AP 10- Qtr2-Week 2 -5 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 1. Multinational Companies (MNCs) - Ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa isang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyo ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. Kadalasan, ang MNC ay may mga home country ngunit nagtatayo ng mga opisina sa isang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga consumer sa isang tiyak na bansa. Mga Halimbawa:Unilever, McDonalds, Coca-Cola, Starbucks at Seven Eleven 2. Transnational Companies - Tumutukoy sa mga kompanya na nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong pinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Mga Halimbawa: Shell, Accenture, TELUS International Phils., Glaxo-Smith Klein Mga Implikasyon ng Paglaganap ng TNCs at MNCs Pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan. Nakakalikha rin ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. Kaugnay ng mga kompanyang ating napag-usapan, ang iba’t ibang uri ng pamamaraan upang mapadali ang paglikha ng mga kalakal para sa mga pandaigdigang kompanya, ito ay tinatawag na outsourcing. Ang outsourcing ay pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga. Tatlong Uri ng Outsourcing 1. Nearshoring – Isang paraan ng outsourcing kung saan ang pinagkukunan ay nasa loob din ng bansa o isang karatig na bansa. Hindi halos naiiba ang kultura o masyadong malayo ang pinanggalingan ng mga kailangan. 2. Offshoring – Pagkuha ng serbisyo ng isang Pigura 2: Halimbawa ng Nearshoring ay ay pagpapalitan ng serbisyo at produkto ng kompanya mula sa isang bansa na naniningil ng mga kompanya sa magkalapit na bansa mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa ganitong uri ng outsourcing. AP 10- Qtr2-Week 2 -6 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN Pigura 3: Ang offshoring ay tulad ng ilustrasyon sa kaliwang bahagi kung saan nagpapalitan ng serbisyo at salapi ang dalawang magkapatid na kompanyang nasa magkaibang kontinente. 3. Onshoring – Tinatawag ding domestic outsourcing. Nangangahulugang pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula rin sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon. C. Politikal Ang globalisasyong politikal naman ay ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan. Hindi tulad ng naunang tatlong uri ng globalisasyon, ang politikal na kalagayan ng isang bansa ay hindi kakikitaan ng hayag na mga ebidensiya ng epekto ng globalisasyon. Madalas gamiting batayan ang pagsali ng mga bansa sa iba’t ibang samahang pandaigdig tulad ng ASEAN, APEC, United Nations, UNICEF, WHO at marami pang iba. Layunin ng mga samahang ito na magkaroon ng kooperasyon sa pagitan ng mga bansa upang masugpo ang ilang mga suliraning kinaharap ng daigdig. Halimbawa na rito ang kasalukuyang epekto ng COVID 19 Pandemic na ang pagsasaliksik ng lunas ay nilalahukan ng maraming mga bansa sa daigdig sa pangunguna ng WHO. Isang halimbawa rin ang UN Security Council na siya namang humahawak sa pagsugpo sa banta ng terorismo at iba pang anyo ng bayolenteng kaguluhan sa daigdig. Pigura 4: Mula sa kaliwa: mga logo ng ASEAN, APEC, UNICEF, United Nations at World Bank (ibaba kanan) AP 10- Qtr2-Week 2 -7 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN Global-Talent Natunghayan mo ang negatibong epekto ng globalisasyon sa lokal na ekonomiya ng ating bansa. Gumawa ng isang campaign na tumatalakay sa negatibo at positibong epekto ng globalisasyon sa ating lipunan. Maaari ka ring magbigay ng iyong sariling opinyon kung paano masolusyunan ang mga hamong dala ng globalisasyon? Bilang panghuling gawain maaari kang pumili ng 1 paraan ng pagpepresenta ng iyong campaign sa listahan sa ibaba. Maaari ka ring magkaroon ng kolaborasyon sa iyong mga kaklase at bumuo ng pangkat upang matapos ang gawain. Pumili lamang ng isa sa Gawain na gagawin ng pangkat. 1. Campaign Poster/Slogan (Digital Art) Gumawa ng isang digital poster o slogan na mayroong dimensiyon na 12 in. x 17 in. I- save ang iyong/inyong gawain sa file format na jpeg o png. Ipasa ang iyong/inyong natapos sa email address ng guro. Ilagay ang apelyido, antas at pangkat at ang anyo ng gawaing iyong ipinasa, halimbawa: DelaCruz 10 Galilei Poster.jpg 2. Awit (Verse Chorus Verse) o Tula na Mayroong 3 Stanza Gumawa ng isang awit o tula na mayroong 3 bahagi (verse chorus verse para sa isang kanta at 3 stanza naman para sa isang tula). I-record sa isang video ang nagawa mo/ninyong kanta o tula at ipasa sa email address ng guro. I-save ang video sa mp4 file format. Ilagay ang apelyido, antas at pangkat at ang anyo ng gawaing iyong ipinasa, halimbawa: DelaCruz 10 Galilei Awit.mp4 3. 30 Segundo – 1 Minuto at 30 Segundong Infomercial/Radiomercial Gumawa ng isang Infomercial o Radiomercial na tatagal lamang ng 30 segundo hanggang 1:30 minuto. I-save ang infomercial sa mp4 file format habang ang radiomercial naman ay sa isang mp3 file format. Ilagay ang apelyido, antas at pangkat at ang anyo ng gawaing iyong ipinasa, halimbawa: DelaCruz 10 Galilei Awit.mp4. Ipasa ito sa email address ng guro. Gamitin ang criteria na ibibigay ng guro. ✓ Ang Globalisasyon ay maaring suriin sa pamamgitan ng Tatlong Dimensiyon: Economic Openness, Social Openness, at Political Openness. ✓ Mayroong apat na aspekto o anyo ang Globalisasyon: Sosyo-kultural, Teknolohikal, Ekonomiko, at Politikal. ✓ Mayroong dalawang uri ng dayuhang pamumuhunan: Transnational Corporations (TNCs) at Multinational Corporations (MNCs) ✓ Mayroong Tatlong uri ng Outsourcing: Nearshoring, Offshoring, at Onshoring Upang tuluyan mong mailahad ang iyong pagkatuto, Panuto: Isa isahin ang hinihingi ng sumusunod. A. Dimensiyon ng Globalisasyon B. Anyo ng Globalisasyon AP 10- Qtr2-Week 2 -8 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN I. Pagpili. Tukuyin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang 1. Anong uri ng outsourcing ang kumukuha ng serbisyo sa isang kompanyang nasa loob din ng parehong bansa? Tinatawag din itong domestic outsourcing? A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring. D. Outsourcing 2. Alin sa sumusunod na anyo ng globalisasyon ang kakikitaan ng pagkakaroon ng magandang relasyon at kooperasyon sa pagitan ng mga bansa? A. Globalisasyong Ekonomiko C. Globalisasyong Sosyo- Kultural B. Globalisasyong Politikal D. Globalisasyong Teknolohikal 3. Ano ang tawag sa konsepto ng pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang-proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante? A. Fair Trade C. Network Society B. GuardedGlobalization D. Pagtulong sa Bottom Billion 4. Ano ang nililikha ng mga social media applications para sa mga kabataan ayon kay Alfonso De Toro? A. Digital Community C. Network Society B. Home Country D. Technological Divide 5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa Tatlong Dimensiyon ng Globalisasyon ayon kina de Beer at Koster? A. Economic B. Political C. Social D. Technological B. Nearshoring D. TNCs HAMON NG GLOBALISASYON Sa kasalukuyang nararanasan ng ating bansa at ng buong mundo at mabilis na pagkalat ng nakahahawang sakit mula sa virus na tinawag nating COVID ’19 dulot ng malayang pagdaloy ng mga produkto at mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo, sa iyong palagay may kahandaan ba ang ating bansa sa mga ganitong klaseng dulot ng globalisasyon? Pangatwiranan ang iyong sagot at paano ka makakatulong upang mabawasan ang epekto ng pagkalat ng COVID AP 10- Qtr2-Week 2 -9 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL Pangalan:_____________________ Pangkat__________Guro: ___________________ Aralin Anyo ng Globalisasyon 2 I. PAUNANG PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. Paunang Gawain: Ilagay ang sagot sa Kwaderno II. GAWAIN : Ilagay ang sagot sa portfolio/ Kwaderno III. PAG-ALAM SA NATUTUHAN: Ilagay ang sagot sa kwaderno IV. PANGHULING PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. V. PAGNINILAY: Ilagay ang sagot sa iyong kwaderno. AP 10- Qtr2-Week 2 -10 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN AP 10- Qtr2-Week 2