Malayuning Komunikasyon GED 2 PDF
Document Details
Uploaded by WieldySymbol
Tags
Summary
These notes cover the topic of Malayuning Komunikasyon, focusing on the Filipino language and related concepts. The notes discuss different aspects of the language, including its structure, usage, and various linguistic theories.
Full Transcript
Dr. Carl E. Balita Review Center CBRC Headquarters 2nd Flr., Carmen Building, 881 G. Tolentino St. corner España Blvd., Sampaloc, Manila 1008 Academics and Servi...
Dr. Carl E. Balita Review Center CBRC Headquarters 2nd Flr., Carmen Building, 881 G. Tolentino St. corner España Blvd., Sampaloc, Manila 1008 Academics and Services Department (ASD) LET Review Program Malayuning Komunikasyon Wika Kahulugan ng Wika WIKA ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit ng tao sa komunikasyon na kabilang sa partikular na kultura. -HENRY GLEASON Dagdag impormasyon: 1. Monolinggwal– isang wika lamang ang alam ng isang tao. 2. Bilinggwal– taong marunong magsalita ng dalawang wika 3. Multilinggwal- taong marunong magsalita ng higit sa dalawang wika at nauunawaan ang agham ng wika na iyon. 4. Polyglot– mahigit sa tatlong wika ang ginagamit ng isang tao 5. Linggwistika– maagham na pag-aaral ng wika 6. Linggwista– taong nag-aaral ng wika Linggwistika maagham na pag-aaral ng wika PONOLOHIYA- pag-aaral ng makabuluhang ponema. MORPOLOHIYA- pag-aaral ng salita SINTAKSIS- pag-aaral sa ugnayan ng mga pangungusap SEMANTIKA- pag-aaral sa kahulugan PRAGMATIKS- Pag-aaral sa praktikal na gamit ng salita ORTOGRAPIYA- paraan ng pagsulat May inilahad pa rin si Eastman (1982) kaugnay sa paraan ng pagpili ng wika. Sa katunayan, may sampung kategorya kung saan maaaring makapamili ng isang wika na sasailalim sa estandardisasyon (Constantino, 1996.) 1. Indigeneous Language – Wikang sinasalita ng mga sinaunang tao na nakapanirahan sa isang lugar. 2. Lingua Franca – Wikang gamitin ng mga taong may magkaibang unang wika na may tiyak na layunin sa paggamit. 3. Mother Tongue – Wikang naakwayr mula sa pagkabata. 4. National Language –Wikang ginagamit sa politika, sosyal at kultural na pagkakakilanlan. 5. Official language –Wikang ginagamit sa transaksyong pampamahalaan. 6. Pidgin – (Nabuo sa pamamagitan ng paghahalu-halo ng wika) Wikang kadalasang ginagamit ng mga taong may magkaibang pinagmulang wika. 7. Regional Language – Komong wika na ginagamit ng mga taong may magkaibang wikang pinagmulan na naninirahan sa isang partikular na lugar. 8. Second Language –Wikang natutunan bilang karagdagan sa unang wika. 9. Vernacular Language –Wika ng isang sosyal na grupo na nadomina ng ibang wika. 10. World Language – Wikang ginagamit sa malawak na saklaw ng mundo. ANTAS NG WIKA Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. 1.Pormal – Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami. -Pambansa. -Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan -Mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasasahing ipinalalabas sa buong kapuluan at lahat ng paaralan -Ang wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag- aral. Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan -Pampanitikan o panretorika. -Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. -Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Pambansa- Kapatid Pampanitikan- Kapusod 2. Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. -Lalawiganin (Provincialism) -Mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito. -May kakaibang bigkas at tono Halimbawa: Ina- Pambansa Mamay- Bikol Iloy- Bisaya Nanang-Ilokano -Kolokyal (Colloquial) -Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi. Halimbawa: Pormal- Aywan Impormal- ewan -Balbal (Slang) -Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. -Una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw maganda pakinggan -Kilala rin bilang salitang kanto o salitang kalye Halimbawa: Pormal- Tatay/Ama Balbal- Erpat -Bulgar Ito ang mga pagbaba sa moral ng isang tao. Halimbawa ay mga mura tulad ng put*ng ina mo atbp Dahilan kung bakit TAGALOG ang wikang Pambansa 1. Ito ay ginagamit sa sentro ng kalakalan. 2. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Ang tagalog ay binubuo ng 30, 000 salitang-ugat at 700 na panlapi. 3. Ito ang may pinakamaunlad na panitikan 4. Ito ang wikang ginagamit ng nakararami. 5. Madaling pag-aralan, matutuhan at bigkasin ito. 6. Ito ay may kahalintulad na wika sa iba. Opisyales sa pagpili ng Wikang Pambansa Mga Opisyales -Jaime C. Veyra (Visayang Samar), Tagapangulo -Cecilio Lopez (Tagalog), Kalihim at Punong Tagapagpaganap -Santiago A. Fonacier (Ilokano), Kagawad -Filemon Sotto (Visayang Cebu) Kagawad - di nakaganap ng tungkulin dahil sa kapansanan -Felix Salas-Rodriguez (Visayang Hiligaynon), Kagawad Casimiro F. Perfecto (Bikol), Kagawad -Hadji Butu (Muslim), Kagawad – di nakaganap ng tungkulin dahil sa maagang pagkamatay. Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga sumusunod na kagawad: -Lope K. Santos (Tagalog), pinalitan ni Iñigo Ed. Regalado -Jose I. Zulueta (Pangasinan) -Zoilo Hilario (Kapampangan) -Isidro Abad (Visayang Cebu) Mga Larangang Pangwika at ang Intelektuwalisasyon ng Filipino Ang mga Larangang Wika na Nagkokontrol (Controlling Domains Of Language) Katangian: 1. “nagdidikta” ng wika at ng rehistrong gagamitin sa larangan; 2. Nangangailangan ng pagbabasa at pagsusulat; 3. Nangangailangan nang paggamit ng wikang natutuhan sa paaralan lalo sa mas mataas na institusyon ng pag-aaral. Kabilang dito ang: 1. Pangasiwaang pampamahalaan 2. Agham, teknolohiya, at industriya 3. Edukasyon (elementarya, post-secondary na bokasyonal at teknikal, tersiyarya, gradwado) Hal.: pagtatanggol sa pagpapanatili ng wikang Filipino hanggang kolehiyo 4. Mga propesyon Ang mga wika sa mga larangang nagkokontrol ay ang wikang kadalasang higit na gusto ng mga tao dahil ito ang pangunahing wika sa mga gawain Ito ang wika para sa hangarin ng pagsulong na sosyo-ekonomiko at pangkarunungan Sa Pilipinas, ang wikang iyon ay Ingles Layunin na palitan ng Filipino ang Ingles sa mga nagkokontrol na larangang pangwika Ang Nagkokontrol nang Bahagya sa mga Larangang Pangwika (Semi-Controlling Domains of Language) Katangian: 1. Nangangailangan ng paggamit ng isang partikular na wika subalit hindi sa paraang kasinghigpit ng mga nagkokontrol ng larangang pangwika 2. Ipinapahintulot nito ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawain ng larangan nang hindi kailangang nagpapakadalubhasa sa pagsusulat Ang Di-Nagkokontrol na mga Larangang Pangwika (Non-controlling Domains Of Language) Halimbawa: 1. Tahanan 2. Lingua Franca Ano nga ba ang Teorya? Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng lubos. MGA IBA’T IBANG MGA TEORYA NG WIKA 1. Teoryang Bow-wow- Tunog na nalilikha ng mga hayop at ng kalikasan gaya ng ihip ng hangin. 2. Teoryang Ding-dong- Sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng tik- tok ng orasan. 3. Teoryang Pooh-pooh- Matinding damdamin bunga ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan. 4. Teoryang Tarara Boom De Ay- Tunog na bunga ng mga nilikhang ritwal ng mga sinaunang tao. 5. Teoryang Sing-song- Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami 6. Tore ng Babel- Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-9 na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita, 7. Teoryang Yo He Yo- Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal. 8. Teoryang Ta-ta- Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa. 9. Teoryang Jean Jacques Roussea- Ang kalayaan ng tao ang nagtulak sa kanya na lumikha ng wika. Ang unang wika ay magaspang at primitibo. 10. Teoryang Aramean- Sinaunang tao na nanirahan sa Syria at Mesopotamia na ang wika ay ARAMAIC na nagmula sa Afro- Asiatic Timog- Silangang Kanluran ng Asya. 11. Teoryang Mama Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother. 12. Teoryang Hey you! Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak. 13. Teoryang Coo coo Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid. 14. Teoryang Hocus Pocus Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. 15. Teoryang Eureka! Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.