Pag-aaral ng Wika sa Filipino PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang pag-aaral sa iba't ibang aspeto ng wikang Filipino, mula sa mga batayang konsepto ng wika hanggang sa mga advanced topic tulad ng bilingguwalismo at multilingguwalismo na may mga halimbawa ng paggamit.
Full Transcript
umunikasyon K Pangalawang Pangkat WIKA Ano ang Wika? Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng mga tao upang magbahagi ng mga ideya, kaisipan, at damdamin. Ito ay isang kumplikadong sistema na binubuo ng mga tunog, simbolo, at mga panuntunan sa gramatika. Kahalag...
umunikasyon K Pangalawang Pangkat WIKA Ano ang Wika? Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng mga tao upang magbahagi ng mga ideya, kaisipan, at damdamin. Ito ay isang kumplikadong sistema na binubuo ng mga tunog, simbolo, at mga panuntunan sa gramatika. Kahalagahan ng Wika 1. Komunikasyon- Ang pangunahing layunin ng wika ay ang komunikasyon. Nagbibigay-daan ito sa atin na magbahagi ng mga ideya, kaisipan, at damdamin sa isa't isa. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag natin ang ating mga pangangailangan, nagbibigay tayo ng impormasyon, at nagtatayo tayo ng mga relasyon. 2. Pag-iisip- Ang wika ay isang mahalagang tool sa pag-iisip. Tumutulong ito sa atin na mag-organisa ng ating mga kaisipan, mag-isip ng mga abstract na konsepto, at mag-analisa ng mga problema. 3. Kultura at Pagkakakilanlan- Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng ating kultura at pagkakakilanlan. Ito ay nagdadala ng ating kasaysayan, tradisyon, at mga paniniwala. Ang paggamit ng isang partikular na wika ay nagpapakita ng ating pagiging kabilang sa isang partikular na grupo o komunidad. 4. Edukasyon- Ang wika ay ang pundasyon ng edukasyon. Sa pamamagitan ng wika, natututo tayo ng mga bagong kaalaman, kasanayan, at konsepto. Ang pagiging bihasa sa wika ay mahalaga para sa pag-unlad ng ating mga kakayahan sa pag-aaral. 5. Ekonomiya- Ang wika ay may mahalagang papel sa ekonomiya. Ang pagiging bihasa sa iba't ibang wika ay nagbibigay ng mga pagkakataon sa trabaho, negosyo, at internasyonal na pakikipag- ugnayan. Ang Wika Bilang Lingua Franca Wika na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na nagmula sa iba-ibang pamayanan o multilinggwal na komunidad. Kilala bilang tulay na wika Wikang gamitin ng dalawang taong sangkot sa komunikasyon na walang parehong naiintindihang iisang wika Wikang nauunawaan ng mas nakararaming populasyon Hal. Ingles, ito ang kadalasang ginagamit na wika sa buong mundo para magkaintindihan Wika Diyalekto -barayti ng wika na nalilikha ng dimensyon heograpikal. wikang gamit sa isang partikular na -rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.. - tinatawag din itong wikain. hal.: -Ilokano ng Ilocos at Baguio; -Bisaya ng Iloilo, Antique at West Panay; -Tausug ng Jolo at Sulu; at -Tagalog ng Batangas at Bulacan. -Pagkakaiba ito sa uri, bigkas, tono, haba, diin at anyo ng salitang gamit sa isang partikular na lugar. -Makikilala rin ito dahil sa distinct set ng bokabularyo, punto o tono at istruktura ng pangungusap. hal. -Maynila Ang lamig ng kanyang boses! -Batangas - Ala eh, kalamig ng kaniyang tinig! -Bataan Ka lamig naman ng kaniyang tinig, ah! Vernacular -Ang bernakular ay ang lokal na wika o diyalekto na ginagamit sa isang partikular na lugar o rehiyon. - Hindi ito varayti ng ibang wika kundi isang hiwalay na wika. - Ginagamit sa pang-araw-araw na buhay, malayo sa mga sentro ng gobyerno o kalakal. - Tinatawag din na wikang panrehiyon. Halimbawa :Ang Cebuano sa Cebu, Ilocano sa Ilocos, o Spanglish sa ilang bahagi ng Estados Unidos. Bilingguwalismo Ang bilingguwalismo ay ang kakayahan ng isang tao na gumamit ng dalawang wika nang mahusay. Sa konteksto ng edukasyon at lipunan, tumutukoy ito sa paggamit ng dalawang wika sa komunikasyon, pagtuturo, at iba pang gawain. Karaniwan ito sa mga bansang may higit sa isang opisyal na wika o sa mga lugar na may magkakaibang etnikong grupo. Multilingguwalismo Multilingguwalismoay tumutukoy sa paggamit ng dalawa o higit pang mga wika sa isang bansa, komunidad, o sistema ng edukasyon. Sa sistemang ito, ang mga tao ay gumagamit ng iba't ibang wika depende sa sitwasyon o konteksto. Unang Wika Ang wika na unang natututuhan ng isang bata, tinatawag ding "wikang sinuso sa ina" o "inang wika." -Taal na Tagapagsalita: Mga tao na ang unang wika ay ang pinag-uusapang wika (hal., taal na Tagalog). - Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE): Programa sa ilalim ng K to 12 na gumagamit ng unang wika bilang medium ng pagtuturo mula preschool hanggang ikatlong baitang. -Layunin: Pagbutihin ang pagkatuto ng mga mag- aaral sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang unang wika, batay sa mga pag-aaral na nagsasabing mas epektibo sila sa pag-unawa at pagpapahayag kapag ang kanilang unang wika ang ginagamit sa pagtuturo. Pangalawang Wika Ang pangalawang wika ay isang wika na natutunan ng isang tao pagkatapos ng kaniyang unang wika, o taal na wika. Hindi ito ang orihinal na wika ng isang tao kundi isang karagdagang wika na ginagamit upang makipag- usap sa ibang mga tao o sa ibang mga etnolingguwistikong grupo. Wikang Pambansa - Ito ay tumatalakay sa Wikang Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas - Ayun sa unang bahagi ng Artikulo XIV, seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987 - Ang Wikang Filipino ay nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas. - Ito ay sumisimbolo sa pambansang pagkakakilanlan at sumasalamin sa kultura at pamana ng mga Pilipino. - Ito ay nagtataguyod ng pagkakaisa at kalayaan ng bansa. - Ang wika ay bukas sa pagpayaman mula sa iba pang mga wikang rehiyonal. Wikang Panturo Ito ay ang wika na ginagamit sa pormal na pagtuturo. Ito ay ang wika na ginagamit sa pagpapaliwanag ng mga aralin, pagbibigay ng mga takdang-aralin, at pagsusulat ng mga aklat, modyul, at iba pang materyal na panturo. Ang Filipino Bilang Wikang Panturo Ito ay ang wika na ginagamit sa pormal na pagtuturo. Ito ay ang wika na ginagamit sa pagpapaliwanag ng mga aralin, pagbibigay ng mga takdang-aralin, at pagsusulat ng mga aklat, modyul, at iba pang materyal na panturo. Wikang Opisyal Opisyal na Wika ng Pilipinas Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Saligang Batas ng 1987, binabanggit na, Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles." Ibig sabihin, sa kasalukuyan, mayroon tayong dalawang opisyal na wika, ang Filipino at Ingles. Noong ika-18 ng Agosto 1988, pinirmahan ng dating Pangulong Corazon Aquino ang Executive Order 335 na nag-untos sa lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino bilang opisyal na wika sa transaksyon at komunikasyon ng mga sangay ng pamahalaan. Homogeneous na Wika → mga salitang magkakaiba ang paraan ng pagbigkas at ang baybay subalit iisa lamang ang kahulugan → pagkakatulad ng mga salita ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan Heterogeneous na Wika → Tumutukoy sa mga wikang ginagamit o sinasalita sa isang partikular na lugar, rehiyon o bansa. →Pwede itong nakabase sa katanyagan ng isang wika sa mga nasabing lugar. →Ito rin ay pwede dahil sa mga nagging kagawian o tradisyon ng mga tao. Maraming Salamat!