Pagsulat ng Panukalang Proyekto PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng mga hakbang sa pagsulat ng panukalang proyekto. Tinalakay ang pagtukoy sa mga suliranin, layunin, at badyet na kinakailangan. Naglalaman din ito ng balangkas para sa pagbuo ng isang panukalang proyekto.
Full Transcript
PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO KAHULUGAN Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong dokumento na naglalahad ng mga hakbang at plano upang maisakatuparan ang isang layunin o pangangailangan. Nangangahulugang ito\'y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawain ihaharap sa tao o samahan...
PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO KAHULUGAN Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong dokumento na naglalahad ng mga hakbang at plano upang maisakatuparan ang isang layunin o pangangailangan. Nangangahulugang ito\'y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawain ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito. Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto. Kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay. Ayon kay Bartle (2011), kailangang nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. MGA LAYUNIN NG PANUKALANG PROYEKTO 1.Paglalahad ng Suliranin: Ang panukalang proyekto ay naglalarawan ng isang tiyak na suliranin na kinakailangang solusyunan, tulad ng kakulangan sa mga pasilidad o mga serbisyong pampubliko. 2.Pagbuo ng Estratehiya/Action Plan: Nagbibigay ito ng mga konkretong hakbang o plano na isasagawa upang matugunan ang nasabing suliranin. Ang mga hakbang na ito ay dapat na makatotohanan at maayos na nakaplano. 3.Pagtukoy sa Layunin: Dapat malinaw ang mga layunin ng proyekto, na dapat ay Specific, Immediate, Measurable, Practical, Logical, at Evaluable (SIMPLE). Ang mga layuning ito ay naglalarawan kung ano ang nais makamit at kung paano ito maisasakatuparan. 4\. Pagpapahayag ng Kahalagahan: Isinasalaysay din sa panukalang proyekto kung bakit mahalaga ang proyekto para sa mga benepisyaryo nito, at kung paano ito makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan. ANO ANG \"SIMPLE\"? Specific bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto Immediate - tiyak na petsa kung kailan ito matatapos Measurable may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto Practical - solusyon sa suliranin Logical paraan kung paano makakamit ang proyekto Evaluable - nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto. 5.Pagbuo ng Badyet: Ang panukalang proyekto ay nagtatakda rin ng badyet na kinakailangan para sa pagsasakatuparan ng mga plano. Dapat itong maging detalyado at makatotohanan upang masiguro ang sapat na pondo para sa proyekto. Sa kabuuan, ang layunin ng panukalang proyekto ay hindi lamang upang makuha ang suporta ng mga stakeholder kundi upang magbigay ng konkretong solusyon sa mga umiiral na suliranin sa komunidad. BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO 1.Pamagat ng Panukalang Proyekto - hinango sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin. 2.Nagpadala- tirahan ng sumulat ng paanukalang proyekto. 3.Petsa-araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel isinama na rin kung gaano katagal gagawin ang proyekto. 4.Pagpapahayag ng Suliranin- nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan. 5.Layunin - dahilan o kahalagahan kung bakit isagawa ang panukala. 6.Plano na dapat gawin- talaan ng pagkakasunod- sunod ng mga gawaing para pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa. 7.Badyet- kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto. 8.Paano mapakinabangan ng pamayanan o samahan ang panukalang proyekto- konklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.