Mga Katangian ng Isang Mahusay na Mananalumpati (ANG-TALUMPATI PDF)
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa talumpati, kabilang ang mga elemento nito, uri at katangian ng isang epektibong mananalumpati. Tinalakay din ang mga elemento tulad ng introduksyon, pangunahing ideya, katawan at konklusyon. Malinaw na ginamit ang Tagalog para sa dokumentong ito.
Full Transcript
WHO-LARAWAN Hulaan kung sinong personalidad ang nagsabi ng mga mahahalagang ideya o pahayag. May bahagi ng kanilang mukha ang ipapakita upang magsilbing clue kung sino ito. DA-WHO SIYA? DA-WHO SIYA? RABIYA MATEO DA-WHO SIYA? “Narito ang mga istoryang tampok ngayong gabi” “Lumi...
WHO-LARAWAN Hulaan kung sinong personalidad ang nagsabi ng mga mahahalagang ideya o pahayag. May bahagi ng kanilang mukha ang ipapakita upang magsilbing clue kung sino ito. DA-WHO SIYA? DA-WHO SIYA? RABIYA MATEO DA-WHO SIYA? “Narito ang mga istoryang tampok ngayong gabi” “Lumipad ang aming Team” “Di umano” DA-WHO SIYA? “Narito ang mga istoryang tampok ngayong gabi” “Lumipad ang aming Team” “Di umano” Jessica Soho TALUMPATI KAHULUGAN URI NG TALUMPATI KLASIPIKASYON NG TALUMPATI ELEMENTO NG TALUMPATI MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA TALUMPATI TALUMPATI KAHULUGAN AT URI NITO TALUMPATI Isang sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan hinggil sa isang paksa. Ito ay isinasagawa sa paraang pasalita sa harap ng mga tagapakinig. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. URI NG TALUMPATI Talumpating Panlibang. Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal. Nagpapatawa ang nagtatalumpati kaya naman kailangang samahan ito ng mga birong nakakatawa kaugnay sa paksang tinatalakay. Talumpating Panghikayat. Ilan sa mga halimbawa nito ay tulad ng sa simbahan, sa kongreso, sa kampanya ng mga politiko gayundin ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman. Hinihikayat nito ang mga tagapakinig na paniwalaan ang mananalumpati sa pamamagitan ng pangangatwiran at pagpapakita ng mga ebidensya. Talumpating Pagpaparangal. Hinahanda ito upang bigyang parangal ang isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa nito. Talumpating Pagbibigay-galang. Matatawag din itong talumpati ng pagbati, pagtugon o pagtanggap. Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang bilang pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa isang bagong kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay Talumpating Pampasigla. Karaniwang binibigkas ito sa araw ng pagtatapos sa mga eskwelahan at pagdiriwang ng mga anibersaryo ng isang samahan. Ito ay pumupukaw sa damdamin at nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga tagapakinig. Talumpating Pangkabatiran. Ginagamit ito sa mga kumbensyon, panayam, at pagtitipong pansiyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa. Kalimitang makikita sa mga talumpating ito ang mga kagamitang pantulong upang maliwanagan at ganap na maunawaan ang paksang tinatalakay. KLASIPIKASYON NG TALUMPATI Biglaan (Impromptu). Ito ay binibigkas na walang ganap na paghahanda. Nalalaman lamang ang paksang tatalakayin sa oras ng pagtatalumpati. Daglian o Maluwag (Extemporaneous). Binibigkas ito na may maikling panahong paghahanda. Ang mananalumpati ay nakapaghanda lamang ng balangkas upang maging patnubay sa kanyang pagtatalumpati Manuskrito. Kinakailangan ng matagal na panahon ng paghahanda at pag-aaral sa ganitong paraan ng pagtatalumpati sapagkat ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar at programang pagsasaliksik. Binabasa lamang ang manuskrito kaya’t nawawala ang pakikipag- ugnayan ng tagapagsalita sa mga tagapakinig. Handa o Isinaulo (Prepared o Memorized). Talumpating binibigkas na may mahabang panahon ng pagsulat, organisasyon at deliberasyon. Ngunit isa sa mga kahinaan nito ay ang pagkalimot sa nilalaman ng talumpating ginawa. TAMA O MALI TUKUYIN KUNG TAMA O MALI ANG SUMUSUNOD NA PAHAYAG. TAMA O MALI Biglaan ang tawag sa klasipikasyon ng talumpati na walang binibigay na sapat na paghahanda. TAMA TAMA O MALI Ang Isang talumpati ay sining na pagpapahayag ng isang kaisipan hinggil sa isang paksa. Ito ay isinasagawa sa paraang pasulat at binabasa ng mga mambabasa nito. MALI TAMA O MALI Isang uri ng talumpati na nagpaparangal sa isang tao ay tinatawag na talumpating pampasigla. MALI TAMA O MALI Talumpating Panlibang ang tawag sa nagpapatawang nagtatalumpati kaya naman kailangang samahan ito ng mga birong nakakatawa kaugnay sa paksang tinatalakay. TAMA URI NG TALUMPATI ayon URI NG TALUMPATI PANLIBANG PAGPAPARANGAL PAMPASIGLA PANGHIHIKAYAT PAGBIBIGAY-GALANG PANGKABATIRAN KLASIPIKASYON NG TALUMPATI KLASIPIKASYON NG TALUMPATI BIGLAAN DAGLIAN O EXTEMPORANEOUS MANUSKRITO ISINAULO O MEMORIZED ELEMENTO NG TALUMPAT I Introduksyon. Sa bahaging ito, pinupukaw ang atensyon ng mga tagapakinig upang ipabatid sa kanila ang mensahe ng talumpati. Maaaring sumipi ng mga anekdota, pahayag, kasabihan, awitin at mga nakatatawag pansing pangyayari na maiuugnay sa pangunahing ideya ng talumpati. Sa bahagi ring ito ay kinakailangang maipadama sa mga tagapakinig ang kahalagahan ng paksa ng mananalumpati. Pangunahing Ideya. Sa bahaging ito ay binibigyang linaw ang direksyon ng talumpati. Ipinakikita nito ang paninindigan ng tagapagsalita kaugnay sa paksa. Katawan o Paglalahad. Sa bahaging ito ang isyu o diwa sa paksang tinatalakay. Kinapapalooban nito ng mga pangunaing punto ng talumpati. Maaari itong isaayos sa paraang Spatial (isinasaayos ang detalye ayon sa lokasyon), Kronolohikal (pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari) at Sanhi at Epekto (inilalarawan ang sanhi at ipinakikilala ang epekto o bunga nito). Paghahambing at Pagtutulad. Sa bahaging ito ipinakikilala ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ideyang inilalahad. Suliranin. Sa bahaging ito sinusuri ang mga suliranin at matapos ay isinasaalang- alang ang mga solusyon nito. Paninindigan. Sa bahaging ito ipinahahayag ang katwiran hinggil sa isyu. Layunin niyong hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig. Nakapaloob ito sa katawan ng talumpati. Konklusyon. Sa bahaging ito inilalahad ang lagom sa mensahe o pagganyak sa mga tagapakinig na gumawa ng aksyon. Maaaring muling banggitin ang mga pangunahing puntos upang maliwanagan ang mga tagapakinig sa paksang tinatalakay. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Pagtatalumpati PAKSA O TEMA - Mahalaga ring matukoy ang pangunahing ideya ng paksang tatalakayin sapagkat ito ang magiging batayan ng isang mahusay na talumpati. TAGAPAKINIG -dapat mabatid ng mananalumpati ang edad at kasarian ng mga tagapakinig sapagkat kailangang magkaroon ng kabatiran ang isang mananalumpati sa interes ng mga tagapakinig. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Pagtatalumpati HULWARAN O BALANGKAS Kronolohikal– maisasagawa ang paghahanay mula sa unang pangyayari, sumunod at panghuling pangyayari. Topikal- nakabatay ang pagkakaayos ng talumpati batay sa pangunahing paksa at mga pantulong na detalye. Problema-Solusyon na karaniwang ginagamit sa mga talumpating nanghihikayat o nagpapakilos GAWAIN AT PERFOMANCE TASK PERFORMANCE TASK Sumulat ng sariling Talumpati batay sa sumusunod na paksa: Kabataan kultura Kahirapan makabayan Politika Edukasyon PERFORMANCE TASK 1 2. Narito ang pagmamarka sa isinulat na talumpati Nilalaman -30 Kaisahan ng mga ideya -30 Gramatika -20 Mapanghikayat -20 KABUUANG 100 Pagsulat ng Talumpati Sinaulong Talumpati TALUMPATI KASANGKAPAN SA MAHUSAY NA TALUMPATI KATANGIAN NG MAHUSAY NA MANANALUMPATI KASANGKAPAN SA MAHUSAY NA TALUMPATI Tinig Ang magandang tinig ng tagapagsalita ay agad na makapaghihikayat ng mga tagapakinig Kinakailangang isaalang-alang sa bahaging ito ang bilis at hinahon ng pananalita, tono ng pananalita, paglakas at paghina ng tinig at ang pagbibigay-diin sa mahahalagang bahagi o mensahe Tindig Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang naninigas ang katawan. Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para makuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig. Galaw Galaw ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa pagsasalita at damdamin Nasasaklaw ng galaw ang mata, ekspresyon ng mukha, tindig, galaw ng ulo at katawan. Kumpas ng mga Kamay Ginagamit ang kumpas ng mga kamay sa pagbibigay diin sa sinasabi. Kailangang tumpak, tiyak, at maayos ang kumpas ng mga kamay. Hindi dapat makaagaw ng pansin ang sobrang pagkumpas ng kamay habang nagsasalita. Sa iyong palagay, ano ang mga dapat na taglay na katangian ng isang mahusay na mananalumpati? KATANGIAN NG MAHUSAY NA MANANALUMPATI KAHANDAAN Madaling matutukoy ng tagapakinig kung handa ang tagapagsalita kung maganda ang panimula at nakakakuha ng atensyon. kilalanin ang tagapakinig at isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-pormal. Kaalaman sa paksa Ang sapat na kaaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay masasalamin sa paraan ng pagbigkas o pagtalakay na ginagawa niya. sa paraan ng pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpretasyon, paglalapat, paghahambing, pag-uulit ng padron at ang pagbibigay ng problema at solusyon ay makikitang maalam ang tagapagsalita sa paksa. Kahusayan sa pagsasalita Madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita. HALIMBAWA NG PAGTATALUMPATI https://www.youtube.com/watch?v=w-QVTnFOvvE GAWAIN AT PERFORMANCE TASK PERFORMANCE TASK 2 1. Magsagawa ng HANDA O ISINULONG TALUMPATI. 2. Ang paksa ng talumpati ay nakabatay sa inyong sinulat na sariling talumpati. 3. Isaalang-alang ang mga kasangkapan at katangian ng isang mananalumpati. TALUMPAT IAN 2024 https://www.slideserve.com/webb/pagtatalumpati