IBA-PANG KONSEPTONG PANGWIKA (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by CalmPrehistoricArt
Liceo de Cagayan University
Tags
Related
- Singkroniko at Diyakronikong Linggwistiks PDF
- Aralin 3_Nasyonalismo, Rehiyonalismo, at Imperyalistang Tagalog PDF
- "METAMORPOSIS" (TAGALOG, PILIPINO, FILIPINO) PDF
- Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa PDF
- PANIMULANG LINGGWISTIKA MIDTERM REVIEWER PDF
- KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK-REVIEWER (FINALS) PDF
Summary
These lecture notes cover various linguistic concepts in the Tagalog language, including bilingualism, multilingualism, registers, dialects, and other related topics.
Full Transcript
IBA PANG KONSEPTONG PANGWIKA YUNIT 2 Matatawag mo ba ang sarili na bilingguwal o multilingguwal? Paano? Bilingguwalismo at Multingguwalismo ARALIN 1 Bilingguwalismo malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pakikipagtalastasan. Bilingguw...
IBA PANG KONSEPTONG PANGWIKA YUNIT 2 Matatawag mo ba ang sarili na bilingguwal o multilingguwal? Paano? Bilingguwalismo at Multingguwalismo ARALIN 1 Bilingguwalismo malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pakikipagtalastasan. Bilingguwal - sinumang tao na may kakayahang gumamit ng dalawang wika. Karamihan sa mga Pilipino ay Bilingguwalismo. Patakarang Bilingguwal Itinatatag ng Ikatlong Republika matapos ang digmaan. Ang mga asignatura ay nahati sa dalawang pangkat – iyong mga ituturo gamit ang wikang Pambansa (Filipino) at iyong mga ituturo sa wikang Ingles. Ang bilingguwal na sistema ng edukasyon ay nagsimula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Sa UP, pinayagan ang mga guro at mag- aaral na mamili kung Ingles, Pilipino, o Tagpo 1 parehong wika ang gagamitin sa pag- 196 aaral ng anumang kurso mula sa unang baitang hanggang sa kolehiyo. Hindi rin nilimitahan ang paggamit ng Ingles 6 lamang sa Matematika at Agham, at paggamit ng Pilipino sa Kasaysayan. Ang patakarang bilingguwal ng Tagpo 1 UP ang naging batayan ng isang pambansang patakaran 196 sa wikang panturo sa Pilipinas. 6 Noong 1974, inilabas noon ng Department of Education, Culture, and Tagpo 2 Sports (ngayon ay Department of 197 Education o DepEd) ang polisiya sa bilingguwal na edukasyon. 4 Mga Layunin ng Polisiya: Mapahusay ang pagkatuto at makamit ang may kalidad na edukasyon Mapalaganap ang Pilipino bilang wika ng literacy Mapaunlad ang Pilipino bilang simbolo ng Tagpo 3 pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa 197 Mapayabong ang Pilipino bilang wika sa mga diskursong pang-iskolar tungo sa intelektuwalisasyon ng wikang 4 pambansa Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika at hindi ekslusibong wika para sa agham at teknolohiya Isinama sa kurikulum ng kolehiyo o tersiyarya ang Tagpo 4 pagtuturo ng Ingles at Pilipino. 197 Ito ay nakasaad sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 50, s. 1975. 5 Isinaad sa Pambansang Konstitusyon ng 1987 ang Tagpo 5 tungkulin na manguna at mapag- ibayo ang paggamit ng Filipino 198 bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo 7 sa bansa. Inilabas ng Commision on Higher Education o CHED ang Binagong Tagpo 6 Kurikulum sa Pangkalahatang Edukasyon na ipinatupad noong 1997- 199 1998. Ito ay nakasaad sa Kautusang Memorandum Blg. 59. 6 Isinama sa iba’t ibang Tagpo 7 programang hindi gradwado ang asignaturang Filipino at 199 Ingles upang higit pang mapalakas ang dalawang wika. 6 Multilingguwalismo higit sa dalawang wika ang ginagamit ng tagapagsalita sa pakikipagtalastasan, pagtuturo, at pag-aaral. Ang mga taong kagaya nila ay tinatawag na multilingguwal. Multilingguwalismo Sa Pilipinas, kapag sinabing multilingguwal ka, maaaring marunong kang gumamit hindi lamang ng wikang Filipino at wikang Ingles, gayundin ng isa o higit pang wikang katutubo. Batay sa mga pag-aaral, nagiging multilingguwal ang isang tao dahil sa ekonomiya at migrasyon, modernisasyon, edukasyon, politikal na dahilan, at pananakop. DepEd Order 16, s. 2012, kung saan nakasaad na 12 wika ang DepEd Order 28, s. 2013, na gagamitin sa mga rehiyon bilang asignatura naglalaman ng karagdagang pito pang wika at wikang panturo. Tagalog Kapampangan Pangasinense Ybanaq Iloko Ivatan Bikol Sambal Cebuano Akianon Hiligaynon Kinaray-a Waray Yakan Tausug Surigaonon Maguindanaoan Maranao Chavacano Homogenous at Heterogenous na Wika ARALIN 2 Homogenous mula sa mga salitang Griyego na homo, na nangangahulugang "isa;" at genos, na nangangahulugang "uri” o “lahi." Ang kalikasang ito ay tumutukoy sa mga katangiang taglay ng lahat ng wika anuman ang pinagmulan at kultura ng pamayanang pinag- usbungan nito. Homogenous Ang homogeneous na kalikasan ng wika ay may mga katangiang unibersal o tinataglay ng lahat ng wika. Ang mga ito ay ang sumusunod: arbitraryo (panahon, konteksto, gumagamit) dinamiko bahagi ng kultura may sariling kakanyahan Heterogenous mula sa mga salitang Griyego na hetero, na nangangahulugang "magkaiba," at genos, na nangangahulugang "uri” o “lahi." tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika bunga ng paggamit ng iba-ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, edad, kasarian, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pa. Register at Barayti ng Wika Heterogenous Permanenteng Pansamantalang Barayti ng Wika Barayti ng Wika Dayalektong Dayalektong Dayalektong register Heograpikal Temporal Sosyal uri edad estilo kasarian midyum PERMANENTENG BARAYTI NG WIKA DAYALEKTONG DAYALEKTONG DAYALEKTONG HEOGRAPIKAL TEMPORAL SOSYAL Barayting bunga ng panlipunang uri, Barayting bunga ng Barayting bunga ng edukasyon, trabaho, panahon kung kailan lugar kung saan edad, kasarian, at iba ginagamit ang wika isinilang o nakatira pang panlipunang ng tagapagsalita. ang tagapagsalita. sukatan ng tagapagsalita nito. PANSAMANTALANG BARAYTI NG WIKA REGISTER ESTILO MIDYUM Ang register ng wika Ang daluyan ng wika Tumutukoy ito sa ay ginagamit kapag na siyang nagdidikta pormal o kolokyal na kailangang pag- kung pasalita o pamamaraan ng pag- usapan ang isang pasulat isasagawa uusap. tiyak na disiplina o ang pagpapahayag ng larangan. wika. ALAM MO BA? Ang wika ay namamatay o nawawala kung … ✔Hindi na ginagamit at nawala na ang pangangailangan dito ✔Marami nang tao ang nadayuhan sa isang lugar at napalitan na ng mga salitang dala nila ✔May mga bagong salitang umusbong na higit na ginagamit ng mga tao Barayti ng Wika pagkakaiba-iba ng wika ayon sa katangian ng nagsasalita, lipunang kinabibilangan, at heograpikong komunidad. Isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng baryasyon ng wika ay dahil bunga ito ng pangangailangang tumugon sa hinihingi ng iba-ibang sitwasyon o konteksto. Ang paggamit ng wika sa partikular na konteksto ay nakabatay rin sa mga alituntuning sinusundan ng grupo o komunidad na gumagamit ng wika. dayalekto barayti ng wikang nabubuo sa heograpikal na dimensiyon. Hindi ito hiwalay na wika, nagkakaiba lamang sa punto, bokabularyo, at sintaks. Ang mga salitang ginagamit ng tao ay nakabatay sa pang-araw-araw nilang gawain at pamumuhay na mahigpit namang nakaugnay sa kapaligirang kanilang kinikilusan. dayalekto Tagalo g Tagalog-Batangas Tagalog-Quezon Tagalog-Rizal Tagalog-Cavite HAL: Maynila: Magandang Umaga! Cebuano: ______________________ _______: Maupay na aga! dayalekto KAPALIGIRAN KATANGIAN Malapit sa Dagat Sa Kabundukan Mga salitang may Mga salitang may Bokabularyo kinalaman sa dagat at kinalaman sa pagtatanim pangingisda o sa kagubatan Malakas dahil sa ingay ng Mahina at mahinahon Paraan ng Pagsasalita paligid dahil sa tahimik na paligid sosyolek Ayon kay Ocampo (2002) ito ay baryasyon ng wikang ginagamit sa speech communities ayon sa uri, edukasyon, pinagkakakitaan, edad, at iba pang panlipunang sukatan. Kung gayon, ang mga taong may parehong interes ay posibleng magkatulad ang wika. Gayundin ang mga taong nasa parehong antas ng pamumuhay, parehong propesyon, at parehong kasarian. sosyolek MGA HALIMBAWA: Mas mayaman sa mga salitang may kinalaman sa teknolohiya ang wikang ginagamit ng kabataan kaysa wikang ginagamit ng matatanda. Lumilikha ng sariling mga terminolohiya ang mga bakla. Ang mga salitang ito ay nagiging bahagi ng kanilang wika na tinatawag na Gayspeak o Bekimon. Karaniwang maririnig ang mga bulgar na salita sa mga tambay sa kanto, mapababae man o mapalalaki. Maiingay rin silang mag-usap, lalo na sa tuwing nagkakatuwaan. sosyolek MGA HALIMBAWA: Ang mga gamer ng mga computer games ay may mga salitang sila lamang ang nagkakaintindihan. Maraming bagong salita na ginagamit ang mga kabataan maliban pa sa mga salitang panteknolohiya. Ang mga salitang ito ay hindi alam ng matatanda. Ang grupo ng mga aktibista ay may sarili nilang wika. Mayroong mga salita silang ginagamit na naglalarawan sa kanilang mga ipinaglalaban at pinaniniwalaan. idyolek Ang personal na paraan ng paggamit ng wika. Nakabatay ito sa indibiduwal na katangian ng taong gumagamit nito. Katulad ito ng fingerprints na natatangi at walang katulad. Ayon muli kay Ocampo (2002), ang tinig at pisikal na kalagayan ang mga dahilan ng idyolek ng tao. Paano niyo sila nakikilala ? idyolek MGA HALIMBAWA: Parehong broadcaster sina Rey Langit at Noli de Castro. Ngunit hantad na hantad na pagkakaiba-iba ng kanilang pagsasalita. Makapal, malaki, at tila malamig ang boses ni Rey Langit. Mahahaba at may diin ang dulo ng ibang salita na binibigkas ni Noli de Castro. Matapang at mapanghamon kung magsalita ang magkakapatid na Tulfo sa kani- kanilang programa sa telebisyon. Malambing at mahaba ang pagbigkas ni Kris Aquino sa kaniyang mga salita. Jargon tawag sa espesyal na wika ng isang partikular na larangan. Mayroong register ng wika ang iba-ibang propesyon, at nakikilala ito ayon sa larangan o field na kinabibilangan nito. TANDAAN Nakikilala ang jargon na wika ayon sa larangan o field. Ang mga nagsasalita sa bawat larangan ang bumubuo sa mga bokabularyong mayroon ang bawat larangan. Sa kabilang banda, nakalilimutan din ang mga terminong hindi na madalas gamitin, o napapalitan ng mas kilalang katawagan sa paglipas ng panahon. “bato” LARANGAN/PROPESYON KAHULUGAN Pulis Droga Mamahalaging bato na Alahera nasa alahas Atleta Mga masel ng katawan Bahagi ng lamang-loob Doktora (kidney) Register Naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Register Pormal na tono o pananalita kung ang kausap ay taong may mas mataas na katungkulan, nakatatanda, o hindi masyadong kakilala. Di pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap mga kaibigan, malalapit na kapamilya, mga kaklase, o mga kasing-edad. Register Guro Miyembro ng Punongguro Admnistasyon Kapwa guro Mag-aaral Pidgin at Creole Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o “nobody’s native language’ Nangyayari ito kapag may 2 taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika. Dahil dito, nagkakaroon ng makeshift language. Pidgin at Creole Hal: Sa kaso ng mga Espanyol at katutubo ng Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may pinaghalong Espanyol at wikang katutubo. Wala itong pormal na estruktura. Pidgin at Creole Ang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Ito ngayon ay tinatawag na creole. Pidgin at Creole Hal: Ang sinimulang wika ng mga Espanyol at wika sa Zamboanga ay naging unang wika ng batang isinilang sa lugar na tinawag na Chavacano. Una at Ikalawang Wika ARALIN 3 Unang Wika (L1) tawag sa wikang unang natutuhang gamitin ng isang tao magmula sa kaniyang pagkabata o sa isang kritikal na yugto ng pagkatuto hanggang sa umabot sa puntong bihasa na siyang gamitin ang wikang ito. Maaaring ang unang wika ay katutubong wika ng lipunang ginagalawan o kaya naman ay wikang banyaga na ginagamit naman sa loob ng tahanan. MTB-MLE Inilabas ng Department of Education ang DepEd Order 28, s. 2013 na may kabuuang 19 na wikang panturo alinsunod sa pagtuturo ng unang wika. MTB-MLE Layunin ng MTB-MLE na ang lahat ng mga bata ay mahusay nang magsulat at magbasa pagsapit ng unang baitang. Ang pag-aaral ay dapat simulan gamit ang unang wika at magkakaroon lamang ng transisyon sa katulong na wika, partikular ang Filipino at Ingles. Pangalawang Wika (L2) tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos maging bihasa sa kaniyang unang wika. Ito ay nauunawaan ng mga taong nasa komunidad na kinabibilangan niya kung saan ginagamit ang pangalawang wika bilang opisyal na gamit sa komunikasyon, edukasyon, pakikipagkalakalan, at iba pang gawain. TANDAAN Ang mga nabanggit na perspektiba ay dumaan sa proseso ng obserbasyon at pag-aaral kaugnay ng pag- aaral ng pangalawang wika. Ang unang wika at pangalawang wika ay hindi lamang mga konsepto, ngunit mga kongkretong penomenon na siyang humuhubog hindi lamang sa pagkatuto ng mga mag-aaral ngayon. Ito rin ang nagpapausad sa pag-unlad ng bansa sa kinabukasan.