Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante PDF

Summary

Ang kwento ay tungkol sa mga diyos na sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante. Isinalaysay ni Justin Carlos G. Villanueva ang mga pakikipagsapalaran ng mga diyos laban sa mga higante.

Full Transcript

# Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante - ni Snorri Sturlurson - Muling isinalaysay ni Justin Carlos G. Villanueva Si Thor, anak ni Odin ay nagpasiya para maglakbay patungo sa Utgard na matatagpuan sa Jotunheim, ang lupain ng mga higante na kalaban ng mga diyos. Kasama niya sa kaniyang paglal...

# Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante - ni Snorri Sturlurson - Muling isinalaysay ni Justin Carlos G. Villanueva Si Thor, anak ni Odin ay nagpasiya para maglakbay patungo sa Utgard na matatagpuan sa Jotunheim, ang lupain ng mga higante na kalaban ng mga diyos. Kasama niya sa kaniyang paglalakbay si Loki at ang magkapatid na mortal na sina Thjalfi at Rosvka. Sa kanilang paglalakbay ay nakilala nila ang isang higanteng si Skrymir. "Hindi ba't ikaw si Thor? Sadyang ikaw ay kilala at kinatatakutan sa lupaing ito dahil sa iyong angking lakas. Ikagagalak ko na samahan ka sa iyong paglalakbay." "Ngunit ako ay hindi basta-basta nagtitiwala lalo na sa isang higante" pag-aalinlangang sagot ni Thor. "Huwag kang mag-alala, wala akong gagawing masama, nais ko lamang kayong gabayan patungo sa inyong pupuntahan. Saan ba kayo pupunta?" "Sa kaharian ni Utgard-Loki" sagot ni Thor. "Kapag ako ay isinama niyo, tutulungan ko kayo upang makarating kayo roon nang mabilis." "Kung talagang nais mo kaming samahan, sige ako ay papayag na," wika ni Thor. Inilagay ni Skrymir ang kanilang mga gamit at pagkain sa loob ng kaniyang sisidlan at itinali ito. Sa layo ng nilakbay nila ay napagod sila kaya minabuting magpahinga muna at ituloy ang paglalakbay kinabukasan. Hindi makatulog si Thor dahil sa lakas ng paghilik ng higante. Dala ng gutom at pagod, sinubukang buksan ni Thor ang sisidlan ngunit hindi niya ito mabuksan. Nagalit si Thor kaya tatlong beses niyang pinalo nang malakas sa ulo si Skrymir gamit ang kaniyang maso na mjolnir ngunit sa tuwing nagigising ang higante ay inaakala nitong siya ay nahuhulugan lamang ng ensina at dahon sa ulo. Kinabukasan, nang magising sila ay nagpaalam na si Skrymir sa kanila. "Sa ilang sandali na lang ay mararating na ninyo ang kaharian ni Utgard-Loki ngunit huwag na huwag kayong magpapakita ng pagmamalaki sa kaniya." Habilin ng higante sa grupo nina Thor at sila ay nagpatuloy na sa paglalakbay. Sa wakas ay narating nila ang malaking kaharian ng Utgard. Bumungad sa kanila ang isang napakahabang bulwagan at sa dulong bahagi ay nakaupo sa malaking trono ang hari na si Utgard-Loki. Agad niyang nakilala si Thor. "Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo?" wika nito. Upang patunayan na sila ay mahusay sa kanilang mga angking kakayahan, hinamon niya ang mga ito. Bawat isa sa kanila ay nagsabi ng kanilang kakayahan. Sumagot si Loki. "Ako ang pinakamabilis kumain sa buong mundo at walang sinoman ang mas mabilis pa kaysa sa akin." "Kung gayon, aking itatapat sa iyo ang aking alagad na pinakamabilis kumain sa aking kaharian." Tinawag ni Utgard-Loki ang kaniyang alagad na si Logi. Pumuwesto ang dalawa sa magkabilang dulo ng isang mahabang lamesa at pinuno ito ng mga karne. Mabilis na kinain ni Loki ang karne at buto na lamang ang natira ngunit nang sila ay nagtagpo sa gitnang bahagi ng lamesa laking gulat ni Loki na walang natira ni kahit na isang buto at maging ang lamesa ay kinain ni Logi. Malinaw na si Logi ang nanalo sa paligsahan. Sumunod naman si Thjalfi. "Nais kong subukan ang aking angking bilis sa pagtakbo. Ako ang pinakamabilis tumakbo sa mga mortal." "Kung gayon, aking itatatapat ang pinakamabilis tumakbo sa aking kaharian." wika ni Utgard-Loki. Tinawag ni Utgard-Loki si Hugi. Sa unang laban, malayo ang naging agwat ni Hugi kay Thjalfi. Sa ikalawang beses ay nadikitan nito si Hugi. Naulit ito nang tatlong beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi dahil mas mabilis talaga ito kaysa sa kaniya. "Labis akong bumilib sa iyong ipinamalas na galing! Ngayon lang ako nakakita ng isang mortal na mabilis tumakbo." Magkasunod na natalo ang mga kasamahan ni Thor. "Ako naman ang iyong subukin! Wala nang mas gagaling pa sa akin sa larangan ng pag-inom!" buong pagmamalaking hamon ni Thor sa hari ng mga higante. "Mukhang ikaw nga ay sadyang mahusay Thor, kaya nais kong inumin mo ang laman ng tambuling ito. Ang aking mga alagad ay kayang-kayang lagukin ito nang dalawa hanggang tatlong lagukan at ito ay nauubos nila ngunit alam kong kakayanin mo ito dahil nga tulad ng iyong sinabi ikaw ay sadyang magaling." Ipinakuha ni Utgard-Loki ang isang tambuli na naglalaman ng alak na gawa tubig at pulot (mead). Sa unang lagok ni Thor tila ba walang nababawas sa laman ng tambuli. Ganito rin ang nangyari sa ikalawa at ikatlong lagok ngunit kaunti pa rin ang nabawas sa laman ng tambuli. "Thor, mukhang hindi ka kasinlakas tulad ng inaasahan ko" wika ng pinuno ng mga higante. Nagdilim ang paningin ni Thor sa sinabi ng pinuno ng mga higante. "Ako ay galit na! Ipapakita ko sa inyo kung gaano ako kalakas!" "Kung gayon, ipagagawa ko sa iyo ang isang madaling pagsubok. Paboritong libangan ng mga bata sa aking kaharian ang pagbubuhat sa aking alagang pusa. Hinahamon kitang buhatin mo ang aking alaga. Alam kong kakayanin mo ito dahil sadyang ikaw ay may pambihirang lakas." Wika ng higante kay Thor. Binuhat ni Thor ang pusa nang buong lakas ngunit umarko lamang ito at ang tanging naiangat lamang niya ay ang paa nito. "Ako ay galit na, hinahamon ko ang kahit na sino sa inyo na makipagbuno sa akin!" pasigaw na wika ni Thor. "Kung gayon, iyong kalalabanin ang aking matandang katulong sa larangan ng wrestling." "Ako ba ay iniinsulto mo? Hindi mo ba naisip ang maaaring mangyari sa iyong matandang katulong? Kung ikaw ay disidido sa iyong hamon, hindi ako magdadalawang-isip na ibuhos ang aking buong lakas!" Buong-buo ang kompiyansa ni Thor na kakayanin niya ang pagsubok dahil siya ang pinakamalakas na diyos sa lahat. Tinawag ni Utgard-Loki ang matandang katulong na si Elli. Kahit na ang babae ay mukhang mahina ay hindi siya nagawang pigilan ni Thor sa larangan ng pakikipagbuno. Buong lakas na nagpumiglas si Thor ngunit siya ay nanghina at napaluhod sa isang tuhod. Di-hamak na malakas ang matanda kaysa kay Thor kaya siya ay natalo. Ang tatlo ay nakahanda nang umalis, bigo at mapagkumbaba ngunit bago sila paalisin ng hari ay sinabi niya na wala sa kastilyo ang lahat ng pangyayari. Ang lahat ay mga ilusyon lamang na kagagawan ni Utgard-Loki. Si Loki ay natalo sa paligsahan sa pagkain dahil ang kaniyang kalaban ay isang mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. Ang kinalaban naman ni Thjalfi ay ang isip at walang kahit na anong aksyon ang mas bibilis pa kaysa sa kanyang isip. Si Elli na kinalaban ni Thor ay sumasagisag sa pagtanda na nagpapahina sa kahit na sino pa man. Ang tambuli na siyang ininuman ni Thor ay nakadugtong sa dagat kaya hindi niya ito nagawang maubos ngunit namangha pa rin ang hari dahil halos nasaid ang dagat dahil sa ginawang pag-inom ni Thor. Ang pusa na binuhat ni Thor ay hindi pusa kundi isang malaking ahas na miogaro na sapat ang haba para yakapin ang daigdig. "Naiangat mo ito nang mataas na halos maabot na ang langit." Si Skrymir ay si Utgard-Loki rin mismo dahil siya ay may kakayahang magbago ng anyo. Sa bawat hampas ni Thor sa kaniyang ulo ay may nabubuong lambak. "Ngayong alam na ninyo ang aking sikreto, huwag na huwag na kayong babalik. Dahil sa ipinakita mong lakas at galing, hinding-hindi ko na ulit gugustuhing makalaban ka. Ito na ang huling pagkakataon nating pagkikita. Dama ang takot sa boses ng hari habang sinasabi ito. Dahil sa mga nasaksihan ni Utgard-Loki ay natakot siya kaya bigla na lamang siyang naglaho at sa tulong ng kaniyang mahika, sinigurado niyang hindi na muli pang makabalik si Thor sa kaniyang kaharian. Sa isang iglap, naglaho si Utgard-Loki kasama ang kaniyang buong kaharian at ang tumambad sa kanila ay isang malawak na lambak. Maaaring panoorin sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=gm3SXPap1U4

Use Quizgecko on...
Browser
Browser