FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK) PDF 1ST SEMESTER 2023-2024

Summary

These notes are about the subject Filipino and address aspects of academic writing, with the context of the 1st semester of the 2023-2024 academic year. The author is Glenn A. Tenerancia.

Full Transcript

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK) 1ST SEMESTER 2023-2024 GLENN A. TENEFRANCIA,LPT,MAED,PHD PANALANGIN SA PAGIGING BUKAS PALAD Panginoon, Turuan mo akong maging bukas palad, Turuan mo akong maglingkod sa iyo, Na magbigay ng ayon sa nararapat, N...

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK) 1ST SEMESTER 2023-2024 GLENN A. TENEFRANCIA,LPT,MAED,PHD PANALANGIN SA PAGIGING BUKAS PALAD Panginoon, Turuan mo akong maging bukas palad, Turuan mo akong maglingkod sa iyo, Na magbigay ng ayon sa nararapat, Na walang hinihintay mula sayo, Na makibakang ‘di inaalintana, Mga hirap na dinaranas, Sa twina'y magsumikap na, Hindi humahanap, Ng kapalit na kaginhawaan, Na di naghihintay kundi ang aking mabatid, Na ang loob mo'y syang sinusundan, Panginoon, Turuan mo akong maging bukas palad, Turuan mo akong maglingkod sa iyo, Na magbigay ng ayon sa nararapat, Na walang hinihintay mula sayo. Amen.(San Ignacio de Loyola) 2 Ama Namin Ama Namin sumasalangit ka, Sambahin ang Ngalan mo, Mapasaamin ang kaharian Mo, Sundin ang loob Mo, Dito sa lupa at para na sa langit, Bigyan niyo kami ng aming kakanin sa araw-araw, At huwag niyo po kami ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen. Aba, Ginoong Maria Aba,Ginoong Maria, Napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, At pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus, Santa Maria,Ina ng Diyos, Ipanalangin niyo po kaming mga makasalanan, Ngayon at kung kami ay mamamatay. Amen. LUWALHATI Luwalhati sa Ama,sa Anak at sa Espiritu Santo Kapara noong sauna,ngayon at sa magpawalang hanggan,Amen. PAGBATI Ako: Isang matagumpay na araw sa ating lahat,Grade 12________________. Tugon: Isang matagumpay na araw din po,Ginoong Tenefrancia. Ikinagagalak po naming kayong makita. LEARNING ENGAGEMENT 1 LEARNING TARGETS 1. Kaya kong mabigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat 2. Kaya kong matalakay ang katangian at ang layunin ng akademikong pagsulat 3. Kaya kong matalakay ang mahahalagang proseso ng pagsulat 4. Kaya kong magamit ang mga proseso ng pagsulat sa pagbuo ng sulatin 5. Kaya kong makasunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin 9 BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT: PILOSOPIYA,TEORYA,AT BILANG MAKRONG KASANAYAN Sa papel na ito,ano kaya ang isusulat ko? Tama kaya ang gramatika at wasto kaya ang SIMULAN pagkakasunod-sunod ng mga ideya ko? Ano ba ang isusulat ko rito?Maiibigan kaya ito NATIN ng babasa? Ang daming naming ideya ang nasa isip ko!Paano ba isusulat ang mga ito? Hindi naman ako mahusay magsulat tulad ng iba. PAGSULAT Paghahatid ng mensahe ng may akda o manunulat opinyon man o kaalaman sa mga mambabasa sa tulong ng representasyon ng mga titik na nabubuo bilang salita,salita na ginamit sa paglatag ng pangungusap. PAGSULAT Ito’y Sistema ng komunikasyong interpersonal,na gumagamit ng mga simbolo at inuukit o isinusulat sa isang makinis na bagay tulad ng papel,tela,o di kaya’y isang malapad at makapal na tipak ng bato.(Badayos 1999) Ang pagsulat ay isang kompleks na proseso.Ang pagsulat ay nagsisimula sa pagkuha ng kasanayan (self-getting) hanggang sa kasanayang ito ay aktwal na nagagamit (self-using).(Rivers 1975) PAGSULAT Ito’y kasanayang nangangailangan ng disiplinang mental at mataas na kaalamang teknikal at pagkamalikhain gayon din ang sapat na kasanayan.(Recuba,et al 2003) Ito’y kasanayan sa pakikipagtalastasan na isatitk ang mga nakalap na impormasyong mula sa pagbasa.(Recuba,et al 2000) PAGSULAT Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. PAGSULAT Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin , paniniwala , at layunin ng tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin. PAGSULAT Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman. TANDAAN Isa sa mga pinakamahalagang awtput ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong pagsulat.Ito ay masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. PAGSULAT Pagsulat Bilang Multi-Dimensional na Pananaw Ang pagsulat ay nangangailangan ng masusi at kritikal na pag-iisip. Ito ay pag-aaral sa mga kasanayang kritikal,proseso,at produkto. Kasanayang Kritikal Nauukol sa kakayahang suriin,balangkasin,ihambing,ibuod at bubuin ang tesis ng papel. Pag-aaral ng Proseso at Produkto Ang pagsusuri sa proseso ng paggawa ng mga siyentipikong papel o mga salaysaying pananaliksik. PAGSULAT Iba’t Ibang Dimensyon Oral Kapag ang isang tao ay nagbabasa ng iyong isinulat,masasabing nakikinig na rin sya sa iyo. Biswal Ito ay mahigpit na naiiuugnay sa mga salita o wika na ginagamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo. PAGSULAT Pilosopiya ng Pagsulat Proseso Sariling Pagkatuto Produkto Pakikihalubilo Desisyon Paghuhubog sa Personalidad Pagtuklas Mapaghamon Pagtugon Paglalaan ng Panahon PAGSULAT 5 MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN Pakikinig Pagsasalita Pagbabasa Pagsusulat Panonood K-12 CURRICULUM Learning Skills Literacy Skills Life Skills Collaboration Information Flexibility & Adaptability Communication Media Leadership & Responsibility Creativity Technology Initiative & Self Direction Critical Thinking Skills Social & Cross-cultural Interaction 24 Pagkilala sa letra sa pamamagitan ng mga simbolo at ang tono nito Pinagbabatayan ng 5 Makrong Kasanayan LAYUNIN NG PAGSULAT 1. Naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin ,pangarap , agam-agam, bungang- isip at mga pagdaramdam. 2. Dahil din sa pagsulat , nakikilala ng tao ang kanyang sarili,ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan ,at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. 3. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat.. LAYUNIN NG PAGSULAT 1.Personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng Ayon naman kay Mabilin pagsulat ay nakabatay sa ,sa kanyang aklat na pansariling Transpormatibong pananaw,karanasan,naiisip o 2.Panlipunan o sosyal Komunikasyon sa nadarama ng manunulat.Ang kung saan ang layunin ng Akademikong Filipino ganitong paraan ng pagsulat pagsulat ay ang makipag- (2012), ang layunin sa ay maaaring magdulot sa ugnayan sa ibang tao o pagsasagawa ng pagsulat bumabasa ng sa lipunang ginagalawan. kasiyahan,kalungkutan , ay maaaring mahati sa pagkatakot o pagkainis dalawang bahagi: depende sa layunin ng taong sumusulat. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag- ambag ng kaalaman sa lipunan. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’tibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat. Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat. 4.1Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. 4.2Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. 4.3Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod. 4.4Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo. 4.5Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan. Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat 5.Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad. 6.Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin. 7.Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon. MGA URI NG PAGSULAT Teknikal na Pagsulat – Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan. Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa.Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal. Halimbawa: Feasibility Study ,manwal, Proyekto sa pag-aayos ng kompyuter, at iba pa. Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. Karaniwang makikita ito sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL) na pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik. Dyornalistik na Pagsulat – May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa. Ito ay isinusulat ng mga mamamahayag, journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan , magasin,o kaya’y iniuulat sa radyo at telebisyon. MGA URI NG PAGSULAT Akademikong Pagsulat – Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito ang maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks,iskrip ng teleserye ,kalyeserye, musika ,pelikula at iba pa. Propesyonal na Pagsulat - Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa. ANG AKADEMIKONG SULATIN ✓ Ang salitang Akademiya ay mula sa salitang Pranses na academie, sa Latin academia , at sa Griyego na academeia. Ito ay isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar ,artista, at siyentista na ang layunin ay isulong ,paunlarin, palalimin,at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan ✓ Sa Akademiya , nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadulubhasaan. Kasanayan sa pagbasa ,pakikinig, pagsasalita ,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis ,panunuring kritikal, pananaliksik , at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika,pagpapahalaga , katotohanan , ebidensya , at balanseng pagsusuri.Sa kabilang dako , ang mga di- akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan , kasanayan , at common sense ✓ Ang akademikong sulatin ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, reaksyon at opinyon base sa manunulat, gayundin ay tinatawag din na intelektwal na pagsusulat. ✓ Makalalahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipababatid sa mga makakakita o makababasa. ✓ Bawat akademikong sulatin ay may kanyang layunin,gamit,katangian at anyo PANANAW AKADEMIKONG VS. DI Obhetibo ,hindi direktang Subhetibo, sariling opinion , tumutukoy sa tao at pamilya, komunidad ang AKADEMIKO damdamin kundi sa mga pagtukoy, tao at damdamin bagay ,ideya at ang tinutukoy, nasa una at katotohanan , ito’y nasa pangalawang panauhan pangatlong panauhan ang ang pagkakasulat pagkakasulat AUDIENCE Iskolar,mag-aaral,guro, at Iba’t ibang publiko akademikong komunidad LAYUNIN Magbibigay ng ideya Magbigay ng sariling impormasyon opinyon BATAYAN NG DATOS Obserbasyon,pananaliksik Sariling karanasan,pamilya at pagbabasa at komunidad ORGANISASYON NG IDEYA Planado at magkakaugnay Hindi malinaw ang ang mga ideya, may istruktura ,hindi kailangang pagkakasunud- sunod ang magkaugnay ang mga estruktura ng mga pahayag ideya Halimbawa ng Akademikong Sulatin Abstrak Bionote Panukalang Proyekto Talumpati Sintesis Sanaysay Katitikan ng Pulong Posisyong Papel Adyenda GAWAING NAGPAPALAWAK NG KAALAMAN SA PAGSULAT Kwalitatibong Pamamaraan Focused Group Discussion Pagbabalangkas/Thematic Analysis Pakikipagpanayam Obserbasyon Kwantitatibong Pamamaraan Survey Deskriptibong Estatistika Inferensyal na Estatistika 37 UNAWAIN NATIN Kahulugan ng Akademikong Pagsulat Isinasagawa ito sa isang akademikong instutusyon Kailangan na may mataas na kakayahan sa pagsulat Magbibigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang Nangangailangan ito ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin May sinusunod itong anyo,uri at bahagi Kakayahan sa kritikal na pagbasa at pangangalap ng impormasyon Magsasagawa ng obserbasyon,imersyon,pagiimbistiga,pakikipanayam at pagsusuri Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat ✓ Obhetibo- Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon. ✓ Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madali ng maunawaan ng mga mambabasa. Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat maging pormal din. ✓ Maliwanag at Organisado- Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisado ng mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay- ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang pangunahing paksa ay dapat nabibigyang- diin sa sulatin. ✓ May Paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang- pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapagbago-bago ng paksa. Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa. ✓ May Pananagutan- Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika at pagbibigay galang sa awturidad na ginamit bilang sanggunian. LAYUNIN NG PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT 1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat. 2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat. 3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay rin ang pag-unawa ng mga mag-aaral bilang mambabasa. 4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral. 5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin. 6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon. 7. Napahahalagahan at naiiingatan ang mga gawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio. PROSESO NG PAGSULAT 1. Bago Sumulat(Pre-writing) ✓Malayang makaiisip ang manunulat at magtatala ng mga kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa. ✓Magpapasya sa tiyak na paksa na susulatin,layunin at estilong gagamitin. 2.Habang Sumusulat (Actual Writing) ✓Naisusulat ang unang borador para sa posibleng pagbabago o puna sa halaga ng paksa,kabuluhan ng pag-aaral at lohika sa loob ng sulatin. 3.Pagkatapos Sumulat(Post-writing) ✓Ginagawa ang pinal na pagbabago sa pamamagitan ng pagdaragdag,pagkakaltas at paglilipat-lipat ng mga salita,pangungusap, o talata. ✓Binibigyang pansin din ang wastong baybay,bantas at gramatika. BALANGKAS NG SULATIN PANIMULA Dapat na ang panimula ay: Isang pangungusap na makatawag-pansin Isang pambungad na salaysay KATAWAN Dapat na ang katawan ay: Pagbabalangkas ng nilalaman(mahalagang ideya o kaisipan ng mga pangyayari na may wastong pagkakasunod-sunod) WAKAS Dapat na ang wakas: Pag-iiwan ng isang makabuluhang diwa o kaisipan 11/08/2024 Dayagnostik Written Works 1 44

Use Quizgecko on...
Browser
Browser