Unang-kapatid na Mitolohiyang Griyego (Baitang 10) PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga diyos at diyosa ng Griyego, kabilang ang kanilang mga katangian at papel sa mitolohiyang Griyego.

Full Transcript

PANALANGIN PAGTATALA SA LIBAN ALITUNTUNIN PANUNTUNAN SA KLASE Panatilihin ang katahimikan sa klase habang mayroong talakayan o kaya’y gawain. PANUNTUNAN SA KLASE Itaas ang kamay kung nais sumagot sa tanong o kung may nais linawing bagay. Huwag sumagot hanggang hindi...

PANALANGIN PAGTATALA SA LIBAN ALITUNTUNIN PANUNTUNAN SA KLASE Panatilihin ang katahimikan sa klase habang mayroong talakayan o kaya’y gawain. PANUNTUNAN SA KLASE Itaas ang kamay kung nais sumagot sa tanong o kung may nais linawing bagay. Huwag sumagot hanggang hindi tinatawag. PANUNTUNAN SA KLASE Kung mayroong katanungan wag mahihiyang magtanong. LAYUNIN Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggang teksto. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa sariling pamilya at pamayanan lipunan daigdig. LAYUNIN Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya. Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksyon, pangyayari, at karanasan. LAYUNIN Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. Naipapahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay. Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa. Nakalilikha ng rekomendasyon sa ibang mga mag-aaral bilang paglalahat sa natutunan sa aralin. Kaya kong… maisa-isa ang mga diyos at diyosa sa iba’t ibang bansa. matukoy ang kaligirang pangkasaysayan ng mitolohiya. makilala ang katangian at pagkakakilanlan ng mga diyos at diyosa sa Mitolohiya. WHOLAAN MO Zeus Siya ang pinaka makapangyarihan sa lahat at ang diyos ng langit at hari ng Olympus. Hades Siya ang diyos ng kabilang buhay o underworld. Aphrodite diyosa ng kagandahan at pag- ibig. Poseidon Siya ang kapatid ni Zeus at nakatira sa dagat. Siya ang diyos ng dagat. Bundok Olympus Ito ang bundok kung saan matatagpuan ang tahanan ng mga diyos at diyosa. MITOLOHIYA Ang mga nakitang diyos at diyosa kanina ay partikular na mga tauhang magtatagpuan natin sa anong panitikan? Mitolohiya Ano nga ba ang mga katangian ng Mitolohiya? Ang kwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang. Kadalasan ito ay naka-ankla sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit, kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip lamang, mayroong pa din itong mga nai- aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag aaral. Ilan sa halimbawa ng mga bansang may tanyag na mitolohiya ay ang mga sumusunod: MITOLOHIYANG ROMANO - ang katawan ng mga kuwentong tradisyonal na nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ng Sinaunang Roma at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. MITOLOHIYANG ROMANO MITOLOHIYANG ROMANO Jupiter- hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at panahon, pinagharian niya lahat ng diyos mula sa kanyang Palasyo na nasataas ng Bundok ng Olimpo tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako asawa niya si Juno MITOLOHIYANG ROMANO Juno- reyna ng mga diyos tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa, asawa ni Jupiter. Ang Hera ay nangangahulugang “dilag o luningning ng kalangitan” Neptune- kapatid ni Jupiter hari ng karagatan, lindol at kabayo ang kaniyang simbolo. Pluto- kapatid ni Jupiter at panginoon ng impiyerno. MITOLOHIYANG ROMANO Mars- diyos ng digmaan at buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya. Apollo- diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan. diyos din siya ng salot at paggaling. Dolphin at uwak ang kaniyang simbolo. Minerva- diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan. Kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya. MITOLOHIYANG ROMANO Diana- diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan. Vulcan- diyos ng apoy, bantay ng mga diyos Mercury- mensahero ng mga diyos. Bihasa sa paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at panlilinlang. MITOLOHIYANG ROMANO Venus- diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati ang ibong sumisimbolo sa kaniya. Vesta- kapatid na babae ni Jupiter, diyosa ng apoy mula sa pugon. MITOLOHIYANG PILIPINO - Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. MITOLOHIYANG PILIPINO MITOLOHIYANG PILIPINO Bathala - Siya ang kataas-taasang diyos ng Katagalugan. Siya ang tinatawag na Poong Maykapal noon. Sa Bisaya siya ay kilala sa tawag na Kaptan o Laon. Amanikable - Ang bugnuting diyos ng Dagat na may galit sa tao dahil sa pagtataksil ng isang babae (Maganda). Karaniwan nag-aalay sa kanya ang mga manlalakbay upang humupa ang alon sa Dagat. MITOLOHIYANG PILIPINO Lakapati - Siya ang diyosa ng Pagkamayabong (Fertility). Karaniwang nag- aalay ang mga magsasaka sa kanya upang magkaroon ng masaganang ani sa kanilang bukirin. Mapulon - Siya ang diyos ng Panahon at asawa ni Lakampati. Idiyanale - Siya ang diyosa ng Pagtatrabaho at Gawang-Kabutihan. MITOLOHIYANG PILIPINO Dimangan - Siya ang diyos ng Magandang Ani at asawa ni Idiyanale. Mayari - Siya ang diyosa ng Buwan at isa sa tatlong anak na babae ng Bathala sa isang mortal na babae. Tala - Siya ang diyosa ng mga Bituin at isa sa tatlong anak na babae ng Bathala sa isang mortal na babae. Hanan - Siya ang diyosa ng mga Umaga at isa sa tatlong anak na babae ng Bathala sa isang mortal na babae. MITOLOHIYANG PILIPINO Dumakulem - Siya ang diyos ng Kabundukan at anak ni Idiyanale at Dimangan Anitun Tabu - Siya ang diyosa ng Hangin at Ulan. Siya ay kapatid ni Dumakulem Anagolay - Siya ang diyosa ng Nawawalang Bagay. Siya ang asawa ni Dumakulem Apolaki/Adlaw - Siya ang diyos ng Araw at patron ng mandirigma. Siya ay anak ni Dumakulem at Anagolay MITOLOHIYANG PILIPINO Dian Masalanta - Siya ang Diyosa ng Pag-ibig, Kagandahan, Pagdadalangtao at Patron ng mga magkakasintahan. Siya ay isa sa mga importanteng Diyosa ng katagalugan. Sitan - Siya ang Diyos ng Kasamaan Amansinaya - Siya ang Diyos ng mga Mangingisda Galang Kaluluwa - Siya ang Diyos ng Paglalakbay at kaibigan ni Bathala. MITOLOHIYANG TSINO MITOLOHIYANG TSINO - ay ang koleksyon ng kasaysayang pangkultura, kwentong bayan, at relihiyong tradisyon na naipasa sa mahigit apat na libong taon. Ang mga kuwentong ito ay isasaysay sa pasalita o pasulat na anyo. MITOLOHIYANG TSINO Chan’ge- diyosa ng mga buwan. Jade Emperor- diyos ng tradisyunal na relihiyon at mito. Guanyin- diyosa ng kompasyon Tudigong- diyos ng pag-aalaga He Xiangu- diyosa ng Taoism nag-iisang babae sa eight immortals. MITOLOHIYANG TSINO Chan’ge- diyosa ng mga buwan. Jade Emperor- diyos ng tradisyunal na relihiyon at mito. Guanyin- diyosa ng kompasyon Tudigong- diyos ng pag-aalaga He Xiangu- diyosa ng Taoism nag-iisang babae sa eight immortals. MITOLOHIYANG TSINO Zhong Kui- diyos ng multo at Espiritu Mazu- diyos ng karagatan Nuwa- diyos ng mga ahas Nigua- isang inang diyos at bayani ng kultura. Pangu- diyos na naghiwalay sa karagatan at mundo. MITOLOHIYANG TSINO Caishen- diyos ng kayamanan Nezha- diyos ng proteksyon MITOLOHIYANG NORSE - tumutukoy sa mitolohiya ng mga mamamayan ng kanlurang alemanya, na nagmula sa paganismong norse at nagpatuloy hanggang sa maging kristiyano na ang rehiyon ng Scandinavia, patungo sa kasalukuyang modernong panahon. MITOLOHIYANG NORSE MITOLOHIYANG GRIYEGO - ang katawan ng mga mito at katuruan ng mga Sinaunang Griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga diyos at diyosa. MITOLOHIYANG GRIYEGO MITOLOHIYANG GRIYEGO GRESYA Ang mitolohiyang Griyego ang katawan ng mga mito at katuruan ng mga Sinaunang Griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga Diyos at mga Bayani. Ang mitolohiyang Griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong Gresya at sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos. Ang mga modernong skolar ay nag-aaral ng mitolohiyang Griyego upang magbigay linaw sa mga institusyong relihiyoso at pampolitika ng Sinaunang Gresya at ng kabihasnan nito. Pinag-aaralan rin ito ng mga skolar upang maunawaan ang kalikasan ng mismong paggawa ng mito. Sa simula, ang mga salaysay na ito ay pinapakalat sa Sinaunang Gresya sa isang tradisyong tulang- pabigkas. Ang mga Griyego na diyos at mga diyosa: Zeus Pinuno ng mga taga-Olympia at diyos ng langit at kidlat. Ang kanyang simbolo ay ang kidlat. Ikinasal siya kay Hera ang kanyang kapatid. Hera Reyna ng mga diyos at ikinasal kay Zeus. Siya ang diyosa ng kasal at pamilya. Ang kanyang mga simbolo ay ang peacock, pomegranate, leon, at baka. Poseidon Diyos ng karagatan, lindol, at mga kabayo. Ang kanyang simbolo ay ang trident. Siya ay at kapatid ni Zeus at Hades. Dionysus Panginoon ng alak at pagdiriwang. Patron diyos ng teatro at sining. Ang kanyang pangunahing simbolo ay ang ubas. Siya ay anak ni Zeus at ang bunsong Olympian. Apollo Griyego na diyos ng archery, musika, ilaw, at hula. Simbolo niya ang araw, bow at arrow, at ang alpa. Ang kambal niyang kapatid ay si Artemis. Artemis Diyosa ng pamamaril, archery, at mga hayop. Simbolo niya ang buwan, bow at arrow, at ang usa. Ang kanyang kakambal na si Apollo. Hermes Diyos ng komersyo at magnanakaw. Si Hermes din ang mensahero ng mga diyos Simbolo niya ang mga pakpak na sandalyas Hermes at ang caduceus (na isang kawani na may dalawang ahas na nakabalot dito). Ang kanyang anak na si Pan ay diyos ng kalikasan. Athena Griyegong diyosa ng karunungan, pagtatanggol, at digmaan. Ang kanyang mga simbolo ay ang bukaw at sanga ng oliba. Siya ang patron na diyos ng Athens. Ares Diyos ng Digmaan. Ang kanyang mga simbolo ay ang sibat at kalasag. Anak siya nina Zeus at Hera. Aphrodite Diyosa ng pag-ibig at kagandahan. Simbolo nya ang kalapati, swan, at rosas. Siya ay kasal kay Hephaestus. Hephaestus Diyos ng apoy at Panday. Kasama sa kanyang mga simbolo ang apoy, martilyo, anvil, at asno. Siya ay ikinasal kay Aphrodite. Demeter Diyosa ng agrikultura at mga panahon. Simbolo niya ang trigo at baboy. Hades Si Hades ay itinuturing panganay na lalaki nina Kronos at Rhea, siya ang Diyos ng mga patay at kamatayan. Natanggap ni Hades ang Mundong Ilalim, si Zeus ang langit, at Poseidon ang dagat. Nagawa kong… maisa-isa ang mga diyos at diyosa sa iba’t ibang bansa. matukoy ang kaligirang pangkasaysayan ng mitolohiya. makilala ang katangian at pagkakakilanlan ng mga diyos at diyosa sa Mitolohiya.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser