Ang Idolo ni Beatrice Filipino PDF

Summary

This Filipino educational material, includes a leveled reader about Filipino heroes, specifically Apolinario Mabini and Beatrice. The illustrations by Rea Diwata Mendoza support the stories narrated by Sierra Mae Paraan. The document was produced by USAID in 2016 for the Philippine Department of Education.

Full Transcript

GRADE Leveled Reader Ang Idolo ni Beatrice Ang mga Bayaning Babae ng Bansa Kuwento ni Sierra Mae Paraan Guhit ni Rea Diwata Mendoza PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI. Leveled Reader in Filipino Ang Idolo ni Beatrice An...

GRADE Leveled Reader Ang Idolo ni Beatrice Ang mga Bayaning Babae ng Bansa Kuwento ni Sierra Mae Paraan Guhit ni Rea Diwata Mendoza PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI. Leveled Reader in Filipino Ang Idolo ni Beatrice Ang mga Bayaning Babae ng Bansa Stories by Sierra Mae Paraan Illustrations by Rea Diwata Mendoza Reviewed by Paolo Ven Paculan and Jomar Empaynado 2016 by U.S. Agency for International Development (USAID) Produced for the Department of Education under the Basa Pilipinas Program Basa Pilipinas is USAID/Philippines’ flagship basic education project in support of the Philippine Government’s early grade reading program. Implemented in close collaboration with the Department of Education (DepEd), Basa Pilipinas aims to improve the reading skills for at least one million early grade students in Filipino, English, and selected Mother Tongues. This will be achieved by improving reading instruction, reading delivery systems, and access to quality reading materials. PAALALA SA MAMBABASA: Tampok sa kuwentong Ang Idolo ni Beatrice ang buhay nina Apolinario Mabini at ang batang si Beatrice. Magkasabay na pinapakita ang mga pangyayari sa kanilang buhay sa kuwentong ito. Nag-iiba-iba ang pananaw, lugar, at panahon sa bawat pahina. Ang imahe sa kuwadrang Ang imahe sa kuwadrang ito ito ay tumutukoy sa buhay ay tumutukoy sa karanasan ni Mabini. Nasa unang talata ni Beatrice. Ipinakikita rito ng pahina 2, 4, 6, 7, at 8 ang ang kasalukuyang pangyayari tekstong nagpapaliwanag sa sa kuwento. kaniyang buhay. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopy, or any information storage and retrieval system without permission from the publisher. GOVERNMENT PROPERTY. NOT FOR SALE. This publication was produced with the generous support of the American people through the United States Agency for International Development (USAID) under the Basa Pilipinas Project and the Department of Education. Unang Bahagi Ang Idolo ni Beatrice Pinagmasdan ni Beatrice ang maingay niyang klase. Hindi sila mapakali sa upuan. “Ester, may ideya ka ba kung anong sasabihin ni Bb. Cabiles?” Hindi na napigilan ni Beatrice magtanong sa katabi. Noong nakaraang linggo, sinabi ng kanilang guro na may mahalaga itong anunsiyo. Sasagot na sana si Ester nang biglang tumahimik ang lahat. Nakatingin kay Bb. Cabiles ang buong klase. “Mga bata, magkakaroon tayo ng botohan ng class officers. May mga tungkulin ang bawat class officer. Nakalagay ang detalye dito sa poster na ididikit ko sa pisara.” Napangiti si Beatrice sa narinig. Class officer, class monitor, assistant ni Ma’am—iba- iba man ang katawagan, alam ni Beatrice na mahalaga ang posisyong ito. Nirerespeto sila at hinahangaan. Class officers ang naglilingkod sa klase at tumutulong sa nangangailangan. DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 1 “Ipinanganak si Apolinario Mabini noong Hulyo 22, 1864. Pangalawa siya sa walong magkakapatid. Ang tatay niyang si Inocencio Mabini ay isang magsasaka. Ang nanay niyang si Dionisia Maranan ay nagtitinda sa pamilihan ng Tanauan.” “Diyan nakatira ang lolo at lola mo.” “Talaga po, Mama?” Nanlaki ang mata ni Beatrice sa gulat. Isinara niya ang libro at tinigil ang pagbabasa. Tuwing gabi, nakasanayan na ni Beatrice magkuwento sa kaniyang mama. Kung minsan, ang mama naman ni Beatrice ang nagkukuwento sa kaniya. Noong huli silang bumisita sa kaniyang lolo at lola, nakalalakad pa ang mama niya. Nang mabundol ito ng sasakyan, hindi na siya makalakad at nanatili na lang sa kama. 2 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. “Kahit noong bata, kakikitaan na si Apolinario Mabini ng galing at talino. Nakakuha siya ng iskolarsyip sa Colegio de San Juan de Letran. Itinuloy niya ang pag-aaral ng abogasya sa University of Sto. Tomas. Para makaipon at pandagdag ng kaniyang tuition, alam niyo bang nagturo din si Apolinario sa mga bata?” mapanghikayat na tanong ni Bb. Cabiles. “Wow … ” Sabay-sabay ang reaksiyon ng kaklase ni Beatrice. Tumaas naman ang balahibo ni Beatrice sa narinig. Mayroon siyang dagdag na ikukuwento sa kaniyang mama. Sa gabi, palaging nag-uusap si Beatrice at ang kaniyang mama tungkol sa mga libro, palabas, at kung anong nangyari sa araw ng isa’t isa. Sa gabi rin tinitingnan ni Beatrice ang mga natapos ipinta ng kaniyang mama. Nagtaas ng kamay si Beatrice, pero biglang tumunog ang kampana. Hudyat na ng uwian nila. DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 3 “Pero alam mo bang pagpapari ang talagang gusto ng mama ni Apolinario para sa kaniya? Sabi ng iba, gusto ni Apolinario na maglingkod sa kapuwa Pilipino kaya abogasya ang pinili niya.” Nagulat si Beatrice sa narinig. Marami rin palang alam ang kaniyang mama pagdating kay Apolinario Mabini. “Grabe pala, Mama.” Di mapigilan ni Beatrice ang paghanga habang hinihimas ang likod ng mama. “Pero paano kaya siya naging utak ng himagsikan? Utak … ibig sabihin ang dami niyang naiisip. Naging class officer din kaya siya nung bata?” Napangiti si Beatrice sa iniisip. Ikukuwento sana ni Beatrice sa ina ang tungkol sa eleksyon at class officers. Pero nahiya siya kaya hindi na lang siya nagsalita. Sa halip, ibinaling na lang niya ang mata sa ipinipinta ng mama niya. 4 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. Skill Builder 1 Skill Builder I. Mga Salitang may Kambal-Katinig Ang kambal-katinig o klaster ay mga salitang may magkasamang katinig sa isang pantig. Piliin ang mga salitang may kambal-katinig. Ilista sa inyong kuwaderno: klase bayani libro tungkulin grabe trabaho upuan pag-iisipan reaksiyon droga presyo grado utak paghanga himagsikan II. Paggamit sa Pangungusap ng mga Salitang may Kambal-Katinig Pumili ng tatlong salitang may kambal-katinig at gawan ng sariling pangungusap. ____________________________________________. ____________________________________________. ____________________________________________. III. Pagbabaybay ng mga Salitang may Kambal-Katinig Isulat sa inyong kuwaderno ang sasabihin kong mga salita. DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 5 Ikalawang Bahagi “Naging miyembro si Apolinario ng La Liga Filipina. Isa itong makabayang organisasyon at naging miyembro din ang ibang bayani gaya nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Marcelo del Pilar. Nagsulong ang La Liga Filipina ng mga batas at patakaran para sa ikabubuti ng bayan. Habang nagpapaliwanag si Bb. Cabiles, biglang tumunog ang kampana. Bago maghiwalay, nagbilin ang guro, “Kayo kaya, anong patakaran ang isusulong ninyo sa ating klase? Huwag kalimutan, malapit na ang botohan!” Natawa ang buong klase sa hirit ni Bb. Cabiles. Mahilig kasing magpatawa si Bb. Cabiles sa klase. Sa halip na tumawa, huminga nang malalim si Beatrice. Sa totoo lang, gustong-gusto niyang maging class officer. Gusto niyang maging bahagi ng grupong naglilingkod sa klase. 6 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. “Noong 1895, nagkasakit si Apolinario at pagkatapos ng isang taon ay tuluyan siyang nalumpo. Hindi niya mailakad ang dalawang binti. Tuwing aalis, kailangan siyang buhatin.” Sumimangot si Beatrice sa tekstong binasa. Isinara niya ang libro at itinigil ang pagbasa. “Bakit mo itinigil? Ituloy mo lang, iha,” sabi ng kaniyang mama. Napabuntong hininga si Beatrice. Naisip niya si Apolinario. Gaya ng kaniyang mama, kailangan din nito ng tulong para tumayo o lumipat ng puwesto. Hindi ito tumigil sa paglilingkod sa bayan kahit pa nagkasakit. Napatingin din siya sa nanay na nakahiga sa kama. Kahit hindi na makalakad, nananatiling masayahin at puno ng pag-asa. Isang tingin pa lang sa kuwarto nito, punong-puno na ng makukulay at masasayang pinta. DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 7 “Noong itinatag ang pamahalaang rebolusyonaryo, ipinatawag ni Emilio Aguinaldo si Apolinario. Si Emilio ang presidente noon, at si Apolinario ang ginawa niyang tagapayo. Isa sa mga naisulat ni Apolinario ang unang konstitusyon ng bansa. Naglalaman ito ng mga karapatan at obligasyon ng bawat Pilipino.” Ito ang paliwanag ni Bb. Cabiles sa buong klase. Biglang tumunog ang kampana, hudyat na uwian na ng mga bata. “Tingnan natin kung anong patakaran ang maiisip ng magiging class officers.” Napalunok si Beatrice. Hindi niya sigurado kung itutuloy niya ang pagtakbo. Alam niyang bukod sa konstitusyon, magaling din si Apolinario magbigay ng impormasyon at mangumbinsi ng ibang tao. Nabasa niya sa libro, kaya ring gisingin ni Mabini ang damdamin ng mga Pilipino. Paano kung hindi niya pala kaya? Paano kung di niya makumbinsi ang mga kaklase? Hala, paano kung di siya manalo? 8 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. “Matalo ka man … Hayaan mo na anak. Tingnan mo nga si Apolinario, kahit nagkasakit, ginawa pa rin niya ang gusto.” Yakap ang kinakabahang si Beatrice ng kaniyang mama. “Huwag ka nang mag-alala. Manalo o matalo, kung talagang gusto... ” Panandaliang natigilan si Beatrice at tumitig sa magulang. “May paraan,” dugtong niya. Lalong humigpit ang yakap niya sa ina. Inilibot ni Beatrice ang mata sa mga dibuhong nakasabit sa kuwarto. Nandoon sa isang sulok ang larawan ni Apolinario Mabini, matalas na nakatitig sa kaniya. Para kay Beatrice, mahiwaga ang mga mata ng bayaning ito. “Parang siguradong-sigurado siya sa ginagawa … ” napabulong si Beatrice sa sarili habang tumataas ang balahibo. Isa lamang si Mabini sa mga ipininta ng kaniyang mama. Napangiti siya habang nagmamasid. Kahit di makalakad ang mama niya, ang dami pa rin nitong nagagawa. DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 9 Kinabukasan, malaki ang ngiti ni Beatrice nang humarap sa mga kaklase. Sa halip na kabahan, inisip niya ang homework na gagawin. Tungkol ito sa reaction paper niya kay Apolinario Mabini. Naglaro sa utak ni Beatrice ang mga ideya. Alin kaya ang pagtutuunan niya ng pansin? Iyong katapangan ba? O katalinuhan mula pagkabata? O iyong katapatan sa bansa? Ilang minutong naghintay ang klase pagkatapos bumoto. Si Beatrice, nakangiti lang at kalmado. Alam na niya ang balak gawin, kahit wala pa ang resulta ng mga boto. Maya-maya pa, sa wakas, dumating na ang pinakahihintay ng buong klase. Abot-tenga ang ngiti ni Bb. Cabiles bago mag-anunsiyo. “Okey, mga bata. Nabilang ko na ang inyong boto. Heto na ang class officers para sa taong ito … ” 10 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. Skill Builder 2 Skill Builder Paghahambing Binasa ng klase ni Beatrice ang tungkol kay Mabini. Habang binabasa nila ito, iniisip ni Beatrice ang eleksiyon ng kanilang klase. Ano-ano kaya ang pagkakatulad ni Beatrice kay Mabini? Isulat sa patlang: Apolinario Mabini Beatrice 1. Gustong 1. __________________ maglingkod sa bayan 2. Gumawa ng mga 2. __________________ patakaran at obligasyon ng Pilipino 3. Matalino at tapat 3. __________________ sa bansa DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 11 Unang Bahagi Unang Ang Bahagi Babae mga Bayaning - Si Hasmin ng Bansa Matagal na tinitigan ni Beatrice ang papel sa harap niya. “Huy! Huy!” Ilang beses ng kumaway si Henry upang matawag ang pansin ni Beatrice. Napatingin at napalunok lang si Beatrice sa kausap. Ito ang ikalawang pulong ng class officers. Noong unang pagkikita, tinalakay ni Bb. Cabiles ang mga patakaran ng paaralan at ang mga inaasahang responsibilidad ng nahalal na class officers. “Grabe ‘no! Ang dami nating gagawin. Ano, suko ka na ba, Beatrice?” sabi ni Henry sa kaniya. Kasama ni Beatrice si Henry sa class officers. Noong nakaraang linggo lang sila nagkaroon ng eleksyon. Sa kaniyang mga kasamahan, si Henry ang palaging may opinyon. 12 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. Magsasalita na sana si Beatrice nang biglang napangibabawan ang boses ni Henry ng mga inuurong na upuan. Tapos na ang pulong ng class officers. Ibinabalik na ang mga silya sa dati nitong puwesto. “Sayang,” bulong ni Beatrice. Marami siyang gustong sabihin. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Namumula siya. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Sa sumunod na pagkikita, ganito ulit ang nangyari sa kaniya. “A … Ahem … A … ” Natatabunan ang boses niya ng malalakas na boses ng kalalakihan. “Kumusta? May balita ba?” tanong ni Bb. Cabiles sa class officers. Nagsimulang magbalita ang bawat estudyante. “E ang nag-iisang rosas ng grupo?” binaling ni Bb. Cabiles ang tingin kay Beatrice. Maraming gustong sabihin si Beatrice, pero iling lang ang kaniyang nagawa. Si Beatrice ang tanging babaeng class officer sa kanila. DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 13 Isang araw, habang nagtatalakay, nagtanong si Bb. Cabiles, “Okey, sige, sino nga ba ang paborito ninyong bayani?” May mga sumagot ng Jose Rizal, Apolinario Mabini, at Andres Bonifacio. “Ahm … Wala po bang babae?” tanong ng isang estudyante. “Ha? Asa. Di nila kaya,” sabat ni Henry sa kaniya. Namula si Beatrice. Marami siyang gustong sabihin. Nanuyo ang kaniyang lalamunan. Di niya alam paano magsisimula. “O, teka,” sagot ni Bb. Cabiles. “Marami tayong babaeng bayani. Gusto niyo bang makilala ang iba?” May mga tumango sa klase. May mga nagkibit-balikat. Kitang-kita ni Bb. Cabiles ang pagrolyo ng mata ni Henry, at ang pagtango ni Beatrice. Kinuha ni Bb. Cabiles sa mesa ang iba’t ibang libro. Tumahimik agad ang lahat. 14 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. Nagsimulang magbasa si Bb. Cabiles ng mga teksto mula sa iba’t ibang libro. “Sige, unahin natin ang isa sa mga pinakasikat na bayani. “Nakilala siya bilang Ina ng Rebolusyon.” “Bakit, siya po ba ang nagsilang sa mga bayani?” sabat ni Henry. Natawa ang buong klase. Kahit napikon, si Beatrice ay medyo napangiti. Gusto sana niyang magsalita pero tinikom na lang niya ang bibig. “Parang ganoon, Henry,” sagot ni Bb. Cabiles. “Hindi siya ang mismong nagpalaki sa mga Katipunero pero siya ang nag-alaga sa sugatan, nagbigay ng pagkain at tirahan sa mga nangangailangan.” DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 15 Skill Builder 3 Skill Builder Hiram na Salita Ang sumusunod na salitang Ingles ay may hiram na baybay sa wikang Filipino. Isulat ang baybay sa wikang Filipino: 1. sports ____________________ 2. ketchup ____________________ 3. secret ____________________ 4. tray ____________________ 5. cabinet ____________________ 6. basketball ____________________ 7. nurse ____________________ 8. physical ____________________ 16 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. Ikalawang Bahagi “Si Melchora Aquino,” bumulong si Beatrice sa kaniyang upuan. Naalala niya ang sariling libro sa kanilang bahay. Tuwing gabi, binabasahan niya ng iba’t ibang libro ang kaniyang nanay. Hindi lang si Melchora Aquino ang nasa librong iyon. Maya-maya pa, lalong lumakas ang boses ni Bb. Cabiles, “Si Melchora Aquino ang tinutukoy ko. Kilala rin bilang Tandang Sora at Ina ng Rebolusyon. Noong lumantad ang tungkol sa sikretong organisasyon, na kilala bilang Katipunan, hinuli si Melchora Aquino. Kinuwestiyon at ipinatapon siya sa Guam sa loob ng anim ng taon. Pag-uwi sa Pilipinas, siya ay siyamnapu’t isang taong gulang na. Si Melchora ay isang daan at pitong taong gulang na noong siya ay namatay. Nakabase siya sa Maynila.” DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 17 Huminto si Bb. Cabiles para kumuha ng isa pang libro. Di niya mapigilang mapangiti sa nakita. Halos lahat ng estudyante niya–nakakunot ang noo o nakanganga. Itinuloy ni Bb. Cabiles ang pagbasa, “Si Patrocinio Gamboa ay isang Bisayang Katipunera. Noong itinatag ang unang pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Emilio Aguinaldo, nakiusap si Aguinaldo sa piling kababaihan para idisenyo at tahiin ang bandila ng Pilipinas. Isa sa mga nagtahi nito si Patrocinio Gamboa. Bukod sa pagtatahi, kasama si Patrocinio sa maingat at palihim na nagbitbit ng bandila palayo sa mga mata ng sundalong Espanyol.” Binasag ni Henry ang katahimikan. Bigla siyang umubo nang patukso. “Buti Ma’am di po nahuli? Baka sinuwerte,” sabat ni Henry. Natawa ang ibang kaklase ni Henry. Napansin ni Bb. Cabiles ang pagsimangot ng iba. Kasama na rito si Beatrice. 18 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. “O baka magaling lang talaga,” sagot ni Beatrice. Namula si Beatrice. Marami siyang gustong sabihin. Nanuyo ang kaniyang lalamunan. Di niya akalaing masasabi niya ang nasa isipan. Napangiti si Bb. Cabiles, “Siguro sinuwerte. Pero ang sigurado, magaling din siya. Alam niyo bang hindi lang ito ang ginawa ni Patrocinio? Naging espiya siya para sa rebolusyon. Naging tagapagdala siya ng mga mensahe, pagkain, medisina, at armas sa pagitan ng iba’t ibang heneral. Nagtrabaho din siya bilang nars para sa bayan. Tumulong siya sa may sakit at sugatan.” “Espiya? Astig!” sabi ng isang kaklase nila Beatrice at Henry. Nagkaroon ng kani-kaniyang usapan sa upuan. Natigil sa pagkukuwento si Bb. Cabiles. Mula sa harapan, narinig niya ang tungkol sa mga espiya, ninja, robot, at sundalo. DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 19 “E wala namang nakikipaglaban, Ma’am,” malakas na sabat ni Henry. Natigil ang usapan at napatingin ang klase sa kaniya. Ngumiti si Bb. Cabiles. “Maraming paraan ng pakikipaglaban. Pero kung paghawak ng armas ang tinutukoy mo, aba meron pa ring babaeng bayani na ganiyan.” “Hindi nga?” sagot ni Henry. “Pakinggan muna natin ang sasabihin ni Ma’am,” sagot ni Beatrice. Namula si Beatrice. Marami siyang gustong sabihin. Nanuyo ang kaniyang lalamunan. Nagulat siya sa biglang ginawa. Patuloy ni Bb. Cabiles, “Lumaki sa Ilocos Norte si Trinidad Tecson. Kilala rin siya bilang Trining. Apatnapu’t walong taong gulang si Trining nang pumutok ang rebolusyon. Lumahok siya sa maraming laban sa ilalim ni Heneral Mariano Llanera. Kahit noong bata pa, nakilala si Trining sa pisikal na lakas nang sinanay niya ang sarili sa fencing at nakipaglaban sa guardia civil.” 20 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. Hindi pa man tapos magbasa si Bb. Cabiles, biglang tumunog ang bagting ng paaralan. May mga nagbulungan. Mayroon ding malakas na umangal. Senyales ito na panahon na para mag-uwian. Napangiti si Bb. Cabiles, “Sige, mga bata. Itutuloy natin ito bukas. Marami pa tayong pag-uusapan tungkol sa mga bayani ng Pilipinas.” “Oo nga po, Ma’am,” sabat ni Henry. “Marami ngang babaeng bayani sa bansa, ‘no.” Abot tenga ang ngiti ni Bb. Cabiles sa narinig. Bago makaalis ang lahat, may tumayo sa harapan ng klase, “Ahm, excuse me?” Namula si Beatrice. Marami siyang gustong sabihin. Nanuyo ang kaniyang lalamunan. Pero ipinagpatuloy niya ang nasa isipan. “Class officers, usap tayo bukas ha. Di pa natin natapos yung mga dapat pag-usapan.” DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 21 Skill Builder 4 Skill Builder Pagpili ng mga Detalye na Angkop sa Pangunahing Ideya: Sa isang kuwento, may nakasaad na pangunahing ideya. Sinusundan ito ng mga pangungusap na nagbibigay ng detalye tungkol sa pangunahing ideya. Basahin ang pangunahing ideya. Piliin ang mga pangungusap na sumusuporta dito. Isulat ang mga ito sa inyong kuwaderno: Pangunahing Ideya: Matatapang ang mga bayaning babae ng ating bansa. 1. Si Josefa ay tumulong magtakas, magpadala, at magpamahagi ng pagkain at armas sa mga Pilipinong lumalaban. 2. Namatay si Melchora Aquino sa edad na isang daan at pitong taon. 3. Palihim na binitbit ni Patrocinio ang bandila ng Pilipinas palayo sa mga mata ng sundalong Kastila. 4. Si Trining Tecson ay may angking pisikal na lakas. 5. Lumahok si Trining Tecson sa maraming laban noong rebolusyon. 6. Matalinong mag-aaral si Josefa Llanes Escoda. 7. Inalagaan ni Tandang Sora nang palihim ang mga katipunero. 22 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. Skill Builder 5 Skill Builder Paggamit ng mga Salita mula sa Talasalitaan Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng kahulugan ng sumusunod na salita: saklolo, sakripisyo, ligtas, bida, kontrabida, pagtulong. Gamitin ang mga salitang ito sa sariling pangungusap. 1. ___________________________________________ 2. ___________________________________________ 3. ___________________________________________ 4. ___________________________________________ 5. ___________________________________________ 6. ___________________________________________ DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 23 Sanggunian Leveled Reader Ang Idolo ni Beatrice Agoncillo, T. (1990). History of the Filipino people. 8th ed. Quezon City. Batongbakal Jr., L. (n.d.). 8 reasons why Apolinario Mabini was more badass than you think. Retrieved from http://www.filipiknow.net/interest- ing-facts-about-apolinario-mabini/ Bueza, M. (2014, July 23). Fast facts: The life and legacy of Apolinario Mabini. Rappler. Re- trieved from http://www.rappler.com/newsbreak/ iq/64047-fast-facts-life-legacy-apolinario-mabini Zafra, J. (2014, July 23). 10 Things we know about Apolinario Mabini. Interaskyon. Retrieved from http:// www.interaksyon.com/article/91797/jessica-zaf- ra--10-things-we-know-about-apolinario-mabini Ang mga Bayaning Babae ng Bansa Agoncillo, T. (1990). History of the Filipino people. 8th ed. Quezon City. Doran, C. (1998). Women in the Philippine revolution. Philippine Studies. Retrieved from http://www.philippin- estudies.net/ojs/index.php/ps/article/viewFile/694/696 24 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. Leveled Reader Ang Idolo ni Beatrice Ang mga Bayaning Babae ng Bansa DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means— electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 25 TA N AI 3 G B DEPED-USAID’S BASA PILIPINAS Leveled Reader sa Filipino

Use Quizgecko on...
Browser
Browser